Pinayagan ng Senado na lumabas para mangalap ng mga ebidensiya si dating DPWH engineer Brice Hernandez. Sina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva na idinawit sa kickback at budget insertions sa flood control projects, hindi pa lusot ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Ping Lacson. Habang ang nadadawit ding si Congressman Zaldy Co, pinauuwi na sa loob ng sampung araw! May report si Darlene Cay.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Pinayagan ng Senado na lumabas para mangalap ng mga ebidensya si dating DPWH Engineer Bryce Hernandez.
00:08Sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva na idinawit sa kickback at budget insertions sa flood control projects,
00:15hindi palusot ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Ping Lakson.
00:19Habang ang nadadawit ding si Congressman Zaldico, pinauuwi na sa loob ng sampung araw.
00:25May report si Darlene Cai.
00:30Sa pag-usad ng imbestigasyon sa mga maanumalyang flood control project,
00:34isa sa mga hinahanap si Akubicol Partialist Rep. Zaldico.
00:38Bilang dating chairman ng makapangyiriang House Appropriations Committee na pangunahing bumabalangkas sa budget,
00:44siya raw ang pasimuno ng mga singit sa budget para mapondohan ang mga proyekto.
00:49Hindi pa nagpapakita rito sa batasan si Rep. Zaldico mula ng magbukas ang 20th Congress noong July 28.
00:55Nasa Amerika raw siya para sa medical leave, kaugnay ng kanyang heart ailment o sakit sa puso.
01:01I understand he is nasa United States siya for medical treatment with appropriate travel documents.
01:11The Speaker of the House of Representatives...
01:13Sa bagong liderato ng Kamara, unang utos ni ngayoy House Speaker Bojidi,
01:18pinapawalang besa na niya at binabawi ang travel clearance ni Co.
01:23May sampung araw lang siya para bumalik sa Pilipinas dahil urgent o kailangan na raw tugunan agad ang mga issue.
01:29Kung hindi, mahaharap siya sa disciplinary action at mga legal na hakbang.
01:34Sabi ni Deputy Speaker Paolo Ortega, may paraan naman daw para sumagot sa issue si Co.
01:40He can answer and he can make a statement via social media, Zoom or a statement.
01:47Pero para kay Akbay and Partylist Representative Percy Sendanya, nararapat lang na pauwiin si Co.
01:53Mahaligan na dapat ginagawa natin yung trabaho.
01:55Na una, binoto tayo at pangalawa, pinapasweldo tayo.
01:59Patuloy naming hinihingan ng tahayag si Co.
02:01Puna naman ni Vice President Sara Duterte, bakit ngayon lang kumilo si Pangulong Bongbong Marcos?
02:08Gayong noong isang taon pa raw niya sinabing may hokus-pokus sa budget.
02:12Kasi tinuro na, pinangalanan na, hindi lang ako ang nagsabi, Zaldico at Martin Romualdez.
02:19Si Zaldico, hinayaan nilang umalis ng bansa.
02:25Si Martin Romualdez, hinayaan nilang mag-resign.
02:28Nag-resign naman na, so tapos na ang usapan.
02:31Hirit pa ng vice, bakit hindi magawang dukutin ang opisina ng Pangulo si Co. para maiuwi?
02:37Ang office of the President, involved sila sa kidnapping ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:44Bakit?
02:44Ngayon, nawala si Zaldico at maalis si Martin Romualdez.
02:50Hindi man lang nila magawa na kidnapin si Zaldico doon sa Amerika at ibalik dito sa atin, sa Pilipinas.
02:59At hindi man lang nila magawa na ikulong si Martin Romualdez dyan sa detention unit ng House of Representatives.
03:06Wuelta sa kanya ng Malacanang.
03:09At ang payo niya is pakivnap si Zaldico.
03:14Another thing, it's illegal.
03:17So ganun ba magbibigay ng suggestion ang isang vice-presidente gumawa ng illegal?
03:23Di ba niya natandaan na mas madalas din siya magbiyahe at hinahayaan siya ng office of the President?
03:30Kahit mayroon din nakabimbi na issue tungkol sa korupsyon na parte ng Articles of Enrichment.
03:37So anong pagkakaiba nun?
03:39Sa kanya, mayroon ng issues.
03:42Zaldico, iimbestigaan pa lang.
03:46Sa Senado.
03:48So hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
03:54Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
03:57Okay. So talagang safe ka na?
04:00Please, please continue.
04:08Igini-it ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Pan Filo Lakso na hindi pa safe sa issue ng flood control kickbacks
04:15sina Sen. Jingoy Estrada at Joel Villanueva.
04:18Hindi pa nare-resolve yung sinasabi ni Bryce na nag-insert sila ng, in the case of Sen. Jingoy, yung 355 million sa Bulacan.
04:29Sen. Joel naman, 600 million.
04:31Sirbihan ko na rin silang dalawa bago sila umalis na hindi pa nare-resolve ito.
04:36Annie Lakson, tugma kasi sa nasa 2025 national budget ang 355 million pesos insertions na umunoy ibinaba ni Sen. Estrada para sa pitong flood control project sa Bulacan.
04:47Itinanggi na ni Estrada na sangkot siya sa anomalya at umaasaan niya ng patas at makatarungang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
04:57Ang 600 million pesos na ayon kay Hernandez ay insertion ni Sen. Villanueva, nakita ni Sen. Sherwin Gatchalian na nasa Unprogrammed Appropriations ng 2023 budget.
05:08Ibig sabihin, wala pang nakalaang pondo at walang detalye sa simula.
05:12Kung may babangga ang pondo o kita ay maaari na itong gamitin pero dapat sa mahalagang gastusin lang ng gobyerno.
05:19Yung kay Sen. Joel, totoo yung nahati sa walong proyekto at nakapagtaka rin doon, lahat uniform, 75 million, bawat isang proyekto, nawalo.
05:28Sabi ni Villanueva, wala siyang kapangyarihan sa Unprogrammed Funds at hindi siya ang nagpasok ng proyekto roon.
05:36Walaan niya siyang kinalaman sa flood control projects at hindi siya nakatanggap ng kickback.
05:41Sabi ni Lakson, may kailangan pang patunayan si Hernandez.
05:45Kaya naman pinayagan siyang makalabas bukas para makuha ang mga umano'y ebidensya pero babalik din kinagabihan.
05:52Darlene Cai nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment