Skip to playerSkip to main content
Inabandona kahit hindi tapos ang isang flood control project sa Camarines Sur. Noon pa umanong nakaraang taon walang gumagawa sa proyekto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inabando na kahit hindi tapos ang isang flood control project sa Camarines Sur.
00:05Noon paumanong nakaraang taon, walang gumagawa sa proyekto.
00:08Nakatutok si Mark Salazar.
00:13Ganito ang itsura ng flood control project na ito sa barangay San Francisco, Baaw, Camarines Sur.
00:20Mahigit limang kilometrong kalsada dapat na may riprap sa gilid bilang panangga sa baha tuwing tag-ulan.
00:25Ang riverbank at road project na ito ay protection sana ng Baaw sa baha kapag umapaw ang Baaw Lake.
00:32At connectivity sana para sa mga far-flung barangay na may akses sila sa kabayanan ng Baaw.
00:38Pero nakita nyo naman, ang proyektong ito ay abandonado, nakatiwangwang, nasisira ng hindi napapakinabangan.
00:47Nang manalanta ang Bagyong Kristi noong isang taon, lampas tao ang baha sa barangay San Francisco.
00:52Hindi naman daw talaga sila umasa, napoprotektahan sila ng flood control project dahil hindi nga ito tapos.
00:59Kailan ang huli pang may gumawa rito sa proyektong ito?
01:02No nga, no, di pa nagbabag yun ng Christine.
01:05May nagkagawa dyan.
01:072024?
01:08Ngayon wala na.
01:092024? Meron pa?
01:11Oo, meron pa.
01:12Ngayon wala na.
01:13Ang bako na ito ng kontratista ay parang naglalarawan ng kanilang proyekto dito sa lugar na ito.
01:20Abandonado na.
01:21Sabi ng mga taga rito, huli rao nilang nakitang nagtrabaho ang backhoe na ito buwan bago sila sinalanta ng Bagyong Christine.
01:30Hindi na nga tapos.
01:32Ang mismong reprop kay questionin ng kalidad kahit hindi engineer ang makakita.
01:39Nagiging powder o.
01:42Yung buhos ng simento, nagiging buhangin.
01:47Wala nang nakapaskil na project board para makita ng publiko ang halaga ng proyekto, sino ang kontratista at kailan ito sinimulan at natapos.
01:56Sa DPWH 5th District Engineering Office ng Kamarinesur sana malalaman ang mga detalyeng ito na aming sinadya, ngunit hindi kami hinarap.
02:06Wala rin gustong magsalita mula sa Mayor's Office ng Baaw o kayay ng Municipal Engineer.
02:12Ang mga opisyal ng Barangay San Francisco ang nagsasalita para ireklamo ang anilay balahurang trabaho ng kontraktor sa kanilang flood control project.
02:22Sabi ko nga noon, yung unang nag-report dyan, ako magagalitin ang engineer ng DP, ganyan ang ginagawa nyo.
02:32Kauntong, ano, tapal.
02:36Bato.
02:36O, bato.
02:37Tapal.
02:38Tapal.
02:38Kami nga nagsasabi sa kanila, dapat paganday niyo yung programa niyo.
02:43Para kami naman, mga taga San Francisco, baka hanggang buhay pa yan.
02:49Ma-protectahan sana.
02:53Dumulog na raw sila sa nakataas, wala munisipyo hanggang probinsya, pero walang nagbago.
03:00Magbabantay kami doon.
03:01Kaya lang, wala naman kayo.
03:02Wala kami magawa.
03:04Ang amunong kontratista.
03:08Tapos sumusami, pag nagsasalita kami, ipaalam ko kay boss.
03:14Sinong boss nila?
03:16Dapat kami, sa Barangay Council.
03:19Bigyan nilang, ano, pag-asikaso.
03:22Kahit sanay na raw silang binabaha ang baaw, hindi pa rin daw nilang masabaya ng paghahanda ang pataas ng pataas na libel ng baha taon-taon.
03:31Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research sa Sumbong sa Pangulo website, sa Bicol Region, nangungunang kamarinesur sa flood control projects kung contract cost ang pinag-uusapan.
03:44Meron ditong 250 proyekto na nagkakahalaga ng 17.5 billion pesos.
03:52Ang buong Bicol Region ay may 866 na proyekto na aabot sa 49.61 billion pesos, ikatlo sa pinakamataas sa bansa, kasunod ng Region 3 at NCR.
04:05Katumbas ito ng nasa 9% ng kabuang bilang at halaga ng flood control projects nationwide.
04:12Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended