- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging...
00:07Takli!
00:15Habulan sa dagat, nauwi sa banggaan.
00:19Nagsalpukan ang dalawang barko ng China sa gitna ng paghabol nila
00:22sa barko ng Philippine Coast Guard sa Baho de Masinlok sa West Philippine Sea.
00:27At nakaranas din ang pangaharas ang mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
00:34Saksi, si Rafi Tima.
00:39Sa gitna ng paghabol sa barko ng Pilipinas na BRP Suluan,
00:48nagkabanggaan ang mga barko ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy ng China.
00:53Sa lakas ng impact, halos tumagilid ang CCG 3104.
00:57Bago ang di inaasahang tagpong yan.
01:00Kalahating oras hinabon ng CCG 3104 at Pilay Navy 164 ang BRP Suluan
01:05abang patungo ito sa Baho de Masinlok na pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
01:13Ilang beses dumikit ang dalawang barko ng China na pilit iniiwasan ng kapitan ng BRP Suluan.
01:19Regular na pag-ipot ito ng Philippine Coast Guard sa ating EEZ.
01:23Mission din nila kanina na magabot ng tulong sa mga Pilipinong manging isda.
01:26Hindi na nakahabol kanila itong China Coast Guard 3104.
01:31Kaya ito naman ngayong PLA Navy 164 ang kumahabol sa amin at sa pinusupong ang harangan.
01:38Yung paglapit namin sa Baho de Masinlok.
01:40Pumita naman kung gaano katindi ang napas itong PLA Navy 164.
01:47Nang hindi maharangan ng BRP Suluan, nagbukas na ng water cannon ng Coast Guard ship na China habang pilit kami hinahabol.
02:0210 km bago kami makating sa Baho de Masinlok, mas naging agresibo ang dalawang barko ng China.
02:07Ilang beses din silang muntik magbanggaan.
02:11Hanggang sa...
02:14Bigla na lang sumulpot ang dambuhalang barko ng Chinese Navy at humarang sa dinaraanan ng China Coast Guard.
02:22Sa anggulong ito muna sa aking 360 camera, makikita ang BRP Suluan ang matutumbuk sana ng Chinese naval ship.
02:28Mabilis lang nakalagpas ang barko ng Philippine Coast Guard, kaya mga barko ng China ang nagbanggaan.
02:33There was a miscalculation on the part of the PLA Navy.
02:37When it did a very sharp turn, siya yung bumangga sa China Coast Guard vessel.
02:45Wasak ang uso ng CCG 3104.
02:47Hindi pa tiyak kung may nasaktan mula sa mga nagbanggaang barko.
02:51Ang PCG niradyohan naman ang China Coast Guard para tumulong.
02:54This is BRP Suluan 4406.
02:56This is the Philippine Coast Guard vessel.
03:00Should you need any assistance?
03:02We have medical personnel on board.
03:05Hindi sumagot ang barko ng China Coast Guard.
03:08Habang ang PLA Navy 164, lalo naging agresibo sa paghabol.
03:12Ilang beses itong pilit inabot ang likor ang bahagi ng BRP Suluan at nagbaman niobro ang tila mambabanga.
03:19Malayo na kami ngayon sa bahagi ng Bahu Dimasidlok at papunta na sa direksyon ng Zambales.
03:25Pero ngayon, nalagang mabilis pa rin yung takbo ng PLA Navy at pilit kaming hinahabol.
03:30Bumagal din kalaunan ang takbo ng Chinese Navy.
03:33Dito na nakita ng kapitan ng BRP Suluan na tinamaan din pala ang barko ng Pilipinas.
03:37Bumaluktot ang flagpole ng BRP Suluan matapos dumikit at bumanggarin dito ang barko ng PLA Navy
03:42nang magkabanggaan sila ng China Coast Guard.
03:45Kalaunan, tumigil na rin sa paghabol ang PLA Navy habang palayo na kami sa Bahu Dimasidlok.
03:52Ang mga sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nakaranas din ng pangaharas.
03:58Hindi bababa sa 25 barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Vessel ang nakapalibot sa Bahu Dimasidlok.
04:04Nag-radio challenge pa ang China na sinagot din ang BIFAR.
04:06Agad din sumagot ang BIFAR.
04:19We must take claim of our oath and are reminded of your obligation for self-conduct by the 1972 International Relation Preventing Polition at Sea
04:29and the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.
04:33Bandang alas 8 na umaga, nag-shadowing ang China Coast Guard Vessel 3306 sa gilid ng Multimission Offshore Vessel o MMOV na Dato Bangkaya.
04:43Sa di kalayuan, binugahan na rin ng tubig ng CCG ang isa pang partner MMOV ng BIFAR na Dato Sumcat.
04:49Maya-maya, nagtangka na rin silang i-water cannon ang Dato Bangkaya.
04:54Hinarangan at sinundan din ang China Coast Guard ang BIFAR vessel lalo nung lumapit sa Bahu Dimasidlok.
04:58Sa kabila ng naranasang pangaharas, hindi din naretsyo ng BIFAR at Philippine Coast Guard ang Kadiwa Mission.
05:06Tinagpo nila ang mga manging isda sa palibot ng Bahu Dimasidlok para mamahagi ng bigas, tubig inumin, grosery packs, gamot at diesel.
05:14Napakalaking tulong po nito sa amin dahil po sa magkakaroon po kami ng kaunting bawas na gasto sa aming bangka.
05:21Hindi po kayo makakilis na malayang maigi ayot. Gawa ng, nandyan nga po sila parang-arang, kaya hindi po kayo makakilis masyado.
05:28Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyong saksi.
05:33Ang paninindigan ng Pilipinas, bahagi po ng bayan ng Masinlok-Zambales, ang Bahu Dimasidlok.
05:39At nasa loob din ang 200 nautical mile exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.
05:46Ay po sa DFA, kinikilala ng bahagi ng Pilipinas ang Bahu Dimasidlok batay sa mga sinuunang mapa gaya ng Murillo Velarde map na inilathala noong 1734 at tinaguri ang Mother of All Philippine Maps.
06:01Noong Abril ng 2012, nauwi sa dalawang buwang standoff ang pagkakadiskubri roon ng ma-Chinese fishing vessel na naglalaman ng ma-coral, giant clam at iba pang yamang dagat na iligal umanong nakolekta.
06:16Aaresto yun sana sila ng Philippine Navy, pero hinarak ng mga Chinese ship.
06:22At hunyo ng taon yun, iniutos ang pull-out ng mabarko ng Pilipinas dahil sa bagyo.
06:27Ang sabi noon ng DFA, magpo-pull-out din ang mabarko ng China.
06:32Pero hindi po yan ginawa ng China.
06:34At sa ulit ng Asia Maritime Transparency Initiative, nagresulta yan sa de facto transfer of control ng Bahu Dimasidlok sa China.
06:42At January ng 2013, dumulog ang Pilipinas.
06:46Sa Arbitral Tribunal ng Permanent Court of Arbitration para kwestyonin ang nine-dash line claim ng China.
06:54Isa po sa mga nakasaad sa Arbitral Award na inilabas noong 2016,
06:58may traditional fishing rights ang iba't-ibang nationality sa Bahu Dimasidlok at paglabagaan nila sa nasabing karapatan ang pagpigil ng Chinese ship sa mga Pilipino na mangisda roon.
07:10Hindi po kinilala ng China ang ruling at makailang ulit pa rin hinaharas ang mabarko ng Pilipinas sa Bahu Dimasidlok at iginigit pa rin ang China na teritoryo nila ito.
07:23Hindi uurong ang Pilipinas sa pagtatanggol ng soberanya nito.
07:27Yan po giit ni Pangulong Bombo Marcos kasunod ang palibagong pangaharas ng China sa Bahu Dimasidlok.
07:33Saksi, si Marie Zumal.
07:49Hindi raw nang hahamot pero hindi rin nagba-back out.
07:52Ayon kay Pangulong Bombo Marcos, yan ang paninindigan ng Pilipinas
07:56sa kabila ng panibagong insidente ng paghahabol at pag-water cannon ng mga barto ng China sa Bahu Dimasidlok.
08:03Kung tutuusin, ayon sa Pangulo, wala raw Pilipinong gustong magkagyera kahit sundalo o coast guard pa raw.
08:11Ginagampanan lang daw nila ang kanilang sinumpaang tungkulin.
08:14Kinundin na rin ng ilang grupo at mambabatas ang insidente.
08:17Dapat mas paigtingin ang ating civilian missions in the area
08:22including yung mga ganyang supply mission na ginagawa ng BFAR at gayon din ang mga ordinaryong mamamayan.
08:28Gate ng China Coast Guard, legal ang pagpapalayas o manon nila sa mga barko ng Pilipinas
08:33na nanghihimasokan nila sa Huangian Dao,
08:36ang tawag ng China sa Bahu Dimasidlok at bahagi raw ng kanilang teritoryo.
08:40Sa kabila yan ang nakasaad sa 2016 arbitral ruling na merong traditional fishing rights
08:46ang iba't-ibang nationality sa Bahu Dimasidlok at paglabagaan nila sa nasabing karapatan
08:51ang pagpigil ng Chinese ships sa mga Pilipino na mangisda roon.
08:57Ang Pilipinas, naninindigang bahagi ng bayan ng Masindlong Zambales ang Bahu Dimasidlok.
09:03Bahagi rin ito ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas.
09:07Gate ng Department of National Defense, hindi tayo nang aaway o may balak na manako.
09:13Pero gagawin daw natin ang kinakailangad para protektahan ang soberanya.
09:18Wala tayong interest na pasukin kahit sino, napuntahan na kahit sino, sugurin kahit sino.
09:24Wala tayong ka-interest, interest diyan.
09:27And we will not stop doing it.
09:29We will stop doing it when the threats stop.
09:31Ikinagulat din ang Pangulo ang paghahain ng China na matinding protesta
09:35matapos ang pahayag niyang madadamay ang Pilipinas
09:38kung magkakaroon ng komprontasyon ng China at Amerika dahil sa Taiwan.
09:42I'm a little bit perplexed why it would be characterized as such, as playing with fire.
09:49I don't know what they are talking about.
09:51Playing with fire?
09:53I was just stating facts.
09:58We do not want to go to war.
10:02But I think if there is a war over Taiwan, we will be indrawn.
10:10Hihilain tayo sa ayat gusto natin.
10:13Kicking and screaming.
10:15I hope it doesn't happen.
10:16I hope it doesn't.
10:17And I think because of the narrative coming out about playing with fire and being provocative and all of that,
10:30kaya nagka-increase ng activity doon sa West Philippine Sea.
10:35Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyong Saksid.
10:40Kritikal ang siyam na taong gulang na grade 3 student na ginulti umano ng limang high school students sa Iligan City.
10:48Ang sama ng biktima, pauwi na ang bata ng bugbugi na mga suspect nitong August 4.
10:55Dinala ang biktima sa ospital matapos lagnatin at sumakit ang ulo.
10:59Hindi pa malinaw ang motibo.
11:01At humarap na rin sa barangay ang limang suspect sa pananakit.
11:04Ang sa barangay, umahawat lang sa away ng dalawang bata ang biktima.
11:10Desirido ang ama ng biktima na magsampan ng reklamo.
11:13Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuha ang panig ng mga sinasabing nambugbog.
11:21Sinapana ng reklamo ang dalawang driver na nakasagasa sa isang konduktor sa General Trias Cavite.
11:27Isa po sa mga driver, nakainong umano.
11:31Saksi, si Oscar Oida.
11:36Yung yakap niya po parang iba na po eh.
11:40Iba po yung pakiramdam ng yakap niya tapos basta iba po.
11:45Di pa rin matanggap ni Mikey Balatbat ang sinapit ang kinakasamang si Manny.
11:50Ang konduktor ng bus na nahati ang katawan matapos magkasunod na matumbok ng isang kotse at isang truck sa General Trias Cavite hating gabi kahapon.
12:01Dinatnan ko siya sa tanggapan ng General Trias Cavite Police Station kanina.
12:04Ayon sa kasamahan ng biktima, paggarahin na sila ng mangyari ang aksidente.
12:27Sakto kasi yung pagbabaan niya, papasok na ako sa grime, biglang may small pot na kotse.
12:34Mabilis ang takbo eh, pagigwang-gibwang pa.
12:36Pagkabundol kay Manny ng kotse, tumalsik siya sa ibang lane kung saan naman siya nasagasaan ng dump truck.
12:43Mabuti na lang mayroong police movie na nakabuntot pala sa amin kaya pinahabol ko yung nakabanggain ng kotse.
12:53Sa ngayon ay naareso na pareho ang mga driver ng kotse truck na nakadiskrasya sa biktima.
12:59Ang driver ng kotse na unang nakasapol kay Manny, nakainom ayon sa mga polis.
13:04Sa result also ng medical examination ng driver ng kotse, nakainom po siya, intoxicated.
13:13So medyo malayo-layo na po sa area nung na-interception ng mga patrolling patrol natin.
13:18It could aggravate the circumstance of the case po, but it will depend on the court na magtatry po dito sa soon to be respondent po natin.
13:28Sumailalim na rin sa inquest proceedings ang dalawang driver na naharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide.
13:36Tumangging magbigay ng pahayag ang driver ng kotse.
13:39Ang driver naman ng truck, sinabing wala siyang kasalanan sa nangyari.
13:44Wala akong inanong, dahil siya po ang may ano eh, sa akin no, isabit lang po.
13:49Para sa GMA Integrated News, Oscar Oydang inyong saksi!
13:53Imbes na total ban, nais ng economic team ng Pilipinas, nahigpitan ang regulasyon sa online gambling.
14:02At isa po sa mga mungkahi, pagbawalan sa online sugal ang mga binibigyan ng ayuda.
14:08Pinusuhan niya ni Bernadette Reyes sa Barangay Saksi Online.
14:16Dahil ang pagsasugal, sumabay na rin sa teknolohiya.
14:19Anytime, anywhere na ito, gamit ang computer o cellphone, kaya marami ang nalululong.
14:25Hiling ng ilang grupo, tuluyin ang wakasan ng online gambling sa bansa.
14:29Sabi ni Pangulong Bongbong Marcos, kailangan muna ng masusing pag-aaral kaugnay nito.
14:34What is the problem? Is the problem online gambling?
14:38Or is the problem na addict ang tao o nadadamay at natuturuan ng mga bata na magsugal?
14:46That's the problem. So let's solve that problem.
14:50Ang economic team ng Pilipinas, tinalakay sa isang forum ang mas istriktong pagpapatupad ng online sugal.
14:57Mismong si Finance Secretary Ralph Rectos, sinabing tutul siya sa online gambling.
15:02Pero base raw sa datos, kumikita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng 50 billion pesos mula sa online gambling.
15:10I would prefer, and if you can't stop it, assuming you could not, I prefer what the BSP is doing with new regulations to make it difficult for young people to be able to gamble through your cellphone, through using of the wallet.
15:30Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, mahalagang malaman ang profile ng gustong tumaya sa online gambling.
15:37Iminungkahi nilang pagbawalang gumahok sa online sugal ang mga binibigyan ng ayuda.
15:41You can't just go to your phone and then press one icon and then you're in a gambling site.
15:47We want it to be more difficult. No government employees which relies on a good KYC system.
15:55No one who receives ayuda, I think, should be allowed to gamble.
15:59Tinanong namin ng mga kapuso online kung anong masasabi nila rito.
16:04Tanong ng isa, kaya bang mapili ang mga pwedeng maglaro online? Mas mabuti pa raw natuluyan na lang itong buwagin.
16:11Pareho rin ang tanong ng isa. Paano raw mamomonitor ang mga tumatanggap ng ayuda na nag-online sugal?
16:17Pabor naman ang ilan, dahil ang ayuda raw ay kinukuha sa tax na mga nagtatrabaho tapos ipangsusugal lang?
16:24Sayang daw ang tulong. Kumento naman ang isa, hindi raw maipagbabawal ang pagsusugal, kaya ayuda na lang daw ang dapat tanggalin.
16:33At sagot ng isa pa, lahat daw ay dapat pagbawal ang magsugal dahil magdudulot ito ng kahirapan.
16:39Gambling leads to social harm. It's not harming just the individual, it harms his family or her family.
16:47So we want those things to be in place, especially in the payment system.
16:52Iminongkahirin itaas ang pinakamababang maaaring itaya sa online gambling na dapat munang bayaran bago pa makapaglaro.
16:59There can be a minimum entry level. For example lang, again, there's a minimum entry level, let's say, of 1,000 pesos and a minimum bet of 100 pesos.
17:13That way, you don't have somebody coming in, a desperate person coming in with 100 pesos and betting everything he has on one bet.
17:23I completely agree with the proposals of my colleagues, particularly the more informed regulation.
17:32Ayon sa DOF, 40% lang na mga online gambling firm ang regulated, habang ang malaking bahagi o 60% ay maituturing na informal at hindi regulated.
17:44Sa Huwebes, nakataktang dinggi ng Senate Committee on Games and Amusement ang issue ng online gambling.
17:49Para sa GMA Integrated News, ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
17:55Patay isang guro sa Balabagan, Lanao del Sur, matapos barilin ang kanyang estudyante.
18:00Ayon sa polisya, naglalakad papasok ng Balabagan Trade School ang guro si Danilo Barba,
18:06nang tambangan ng isang grade 11 student noong nakaraang lunes, August 4.
18:11Binaril sa ulo ang biktima gamit ang kalibre 45 na baril.
18:15Nagalit umano ang estudyante dahil bagsak ang nakuhang grado sa subject kaya hindi nakapag-enroll sa grade 12.
18:23Matapos ang krimen, nagtago umano ang estudyante sa kanyang mga kamag-anak pero sumuko rin sa tulong ng kapatid niyang polis.
18:30Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuha ang panig ng suspect na nasa kustodiyan na ng polisya.
18:37Kinundi na ng Bangsamoro Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang pamamaril.
18:43Kakabulin ang Department of Transportation ang mga nanguhord umano ng BIP cards para sa MRT at LRT.
18:52Saksi si Joseph Moro.
18:58Siksikang pila papasok ng mga istasyon.
19:01Mahabang pila sa tikitan.
19:03At kulang na top-up card.
19:06Sa mga kalbarong ito, ng mga suki ng MRT-3 at LRT-1 ang huliang hindi na napigil ireklamo ng isang commuter diretsyo kay Transportation Secretary Vince Lison.
19:16Wala siyang mabiling BIP cards para sana iwas pila.
19:19May sindikatong bumibigil ng maraming BIP cards sa mga vending machine.
19:38Tapos binibenta online ng tatlong daan.
19:41Yun, kailangan i-crackdown natin.
19:42Kaya nakipagpulong na ang kalihim sa kumpanyang gumagawa ng BIP cards, bagay na kinumpirma ng kumpanya.
19:49Pagtitiyak nito, may sapat na supply ng BIP cards at handa sila mag-supply sa mga tren.
19:54Pero bukod sa kulang ang BIP cards, kulang din ang mga vending machine na naglalabas ito lalo tuwing rush hour.
20:01Pinadadagdaga na ito ng kalihim.
20:02Ito yung gustong bawasan ng Department of Transportation, yung mahabang pila sa mga vending machine para doon sa mga bumibili ng tiket dito sa LRT, Line 1 at saka sa MRT.
20:13Pinunari ni Dison ang mabagal na proseso para sa 50% discount ng mga estudyante at senior citizen na kailangan pang bumirma.
20:21Kawawa naman yung mga estudyante.
20:23Binigyan nga natin ng diskwento tapos binapahirapan naman natin.
20:26Tingin ko naman makakahanap kami ng paraan.
20:28Na sisikipan din si Dison sa entrada ng mga estasyon dahil sa mga vendor kusang nagbaklas ang ilang nasa footbridge na konektado sa mga tren na aminadong iligal ang pwesto nila.
20:40Alis kami. Saglit-saglit lang kami dito, sir.
20:43Pero may ilang nagsabing may binabayaran silang renta sa metro point na namamahala ng mall ng karugtong ng MRT3 Taft Station.
20:503,000 na day. So, 90,000 naman ito.
20:55Ito ngayon, 3,000 isang araw binabayad mo dito.
20:58Pasensya na kayo kasi bawal.
21:01Hindi naman sa metro point ito.
21:03Hindi kaya nga, hindi nyo kasaganan.
21:07Ayon kay Dison, kakausapin nila ang mall management.
21:10Sinusubukan rin makuha ng GMA Integrated News ang panig nito.
21:14Maglalagay daw ang DOTR ng mga tauhan ng Coast Guard para maiwasan ang pagbabalik sa pwesto ng mga umalis.
21:21Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
21:25Inilunsad po ngayong araw ang Sumbong sa Pangulo website kung saan pwedeng mamonitor ng publiko ang mga flood control projects sa buong bansa.
21:35Ikinababahala rao ni Pangulong Bobo Marcos na labin limang kontraktor lang ang nakakuha sa isang daang bilyong pisong halaga ng mga proyekto.
21:43O katumbas ng dalawampung porsyento ng kabuang pondo.
21:48Saksi, si Marie Zumali.
21:54Uulan, babaha.
21:56Huhu pa ang tubig.
21:57At kapag muling umulan, uulit lang ang proseso.
22:01Pero minsan hindi pa nga nawawala ang baha.
22:03Madaragdaga na naman.
22:05Kaya maraming napapatanong,
22:06Nasaan ang mga flood control project?
22:09Nagparinig pa nga si Pangulong Bobo Marcos sa huli niyang State of the Nation Address saan niya'y mga nagsasamantala.
22:16Iyan naman kayo sa inyong kapag Pilipino.
22:19Batay sa paunang pagsusuri,
22:21sabi ng Pangulo ay aabot sa mahigit 545 billion pesos
22:25ang inilaan para sa halos 10,000 proyekto kontrabaha sa buong bansa mula Hulyo 2022.
22:31At ang ikinababahala ng Pangulo,
22:41tila na corner down ang labindimang kontraktor
22:44ang tinatayang 100 billion pesos na halaga na mga proyekto
22:47o 20% ng kabuo ang pondo.
22:50This is another disturbing assessment,
22:54a statistic.
22:5520% of the entire 545 billion budget
23:00napunta lang sa 15 na kontraktor.
23:03Sa 15 na kontraktor na yan,
23:07lima sa kanila ay may kontrata sa buong Pilipinas.
23:13That for me was the one that stood out very much.
23:17Five of these contractors had projects in almost the entire country.
23:24So those are the ones that immediately pop out
23:29na sa aking palagay ay kailangan natin tignan.
23:33Tinukoy din ang Pangulo ang pangalan ng limang sinasabi niya ang contractor
23:36na may proyekto sa halos buong bansa.
23:39Hinahanap pa namin ang mga kontratistang binanggit ng Pangulo
23:42para mahingan sila ng pahayag.
23:44Isa pang obserbasyon ay may mahigit 6 na libong proyekto
23:48na nagkakahalaga ng mahigit 350 billion pesos
23:51na hindi tinutukoy ang eksaktong uri ng flood control na itinatayo.
23:55Buko dito, marami rin daw proyekto sa iba't ibang lokasyon
23:59ang may eksaktong magkakaparehong halaga ng kontrata.
24:02It is impossible for one barangay,
24:05even if they are the next barangay,
24:06to have the exact same project to the exact same amount
24:11with the exact same contractor.
24:14Imposible yan.
24:16And that is why that is a significant finding already that we have made.
24:22Ipinagtataka rin ang Pangulo kung bakit hindi tumutugma
24:25ang mga probinsya may pinakamaraming flood control project
24:28sa top 10 na pinakabinabahang probinsya.
24:31Now, I'm sure there are explanations for that.
24:33We will have to study it further.
24:36But you would intuitively say that projects
24:40the areas rather, the provinces, the regions,
24:45whatever you want to do,
24:46whatever pinaka-flood prone,
24:49yun dapat ang pinakamaraming problem.
24:51Sabi ni Pangulong Marcos,
24:53paunang pagsusuri pa lamang ito
24:55at wala pa naman daw inaakusahan.
24:57Kaya tinihimok niya ang taong bayan na makibahagi
25:00at magsumbong sa kanya mismo ng kanilang mga nadidiskubre
25:03sa pamagitan ng website na sumbongsapangulo.ph
25:07na inilunsad niya ngayong araw.
25:09Kasi parang sinasabi ng mga iba eh,
25:12nakikita naman namin,
25:13hindi maganda,
25:14pero wala naman kami mapunta,
25:16wala naman kami malapitan.
25:17Ngayon meron na, ako mismo.
25:19Dahil akong pitingin dito araw-araw
25:21sa website natin
25:23at babasahin ko ang report
25:25na ibibigay ng taong bayan.
25:27Pagkatapos niyan,
25:28ininspeksyon ang Pangulo
25:29ang dalawang proyekto
25:30sa isinagwang Phase 4
25:32ng Pasig Marikina Flood Management Program.
25:34Partially funded yan
25:35ang Japan International Cooperation Agency
25:38o JICA
25:38at posibleng matapos sa 2028
25:41at 2030
25:42ayon sa DPWH.
25:44Inutusan din ang Pangulo
25:45ang DPWH
25:46na pag-arala ng ibang posibleng
25:48containment structures
25:49sa watershed ng Sierra Madre.
25:51Nagsasagawa na raw sila
25:52ng feasibility study
25:53at nakikipag-usap
25:55sa Japanese government
25:56para pondohan ang mga proyekto.
25:58Para sa GMA Integrated News,
26:00ako si Mariz Umali
26:01ang inyong saksi.
26:02Tatlong patay sa engkwento
26:05ng mga polis,
26:06sundalo
26:07at miyembro umano
26:08ng Maute Group
26:09sa Lanao del Sur.
26:11Naaresto rin
26:11ang tatlong child warrior umano
26:13ng grupo.
26:15Saksi
26:15si June Venerasyon.
26:20Madaling araw ng Sabado
26:21nang pasukin
26:22ng mga polis at sundalo
26:23ang pinagtataguan
26:25ng mga teroristang pugante
26:26mula sa Daula Islamia
26:28Maute Group
26:28sa Lumbayanagi,
26:30Lanao del Sur.
26:31Nagkaputukal
26:32ang mga tropa
26:33ng gobyerno
26:34at teroristang grupo.
26:36Mabilis lang yung firefighter
26:37siguro mga 3-5 minutes
26:38at nagkaroon
26:41ng short din na pursuit.
26:43Pagkatapos ng enkwentro,
26:44tatlong bangkay
26:45ng mga miyembro
26:46ng Maute Group
26:46ang natagpuan.
26:48Nasa koti rin
26:49ang tatlong umano
26:49yung child warriors
26:51na edad 16 at 17.
26:54Lahat sila
26:54pawag by warrant of arrest
26:56para sa kasong murder
26:57at homicide.
26:57May mga investigasyon
26:58hindi tayo ginagawa
26:59gaya nitong
27:00recruitment
27:00ng mga child
27:01warriors.
27:04Ina-identify natin
27:05ang mga recruiters nila
27:06para masampahan
27:08uli ng kaukulang kaso.
27:09Mas aggressive na
27:10yung mga minority
27:12edad, probably
27:13walang kinatatakutan,
27:16walang masyadong
27:16discernment pa.
27:19So,
27:20mas dangerous.
27:21Sa pwersa naman
27:22ng mga sundalo,
27:23isa ang sugatan.
27:24Narecover ng PNP
27:25at AFP
27:26sa pinagtaguan
27:27ng mga Maute
27:27ang iba't ibang
27:28kalibro ng baril,
27:30granada,
27:30mga blasting cap,
27:32at mga watawat
27:33ang teroristang
27:33grupong ISIS
27:34na sinasabing
27:35kaalyado ng mga Maute.
27:37Kasama sa mga
27:38na-recovered doon
27:39sa enkwentro
27:39ang mga war materials,
27:41nagkukontain din
27:41na kanilang mga plano.
27:42So,
27:43we are still under,
27:44in-exploit natin
27:46ang mga dokumentong to
27:47para ma-preempt natin
27:48kung ano man ang plano
27:49ng kasunod.
27:50Para sa GMA Integrated News,
27:52ako si Jun Valerasyon
27:53ang inyong saksi.
27:56Nagliwanag ang langit
27:57sa Baliwag Bulacan
27:58bunsod ng sunod-sunod na kidlak.
28:00Sa timelapse video na ito
28:01na ibinahagi ni
28:02usecooper Evelyn Lapeña,
28:04pinagsama-samang
28:05magit limandaang larawan
28:06ng kidlak
28:07mula alas 7.30 ng gabi
28:09hanggang alas 9.00 kagabi.
28:13Sa ngayon,
28:14minomonitor ng pag-asa
28:15ang Bayong Goryo
28:16na huling na mataan
28:17sa layong 945 kilometers
28:19sila nga ng
28:20Extreme Northern Luzon.
28:22Posible raw itong kumilos
28:23pa-west-northwest
28:24simula bukas
28:25at mag-landfall
28:26sa eastern coast
28:26ng Taiwan
28:27sa Merkoles.
28:28At kapag lumapit na sa Taiwan,
28:30hindi inaalis ang chance
28:31ang mahagip
28:32ng malakas na hangin
28:33ng Extreme Northern Luzon.
28:36Merkoles ng gabi,
28:37e posibleng nasa labas
28:38na ito ng PAR.
28:39Walang direktang epekto
28:40sa bansa
28:41ang Bayong Goryo
28:42pero magpapaulan
28:43ang habagad
28:44at localized thunderstorms.
28:46Basa sa datos
28:47ng Metro Weather,
28:48umaga bukas,
28:49may kalat-kalat na ulan
28:50sa Palawan,
28:51Sulu Archipelago
28:52at Soxargem
28:53at mas malawakan
28:55na ang mga pag-ulan
28:56sa hapon.
28:57Meron din pong
28:58heavy to intense rains
28:59na posibleng
29:00magdulot ng baha
29:01o landslide.
29:03Mataas din ang chance
29:04ng ulan
29:05sa Metro Manila
29:05sa hapon o gabi.
29:08Dinakip ang dalawang
29:09suspect ng car napping
29:10sa magkahiwalay
29:11na operasyon
29:12sa Quezon City.
29:14Ang isa po sa kanila
29:14biniktima
29:15ang sariling tshuhin.
29:17Saksi,
29:18si Emil Sumangil,
29:19exclusive.
29:21Sambay,
29:22grahe niyan.
29:23Binuntutan
29:24sa kapi na tabi
29:25ng PNPHPG
29:26at ng Baguio City Police
29:28ang pampasakerong jeep
29:29na ito
29:30sa isang bahagi
29:31ng Aurora Boulevard,
29:32Quezon City.
29:34Nakumpirma
29:34na ang driver
29:35ang may warrant of arrest
29:36na apat na taon
29:37nang pinagkakanap
29:38sa Cordillera
29:39Administrative Region
29:40sa kasong paglabag
29:42sa anti-car napping law.
29:44Siya po ay nagrenta
29:45ng sakyan
29:45at ito po ay
29:47hindi na po niya binalik.
29:48Patuloy namin siyang
29:49sinusubok
29:50na makunan ng panig.
29:52Sa Novaliches,
29:53hinuli ng mga operatiba
29:54ng task force limbas
29:55ng PNPHPG
29:57ang lalaking ito
29:58na wanted din
29:58sa kasong car napping.
29:59Sa impormasyon din po
30:01nakuha po ng inyong PNPHPG,
30:03siya po ay nakandalin
30:04na nanginibaba
30:05sa dalawang sasakyan.
30:07Ngayon,
30:08tumutulong po
30:09ang inyong PNPHPG
30:10para tukuhin
30:11at alamin ang lokasyon
30:12ng mga sasakyan po
30:13ang kanyang nakuha.
30:14Ayon sa HPG,
30:15isa ang passenger van
30:17ni Teacher Camille.
30:18Di niya tunay na pangalan
30:19sa mga nirentangay
30:21ng suspect.
30:21Nakita po namin
30:22na yung aming van
30:23ay nasa Tacloba na.
30:25Ang mas masaklap
30:26na ilipat daw
30:27ng suspect
30:28sa ibang pangalan
30:29ang van ng biktima
30:29kahit ito'y
30:30hinuhulugan pa.
30:32Dugot pawis daw nila
30:33mag-asawa
30:34ang pinangpundar nila
30:35ng sasakyan
30:36na gagawin sana nilang
30:37pang sideline.
30:39Nananawagan po ako
30:39sa LTO,
30:40sana po
30:41mas-stop na po yun to
30:42kasi hanggang ngayon
30:43hindi po namin
30:44ma-pull out
30:44yung unit namin
30:45kasi pinapakita po sa amin
30:47na legally transferred
30:48po yung van.
30:49Yung ginawa po sa amin
30:50na ganito
30:51sobra,
30:52sobra aksaya,
30:53oras,
30:54panahon,
30:55pera,
30:56tsaka yung threat
30:57na kami po ay paulit-ulit
30:59pinabalikan ng financing
31:00dahil hindi po namin
31:02mabayaran yung sasakyan
31:03na wala naman sa amin.
31:05Sobrang hirap po.
31:06Sobrang hirap.
31:08Pati sariling tiyugin,
31:09tinaluraw ng suspect.
31:11Tinangay ang bagong
31:12pickup truck nito
31:13at hindi na isinaulik.
31:14Sabi niya,
31:15ginamit niya
31:15wapunta ng Bicol.
31:16Hindi niya
31:17ibinalik.
31:18Sabi ng HPG,
31:20sabit din sa pasalo
31:21at labas ka
31:22sa carnapping scheme
31:23ang suspect.
31:24Nakakapaglabas daw ito
31:25ng brand new
31:26ng mga sasakyan
31:26gamit ang pecking
31:28identification
31:28at bank documents.
31:29Bank financing po natin
31:30or yung mga dealers
31:31na nag-re-release
31:34dito po mga sasakyan
31:34or motorcyclo.
31:35Pangalawa po dyan,
31:37unang-una,
31:37yung mga kababayan po natin
31:39magagamit naman din
31:40yung kanilang identification
31:41or yung mga
31:43nagpapagamit
31:44dito po sa mga
31:45ganitong grupo.
31:46Dati po is legit
31:47naman po akong buy-in sale.
31:48So may mga pumasok lang po
31:49sa akin ng mga
31:50mga transaksyon na
31:52in-expect ko po na
31:53okay.
31:53Bandang huli po
31:54nung na-deal ko na
31:55illegal pala
31:57yung mga transaksyon.
31:59Para sa GMA Integrated News,
32:01Emil Sumangil,
32:02ang inyo,
32:03Saksi!
32:04Siragot po ni
32:05Vice President Sara Duterte
32:06ang mga batikos
32:07laban sa kanyang
32:08madalas na pagbiyahe
32:10sa labas ng bansa.
32:12Bukas din daw siyang sagutin
32:13ang mga aligasyong
32:14nakapaloob
32:15sa impeachment complaint
32:16sa tamang venue.
32:18Saksi!
32:19Si Argil Relator
32:20ng GMA Regional TV.
32:25Lumahok si Vice President
32:27Sara Duterte
32:28sa Karayawan Festival
32:302025
32:31Tribal Village Tour
32:32sa Magsaysay Park
32:33sa Davao City
32:34ngayong hapon.
32:36Dito,
32:37sa panayam ng media,
32:38sinagot ng bise
32:39ang puna
32:40na madalas daw siyang
32:41nangingibang bansa.
32:43Sa totoo lang,
32:44hindi naman ako
32:45nag-travel
32:45dahil gusto ko
32:46mag-travel.
32:49Nagt-travel ako,
32:50lumalabas ako
32:51ng bansa
32:52dahil
32:53frustrated na
32:55ang
32:55Pilipino communities
32:57abroad
32:57sa nangyayari
32:58dito sa ating bayan.
33:00At pangalawa,
33:02gumibisita ako
33:03sa tatay ko
33:04na nakakulong.
33:05Inulit din ni Duterte,
33:07handa niyang sagutin
33:08sa tamang venue
33:09ang mga legasyong
33:10nakapaloob
33:11sa impeachment complaint
33:12na idineklarang
33:13walang visa
33:14ng Supreme Court.
33:15Loong
33:16umakyat
33:18sa Supreme Court,
33:20yung kaso,
33:21lahat ng hiningi
33:22ng Supreme Court
33:23ay binigay namin.
33:26Doon sa mga tamang
33:27forum
33:27at sa tamang venue,
33:29bibigay kami
33:30ng saktong sagot
33:31at nagbibigay kami
33:33ng explanation
33:34ng mga
33:36accusations.
33:37Pero hindi pwede
33:38na moro-moro
33:40na kung saan lang
33:41nagbibigay
33:43ng akusasyon
33:44at kung saan
33:47at kung kailan
33:48lang nila
33:50gusto
33:50mag-akusa
33:52ng tao.
33:54Tinanong din namin
33:55si VP Sara
33:56tungkol sa abogado
33:57ng kanyang ama
33:58sa International Criminal Court
34:00na si Nicholas Kaufman.
34:02Ang tugono ni Kaufman
34:03ang dise.
34:04Bilang isang abogado
34:05ang kwalifikadong
34:07maghusga
34:07tungkol sa kanyang trabaho
34:09bilang defense counsel
34:10ni dating Pangulong
34:12Rodrigo Duterte.
34:13Sabi ni VP Sara,
34:15buo ang tiwala nila
34:16sa abogado.
34:17Of course, yes.
34:19Oo.
34:19Kasi siya yung pinili
34:20ni dating Pangulong
34:22Rodrigo Duterte
34:23na lawyer.
34:25So we only follow
34:26kung ano yung
34:27choice
34:28ng client.
34:29Siya naman yung
34:30kliyente,
34:31sa kanila naman
34:32yung professional
34:32arrangements.
34:33So as long as
34:34nagsabi si
34:35dating Pangulong
34:36Rodrigo Duterte
34:37na yan
34:39ang aking mga
34:39abogado,
34:41sasunod kami
34:41and mag-cooperate
34:43kami kung anong
34:44kailangan.
34:44Para sa GMA
34:45Integrated Dukes
34:47or Jill Relator
34:49ng GMA Regional TV
34:50ang inyong
34:52saksi.
34:53May bawas presyo
34:54sa mga produktong
34:55petrolyo bukas
34:56August 12.
34:57Piso at 50 centimong
34:59rollback sa kada litro
35:00ng diesel
35:00habang 40 centimong
35:02sa kada litro
35:03ng gasolina.
35:04Piso at 30 centimong
35:06rin ang bawas presyo
35:07sa kada litro
35:08ng kerosene.
35:09Ang kumpanyang Caltex
35:10may bawas namang
35:11piso kada litro
35:12sa diesel,
35:1340 centimong
35:14sa gasolina
35:15at piso kada litro
35:16sa kerosene.
35:23Pasabog ang hati
35:25na performances
35:25ng PBB Housemates
35:27sa The Big
35:28Coal Love
35:29FanCon kagabi
35:30at ang mga pelikula
35:32ng Kapuso Network
35:33nominated
35:34sa 73rd
35:35FAMAS Awards.
35:37Narito
35:38ang showbiz saksi
35:39ni Aubrey Carampert.
35:42Nominations palang
35:45pero tila isang
35:46big win na
35:47para sa Jimmy Pictures
35:48nang masama
35:49ang mga pelikula nito
35:50sa 73rd
35:51FAMAS.
35:53Ang Green Bones
35:53may 10 nominations
35:55kabilang
35:56ang Best Picture.
35:57Nominated din
35:58ang cast nitong
35:58si Naruro Madrid
35:59Alessandra De Rossi
36:01at Dennis Trillo.
36:03Five nominations
36:03naman
36:04para sa
36:05Hello Love Again
36:06kabilang ang mga
36:07bida nito
36:07na si Alden Richards
36:09at Catherine Bernardo.
36:11Ang pelikulang
36:11balota
36:12may apat
36:13ding nominations.
36:14Nominado
36:15for Best Actress
36:16si Marian Rivera.
36:18For Best Supporting
36:19Actor naman
36:19ang PBB
36:21second big placer
36:22na si Will Ashley
36:23na ikinagulat
36:24ang balita.
36:26Ito raw
36:26ang bumungad
36:26sa kanya
36:27pagkatapos
36:28ng opening
36:28ng The Big
36:29Coal Love
36:29FanCon.
36:34Opening number
36:35pa lang
36:36ng FanCon
36:36intense na agad
36:37ang jam-packed
36:38crowd
36:38sa suporta
36:39para sa housemates.
36:41Ang housemates
36:42may sari-sariling
36:43moments on stage
36:45from Azver
36:46at Chariz
36:47to Rawi
36:49with special
36:50participation
36:50ni Teacher Castro
36:52played by Esnir
36:53at syempre
36:54ang Breka
36:55channeling
36:56her inner
36:57little Mika
36:58naman
36:58si Mika Salamanka
36:59ng kantahin
37:00ng viral meme song
37:02na
37:02Sino Nga Ba Siya?
37:03Kasama niya
37:04sa komanda
37:05si Clarice De Guzman
37:06na OA
37:07sa galing.
37:15OA din
37:16ang kilig
37:16na hatid
37:17ng mga ships
37:18sa PBB
37:18Celebrity
37:19Colab Edition
37:20from Breka
37:21Tukesh
37:25at Azrao
37:29All eyes
37:34and all ears
37:35din ang lahat
37:35kina Will
37:36at Bianca
37:36o Wilka
37:38sa kanilang
37:38moment on stage.
37:49Atake rin
37:50ng biglang
37:50pagdating
37:51ni Dustin
37:51na kinakiligan
37:53ng Dasvia
37:53fans.
38:02Pero ang ending
38:03Das Will
38:04pala ang layag.
38:06Maya-maya
38:06enter frame
38:07si Mom
38:08with her
38:09iconic line.
38:10Meron ding
38:19performances
38:19from the girls
38:20na literal
38:21glowing on stage
38:23in their
38:23neon looks.
38:25Lumakas pa
38:26ang hiyawan
38:27sa pa-apron show
38:28ng PBB
38:29Big Boys.
38:31May puksaan pa
38:32sa actingan
38:33mula sa dating
38:33child stars
38:34na si Will
38:35at Cyriel.
38:36Spotted sa event
38:41si na GMA Network
38:42Senior Vice
38:43President
38:44Attorney
38:44Anit
38:44Gozon
38:45Valdez
38:45Sparkle
38:46First
38:47Vice
38:47President
38:48Joy
38:48Marcelo.
38:49After the show
38:50abot-abot
38:51naman ang
38:51kilig
38:52backstage
38:52para kay
38:53Shuvie
38:53dahil sa
38:54kanyang
38:55TDH
38:55na si
38:56Anthony
38:57Constantino.
38:57Sa Instagram
38:58nag-share rin
38:59ang ilang
39:00BTS
39:00snaps
39:01si Michael
39:01Sager
39:01na itinuturing
39:03ng malaking
39:03plot twist
39:04at blessing
39:05ang kanyang
39:06PBB journey.
39:08Back in court
39:09naman si
39:09Joe Berry
39:10but this time
39:11around
39:11siya na
39:12si Judge
39:13Lilit
39:13Matias
39:13Ignacio
39:14para sa
39:15seryeng
39:16Akusada.
39:17Mixed
39:17emotions
39:18ng kaba
39:18at excitement
39:19si Joe
39:19dahil
39:20ibang-iba
39:21raw
39:21ang role
39:22niya
39:22bilang isang
39:23judge.
39:23Sobrang
39:24laki po
39:25ng magiging
39:25role niya
39:26kasi
39:26sa kanya
39:27nakasalalay
39:27kung anong
39:28mangyayari
39:29kay Carolina
39:29Astor
39:30kaya
39:30abangan niyo
39:31po lahat yan.
39:32Maliban
39:32sa kanyang
39:33pagdating
39:33ano pa
39:34kaya
39:34ang dapat
39:35abangan
39:36sa serye?
39:37May malaking
39:37magaganap
39:39na magbibigay
39:40ng changes
39:41talaga
39:41sa buhay
39:42ng lahat.
39:42Para sa
39:43GMA
39:43Integrated
39:44News
39:44ako si
39:45Aubrey
39:45Carampel
39:46ang
39:46inyong
39:47saksi.
39:53May
39:53may uwi
39:54ng medal
39:54ang Pilipinas
39:55sa
39:56Idina Raos
39:56ng 2035
39:57World Games
39:58sa China.
40:00Nagkamit
40:00ng silver
40:00medal
40:01sa
40:01jiu-jitsu
40:02si
40:02Jenna
40:03Kaila
40:03Napolis.
40:05Nakuhayan
40:05ni Napolis
40:06matapos
40:06ang laban
40:07nila
40:07ng
40:08pambato
40:08ng
40:08South Korea
40:09sa
40:0952
40:10kilogram
40:10women's
40:11event.
40:12Sa
40:12kasaysayan
40:13na Pilipinas,
40:14si Napolis
40:15ang
40:15ika-anim
40:16na atletang
40:16nagkamit
40:17ng
40:17silver
40:17medal
40:18sa
40:18World Games.
40:21Natuklap
40:21at nilipad
40:23ang bahay
40:23nabubong
40:23na isang
40:24bilangguan
40:24sa
40:25Nebraska
40:25sa
40:25Amerika.
40:27Ayon sa
40:27local media,
40:28dalawang
40:28housing unit
40:29ang nasira
40:30dahil sa
40:30masamang
40:30panahon.
40:32Halos
40:32400
40:32bilanggong
40:33inilikas
40:34ayon sa
40:34Nebraska
40:34State
40:35Penitentiary.
40:36Sa
40:37Wisconsin,
40:37sa
40:37Amerika
40:38pa rin,
40:38nagmistulang
40:39ilog
40:39ang ilang
40:40kalsada
40:40dahil
40:40sa
40:40baha.
40:41Nag-issue
40:42ang
40:42National
40:42Weather
40:43Service
40:43ng flood
40:43warning
40:44dahil
40:44sa malakas
40:45na
40:45ulang
40:45dalalang
40:45pag-unyong.
40:48Nagpetisyon
40:48para sa
40:49taas-pasahe
40:50ang ilang
40:50transport
40:50group
40:51sa
40:51LTFRB.
40:52Provisional
40:53o
40:53pansamantalang
40:54pisong
40:54dagdag-pasahe
40:55ang kanilang
40:56apelada
40:57sa magkakasunod
40:58na taas-presyo
40:58sa produktong
40:59petrolyo.
41:01Bukod sa
41:02grupong
41:02pasang
41:03Mazda,
41:03Altodap
41:04at
41:04Fedjudap,
41:05supportado rin
41:06umano ng
41:06iba pang
41:07transport
41:07group
41:07ang
41:08hiling.
41:09Handa
41:09naman
41:09daw silang
41:09iatras
41:10ng
41:10petisyon
41:11sakaling
41:11magtuloy-tuloy
41:12ang
41:12pagbaba
41:13ng
41:13presyo
41:13ng
41:13langis.
41:19Old
41:21but
41:21gold.
41:23Ganyan po
41:23ang atake
41:24ng
41:24wedding
41:24dress
41:25na
41:25naipreserva
41:26sa loob
41:27ng
41:27isandaan
41:28at
41:28dalawamput
41:29pitong
41:29taon.
41:31Ang
41:31damit na
41:32yan
41:32gawa
41:32sa
41:32seda
41:33o
41:34silk
41:34at
41:34abaka
41:35na
41:35mayroong
41:36floral
41:36design.
41:38Sinood
41:38daw
41:38ito
41:38ng
41:38isang
41:39babae
41:39mula
41:39sa
41:40prominenteng
41:40pamilya
41:41sa
41:41Sibalom
41:42Antique
41:42at
41:43pinagpasapasahan
41:44na
41:44na
41:44magkakamag-anak.
41:46Pinag-aaralan
41:47pa ng
41:47pamilya
41:48kung paano
41:48mas
41:48mapreserva
41:49ang wedding
41:50dress
41:50upang
41:50maipasa
41:51pa
41:52sa mga
41:52susunod
41:53na
41:54henerasyon.
41:56Isang
41:57patay
41:57sa
41:576.1
41:58magnitude
41:58na
41:59lindol
41:59sa
41:59Balikasir
42:00province
42:01sa
42:01Terkye.
42:02Ayon sa
42:02kanilang
42:03interior
42:03minister
42:04na
42:04sawi
42:04ang
42:04senior
42:04citizen
42:05matapos
42:06makuha
42:07mula
42:08sa
42:08guho.
42:09Nasa
42:09dalawamput
42:10siyam
42:10ang
42:11sugatan.
42:12Labing
42:12aning
42:12nagusali
42:13ang
42:13gumuho.
42:14Nagpapatuloy
42:15ang
42:18ultimate goal
42:23na marahil
42:24na mga
42:24Pinoy
42:24mountaineer
42:25ang marating
42:26ang tuktok
42:26ng Mount
42:27Apo
42:27sa Davao
42:28del Sur.
42:29Pero
42:29hindi po
42:30biro
42:30ang pag-akyat
42:31sa
42:31pinakamataas
42:32na bundok
42:33sa Pilipinas.
42:35Dambuhala
42:35ang mga batong
42:36madaraanan
42:37at habang
42:37tumataas
42:38lumalamig
42:38ang temperatura
42:39kasama
42:40ng malalakas
42:41na hangin.
42:42Malakas
42:42din daw
42:43ang amoy
42:43ng sulfur
42:44kaya
42:44kailang
42:45magsuot
42:45ng mask.
42:46Pero
42:47worth it
42:47naman
42:47daw
42:48ang
42:48experience
42:49para
42:49sa
42:49mga
42:49nagtagumpay.
42:54Kung
42:55mas
42:55kalmadong
42:56pag-akyat
42:56naman
42:57na hanap
42:57nariyan
42:58ang
42:58Apo
42:58Rolling
42:58Hills
42:59sa
42:59Tinig
43:00Abra.
43:01Berdeng
43:01berde
43:02ang
43:02tanawin
43:02at
43:02kung
43:03maabutan
43:03ng
43:03dapit
43:04hapon
43:04masisilayan
43:05din
43:06ang dagat
43:06ng
43:07mga
43:07ulap.
43:08Sabay
43:08ng
43:09kalalagyan
43:10ka
43:10sa
43:11ganda
43:11ng
43:12tanawin.
43:14Rain
43:14on me
43:14feels
43:15naman
43:15sa
43:16Arbis
43:16Falls
43:17na tila
43:17tumutulong
43:18luha
43:18sa
43:19gilid
43:19ng
43:20bundok.
43:21At
43:21sa
43:21di
43:21kalayuan
43:22pwede
43:23namang
43:24magdiving
43:24at
43:25climbing
43:25sa
43:26Barusibos
43:27Falls.
43:29At
43:30kung
43:30gustong
43:30magtampisaw
43:31nariyan
43:31ang
43:32muswak
43:32spring
43:33na
43:33napakalinaw
43:34ng
43:35tubig.
43:36Pagkatapos
43:36ng
43:36nakakapagod
43:37ng
43:37araw
43:38pwedeng
43:38tumambay
43:39sa breathtaking view
43:40ng
43:40Gaco Park
43:41sa
43:41Bangged
43:42Abra.
43:46Salamat po
43:47sa inyong
43:47pagsaksi.
43:48Ako po si
43:48Pia Arcangel
43:49para sa
43:50mas malaki
43:50misyon
43:51at sa
43:51mas malawak
43:52na
43:52paglilingkod
43:53sa bayan.
43:54Mula
43:55Mula po sa
43:55GMA
43:55Integrated
43:56News
43:56ang
43:57News
43:57Authority
43:58ng
43:58Filipino.
43:59Hanggang
43:59bukas
44:00sama-sama
44:01po tayong
44:01magiging
44:02Saksi!
44:08Mga kapuso,
44:10maging una
44:10sa Saksi.
44:11Mag-subscribe
44:12sa GMA
44:12Integrated
44:13News
44:13sa YouTube
44:13para sa
44:14ibat-ibang
44:15Balita.
Recommended
33:17
|
Up next
41:46
45:54
31:00
17:07
36:25
37:32
29:14
35:56
38:05
33:36
34:50
37:09
32:08
45:39
17:48
33:29
20:05
37:27
28:26
30:09
38:27
30:41
21:49
38:36
Be the first to comment