- 7 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging SAKSI!
00:15Inamin ang bagong house speaker na si Isabella 6th District Representative Faustino Bojidi III
00:21na may pagkukulang sila kaya humingi siya ng pagkakataon sa taong bayan na pagkatiwalaan muli ang kamera.
00:28Pinalitan ni D sa pwesto ang nagbiteo na si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez
00:34sa gitna ng kontrobersya sa flood control projects.
00:38SAKSI! Si Tina Pangaliban Perez!
00:43I, Faustino Bojidi III of the 6th District of Isabella, have been elected as Speaker of the House of Representatives.
00:54Congratulations Speaker!
00:55Sa botong 253 na pabor, 28 abstentions, at apat na hindi bumoto, inihalal na bagong house speaker
01:03si Isabella 6th District Representative Faustino Bojidi III.
01:08Under my leadership, this house will change.
01:13I will not defend the guilty and I will not shield the corrupt.
01:17Kaya ng paninindigan ng ating Pangulo, no rank, no ally, no office will be spared from accountability.
01:27We must threaten the Oversight Committee and fully cooperate with the Independent Commission of Infrastructure.
01:34Our duty is not to protect each other, our duty is to protect the Filipino people.
01:43Uupo siya bilang Speaker sa gitna ng kontrobersya sa mga maanumalyang flood control project
01:49kung saan ilang kongresista ang napangalanan sa mga investigasyon.
01:54Pag-amin hindi, may pagkukulang sila, kaya humihingi ng pagkakataong makuha ang tiwala ng taong bayan.
02:01Ako na ho ang unang magsasabi sa ating mga kababayan.
02:07Meron po kaming pagkukulang.
02:10Kami po ay nagpapakumbaba sa inyo.
02:12Nakikiusap po kami na sana'y bigyan nyo kami ng pagkakataong ituwid ang mga maling kalakaran at linisin ang aming hanay.
02:25Nakikiusap po kami na bigyan nyo pa kami ng chance ang makuha muli ang inyo pong tiwala.
02:32Iniluk-lok sa pang-apat na pinakamataas na posisyon sa Bansa City matapos magbitiyo ni Leyta 1st District Representative Martin Romualtes bilang House Speaker.
02:42After deep reflection and prayer, I have made a decision today with a full heart and a clear conscience.
02:57I tender my resignation as Speaker of the House of Representatives.
03:02The issues surrounding certain infrastructure projects have raised questions that weigh not only upon me, but upon this institution we all serve.
03:14Ang ating mga kababayan ay naghahangad ng liingaw at higit sa lahat ng tiwala.
03:25Tungkulin natin ito'y may balik.
03:28The longer I stay, the heavier that burden grows on me, on this House, and on the President I've always sought to support.
03:42Kusang loob daw ang pag-alis niya sa pwesto bilang tugon sa panawagan ng kanyang pinsan na si Pangulong Bongbong Marcos.
03:50His leadership also demands that we confront the trials of the President.
03:56In his recent State of the Nation address, our President reminded us that accountability must prevail
04:05and that no one is above scrutiny.
04:11I fully and unequivocally embrace that call.
04:16I step down not in surrender, but in service.
04:20For sometimes, the greatest act of leadership is the grace to let it go so that this institution may endure stronger than ever before.
04:38Ang palitan ng liderato sa Kamara, tinawag ni Davao City First District Representative Paulo Duterte na cover-up o takipan.
04:47Sabi niya, ang anak ng Pangulo at House Majority Leader na si Sandro Marcos ang pumili kay D, nakaliado rin nila.
04:55Hirit pa niya kay Pangulong Marcos.
04:58Kung seryoso itong labanan ng korupsyon, bakit hindi raw agad kasuhan ang mga tiwaling mambabatas?
05:03Baka style niya yun nung anak siya ng Pangulo, pero I can assure you that me, we are consultative with all the party leaders.
05:11Pwede mo silang tanungin. We met for plenty of weeks.
05:15Kung nagpakita sana si Kung Pulong dito sa trabaho at sa session, baka makikita din niya.
05:20But I'm sure he's busy looking for the 51 billion that was spent in his district.
05:25Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Representative Duterte sa sinabing ito ni Representative Marcos.
05:31Sabi ng mga leader ng Kamara, mga leader ng iba't ibang partido na kasama sa mayorya, ang pumili kay D.
05:39Hindi lang naman daw si D ang pinagpilian.
05:42Nasa listahan din daw si Navotas Representative Toby Chanko na nagsabing ayaw niya maging Speaker.
05:49Pati niya si Bacolod Representative Alby Benitez na nagparaya raw para kay Representative D.
05:54It's a game of numbers, the magic number being 158. Kinausap at tinanong po namin ang mga party leaders kung sino sa tingin nila ang pwede maging Speaker kapalit ni Speaker Martin Romaldes.
06:06At ang pangalan na lumabas lagi ay ang pangalan po ni Congressman Bojidi.
06:11It was vetted by the party leaders and outside from that, I can no longer say if there are any others who influence the selection of Representative Bojidi.
06:21Ating mahal na Pangulo...
06:51ang nasa politika, ang alkalde ng Echage na si Ino at ang Vice Governor ng Isabela na si Kiko.
06:58Dalawang pamangki naman niya ay kasama niya sa Kamara na kinatawa ng ibang distrito sa Isabela.
07:04Ang pagkakahalal kay D, suportado raw ni Romualdez.
07:09Kagabi pa lang ay nagtanggal na ng gamit sa tanggapan ng Speaker at ngayong hakon ay halos tapos na ang pagbakante sa opisina bago ito gamitin ang bagong Speaker.
07:19Ayon kay Representative Marcos, si Romualdez mismo ang nagsabi sa Pangulo na magre-resign siya.
07:26Nirespeto naman daw ng Pangulo ang desisyon ni Romualdez.
07:30It was one of respect dahil nakita niya that he was doing it to save the institution and to give way for the independent body to have a fair and thorough investigation.
07:38Kinumpirma ng palasyon na nagkausap kahapon ng Pangulo at pinsang si Romualdez pero hindi na sila nagbigay ng detalye.
07:47Ang malinaw raw, bumaba man sa pagka-speaker ay hindi pa rin lusot sa pananagutan si Romualdez kung totoong sangkot siya sa anomalya.
07:56Mag-resign, hindi siya mag-resign, maaari pa rin siya maimbestigahan.
07:59Sabi ng Presidential Communications Office, ipagpapatuloy ng administrasyon ang maayos na pakikipagtulungan sa lahat ng mababatas para mapanatili ang pagtutok sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino at isulong ang kaunlaran ng bansa.
08:15I-ginagalang daw ng Malacanang ang kasarinlan ng Kamara at kinikilala ang mga naging ambag ng nagbigtiw na House Speaker ng si Representative Martin Romualdez.
08:26Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
08:33Arrestado is ang Australian National na wanted sa iba't ibang kaso sa kanilang bansa.
08:38Gumagamit pang dayuhan ng iba't ibang pagkakakilanlaan para makaiwas sa huli.
08:43Saksi, si John Consulta Exclusive.
08:51Mabilis na bumangon at muling tumakbo ang nilaking ito matapos madula sa bahagi ng barangay-poblasyon sa Makati City.
08:58Hindi niya inalintana ang mga sakyan hanggang umabot sa isang nakaparada na may car cover.
09:03Natuntun siya ng mga tumutugi sa tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit habang nagtatago.
09:10I think I'll just wait for a while.
09:11No, you have the right to remain silent in anything you say may be used against in the court of law.
09:17You are under arrest by the Bureau of Immigration Fugitive Search Unit.
09:20Ang lalaking target, 33 anos na Australian National na wanted sa kanilang bansa dahil sa iba't ibang kaso.
09:26You is allegedly an Australian fugitive using multiple fake identities ng the Philippines.
09:33Since we're the fugitive search unit, you're in charge of arresting you.
09:37Ayon sa BI, ilang taon na nilang tinatrack ang dayuang Pungante na palipat-lipat sa Metro Manila at Calabar Zone gamit ang iba't ibang pangalan.
09:46Meron siyang U.S. identity, U.S. mga Australian identities po.
09:53Meron siyang mga diverse licenses na American, meron siyang Australian passport, meron siyang Seychelles na identity.
10:00Ay mga fraudulent.
10:01Itong taong ito ay wanted sa kanilang bansa for being a member of an outlaw motorcycle gang na meron allegedly involvement sa mga drug trafficking and other crimes.
10:13Inaalam na ng Bureau of Immigration kung mayroon ng mga kagrupong Pilipino na nag-ooperate dito sa Pilipinas ang inarestong Australyano.
10:20Makikita ang tatu na kumansero sa braso ng dayuwang target.
10:24Isa itong motorcycle gang sa Australia na sangkot raw sa iba't ibang kaso kabilang ang drug trafficking at pagpatay sa kanilang mga kalabang drug group.
10:32Very violent yung mga naririnig natin ng mga crimes at trafficking ng mga narcotics ang ginagawa niya.
10:39Sinisikap pa rin namin makuha ang panig ng inarestong Australyano.
10:43Para sa GMA Integrated News, John Konsulta ang inyong saksi.
10:49Inulan at binaha ang ilang lugar sa Hilaga at Gitnang Luzon dahil sa epekto ng Bagyong Mirasol.
10:56At mula sa Tugigaraw City, saksi live si Nico Wahe.
11:01Nico?
11:02Pia, alas 5.30 ng hapon na makarating kami rito sa bahagi nitong Cagayan.
11:11Isa rin ito sa dinaanan nitong Bagyong Mirasol.
11:14Pero ayon sa PDRRMO ng Cagayan, light to moderate range lang ang naranasan dito.
11:19Kaya naman ang Cagayan River, nasa 2.6 meters pa lang ang water level at hindi pa nakakaalarma at pasok pa rin sa normal level.
11:30Pero ayon sa PDRRMO ay posibleng mag-swell ito sa 6 meters kung magtutuloy-tuloy ang ulan na dala ng Mirasol sa Region 2.
11:37Ang tubig daw kasi sa upstreams ay rektang bababa sa Cagayan River at kapag tumahas ang water level ay posibleng bumaha sa mga area na nasa gilid ng Cagayan River gaya ng bayan ng Enrile, Solana at maging dito sa Tugigaraw.
11:51At pia, bago kami makaabot dito sa Cagayan ay inulan din yung mga dinaanan namin gaya ng Nueva Ecea at ng Aurora.
11:58Umaga pa lang, ramdam na ang sama ng panahon sa maraming lugar sa Luzon, tulad sa Talavera at San Jose City sa Nueva Ecea.
12:10Sa barangay Pungkan sa Karanglan, bumigat ang daloy ng trapiko.
12:13Nagpabaha kasi sa kalsada ang tubig na mula sa bundok.
12:16Dagdag perwisyo pa mga buhangin at pato na kasama ng rumaragas ang tubig.
12:21Tambakan nakuha ang bato at buhangin na nakuha sa kalsada ng DPWH.
12:24Sabi ng barangay chairman, dalawang dekada na nilang problema ang baha kahit kaunti lang ang ulan.
12:30Buti na lang daw at nahaharang ng barangay holang tubig na posibleng dumiretsyo sa mga kabahayan.
12:35Rekta na raw ito sa mga bukid pero pahirap pa rin sa mga motorista.
12:38Sana'y malagyan po ng mga malaki-laking kanal na diretsyo po sa pinakamalaking creek sa ilog para wala na pong maging baha.
12:52Naranasan din ang masungit na panahon sa bayan ng haen.
12:55Sa kasiguran Aurora, ramdam ang bagsik ng bagyong mirasol na naglandfall doon pasado alas 3 ng madaling araw kanina.
13:01Binaharin ang anim na barangay.
13:03Kabila ang barangay Kalantas at Esperanza na abot baywang ang tubig.
13:08Binaharin ang barangay Tinib kung saan halos kulay putik na rin ang tubig.
13:12Sa tala ng kasiguran NBRRMO, di bababa sa isanda ang bahayan na lubog sa baha.
13:16Ayon sa kasiguran LGU, lumikas muna sa evacuation center may hit 200 individual mula sa mga low-lying area.
13:23Epekto nung galing sa bundok, pababa.
13:27At mostly kasi ang pinagabutan ng baha, yung mga river natin, yung mga malalaking ilog na papunta ng palabas ng dagat.
13:38Eyo, nag-overflow sa sobrang lakas siguro ng volume kahapong.
13:42Sa mga bayan ang dinalungan at dilasag, nasira ang labing limang bangka matapos hampasin ang alon.
13:48Ayon sa Aurora Provincial DRRMO, limang manging isdang na ipaulat na nawala matapos pumalaot sa kasagsagan ng masamang panahon.
13:55Kaninang hapon, nakita na ang apat na sakay ng bangka pero isa pa rin ang patuloy na hinahanap.
13:59Ang ginawa nila ay tubago muna sila at nagpalipas nung sama ng panahon.
14:05Sa Ilagan City sa Isabela, hindi na matanaw ang Bakulod Bridge matapos malubog sa baha.
14:10Isinara naman sa mga motorista ang Buka Bridge at Shaggy kanina dahil sa pag-apaw ng tubig sa tulay.
14:16Patuloy din ang pagulan sa Bagu City kanina.
14:18Kasabay nito, may at may ang paglilinis sa City Engineering Office sa mga naipong basura sa City Camp Lagoon sa barangay Lower Rock Quarry.
14:25Kung di kasi aalisin ang mga basura, mabilis na aapaw ang tubig at babaha sa lugar.
14:30Nakamonitor rin ang CDRMO kung kailangang lumikas ng mga residente roon.
14:34We are alerting our BDRM committees on our counterparts sa barangay to continuously monitor their areas.
14:40Especially areas ng Irisan, Irisan, Barangay, Quezon Hill area, Lucnave area, Aurora Hill area, Quirino Hill.
14:49So those are actually our landslide own area.
14:51Labing tatlong barangay ang posibleng bahain kapag umapaw ang tubig sa lagoon.
14:55Mayigpit din ang pagbabantay sa bengget na madalas makapagtala ng flash flood at landslide.
14:59Pinapayuan ang mga motorista na iwasan muna ang pagdaan sa Kennon Road.
15:10Pia, pinaghahandaan na rin ng Cagayan PDRRMO ang panibagong sama ng panahon na papasok sa bansa kung saan extreme northern luzon din ang posibleng maapektuhan.
15:20Kabilang dyan, yung mga bayan dito sa Cagayan gaya ng Gonzaga, Gataran, Claveria, Lalo at Santa Ana.
15:27Live mula rito sa Togay-Garaw City para sa GMA Integrated News, ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
15:35Maka puso bago sa saksi, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi ang tropical depression na bidabantay ng pag-asa.
15:44Tatawagin na itong bagyong Nando.
15:47Update naman sa bagyong Mirasol, huli itong namataan na pag-asa sa bahag ng Kalanasan, Apayaw.
15:52Basta sa 8pm buletin ng pag-asa, nakataas ang signal number 1 sa Batanes, Cagayan, kasamang Babuyan Islands, northern portion na Isabela, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, eastern at northern portions ng Ipugao, Ilocos Norte at northern portion ng Ilocos Sur.
16:11Sa forecast track ng pag-asa, patuloy itong kumikilos, pahilagang kaluran habang tinatawid ang northern Luzon hanggang sa makarating sa Luzon Strait.
16:22Posible pa itong lumakas bilang tropical storm pero maaaring lumabas na ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
16:29Ang bagyong Nando naman, ayon sa pag-asa, posibleng lumapit sa northern Luzon kaya habang papalapit, ay posibleng magtaas na ng wind signals pagdating ng weekend.
16:38At sa pag-asa, inaasang lalakas pa ito sa mga susunod na araw at hindi inaalis ang posibilidad na umabot sa typhoon o super typhoon category.
16:48Pwede pa itong magbago kung patuloy.
16:51Kaya patuloy po na tumutok sa mga update.
16:54At sa ngayon, ang bagyong Mirasol pa rin ang may epekto sa bansa kasabay ng pag-iral ng habagan.
16:59At dahil sa bagyo, posibleng malalakas na ulan sa Cagayan, Isabela, Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra at Bengen.
17:10Sa magala, magigit 100,000 piso ang natangay mula sa isang senior citizen na hinold up sa Quezon City.
17:16Sa iklasang follow-up operation, naaresto ang isa sa mga suspect.
17:20Saksi si Jamie Santos.
17:22Sa kuha ng CCTV, alas 4.46 ng madaling araw nitong September 14,
17:32naglalakad ang isang senior citizen na lalaki patungo sa isang sasakyan.
17:36Kuha ito sa isang establisimento sa Timog Avenue, Barangay South Triangle sa Quezon City.
17:42Napatigil ang senior citizen sa paglalakad dahil kinausap ng isang lalaki.
17:46Ilang sandali pa, sumakay ang senior citizen sa sasakyan habang inaalalayan ng kinausap na lalaki.
17:54Maya-maya, isang lalaking nakahelmet ang lumapit sa kanila, sabay tutok ng baril.
17:59Isa pang nakahelmet din ang lumapit sa mga biktima para hold up in.
18:03Natangay ng mga suspect ang pouch bag ng senior citizen na naglalaman umano ng mahigit 100,000 pesos na cash at mga ID.
18:12Tumaka sa mga suspect sakay ng isang motorsiklo.
18:14Sa pag-iimbestiga ng QCPD, natuntun daw nila ang isa sa mga suspect ng magsagawa ng backtracking.
18:23Sa tulong ng LTO, natukoy naman kung kanino nakarehistro ang motor na ginamit na getaway vehicle.
18:29Nang puntahan ng mga polis ang nakarehistro ng may-ari, nandoon ang motor at iginiit niyang hindi siya lumabas.
18:35Kwento ng may-ari, may kaparehong motor na ipinagawa sa kanyang shop dalawang araw bago ang insidente.
18:41Binigay po niya yung address at pinuntahan nga po ng ating kapulisan at doon nila nakita na nandoon din po yung motor na may kaparehong plaka.
18:50So parang ginaya po yung plaka niya at doon nga po nahuli na sa Cavite yung suspect.
18:56Sa verification din ng mga polis, napag-alaman na marami na raw kaso ang nahuling suspect.
19:01Before this month nga lang daw is 10 na yung na-commit niya na robbery sa iba-ibang lugar.
19:10And nung further investigation din po, nakita na almost 22 ang warrants nitong suspect na ito.
19:18May tipster daw ang mga suspect.
19:20Bukod sa mga senior citizen, target daw namang ito ang may mga suot na alahas at dalang gamit.
19:25Kahapon, isinampalaban sa suspect ang reklamong robbery at paglabag sa Republic Act 11-235 o Motorcycle Crime Prevention Act sa Quezon City Prosecutor's Office.
19:37Isinailalim na rin siya sa inquest proceedings.
19:40Isang hiwalay na reklamong paglabag sa Republic Act 10-591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act din ang ihahain sa Office of the City Prosecutor sa Imus, Cavite.
19:51Nasa kustodiyan na ng kulisya ang arestadong suspect at hindi pinayag ang aming makapanayama.
19:57Patuloy naman daw ang paghahanap sa kasabot nito.
20:00Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos ang inyong saksi.
20:06Nasunog ang limang apartment unit sa barangay Pasong Tamo, Quezon City kanina madaling araw.
20:11Mabilis na natupok ang magkakatabing gusali.
20:14May mga nagkrap na magkakaanak pero nailitas din sila at dinala sa ospital.
20:18Nasawi sa sunog ang tatlong pusat at isang aso at inalampang sanhin ng sunog at ang kabuhang halaga ng pinsala nito.
20:33Pito hanggang walong kontraktor ang napagalamang overlapping o pare-pareho umano ang mga pangalan ng Board of Directors.
20:40Batay po yan sa imbisigasyon ng NBI sa mga kontraktor na nakakorner ng flood control projects sa bansa.
20:45Sa paghimay naman na House Committee on Appropriations sa budget ng BPWH,
20:50may mga nagreklamong kongresista matapos matanggalan ng pondo ang ilang proyekto sa kanilang distrito.
20:57Saksi si Joseph Moro.
20:58Mula sa orihinal na P881.3 billion, P625.78 billion na lamang ang budget na hinihingi ng Department of Public Works and Highways sa 2026.
21:15Tanggal ang P252.53 billion na halaga ng mga lokal na flood control projects na gobyerno ang nagpupondo.
21:22Ang tiniralamang ay ang P15 billion na halagang sagot ng gobyerno sa mga foreign assisted flood control projects tulad ng Pasig Marikina Rehabilitation Project.
21:33May bahagi kasi ng pondo para dyan na inutang sa iwang bansa at obligadong tapusin,
21:38hugot pa sa mahigpit na binabantayan ng mga nagpautang.
21:41Tapusin lang muna natin yan, ayusin po natin ang mga ginagawa nating ongoing na flood control o over the country for 2026.
21:51Zero muna tayo.
21:53Ito na ang pinakamababang budget ng DPWH na isinumite sa kongreso simula noong taong 2020.
22:00Wala muna ang pondo para sa mga flood control projects hanggat hindi na sosolusyonan ang problema.
22:05Pero paano ang mga pagbaha na nangangailangan ng aktual na solusyon?
22:10Sabi ni Dyson, may mga flood control projects naman na napondohan noon pan 2024 at ngayong taon.
22:17Tanong ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice,
22:20paano ang pondo sa dredging sa kanilang lugar na isa sa mga nasagasaan?
22:25Unfair naman po yun.
22:28Yun po eh, matagal naging hintay.
22:32Tapos ang magihirap ngayon, yung mga kababayan nating babaha eh sa susunod na taon.
22:37Itutuloy yung balpak, pagkatapos, ihinto yung matitino.
22:43Ayong kikagayan de Oro, 2nd District Representative Rufus Rodriguez,
22:47natanggal din ang pondo para sa bypass road sa lugar nila.
22:51I am asking, appealing to the secretary.
22:53Can you restore this?
22:55I think it was looked at as multiple packages.
22:58We will find a way to restore this.
23:01Umaasa pa rin ang mga kongresista na uubra ang pagbabalik ng pondo
23:05kung hindi naman anila para sa flood control.
23:07Wala na mga pag-singin sir.
23:10Yun ang instructions.
23:12Yun lang kailangan natin badayan.
23:14Kung may babalik man, kung saan man mapunta,
23:16kailangan ma-verify na yun talaga yung kailangan.
23:19Ang pagnatapyas ng pondo para sa mga flood control project
23:22at alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na is zero budget
23:26ang mga proyekto kontrabaha sa 2026.
23:30Sa susunod na taon din, target ma ilabas ang flood control master plan
23:34para sa Metro Manila.
23:36Magkakaroon din ng master plan for the entire country.
23:39Yun po ang plano natin, Mr. Chairman.
23:42Marami po sa mga nakita natin ngayong mga proyektong may problema
23:46dito sa flood control specifically,
23:49e mga proyekto po na wala man lang ni plano.
23:53Kahit anong detailed engineering design, kahit anong feasibility study,
23:57wala man lang po.
23:58At ang commitment po at ang gusto pong mangyari ng ating Pangulo
24:01ay hindi na po mauulit niya.
24:03Itinuro naman ng ilang kongresista ang umano yung small committee
24:07sa Bicameral Conference Committee kung saan umano natagtag
24:10ang 289 billion pesos na budget ng DPWH at 2025.
24:16Nang unang dumating daw ang 2025 National Expenditure Program ng DPWH,
24:21ito ay nasa 898 billion pesos lamang.
24:24Pero sa kongreso ay bumaba pa ito ng 825 billion pesos.
24:29Nang dumaan daw ito sa Bicam ay tumaas ito bigla.
24:33Sa 1.13 trillion pesos.
24:35Ang malinaw dito,
24:37ang insertions o paglobo o pagsingit nangyari sa Bicam.
24:44Hindi sa small committee dito sa House of Rep.
24:47Bukas ba ang departamento
24:48na i-identify kung sino ang sponsor ng bawat amendment niya?
24:56Pwede ba lahat ng pagbabago dyan,
24:59i-identify at isa publiko?
25:02Okay ba kayo daw?
25:03Ang magandang idea ko yan.
25:06Dapat.
25:07Isa publiko yan.
25:10Kasi masyado ng maraming tinatamaan na hindi dapat tinatamaan.
25:14Tinanggap naman na ni Dyson ang courtesy resignation ni DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
25:20Si Cabral ang sinasabi ni Sen. Panfilo Laxon na nag-uudyok umano kay Sen. Tito Soto na maglagay ng budget insertion sa 2026 proposed budget.
25:29Ang sabi ni Laxon itinanggiraw ito ni Cabral kay Secretary Dyson ng tanungin.
25:34Sabi ni Cabral handa siyang saguti nito sa pagbinig.
25:38Ayon sa Malacanang ipapasa sa Binong Independent Commission for Infrastructure ang mahigit 16,000 report na natanggap sa sumbong sa Pangulo.ph.
25:49Gumugulong na rin ang investigasyon ng NBI Task Force bilang suporta sa ICI.
25:54We just have to gather the evidence. Call us pay the spade. Nobody will be spared.
25:59Ano yan, we're also reviewing the contracts of the DOJ regarding the 15 firms that were cited by the President.
26:08Kung sinabi ng ICI, isaman niyo sa investigation ito, ito, ito, senator, congressman.
26:15Then wala po tayong mga gawa, tatrabahuhin po natin yan.
26:19We are working closely with AMLAC.
26:23Makikita po ng AMLAC.
26:26Kailangbawa, si Senator Galiso ay ikaw ang kunyari ang dami.
26:35Makikita namin if you have the capacity, makikita ng AMLAC.
26:39So, huli ka pa rin.
26:41Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ngayon pa lamang, nakita nilang pito hanggang walong kontraktor sa labing limang pinangalanan
26:49ni Pangulong Bongbong Marcos ang may overlapping ng mga pangalan na Board of Directors.
26:54ABCDE contractors have the same sets of officers.
26:59Nakakakita kami ng grieving, ng grieving process.
27:03Yung ABCDE FG na yan, nakipagbig sila.
27:10Kahit na sino manalo doon, kanila pa rin.
27:12Sila pa rin.
27:13Umiikot na raw ang NBI agents na may kasamang engineer sa mga umunoy substandard at coast projects particular sa Mindoro at Bulacan.
27:22Samantala ang mag-asawang Pasipiko at Sara Diskaya, dagdagdag na raw ng security, lalo't may natatanggap ka nila sila mga pagbabanta.
27:30Sinasabi, mag-ingat ka bilang na araw niyo.
27:35Siyempre, hindi namin pwedeng ipagsantabi ang mga yan.
27:40Kasi nga, dahil mga malalaking politiko yung nakalagay doon sa affidavit nila,
27:47hindi mo iwasan na mangamba sa security nilang dalawa at sa pamilya nila.
27:55Ayon sa kanilang abogado, ang gusto lamang ng mga diskaya, bigyan sila ng proteksyon ng gobyerno at hindi naman agad maging state witness.
28:02Dismayado rin sila sa freeze order na inisyo ng Court of Appeals.
28:06Sa kabila nito, tuloy ang kanilang pagharap sa Senate to Recon Committee bukas.
28:10Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
28:14Pinalaga ng Malacanang ang pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa pagbuo ni Pangulong Bombo Marcos na komisyong mag-iimbestiga sa mga flood control project.
28:24Ang tanong ni PCO Undersecretary Claire Castro, may moral ascendancy ba raw ang Vice President sa usapin ng korupsyon?
28:34Ang pag-iimbestiga po ay hindi po kailangang isang araw lang.
28:40Hindi po naniniwala ang Pangulo sa isang EJK style, walang imbestigahan, libingan ang hantungan.
28:52Ang gusto ng Pangulo, due process.
28:57Wala pang pahayag kognan nito si Vice President Duterte.
29:00Good news para sa mga Encantadix, dahil magkakaroon ng bagong yugto, ang Encantadier Chronicles Sangre.
29:13Kinumpir maya ni Bianca Umali na gumaganap bilang si Terra.
29:17Saksi, si Obie Caramper.
29:19The wait is finally over.
29:27Kumpleto na ang apat na mga bagong tagapangalagan ng mga brilyante.
29:34At pinili ng mga sagisag nito.
29:37Ang pagsasama ni Natera, Flamara, Adamus at Deya.
29:43Pinakahihintay na moment ng Encantadix at sumusubaybay sa Encantadier Chronicles Sangre.
29:50We are very grateful kasi kahit ano man ang mangyari, sinundan po talaga nila yung kwento.
29:58At hanggang ngayon ay mas lalo ng sinang nakakapit.
30:00Kinakabaan din kami syempre at masaya din dahil alam namin yung sa isa't isa kung ano yung napagdaanan namin.
30:09Ang isa sa mga inaabangan, paanong matatanggap ni Naperena at Flamara na si Deya na lumaki sa mini-ave ang susunod na tagapangalagan ng brilyante ng hangin.
30:21Ako ang mga ngalagan ng brilyante ng hangin?
30:28Bakit ako?
30:30Bakit nga ba ikaw ang napili ng sagisag ng hangin?
30:35Kayong ikaw ay galing sa lahi ng mga bidali.
30:48Niwala kang marka ng isang sangre.
30:51Hindi ko rin naman masisisi yung mga sangre.
30:54Kasi syempre si Deya galing siya sa mga kalaban.
30:56Pero mas sakit din yun for me as Deya sa karakter ko.
31:00Kasi syempre, ramdam na ramdam ko talaga na hindi ako bilong.
31:04Magpapamalas na ng kanyang kapangyarihan si Deya.
31:08May kapangyarihan kang pasunodin ang hangin.
31:12Salamat, Deya.
31:19Matanggap na kaya siya ni Perena?
31:21Magsisimula ng inyong pagsasanay.
31:24Maging ikaw ay sasama rin.
31:26Biro pa ni Angel Guardian.
31:28Dito raw sa Encantadya, tila masungit daw sa kanya si Ashti Perena Glyza de Castro.
31:34Na nakasama naman niya sa Running Man Philippines as Boss G.
31:37Boss G love ko.
31:38Si Perena medyo...
31:39Pero masaya to.
31:43Masaya tong linggong to.
31:44Magsisimula pa nga lang daw ang adventure ng mga bagong sangre para iligtas ang Encantadya.
31:50Pero may exciting announcement na raw sila.
31:54Kami po ay back on set na ngayon dahil we are very grateful.
32:00Dahil po sa pagmamahal po sa amin ng mga Encantadiks,
32:04ang Encantadya Chronicles po ay may bagong hito.
32:08Mas naingganyo kami mas maging creative.
32:10Mas naingganyo kami na mas paghusayan at mas gandahan pa.
32:14Kasi alam namin na merong mga manonood ng mga nakatutukat na kaabang.
32:19Para sa GMA Integrated News,
32:22Aubrey Carampel ang inyong saksi.
32:25Pag overtake sa isang pedicab,
32:29biglang sumampah ang gulong ng pickup truck na yan sa railing
32:33ng maliit na tulay sa Mangaldan, Pangasinan.
32:37Nagtuloy-tuloy ito, tumagilid at nahulog sa sapa sa kabumaligtad.
32:42Nagtulong-tulong ang mga toleridad at residente para sana iligtas ng driver,
32:46pero wala na siyang buhay ng mailabas mula sa sasakyan.
32:50Tumagi namang magbigay na pahayag ang mga kaanak ng biktima.
32:53Kinaliwan online na isang pusa na tila ayaw pakantahin ang kanyang amo.
33:04Habang nagre-record ng song cover ang kanyang fur dot na si Rafa,
33:16umandar ang kakulitan ng pusang si Noel.
33:20Ang kwento ni Rafa, mabait at malambing naman ang kanyang fur baby,
33:24pero baka na-trigger lang sa high notes dahil in-heat daw ang pusa.
33:29Hindi naman nasugatan si Rafa at pusa rin bumitim si Noel sa kanyang likod.
33:37Huli, pero hindi naman kulong.
33:40Ang isang pusa sa bulakhan.
33:42Ang pusa kasing si Xander, may pasalubong na buhay na manok sa kanyang fur dad.
33:48Ang kwento ng kanyang amo na si Ben John,
33:50na huli ni Xander sa kanilang subdivision,
33:53ang ligaw na manok.
33:55At kalaunan, pinakaulan din naman ang manok.
33:58Maka puso, bago sa saksi,
34:00naglabas ng thunderstorm advisory ang pag-asa pasado alas gis ng gabi.
34:04Posible ang katamtaman hanggang malakas na pag-ula
34:07na may kasamang pagkidlat sa Laguna.
34:09Sa susunod po yan na dalawang oras.
34:11At heavy to intense rain showers naman ang nararanasan sa ilang bahagi ng Quezon province.
34:17Back to Back Birthday Celebrations ngayong Setiembre
34:24para sa dalawang ex-PBB housemates.
34:27Mala 90s matinee idol ang birthday photoshoot ni Will Ashley.
34:33Labis-labis ang pasasalamat ni Will
34:35sa sunod-sunod na blessings gaya ng kanyang upcoming solo concert.
34:40Mistulang manika naman si Charlie Fleming
34:44sa kanyang 17th birthday photoshoot.
34:47Ano naman kaya ang kanyang birthday wish?
34:52One door that has not opened for me yet
34:55but I'm really praying that it does open is music.
34:57Salamat po sa inyong pag-saksi.
34:59Ako po si Pia Arcangel
35:00para sa mas malaki misyon
35:02at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
35:05Wala sa GMA Integrated News
35:07ang News Authority ng Pilipino.
35:09Hanggang bukas,
35:11sama-sama tayong magiging
35:13Saksi!
35:14Mga kapuso,
35:20maging una sa Saksi!
35:22Mag-subscribe sa GMA Integrated News
35:23sa YouTube
35:24para sa ibat-ibang balita.
35:26Mag-subscribe sa GMA Pin 이�—
35:38Na signa s-aian na sari,
35:38kongongan ba-ibang balita.
35:39Mag-sappelle
35:39Mag-sagara
35:39Mag-s��
35:40Mag-s Pilot
35:41Mag-s verste,
35:42draw
35:43Mag-s 솔직히
35:43Mag-syez
35:44Mag-slichen
35:44Mag-s совершенно
35:45Mag-s irritation
35:45Mag-sbras
35:46Mag-s Lydia
35:47Mag-sotte
35:48Mag-s hydraul
35:49Mag-s watermelon
35:50Mag-s loyalty
35:50Mag-s Sz compliment
35:52Mag-s houasion
35:52Mag-s hypothes
35:53Mag-sULL
35:54Mag-s Hung
Comments