00:00Kailanin ang skateboarder judge mula Cebu City na nagalayong palawakin ang surfskating sa bansa,
00:06isang bagong kategorya para sa mga Pinoy skateboarders.
00:09Kung sino siya alamin sa ulat ni Timic Bernadette Pinoy.
00:15Taong 2020 nang sinubukan ni Pedro Escarda ang paglalaro ng surfskating,
00:20na isang bagong kategorya ng skateboarding sa bansa.
00:23Mabilis siyang nainganyo sa nasabing sport,
00:25kaya naman nagsimulan siyang sumali sa mga skateboarding competitions,
00:29hanggang sa maging hurado siya sa iba't ibang surfskate events.
00:33Sa panayam ng PTV Sports, kay Pedro,
00:36ipinaliwanag din ng tubong Cebu City ang kaibahan nito sa ibang skate class.
00:41Surfskate, klase pa rin siya ng skateboard,
00:44pero ito parang ginagamit siya pa.
00:49Usually mga surfer, pag walang alon, ito yung ginagawa nila.
00:54Ginagawa nila sa cemento, nagsiskate.
00:56Ginagawa nila yung book sa surfing through surfskate.
01:01Bagamat pausbong pa lang ang surfskating sa bansa,
01:04nakikita ni Pedro na maraming Pilipino ang may potensyal na pagharian ng event,
01:08lalong-lalo na kung magsisimula ang mga atleta sa murang edad.
01:12Yung larong surfskate sa Pilipinas, palaki ng palaki.
01:18Siguro mga next 2 years or 3 years from now,
01:20may mga malalaking kompetisyon na ganito lala.
01:23May mga bisitang mga foreigner na magpupunta sa atin para mag-compete.
01:28Lubos din ang pasasalamat ni Pedro sa skate Pilipinas
01:32dahil sa pagkakabilang ng surfskate category sa nakaraang Skate Tour Valenzuela 2025.
01:38Umaasa rin siya na mas maraming skateboarders pa ang susubok
01:42at tatangkilik sa nasabing division.
01:44Bernadette Tinoy para sa Atletong Pilipino para sa Bagong Pilipinas.