Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 P.M. | Sept. 20, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at [https://www.manilatimes.net](https://www.manilatimes.net/)

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast
Transcript
00:00Magandang hapon, ito po ang ating weather update patungkol sa minomonitor natin, si Bagyong Nando na may international name na Ragasa.
00:08Sa kasalukuyan, ito ay nasa 770 kilometers east ng Echage, Isabela.
00:15At ito ay may taglay na lakas ng hangin na umaabot ng 140 kilometers malapit sa mata ng bagyo
00:21at 170 kilometers per hour na pagbugso o bigla ang paglakas ng hangin sa paligid nito.
00:27Ito ay kumikilos pa northwestward papunta dito sa extreme northern Luzon sa bilis na 10 kilometers per hour.
00:34At nakikita din natin na habang lumalapit ito sa ating talupan, ay nandun din yung chance na mas lumakas pa ito from typhoon to super typhoon na kategory.
00:44Bukod dito kay Bagyong Nando, ay meron pang nakaka-apekto sa ating bansa at ito yung hanging habagat or southwest monsoon.
00:50At dahil sa epekto o sa pag-ikot nitong si Bagyong Nando, nai-enhance niya o nahihigop din niya yung moisture o yung katubigan na associated dito sa hanging habagat.
01:01Kaya naman, yung mga kababayan natin na nakatira dito sa western part ng ating bansa, kasama po dyan yung Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa,
01:09ganun din dito sa Panay Island at Negros Island region, ay makakaranas din ng mga pagulan at mga pagbugso ng hangin.
01:16Ito namang si Bagyong Mirasol, formerly, na nasa Philippine Area of Responsibility pa siya, ay mas sumina pa at wala na itong direktang epekto sa anumang parte ng ating bansa.
01:27Ito po yung ating track patungkol sa tatahakin nitong si Bagyong Nando.
01:31At by Monday morning, nakikita natin na yun yung time na kung saan ito ay mas mag-i-intensify o mas lalakas pa into super typhoon.
01:39And by Monday evening, ito yung time na pinakamalapit itong si Bagyong Nando dito sa ating kalupan.
01:46At kung mapapansin din natin, yung radius nitong si Bagyong Nando, ito pong kulay-pula na radius, ito yung area na may at least 89 kilometers per hour na lakas ng hangin.
01:57At itong yellow area na ito, ito yung may lakas ng hangin na at least 39 kilometers per hour.
02:04At kung mapapansin natin, yung radius na ito ay malawak. Ibig sabihin, malaki yung sakop nitong bagyo na ito.
02:09At kapag lumapit pa ito sa ating kalupaan, malaki na din, mas lumaki yung chance na hanggang Metro Manila ay posibleng umabot at magtaas tayo ng signal number one.
02:20And by Tuesday morning, ay lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
02:25At dahil dito kay Bagyong Nando, ay meron tayong nakataas na signal number one.
02:29Ito yung mga lugar na makakaranas ng lakas ng hangin na umaabot ng 39 hanggang 61 kilometers per hour.
02:37At dito yan sa Batanes at yung Babuyan Islands na part ng Cagayan, kasama yung Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya,
02:50northern and northeastern portion ito ng Nueva Vizcaya, probinsya ng Quirino, northern and central portion ng Aurora, buong Isabela Province, and also northern and central portion ng Catanduanes.
03:05Kaya gusto po natin paalalahanan yung ating mga kababayan, yung 61 kilometers per hour na aabutin o yung sustained winds na ganong kalakas,
03:14kung sa palagay po natin ay meron tayong mga nakalatag na mga lonan na pwedeng maapektuhan ito,
03:20ngayon na po yung chance natin na habang may kalayuan pa itong si Bagyong Nando ay paghandaan na po natin.
03:26Ngayon po yung may kinalaman sa hangin, ngayon naman po ay may kinalaman naman, how about yung rainfall?
03:31Ito po yung mga lugar kung saan makakaranas tayo ng 50 to 100 millimeters.
03:36Ang katumbas po nito ay yung mga localized floodings or yung mga flash floods, lalo na sa low-lying areas.
03:44So dito po sa Cagayan at sa Batanes, posible yung ganito kalakas na mga pagulan o karami.
03:49By the way, ito po ay today, 5pm hanggang bukas ng 5pm.
03:54So accumulated or total amount po ng pagulan yun for the next 24 hours.
03:59Ganon din naman dito sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Romblon, Antique at Palawan.
04:07Para naman bukas ng 5pm hanggang Monday ng 5pm, ito po yung day na kung saan crucial at malapit itong si Bagyong Nando sa ating kalupaan.
04:17Kaya meron din tayong mga probinsya na posibleng makaranas ng 200 millimeters or higit pa.
04:24Ang associated na impacts po nitong ganito karaming amount ng rainfall ay widespread o malawakan ng mga pagbaha.
04:31And mas mataas din yung chance ng mga paguhon ng lupa, lalo na sa mga nakatira sa mga bulubunduking lugar.
04:37Dito po yan sa Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Cagayan.
04:40Yung mga orange naman po, ito yung 100 to 200 millimeters.
04:43Ibig sabihin, sa Libawa, sa probinsya ng Abra, iba't ibang lugar sa Abra ay posibleng makaranas ng pagbaha at ganoon din yung paguhon ng lupa.
