00:00Handa na ang unbeaten Cebuano na si Christian Balunan para sa pinakamalaking laban ng kanyang karera kung saan tatangkain niyang agawin ang International Boxing Federation o IBF Minimum Weight World Title kay fellow Filipino at current champion na si Pedro Kid General Taduran.
00:18Nakatakdang magharap ang dalawa sa October 26 sa San Andreas Sports Complex sa Maynila bilang main event ng Trilla in Manila Countdown na nagsisulbing prelude sa mas malaking Trilla in Manila commemorative card sa October 29 sa Asmart Aroneta Coliseum.
00:35Taglay ni Balunan ang malinis na kartada sa labing dalawang panalo na may seven knockouts at kakagaling lamang sa apat na stoppage victories.
00:44Samantala si Taduran ay isa sa dalawang natitirang Filipino World Champions na may 18-4 win-loss record kung saan hindi rin ito unang pagkakataon na sasagupain niya ang isang PMI-backed boxers matapos niyang talunin si Jake Amparo sa nagarap na IBF Title Eliminator noong 2023.