Skip to playerSkip to main content
Kinompontra ni Senador Jinggoy Estrada si dating DPWH Engineer Brice Hernandez tungkol sa alegasyon nitong tumanggap ng kickback mula sa flood control projects ang senador. Kaugnay niyan, itinanggi ng may-ari ng construction company na iniuugnay ni Hernandez kay Estrada na pumunta siya sa Senado para maghatid ng pera.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mav Gonzalez
00:30Ilang upuan lang ang pagitan ni na Sen. Jingoy Estrada at dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez
00:37nang kumprontahin ng Sen. Hernandez sa akusasyon nitong tumanggap si Estrada at Sen. Joel Villanueva ng kickback sa flood control projects.
00:47Sinabi mo sa testimony mo sa House na binigay mo ang pera kay D.E. Henry Alcantara at siya ang nagsabi sa iyo na bibigyan daw niya ako. Is this correct?
01:00Wala pong specific na sinabing ganon, Your Honor.
01:03Pagkatapos mo ko dinurug sa house ngayon, wala ka specific na sinabi.
01:08Sa pagdinig ng kamera, sinabi niya Hernandez na isang staff o pano ni Estrada na nagngangalang Ben Ramos ang nagdala ng obligasyon o lagay mula sa WJ Construction matapos makakuha ng proyekto sa Bulacan.
01:21Itinanggi ni Estrada na may staff siyang Ben Ramos.
01:24Paano niya malala ng staff ko si Ben Ramos? How will he know?
01:27Hindi ko rin po alam. Yun lang po ang sinabi sa akin ni Boss Henry.
01:32Kaya po nagkaroon po kami ng connect ni Mambeng Ramos at si Mambina.
01:37Alam mo Mr. Price, masyado ka na nagsisinungaling eh.
01:40Ang pakilala kay Mambina or Mambeng is staff po ni Sen Jingoy.
01:47Pero hindi po specifically nakasinabi ko na yung proponent is para po kay Sen. Jingoy.
01:52Hindi po. Ibang projects po yung sinasabi ko na nakatagpo kay Sen. Jingoy. Hindi po yung specifically noong 2022.
01:59Ang tinutukoy niyang Boss ay si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
02:05Pero itinanggi rin nito na nakatanggap siya ng pera para ibigay sa politiko.
02:09I-respectfully deny po yung sinasabi niya na biligay niya po sa akin na may mga ganun pong issue.
02:15So tama si Sen. Laxon, the burden of proof lies with you, Mr. Hernandez.
02:21Kasi tahasan mo sinabi sa House of Representatives at kinundinan naman ako ng taong bayan.
02:28Hindi inimbita sa pagdinig si Ramos for humanitarian reasons dahil may stage 4 cancer ito.
02:34Dumalo naman si Mina Jose ng WJ Construction.
02:37Nilino ni Jose na siya ang kamessage ni Hernandez at hindi si Ramos.
02:41Kaibigan daw niya si Ramos na siya raw nag-refer sa kanya kay Hernandez para sa isang joint venture na hindi naman natuloy.
02:48Sa ipinakitang text messages ni Hernandez, may ide-deliver umano si Jose.
02:52Sa message mo noong December 11 which was a Sunday, may sinasabi ng isang delivery. Tama po ba?
02:59Yes po.
02:59Ano ito? Para saan at para kanino?
03:02I meant by delivery po or the documents na hinihingi niya po for the processing po ng joint venture.
03:08I have never given nor received any money from any public official or government employee, including this Mr. Bryce Hernandez.
03:20Thus, I strongly deny his accusations.
03:23Pero nunindigan si Hernandez na nagbigay ng obligasyon si Jose.
03:27Ano yung obligation na yun? Pera? Para kanino? Lagay? Ano yung context ng obligation?
03:34Ah, pera po siya para sa proponent.
03:40Ano yung sabihin? Lagay para sa proponent?
03:43Yung advance po. Opo.
03:45Advance para sa proponent?
03:46Yung parang bayad po para dahil nakuha niya yung project na yun.
03:50Mr. Jose?
03:51Your Honor, I don't know what he was talking about.
03:54Nitong August 19, nakuna ng CCTV si Jose na dumating sa Senado para magtungo sa opisina ni Sen. Erwin Tulfo.
04:02Pero bago nito ay dumaan muna siya sa opisina ng Blue Ribbon Committee kung saan staff si Ramos.
04:07Meron po kasing problem yung terrace ni Sen. Erwin na binabaha po siya lalo po pag umuulan.
04:13So, ako po yung na-refer na contractor nung staff niya na kung pwede po tingnan namin gawa ng solusyon and mag-suggest po kami sa kanya.
04:24Upon learning, her name was mentioned by Engineer Bryce.
04:29We immediately requested to cancel all contracts with WJ.
04:36Para nagamit po yung opisina ko para dumaan po siya sa broom kung ano man yung kanyang business doon.
04:43Paglilinaw ni Jose, hindi siya pumunta sa Senado para magbigay ng pera.
04:47So, hindi mo kilala si Sen. Jingoy at hindi ka nagdala ng pera sa kanya?
04:53Hindi po. Kahit po kay Bryce, wala po akong dinalang pera.
04:57Okay. So, talagang safe ka na.
05:03Please continue.
05:06Did you ever see Alcantara handing money over me? To me?
05:12I don't think so.
05:14Meron ba? May nakita ka ba?
05:16Sigutin mo lang. Yes or no? May nakita ka ba?
05:19Wala po.
05:20Okay. That's all, Mr. Chair.
05:22Sabi naman ni Hernandez, hindi niya alam kung sino ang proponent o mambabatas na nagpasok ng flood control projects.
05:29Ang boss daw niya dati na si Alcantara ang nakakaalam nito.
05:32May ipinakita namang bagong text messages si Hernandez mula December 10, 2022 na magpapatunay umanong nagdala ng pera sa opisina nila ang WJ Construction.
05:54Meron po akong follow-up na text message po na nagconfirm na nagdala po si it's either ma'am Beng or ma'am Mina sa office.
06:04Dinala po dun sa administrative officer namin noong time na yun.
06:08Meron po akong text message na yun.
06:10Galing po sa chief of staff ni boss Henry Alcantara.
06:14Kinonfirm po na nakapagdala na ng obligasyon.
06:16Sa screenshots, sinabi ng chief of staff umano ni Alcantara na nakuha na sa administrative officer nila yung pinadala nila Beng Ramos.
06:24Nag-text ito ulit matapos ang ilang araw kung ipapasabay na raw ba yung kay Beng Ramos.
06:29Sabi raw niya, sige, ipasabay na.
06:31Anong context yan?
06:34Yung pera po na dinala nila Beng Ramos.
06:38Anong project yan?
06:40Your Honor, nakalimutan ko na yung specific anong project to, 2022.
06:44Pinutol muna ni Senador Ping Lakson ang usapin ito habang wala raw kumpletong detalye si Hernandez.
06:50Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended