00:00Magandang hapon sa ating lahat. Ito na po ang ating latest weather update ngayong araw.
00:05Kanina nga pong alas 3 ng hapon, ito nga pong ating binabantayan na low pressure area ay nasa West Philippine Sea na po,
00:12na nasa layong 220 kilometers west-northwest ng Coron Palawan.
00:18Hindi na nga natin ito inaasahan na maging bagyo at patuloy na po itong lalayo sa ating mga kalupaan.
00:24Ngunit yung kanyang trough o yung extension ng mga kaulapan nitong ating LPA ay patuloy pa rin pong magdadala ng makulimlim na panahon
00:33na may kalat-kalat na pagulan, pagkulog at pagkidlat dito sa may Metro Manila, pati na rin po sa may Central Luzon area,
00:41Calabar Zone, Mimaropa, Bicol Region, pati na rin po sa may Western Visayas.
00:46At ito naman pong ating binabantayan ng mga kaulapan dito sa may Extreme Northern Luzon ay dulot naman ng Easter Least
00:54o yung maalinsangan at mainit na hangin na nanggagaling sa karagatang Pasipiko.
01:00Ito pong ating binabantayan dito ay posible po na magpatuli pa rin siya hanggang bukas
01:05o asahan po natin sa ating mga kababayan na nasa Cagayan Valley ang maulap at maulang panahon.
01:12Ngayong gabi hanggang sa bukas po ng umaga.
01:15Dito naman po, pansin po natin na meron pa rin po tayong mga kaulapan.
01:20Ito po yung ating mga pulupulong mga kaulapan na nagsisignify doon sa localized thunderstorms na ating tinatawag.
01:27So ito pong ating mga localized thunderstorms ay posible pa rin po magdala ng moderate to at times heavy rains
01:33during severe thunderstorm activities po yan.
01:37Kaya patuloy po tayong mag-antabay sa thunderstorm advisories na pinapalabas natin sa panahon.gov.ph.
01:45Meron din po tayong binabantayan ng mga kaulapan ng mga cloud clusters sa silangan ng Mindanao
01:50at isa din po dito sa labas pa ng PAR dito po sa may Philippine Sea area.
01:56At manitili po tayong updated galing dito sa pag-asa ukol po sa development at potential na activity
02:03nitong ating mga binabantayan na cloud clusters.
02:07Ito nga po yung ating nakita sa ating TC threat potential forecast.
02:11Ito pong number one, ito yung low pressure area na ating binabantayan ngayon.
02:15At sa ngayon nga po ay kumikilos nga po ito pa northwestward at bukas inaasahan natin na makakalabas na ito
02:22ng ating Philippine Area of Responsibility.
02:25Yun ang mga kaulapan na nasa labas ng ating PAR ay may potensyal na mag-develop bilang isang low pressure area
02:33at kung maging LPA man ay posible niya pong tahakin ang northwestward na motion patungo po sa may central or northern Luzon area.
02:42Ngunit mataas pa po yung uncertainty ukol sa track and development po nitong mga cloud clusters
02:49kaya't mag-antabay po sa ating mga updates.
02:52Ito naman po ang ating aasahan na panahon dito sa Luzon bukas.
02:57Dito nga po sa may extreme northern Luzon, aasahan pa rin yung epekto ng easterlies
03:02kaya't magiging maulap at maulan pa rin po yung ating panahon bukas po yan.
03:07Meron din po tayong mga kalat-kalat na mga pag-ulan.
03:10Ito naman po yung aasahan natin na agwat ng temperaturas sa Tugue Grau kung saan abot po ng 24 to 32 degrees Celsius.
03:18Dito naman po sa may kanlurang bahagi ng southern Luzon at sa central Luzon,
03:22aasahan po natin ng medyo may makulimlim pa rin po tayo ng mga kaulapan dito
03:28sa may Zambales, Bataan, pati na rin sa may Metro Manila, Calabar Zone
03:33at dito rin po sa may Occidental at Oriental Mindoro area.
03:38Kaya't posible pa rin po yung mga localized floodings at mga landslides.
03:43Kaya't mag-ingat po yung ating mga kababayan dyan.
03:45Sa nalalabing bahagi naman po ng ating Luzon area ay magiging maaliwalas naman po tayo
03:52at expect po natin mataas po yung syansa ng mga thunderstorm activities sa hapon naman po.
03:58Ito po yung ating mga agwat ng temperatura kung saan medyo mataas na po yung ating temperatura
04:04dito sa Metro Manila na abot sa 31 degrees Celsius,
04:08pati din po sa Mayligaspi City na abot sa 31 degrees Celsius.
04:12Tumako naman po tayo sa Palawan, Visayas at Mindanao
04:16kung saan sa Palawan po ay apektado na din po sila ng Southwest Monsoon po o Habagat,
04:23pati na rin dito sa may Western Visayas at Negros Island Region.
04:27Kaya't ang kanilang temperatura po medyo mababa po dito sa may Iloilo,
04:31abot ng 29 degrees Celsius.
04:34Pero sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay mainit po tayo sa umaga
04:40at meron lamang po mga posibleng mga pulu-pulong mga pagulan pagdating ng hapon o gabi.
04:47Ito po yung ating mga agwat ng temperatura kung saan aabot ng 32 to 33 degrees Celsius dito
04:53sa may Zamboanga, Davao at Cagayan de Oro.
04:57Kaya't mag-ingat yung ating kababayan,
04:59hindi lamang po sa mga posibleng mga pagulan,
05:02kundi din po sa mga posibleng matataas na mga temperatura.
05:06Sa ating sea conditions, wala naman po tayo nakataas na gale warning
05:11sa anumang baybayeng dagat ng ating bansa.
05:13Kaya't malayang makakapaglayag ang ating mga kababayan.
05:17Ngunit nasa katamtaman naman po yung ating mga pag-alon dito
05:20sa may extreme northern Luzon area,
05:23kaya't extreme caution pa rin po sa ating mga kababayan na mga mandaragat.
05:27Pero sa nalalabing baybayeng dagat naman po ng ating bansa,
05:31asahan ang banayad hanggang sa katamtaman ng mga pag-alon.
05:36Dito naman po yung ating 3-day weather outlook
05:39kung saan sa miyerkoles hanggang sa biyernes,
05:42aasaan po natin ang improving weather conditions
05:45dito sa Luzon, Visayas at Mindanao
05:48habang papalayo po yung ating low pressure area.
05:52So, mainit po tayo sa umaga,
05:54ngunit mataas yung chance sa ng mga localized thunderstorms
05:57pagdating naman po ng hapon o gabi.
06:00Ganon din po dito sa may Visayas,
06:02asahan pa rin po ang maliwalas na panahon.
06:04Generally fair weather din po tayo dito sa Mindanao
06:08at mataas yung chance ng mga thunderstorm activities sa hapon
06:11at gabi kaya't meron pa rin po mga biglaang mga pag-ulan
06:15kaya't mag-ingat ang ating kababayan.
06:18Para sa Kalakhang Maynila,
06:19ang araw ay lulubog,
06:21mamayang 5.57pm
06:22at sisikat naman po bukas ng 5.45am.
06:27At yan lamang po ang latest galing dito
06:29sa Pag-asa Weather Forecasting Center,
06:32ito po si Lian Loreto,
06:34sikaping makantan ang kaalaman.
07:02h qual파 naman po ang