00:00Magandang hapon mula sa DOST Pagasa. Ito po ang ating weather update ngayong Dunez, September 29, 2025.
00:07Wala pong anumang sama ng panahon. Walang low pressure area, bagyo, at hindi rin nakaka-apekto sa atin yung hangin habagat.
00:14Ang nakaka-apekto po sa buong bansa, sa kasalukuyan, ay yung Easterlis.
00:18Yung Easterlis po, ito yung hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean.
00:22Mainit po ito dahil malapit ito sa Equatorial Region.
00:24Nangyayari po yung Easterlis dahil sa pag-ikot ng mundo sa sarili niyang axis.
00:28Ngayon po ang mangyayari, habang umiikot ito, yun po yung nagkakos ng day and night.
00:32Sumusunod naman yung atmosphere o yung mga kaulapan at yun yung consistent na nagbibigay ng hangin na galing sa east papunta sa kanduran.
00:39At may mga times sa taon na kung saan mahina yung epekto ng Easterlis dahil mas dominant o mas nakaka-apekto sa atin yung habagat or kaya naman ay yung aamihan.
00:49Kapag habagat naman at Easterlis yung nakaka-apekto, yun naman yung pumipigil sa mga pag-ulan dito sa atin at tinatawag natin yun na monsoon break.
00:57At ano nga po ba yung epekto nitong Easterlis sa ating bansa?
01:00Kapag Easterlis po, maalinsangang panahon yung ine-expect natin dahil mainit yung hangin na associated sa Easterlis.
01:07Pero at the same time, nagdadala rin yan ng mga kaulapan.
01:10Kaya posible pa rin na magkaroon tayo ng mga kaulapan na nagdadala ng mga pag-ulan sa eastern part ng ating bansa.
01:16At times din, yung mga kaulapan na yan ay umaabot sa central and even sa western part ng ating bansa.
01:22Katulad nung naranasan natin kanina.
01:24Yun po ay true form of thunderstorm.
01:27Kaya yung mga thunderstorm na yun, pag umabot po dito, halimbawa sa kanina, umabot yung kaulapan na well-developed dito sa Metro Manila.
01:34Kaya nakaranas tayo ng mga pag-ulan.
01:35Kaninang 10.30am ay naglabas tayo ng thunderstorm advisory.
01:40And around 11 pasado ay nakaranas na tayo ng mga pag-ulan.
01:43So in short, kahit po maaliwalas na panahon yung nakikita natin, partly cloudy to cloudy skies, ibig sabihin maaaring maulap hanggang sa bahagyang maulap yung mararanasan natin,
01:54nandun pa rin yung chance ng mga thunderstorms.
01:57Yung thunderstorm naman, madalas sinasabi po natin ito na sa hapon nangyayari.
02:01Kasi yung fenomena po na nangyayari kapag daytime, during halimbawa pagsikat ng araw, naiinitan po yung ating mga kalupaan.
02:08Ngayon, ang mangyayari po dyan, magkakaroon ng evaporation.
02:11Dito sa meteorology, tinatawag natin yung updraft movement ng air na may kasamang moisture from surface papunta sa atmosphere.
02:18At yun po yung nagpo-form ng mga clouds.
02:20Ngayon, kapag naging well-developed yung clouds na yun, magmumove siya.
02:24At nakadepende kung saan siya magiging sapat para magpaulan, dun siya babagsak.
02:29Ito rin po yung tinatawag natin na localized thunderstorm.
02:32Kapag localized po, for a specific area lang.
02:35Kaya ilang bahagi ng Metro Manila ay nakaranas ng malalakas na pagulan kanina.
02:40Yung case kanina, ito po yung well-developed.
02:43Ito yung magandang-magandang cloud siya na tipong magdadala ng mga pagulan na pwedeng mag-cause ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
02:53Patungkol naman dun sa nakikita natin ng mga kaulapan sa labas ng Philippine Area of Responsibility,
02:58ito po yung mga kaulapan na yun, medyo scattered pa siya o kalat-kalat.
03:01Ibig sabihin, wala pa siyang defined na circulation at hindi pa siya ganap na LPA.
03:06Pero nakikita natin, base sa ating TC threat potential, ito pong pinakita natin,
03:10meron itong potential na maging isang low pressure area sa mga susunod na araw.
03:15Approximately, base po sa ating weather models, sa ating analysis,
03:19ay posible ito na mag-form by Thursday.
03:23At magtutuloy-tuloy siya, ito po yung TC threat potential natin.
03:26Ang pinapakita naman itong TC threat potential,
03:28may posible ba na maging bagyo o maging low pressure area sa susunod na dalawang linggo?
03:33Ito po yung week 1 natin for September 29 to October 5.
03:37Ito yung nakikita natin kanina sa satellite na nandito pa.
03:40Kalat-kalat pa siya.
03:41Pero meron po itong potential, malaking potential na maging isang bagyo.
03:45Sa ating weather models, sa analysis natin,
03:48nakikita natin sa kasalukuyan na ang pinakamalakas na maaari nitong maabot
03:51ay tropical depression.
03:53Nasa pagitan nito ng low pressure area, papunta sa tropical depression.
03:56Pero, mag-antabay pa rin po tayo dahil pwede pang magbago.
04:00Hopefully, ay hindi na ito mas lumakas pa na bagyo
04:02at manatili na lang siya ng low pressure area.
04:04At dito naman sa ating week 2, magpapatuloy itong potential na nakikita natin
04:09na pwede natin kapag naging bagi siya sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
04:13ay tatawagin natin siya ang follow.
04:14Magpapatuloy siya yung presensya niya hanggang sa October 6.
04:18And then, meron na naman tayong makikita na isang potential ulit.
04:22Na maaaring mamuo at maging low pressure area,
04:25pero nananatiling maliit.
04:26Na maliit yung chance niya na mag-develop.
04:28Again, pwede pa po ito na magbago.
04:31Kaya manatili tayo na updated sa mga ilalabas pa na updates and issuance ng pag-asa.
Be the first to comment