Skip to playerSkip to main content
Sumailalim na sa evaluation ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya para malaman kung maaaring ipasok sa witness protection program. Bukod sa kanila, dalawa o tatlo pang konektado sa maanomalyang flood control projects ang gusto ring magpa-evaluate.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumailalim na sa evaluation ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya para maalaman kung maaaring ipasok sa Witness Protection Program.
00:08Bukod sa kanila, dalawa o tatlo pang konektado sa manumalyang flood control projects ang gusto rin magpa-evaluate.
00:15Nakatutok si Salima Refran.
00:20Sir, any statement po? Sir, any statement?
00:23Bantay sarado ang mag-asawang Curly at Sara Diskaya nang dumating sa Department of Justice sa Maynila
00:29para sa evaluation kung pasok sa Witness Protection Program base sa mga nalalaman sa mga maanumalyang flood control projects.
00:37Matatandaang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
00:40pinangalanan ng mga diskaya ang mga kongresistang tumatanggap umano ng porsyento sa mga proyekto ng DPWH mula 2022.
00:49Ang nagsagawa ng evaluation sa kanila, ang mismong Secretary of Justice na Chief Implementer ng WPP.
00:56Confidential ang proceedings ng Witness Protection.
01:00I think that they're really looking for a solution to their problems.
01:05I think that it's a relief for them to be talking to people who just want to go to the truth.
01:11Gusto lang natin dumumasang totoo sa bagay na ito para naman maparusahan yung dapat maparusahan.
01:17Pero nilino ni Rimulya na evaluation pa lang ito sa mga diskaya at hindi pa masasabi kung pasok na nga ba sila sa WPP.
01:26It's a process eh. Wala naman dyan instant, walang instant dito.
01:30Sa ilalim ng Witness Protection, Security and Benefit Act o Republic Act 6981, maaaring maging state witness ang isang taong kasama sa krimen kung pasok sa ilang rekrisitos.
01:41Dapat ang krimen kung saan gagamitin ang kanyang testimonya ay isang grave felony.
01:46Dapat, kailangan-kailangan ang kanyang testimonya sa kaso.
01:50Walang ibang direct ng ebedensya para sa maayos na pagdinig sa kaso.
01:53Ang kanyang testimonya ay maaaring mapatunayan, hindi siya ang pinaka-guilty at hindi siya nahatulan sa anumang krimen na sangkot ang labis na kabuktutan.
02:04Yung state witness po kasi, we will find that out later on in the case.
02:09Pag meron na pong naka-file na kaso sa korte, we will have to move for the discharge of the witness to become a state witness and that's when the state immunity comes in.
02:20Bukod sa mga diskaya, may dalawa hanggang tatlo pa raw na konektado sa maanumalyang flood control projects ang naisumailalim sa WPP evaluation.
02:29Isa raw dito, kasama sa labing limang contractor na tinukoy ng Pangulo na nakakopo ng 20% ng kabuwang budget ng mga flood control programs.
02:39Pero kung si Rimulya raw ang tatanungin, meron daw siyang taga-DPWH na gustong makuha for WPP evaluation.
02:47Kinakausap na raw niya ang Senado tungkol dito.
02:50May mga vital link yan, alam mo naman tayo. We have to create the links and connect the dots.
02:56And sometimes they are the most important pieces of the puzzle.
02:59Para sa GMA Integrated News, Salima Refrain, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended