Skip to playerSkip to main content
#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At sa punto po ito, mga kakapanayam natin si Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro.
00:06Yusek Castro, magandang umaga. Si Pierre Canghel po ito.
00:09Yes, good morning, Pia. Good morning sa lahat ng mga kababayan natin. Nakikinig at tanunod sa inyo.
00:14Yusek, good morning. At ang unang tanong po namin, nasaan po ang Pangulo ngayon?
00:18Nakamonitor po siya? Kinututukan ba niya yung mga pangyayari po ngayon?
00:22Opo, nakamonitor naman po siya.
00:24Kasi ito, ang pangyayari po ngayon ay isang malaking event at kinakailangan din pong magmonitor ng Pangulo.
00:31Hindi para lamang sa mga pagbabanta, di umano ng iba, ang disabilisasyon.
00:36But siyempre, kailangan niya madinig kung ano ba yung mga nais pa ng mga kababayan natin na magawa ng gobyerno.
00:44Yusek, ang Pangulo ba sa punto ito ay nababahala kapag nakikita niya na may mga ganitong klaseng pagtitipon?
00:51Sa punto po ito, hindi naman po nababahala ang Pangulo.
00:55Alam po niya, marami sa kababayan natin ang naniniwala sa gobyerno at nakikita po ng mga karamihan nating mga kababayan
01:02kung ano na ang ginagawa ng gobyerno para mapanagot ang mga sangkot.
01:07So, hindi po nababahala.
01:08Pero siyempre po, naghahanda sa anumang eventuality.
01:11Oo. Yusek, hindi po lingid sa kalaman namin na sinuportahan ng Pangulo ng INC noong nakarang eleksyon.
01:20Paano niyo po ilalarawa ng relationship ngayon ng liderato ng INC at ni Pangulo Marcos?
01:27Tingin po natin, pinakita naman din po ng mga miyembro ng INC na sila po ay laban sa korupsyon.
01:34At siyempre din naman po ang daan na tinutungo ng Pangulo.
01:36So, hindi po tayo naniniwala na hindi naman susuportahan ng INC ang ginagawang ito ng Pangulo.
01:42Meron po ba ang efforts na magkaroon ng discussion or pag-uusap sa pagitan ng liderato ng INC at ng Pangulo?
01:50Wala naman po sa kanila na mamagitan na anumang negatibo.
01:55Dahil hindi naman nila mismo, Pangulo, ang direksyon ng kanilang mga rally, kundi yung korupsyon mismo.
02:03So, may mga pag-uusap. Siguro po naniniwala naman po ang INC kung ano yung ginagawa ng Pangulo ngayon para masupo ang korupsyon sa bansa.
02:13Oho.
02:15Yusek, balikan po natin yung mga pangyayari nitong mga nakalipas na dalawang araw lang po.
02:20Kahapon at nung Biyernes po.
02:22Although sinabi na po ni Pangulong Marcos na ayaw na niyang patulan pa o magbigay ng pahayag doon sa mga naging statement ni dating Congressman Zaldico
02:33na nag-uugnay sa kanya sa mga kickback at budget insertions.
02:37Pero ano po ba ang assessment o tugon ng palasyo sa mga pinakahuling pahayag ni dating Congressman Zaldico?
02:45Nakahapon po, naglabas pa po siya ng mga larawan, ng mga mali-maleta na may laman o manong mga perang i-deliver po.
02:52Opo, lalo po siyang lumulubog sa kumunay ng kasinungalingan itong si Zaldico.
02:58Kasi sa bawat salita na bumibitaw at binibitawan ng kanyang bibig,
03:03mas lalong nakikita kung gano'n ba kasinungaling o yung kanyang mga kasinungalingan.
03:08At lumalabas na parang siyang nagpapagamit sa mga taong gustong pabagsaking ang gobyerno.
03:14Bakit natin nasabi yan?
03:15Yung mga salita po niya kasi na dapat na siya po ay inutusan na magkaroon ng 100 billion na insertions.
03:23Samantalang nasa kapangyarihan po ng ehipotibo na gumawa ng proposed budget.
03:29So bakit kailangan tapikin pa siya para i-dagdag yung 100 billion na insertions?
03:33And at the end, itong 2025 budget po, 194 billion pa po ang binito at tinatanggal ng Pangulo.
03:42Parang napaki-illogical naman to na magpapadagdag na 100 billion na insertions,
03:48pero tatanggalin ng Pangulo ang 194 billion mula sa 2025 budget.
03:55Pangalawa, hindi po kasi wala po sa kapangyarihan ng Pangulo.
04:01Ang pagka po ang usapin ay nasa BICAM conference na.
04:05Dapat alam niya po yan, mukhang nakalimutan niya po.
04:08Yung bumuanong kanyang script ay mukhang nakalimutan ng katotohanan.
04:11At yung mga maletang pinakita niya unang-una, kahit po kayo, kayo yung mga journalist,
04:16at makanuri naman po ang lahat ng mga journalist natin dito sa bansa.
04:20Sa maleta, wala po kayo nakita ang anumang ibedensya kundi maleta.
04:24At sana masuri niyo po yung mga dates na nakalagay dyan sa kanyang video.
04:30Minilagay po siya na 2024.
04:32Sa ating January 2024 hanggang November 2024,
04:34ay may mga maleta daw na pinadala.
04:36Ang mga tao niya.
04:38Hindi pa nga po personal na nanggaling sa kanya kundi daw sa mga tao niya.
04:42So in other words, kung ang sinabi niya sa unang niyang video,
04:46ay nag-usap sila para sa 2025 budget.
04:50Nung mag-uumpisa ang BICAM conference.
04:52Eh nag-uumpisa po yung BICAM conference noong November 2024.
04:56So, papaano po man ang sabi na nagkaroon na po ng bigay ng maleta
05:01kung 2025 budget ang pag-uusapan?
05:06At papaano mangyayari yun kung January 2024 hindi pa po nag-start yung BICAM conference?
05:13At kung sinabi naman niya, jajaan sa video,
05:16meron date din na maleta mga January 2025, March, and May 2025.
05:21So, papaano rin pong mangyayari yun kung January 13 pa lang,
05:25May 2025, ay hindi na pong siya head ng Appropriations Committee.
05:30Hindi na siya chair.
05:31So, saan manggagaling yung kanyang power?
05:34At kung siya yung natanggal, ibig sabihin po, di ba, wala na pong tiwala sa kanya.
05:37Ang mga kasamahan niya.
05:39So, saan manggagaling yung kanyang kapanggiran para magpadala ng mga maleta mo ito?
05:43So, marami pong inconsistency sa kanyang mga sinasabi.
05:45Hindi na itutugma-tugma yung mga salitaan niya
05:48doon sa mga sinasabi niya, mga pictures na nakasama doon sa kanyang video.
05:53Oo.
05:54So, Yusek, kasi ang binabanggit po ninyo parang may mga butas, no?
05:58O parang pagdating doon sa timeline na iprinisinta ni dating Congressman Zaldico.
06:04So, kapag sinili po ito, kasi, although ito nabanggit rin ni Blue Ribbon Committee Chairman
06:10na Sen. Ping Lakson na kung sakali man, no, na magkakaroon ng insertion ng Pangulo,
06:14saang punto ba dapat usually nagkakaroon ng insertion?
06:19Kapag ang Pangulo ay may gustong ilagay sa budget, ito po ba sa NEP po talaga?
06:23Wala po ako nakikita sa ngayon na kainakailangan magkaroon ng insertion ang Pangulo
06:28dahil meron po silang kapangyarihan gumawa ng proposed budget.
06:32Ba't hindi nalang ilagay doon sa NEP?
06:34Oo.
06:35Okay.
06:35Di po ba? Kung na-insertion siguro po, mangyayari dyan,
06:38baka po may mga projects na biglaan na hindi nasabi,
06:41but as far as I go, hindi po kinakailangan kasi inaaral niya po yung budget,
06:46ilang buwan pong aarali niyan, tapos magpapa-insert ka lang.
06:49Oo.
06:49So, di ipasok na lang agad sa NEP, baka kailangan na insertions pa.
06:54So, lumalabas po dito yung insertions hanggagaling muna mismo sa Kongreso,
06:59hindi sa OP, hindi po sa Ejeco TV.
07:03Yusek, ang sabi po kasi rin ni dating Congressman Zaldico sa kanyang mga pahayag,
07:07nung SONA pa lang, balak na raw niyang bumalik na Pilipinas,
07:12pero ang Pangulo daw ang nagsabi na huwag muna siyang bumalik
07:15at alagaan siya, tapos ang sinasabi niya ngayon,
07:19hindi siya ang ginawang, kumbaga, scapegoat or poster boy ika nga.
07:23So, nang marinig ito ng Pangulo, ano ba ang reaksyon po dito?
07:28Ah, ganito yan, Tia, no.
07:31Sa nakita natin at nadinig natin sa video at nabasa ko naman yung transcript na yan,
07:36hindi naman ang Pangulo ang nagsabi sa kanya.
07:38Ang sabi ni Zaldico, sinabi, di umano sa kanya ni Speaker Romualdez.
07:43Di ba? Stay out of the country.
07:46So, walang personal silang usapan, hindi na karoon ng komunikasyon,
07:51si Zaldico sa Pangulo.
07:53Pangalawa, hindi po ba dapat siya muna ang magpakita ng ebidensya
07:57ang nangyari yung mga ganyang kaganapan bago kami mag-react?
08:00At tangatlo, di ba dapat ipakita niya nasa'n yung threat sa buhay niya?
08:05Nasa'n yung ebidensya na nangangani bang kanyang buhay?
08:08So, hindi pwede mag-react kasi dapat siya muna yung mga pakita ng ebidensya.
08:13Pero, Yusek, bago pa nangyari lahat na ito,
08:16bago pa isiniwalat ni Pangulong Bambong Marcos
08:19sa kanyang State of the Nation address nitong July,
08:22yung anya yung mga anomalya sa mga flood control project,
08:26nagkakaroon po ba talaga ng direct communication
08:29sa pagitan ni dating Corxman Zaldico at ng Pangulo?
08:32Ganoon po ba yung nature ng kanilang relationship na sila'y direct ang nag-uusap?
08:37Wala akong alam na meron silang direct yung usapan.
08:40Tingnan natin ha, kung titignan niya lahat yung kanyang sinabi sa video,
08:45sinong kausap niya, di umano, na nag-gusto ng 100 billion insertions?
08:50According to him, si Sekretary Mina, hindi Presidente.
08:54Biglang sinabi niya, gusto niyang itanong,
08:56sinong kausap niya, di umano, si Yusek, Adrian Bersamin.
09:01Tumunod, ang nag-report siya, sinabi niya, si Speaker Romualde.
09:04Sa lahat ng mga sinabi niya, wala siyang communication sa Pangulo.
09:08Wala.
09:10So hindi siya lagyan ng kaklo.
09:12Hindi siya lagyan ng kaklo.
09:13Wala.
09:14Yusek, very serious accusations po ang ibinato ni former Congressman Zaldico
09:20kaya Pangulong Bambang Marcos.
09:22At alam ko sinabi po ninyo,
09:24dapat bumalik dito si Congressman Zaldico para panumpaan yung salaysay.
09:28Pero ano po ba ang mga susunod na hakbang ng Pangulo tungkol dito?
09:32May balak po ba siyang magsampa rin ang kaso?
09:35Because I mean, these are very serious accusations.
09:38Okay, gano'n ito ha.
09:39May serious accusations siya,
09:41pero hindi na baliwala ng Pangulo yung kanyang sinasabi
09:45kasi wala talaga itong basihan.
09:49So siguro kung seryoso ito, dapat may mga ebidensya na siya.
09:52Kaya sabi nga natin, kumatapang naman siya talaga.
09:55At siya naman ay sinasabi niyang walang kasalanan
09:58at siya ay yung pinakamalinis na napagbibintangan ngayon.