04:52At yung mga nakayellow naman po, ito yung 50 to 100 millimeters.
04:57Yung mga wala pong kulay, hindi po ibig sabihin yan ay hindi na sila makakaranas ng mga pagulan.
05:02Posibleng pa rin na makaranas tayo ng mga pagulan pero hindi kasing lakas tulad ng inaasaan natin dito sa mga may kulay.
05:08At ito naman po yung kadugtong, nung bukas ng 5 p.m. hanggang Monday 5 p.m., 50 to 100 millimeters din.
05:17At para naman sa Monday ng 5 p.m. hanggang Tuesday ng 5 p.m., this time ay papalabas na po.
05:23Papalayo na sa ating kalupaan itong Sibagyong Nando.
05:26Kaya mababawasan din kung mapapansin din po natin.
05:29Wala na tayo nakataas na pula pero meron pa rin mga orange.
05:32At kasama dyan, yung mga probinsya ng Ilocos Norte, Apayao, Abra, Ilocos Sur at La Union.
05:37Kasama din yung Benguet.
05:39At yung mga nakayellow naman ay dito sa Cagayan, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac at Sambales.
05:48At yung karugtong po niya ay dito sa Pampanga, Bulacan, Bataan, Metro Manila.
05:54So by Tuesday po ay makakaranas din tayo.
05:56Monday to Tuesday na mga pagulan na 50 to 100 millimeters sa Metro Manila.
06:01And then sa Rizal at Cavite at Batangas and Occidental Mindoro.
06:05So, kanina po ay binanggit natin yung mga nakataas sa signal number one na mga makakaranas ng 39 to 61 kilometers per hour.
06:14Pero meron din naman po mga lugar na makakaranas ng pagbugso.
06:18Ibig po sabihin ng pagbugso ay bigla ang lakas ng hangin.
06:21Ito po ay posibleng umabot ng 88 kilometers per hour na pagbugso.
06:24Hindi po ito katulad ng signal number one na sustained winds yung tinutukoy natin.
06:28At ito nga po, today ay makakaranas ng mga pagbugso ng hangin yung ating mga kababayan dito sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga.
06:37Sa Sunday naman po, mahalagang araw din po ito dahil yung iba nating kababayan ay magagawin pong aksyon or pagpupulong.
06:46At ang magiging weather naman po natin bukas ay mananatiling makulimlim at nandun pa rin po yung scattered rains.
06:52Kaya magdala pa rin po tayo ng payong.
06:54So by Sunday, malaking bahagi pa rin po ng Luzon yung makakaranas ng mga pagbugso ng hangin.
06:58Ganon din by Monday.
07:01Sa kasalukuyan ay meron na po tayo nakataas na gale warning.
07:05So posible na makaranas yung ating mga kababayan dito sa mga lugar na ito,
07:09yung ating extreme northern Luzon kasama yung coastal areas ng Isabela at Cagayan.
07:15Hindi na po natin in-encourage na maglayag pa tayo, lalo na yung mag-i-stay o mangingisda for several days.
07:21At kung nakatira man po tayo malapit sa coastal areas,
07:26ay bahabang malayo pa po, ay paghandaan na po natin kung saan tayo pwedeng lumikas
07:30o kaya naman ay kung ano po yung pwede natin gawin para maiwasan yung further damage.
07:35Dahil, meron din po tayo nakataas na storm surge warning.
07:39Ibig po sabihin nito, yung mga alon sa ating coastal areas ay pwedeng umabot ng 3 meters or more than,
07:46or mas sigit pa dito.
07:47Dito po yan sa mga nakakulay pula.
07:49Almost similar po yung areas na ito dun sa pinresent natin kaninang tanghali,
07:55pero mas dumami po yung mga nakakulay red at mas nag-extend pa yung mga kulay orange.
08:00Yung kulay orange naman ay 2 meters to 3 meters na mga pag-alon sa coastal areas.
08:05And then yung yellow naman po ay 1 to 2 meters.
08:08And after all, ang gusto po natin ay mapaghandaan itong parating na bagyo na sinando.
08:16Kaya gusto po natin na paalalahanan yung ating mga kababayan.
08:20After all, ayaw po natin na magkaroon ng casualty at further damages sa ating mga properties.
08:26Kaya gawin po natin yung necessary na mga, o yung mga kinakailangang paghahanda para maiwasan po yung mga bagay na yun.
08:33So makinig po tayo sa mga susunod pa na i-release ng pag-asa.
08:36Magkaroon din tayo ng mga plano.
08:38Maging household man ito or maging community-based.
08:42And then maghanda rin tayo ng emergency kit.
08:44Maging sa sugat man yan or sa pagkain para ready tayo in case na maapektuhan tayo.
08:51And then yung number 4, kapag nagsabi na po yung DRRM offices natin na lumikas na, ay sumunod po tayo.
08:58Ang susunod po natin na Weather Tropical Cyclone Bulletin ay mamayang 11pm.
09:04Ako po si John Manalo.
09:05Ang panahon ay nagbabago.
09:07Kaya maging handa at alerto.
09:08Ang susunod o npmu.
Comments

Recommended