00:00Nanawagan ng mga opisyal ng Pagyo City at Provincia ng Benguet na gumawa na ng mga komprehensibong hakbang para tugunan
00:06ang lumalalang kondisyon ng Kennon Road, particular na ang bagong tayong rock shed na pinangangambahang bumagsak dahil sa landslide sa paligid nito.
00:16Ayon kay Benguet Representative Eric Yap, nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Public Works and Highways o DPWH
00:22para gumawa ng short at long-term solution na magpapanatiling ligtas at bukas sa mga motorista ang naturang kalsanda.
00:30Makikita sa post ng Tuba MDRRMO, nagtamo ng malalang landslide ang bahaging ito ng Kennon Road
00:36at pinangangambahan din na tuluyang gumuho ang lupa na nasa ilalim ng rock shed na natapos lamang nito ang nakaraang taon.
00:44Dulot ito ng sunod-sunod na pag-uulahan na naranasan sa Cordillera Region dahil sa Habagat at Bagyong Emong.
00:49Ang Kennon Road ay may habang 33 kilometro na bumabagta sa probinsya ng Benguet.