Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/6/2025
Walang kawala ang tatlong Tsino na sangkot umano sa pag-kidnap at paggahasa sa isang Vietnamese national. Nasagip ang biktima na sa tingin ng pulisya ay posibleng pinagamit din ng ilegal na droga.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang kawala ang tatlong Chino na sangkot umano sa pag-gidnap at maghahasa sa isang Vietnamese national.
00:07Nasa gip ang biktima na sa tingin ng polisya ay posibleng pinagamit din ng iligal na droga.
00:12Nakatutok si Ian Cruz.
00:20Ito, aktual na rescue operation ng Makati City Police sa 33-anyos na Vietnamese
00:25sa isang condo unit sa barangay San Lorenzo, Makati, kanina madaling araw.
00:29Umiiyak ang biktima ng makababa at makaalpas mula sa umunay kumidnap at gumahasa sa kanya na tatlong Chinese.
00:37Agad namang kumilas ang SWAT team, papanik sa mga silid at agad nasa kote si Elias Leng.
00:46At dalawa niyang kasama.
00:49Ayon sa motoridad, itong June 2, dinukot umano ng mga suspect ang biktima sa common area
00:54sa kondo ng kanyang kaibigan sa barangay Bel Air.
00:56Dinala raw ang babae sa kondo ng mga suspect sa barangay San Lorenzo kung saan umano siya ginahasa.
01:03Ayon sa hepe ng Makati Police, malaki ang posibilidad na pinagdroga pa ng mga suspect ang biktima
01:09lalo't may mga sensitibong video sila na na-recover.
01:12Sa sumbong ng Vietnamese sa mga polis, inala pa raw siya ng tatlong suspect sa Tagaytay City.
01:18Doon ulit may nakaabang na dalawang Chinese nationals at ginahasa po ulit.
01:24So bali lima ang nanggahasa sa kanya.
01:27Madaling araw kahapon na makabalik na sila sa kondo ng tatlong suspect sa Makati.
01:32Kinontak daw ng mga itong asawa ng biktima at nagdemand ng 500 million Vietnamese dong o 1 milyong piso.
01:39Alarming siya dahil kung hindi ma-provide ang ransom money na 1 million,
01:45nagsabi din siya na puputulan po ng daliri.
01:48Ang mister ng Vietnamese, kinontak naman ang kaibigan ng kanyang misis,
01:52kaya naisuplong sa mga polis ang pagkidnap.
01:55Nakapag-message din sa kaibigan ng biktima kung saan siya naroon.
01:59Kaya naisakatuparan ng rescue operation sa tulong ng gwardya at property management.
02:04Noong kinakatuk po sa unit, may narinig na po sila na pagsigaw ng babae, yung victim po.
02:15And talagang nagkasah.
02:17Bago na-rescue ang babaeng Vietnamese,
02:20may isang babae umano na Pilipinan, lumaba sa unit ng mga suspect.
02:24Inibita siya nung isang Chinese, so nandun siya.
02:29Pero nung makita na niya na yung treatment dun sa Vietnamese victim,
02:37inold na rin siya.
02:38Na-recover sa mga suspect ang dalawang baril na naka-silencer.
02:41Mga bala, osas, plaka ng sasakyan, mga cellphone na ang iba,
02:46binasag pa umano ng mga suspect.
02:48Mga peking US dollar bills at tinatayang 20 gramo ng hinihinalang syabu.
02:54May mga government ID rin at may mga nakuha pang sex toys.
02:58Isa pa sa mga pulisang nasugatan,
03:00nang masapak daw ng isang suspect ng pwersahan ng buksan,
03:04ang condo unit.
03:05Itinanggi ito ng Chino.
03:07You punched the police?
03:08Me?
03:08Yeah.
03:09No.
03:10Why?
03:10Tumanggi rin ng tila tumatayong leader na si Leng sa lahat ng mga paratang.
03:14No, no, no kidnapping.
03:16The girl, sir, baker.
03:18Ayon sa pulisya, dati nang nakulong si Leng at naharap na rin umano sa kaso ng kidnapping at carnapping.
03:24Nakulong na ito for more than four years.
03:28At normally nga, ang tinatarget nila, yung very vulnerable, yung mga foreigners.
03:34Ang kinikidnap nila, yung pwede nilang ibugaw sa ibang mga kasama nila.
03:40Ipaghaharap ang tatlong suspect ng patong-patong na reklamo
03:42habang patuloy na pinagahanap ang dalawa pa nilang kasama.
03:46Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatuto, 24 Horas.

Recommended