10:03Mas maganda po talaga na siya ay umuwi at panumpaan niya yung sinabi niya.
10:07Kasi mahirap po na matanong siya.
10:10Mahirap na tanongin ang kanyang kredibilidad
10:13nang wala siya dito.
10:15Ang tayo lang ay sumasagot dahil sa kanyang mga nasabi
10:19at yun yung nade-debunk natin, nare-refute natin.
10:25Pero mas maganda kung harap-harapan na ma-re-refute yung kanyang mga sinabi.
10:30Yusek, kahapon po nagkaroon din po ng mga panawagan
10:34mula halimbawa sa grupo ni Kiko D.
10:37Nasabi po nila na kung ang Pangulo ay kasama na daw sa mga inaakusahan,
10:41paano daw matitiyak na magkakaroon pa ng patas na investigasyon?
10:44Ang sinasabi po nila, baka dapat maskiyang Pangulo.
10:47Wala nang talagang papel sa investigasyon.
10:53Ngayon po wala naman po siyang papel sa investigasyon.
10:55Yung pag-iimbestiga po nasa ICI.
10:57At ang mga kaso naman po ay nasa Ombudsman.
10:59At alam naman natin, independent body po ang Ombudsman.
11:03Ganun din naman po ang ICI, independent commission.
11:06So hindi po naman nakikialam ang Pangulo sa pag-iimbestiga.
11:09At nai-report lang po ang mga kaso na isasampa, katulad po nung mga kaso na isasampa po
11:16at isinampa na po si Secretary Vince Vizo, DTWH.
11:21Pero yung pag-iimbestiga po, hindi po nakikialam ang Pangulo dyan.
11:24Alright.
11:25And Yusek, so sa monitoring po ninyo sa mga isinasagawang kilos protest na ngayong araw,
11:30meron po bang mga lumalabas po ba na mga posibilidad o mga reports
11:37tungkol sa umano'y destabilisasyon laban sa gobyerno?
11:41Hindi ba wawala yan?
11:42Kahit noon pa po, maraming gusto magpaalis sa Pangulo sa pwesto.
11:47Lalo pa ba na may mga raling ganyan.
11:50At mukha talagang timing sa ating pagkakapagkita or pag-assess.
11:55Timing itong pwede sa salita ni Zaldico.
11:59At mukha nga nagpapagamit siya.
12:01At personal lang po ito, ah.
12:02Personal lang po ito, Miss Pia.
12:04Magpapagmukha nagpapagamit siya sa mga nais mong pabaksak sa Pangulo.
12:08Dahil hindi kaya napangakuan siya na kapag kaiba na ang liderato,
12:13ay magiging maganda ang tadhana at hindi na siya makakasuhan pa.
12:21So yun ang tignan natin.
12:22Kasi yun yung parili ko na nababasa ko.
12:25So kapag may mga sinasabing po ninyong ganitong mga planong pabagsakin ng Pangulo,
12:30eh paano po ninyo, ah, kumbaga, ah, minomonitor yung sitwasyon?
12:35At meron po bang mga sinasagwang loyalty checks sa liderato ng militan, ng polisya?
12:41Ah, normal po yan.
12:42Kahit naman po ang AFP, kahit po yung mga miyembro ng kasundanuhan,
12:47ah, mga military officials po natin, yung mayroong obligasyon para sa pagmamonitor na to.
12:56Kahit hindi po siguro rally, kapag ka naman po ito ay nakita nila na mayroong mga ganitong kasing pagbabanta,
13:02nagmamonitor po sila.
13:04It's normal, it's usual na trabaho po nila.
13:08Alright, Yuse Claire Castro, maraming salamat po at alam po namin na kayo po ay magmamonitor din po, no,
13:14sa sitwasyon sa iba't ibang lugas sa Maynila ngayong araw na ito.
13:17So maraming salamat po sa inyong oras at sa inyong panahon.
13:20Maraming salamat Pia at sa ating mga kababayan. Salamat po.
13:23Salamat po, Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended