- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đ
NewsTranscript
00:30Janie?
01:00Sa dami nang dumating ngayon para humabol sa mga night trip.
01:03Sunod-sunod ang dating ng mga pasahero, kaya naman sa labas ng terminal, nagkaka-build up na rin ang mga sasakyan.
01:09Marami kasi ang nagbababa ng pasahero sa terminal.
01:13Lahat na is makauwi sa kanil-kanilang probinsya ngayong Pasko.
01:17Ngayong gabi nga, higit tatlong libong pasahero na raw ang dumating para umuwi sa mga probinsya panorte.
01:23Fully booked na sa terminal na ito ang lahat ng night trips.
01:26Pero wala naman daw dapat ipag-alala dahil na mga available pang biyahe sa mga morning trips.
01:3395 na bus ang bumabiyahe sa terminal na ito araw-araw.
01:37Para sa inaasahang dagsas sa Christmas season, nagdagdag na raw sila ng sampu.
01:42Tuloy-tuloy po yung dating ng mga pasahero natin na lalo-lalo na yung mga walang reservation.
01:47Yung iba ma'am nag-chance passenger lalo na yung mga hindi nakaabot lalo na malakas yung ulan kanina na traffic.
01:54Yung iba naman sumakay na sa mga extra buses namin.
01:58Yung mga buses natin ma'am sapat naman yung ma-accommodate naman natin lahat.
02:03Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, inaasahan na mahigit 180,000 na pasahero ang babiyahe ngayong araw.
02:12Bukas hanggang bago magpasko naman ang inaasahang dagsa ng mga paserong uuwi ng probinsya.
02:18Bukas po ang ano po na nag talagang pulibuk. 20 hanggang 23.
02:23Ayon sa pamunuan ng PITX, bawat kumpanya ng bus ay nagdagdag ng hanggang 4 na bus kada araw kahindi raw magkakaubosan ng masasakyan.
02:33Pero bago pa man dumagsa ang mga pasero, may ilan na maagang pumunta ng terminal.
02:38Gaya ni Rosie na hindi maitago ang saya habang nag-aabang ng biyahe papuntang Pangasinan kaninang umaga.
02:45Ilan taon kasi nga hindi kami nagpasko, hindi kami nag-New Year doon, 20 years ata.
02:54Kasi elementary pa lang mga anak ko, di po nga nakapag-graduate ngayon o tapos na umuwi na kami sa bahay namin, sama-sama ulit.
03:03Bitbit din niya ang ilang pasalubong para sa mga kaanak na matagal niyang hindi nakita.
03:08Ayan po, toyo, isa, ayan ang ipon, ayan po, ipon.
03:14Mahigpit na binabantayan ng polisya ang terminal para sa siguridad ng mga pasero.
03:19Bukod sa pagchecheck ng mga bag, nariyan ang mga canine unit.
03:23Mayroon ding help desk ang PNP para kabayan ang mga pasero.
03:27Punuan at fully booked ang ilang biyahe sa iba pang terminal sa Metro Manila.
03:32Gaya sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City, na fully booked na ang mga aircon bus papunta sa ilang lugar sa Bicol Region.
03:40First come, first serve basis naman para sa mga ordinary bus.
03:44Dahil magpapasko, pansamantalang papayagan ng MMDA ang provincial buses na gamitin ang EDSA para sa inaasahang dagsa ng mga pasero.
03:54Simula December 20, papayagan ang mga provincial bus sa EDSA mula 10pm hanggang 5am.
04:00Pero mula December 24 hanggang January 2, 2026, 24 oras silang papayagang dumaan sa EDSA.
04:08Papayagan ding huminto ang mga provincial bus mula North Luzon sa mga terminal sa Cubao, Quezon City.
04:14Habang sa PITX at Pasay naman ang mga galing South Luzon.
04:18Bukod sa mga bus terminal, dagsana rin ang mga tao sa NAIA.
04:22Gaya ng pamilya ni Larry na excited ng magpasko sa Hong Kong kasama ang asawang OFW na si John.
04:29Hi tatay!
04:31Kahapon, umabot sa mahigit 160,000 ang paserong dumating at pumalis sa NAIA.
04:39PIA hanggang December 23, inaasahan yung dagsa ng mga pasero sa terminal na ito.
04:44Tuloy-tuloy naman daw yung kanilang biyahe ngayong Pasko, maliba na lamang sa December 31 na hanggang alas 11 lang ng umaga ang kanilang biyahe.
04:53At live mula rito sa Maynila para sa GMA Integrated News,
04:56Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
05:01Hiiling po ang ombudsman ng Cyber Warrant para sa mga gadget ng namatay na dating DPWH Undersecretary, Catalina Cabral.
05:08Ang DILG naman gustong ipad-DNA test ang bangkay.
05:11Saksi si Bea Pinla.
05:13Isang walang malay na babae ang natagpuan sa ilog sa baba ng Cannon Road sa Tuba Benguet.
05:22Ilang oras din itong pinagtulungang mayangat mula sa bangi na nasa 20 hanggang 30 metro ang lalim.
05:29Pasado alas 12 na hating gabi kanina nang maiahon ng katawan na balot na ng foil.
05:34Isinama sa pagangat ang naiwang tsinelas.
05:37Pasado alas 12 rin ang hating gabi, idiniklara siyang patay ng isang doktor.
05:41Saka din nala sa isang punerarya sa Baguio City.
05:44Ang narecover mula sa bangin, kinilala ng driver nito na kay dating Public Works Undersecretary Catalina Cathy Cabral.
05:52Kwento ng driver ni Cabral na si Mang Ricardo Hernandez sa pulisya.
05:56Alas 10 ng umaga kahapon na padaan na sila sa Camp 4 ng Tuba.
05:59Sabi daw niya, ito muna sa gilid.
06:02Bumaba siya.
06:03Akala ng driver nagpapahalin lang.
06:05Kinikik daw niya ito ang kaligid.
06:07Kaya may mga third o'clock may dumating na pulis.
06:10Sinabihan sila na,
06:11Oo, alo po dyan?
06:12Baka mga silindigay.
06:13Well, malis po kayo dyan.
06:14Oo, dahil may pulis na sumita sa kanila.
06:17Umakyat sila ng Baguio.
06:18Tumuloy muna sila sa isang hotel sa Baguio City.
06:21At kumain ng tanghalian.
06:23Pero bandang alas 2 ng hapon,
06:25nag-ayarang ulit si Cabral na bumalik sa parehong lugar at nagpaiwan.
06:29Sabi daw ng binadam.
06:31Labang muna ako rito.
06:32Nagpaiwan?
06:33Sabi daw niya sa driver na,
06:34Ito muna ako,
06:36Pakanap ka muna ng ano dyan.
06:38Opo.
06:38Pustokan mo.
06:39Sinunod umano ng driver si Cabral
06:41at nagpalipas ng oras muna sa isang gasolinahan sa di kalayuan.
06:45May mga residenteng malapit sa gasolinahan
06:48na nagkwentong nakasalamuhan nila ang driver.
06:51Dalawang beses pa raw siyang bumili ng sigarilyo sa tindahan.
06:54Nang balikan ang driver si Cabral sa lugar na pinag-iwanan sa kanya bandang alas 5 ng hapon,
07:00wala na raw doon si Cabral.
07:01Kaya binalikan umano ni Mang Ricardio ang pinanggalingan nilang hotel sa Baguio City.
07:06Pero wala rin doon ang dating undersecretary.
07:10Bumalik siya sa Camp 4 pero wala pa rin doon si Cabral.
07:13Kaya nagpatulong na siya sa pulisya pasado alas 7 kagabi.
07:17Hanggang sa may nakita ng ang walang malay sa bangin bandang alas 8 kagabi.
07:22Ayon sa mga kawanin ng Tuba Fire Station na isa sa mga rumisponde sa insidente,
07:26may nakitang sugat sa katawan ni Cabral.
07:28Ang bangkay ni Cabral, dinala sa punerarya sa Baguio City na bantay sarado ng pulisya at NBI.
07:44Nagkainitan pa sa punerarya dahil ang nais ng asawa ni Cabral,
07:48mapabilis ang proseso ng pag-uwi ng bangkay sa Metro Manila.
07:52Hindi pa rin daw napipirmahan ang death certificate nito.
07:55Kami na ang anak ko tsaka ako na mismo nagsasabi, asawa ko yan.
07:59Nanay nila yan.
08:01Ba't ano pa gusto nila i-prove?
08:03Maginap sila na ibang tao?
08:05Pero sa sulat ng Justice Department sa NBI,
08:08iniutos nitong i-autopsi si Cabral sa lalong madaling panahon
08:11dahil sa mga anilay kadudadudang pangyayari kaugnay ng pagkamatay niya.
08:16Giit ng asawa ni Cabral, hindi nila bibigyan ng basbas na ma-autopsi ang labi ng dating undersecretary.
08:22Siguro, karapatan na namin na nagbigay na kami ng waiver.
08:29Nagdudusa na kami tapos ito ang mga ramdaman mo, pahirapan ka pa.
08:32Kilala na ang anak ko, kaya nagbigay kami ng waiver.
08:35Ano pa gusto sa ilang punto?
08:36Kailang gusto namin, magpapasko, makasamaan man na namin yung asawa,
08:40makasama ko lang, asawa ko yung pasko.
08:43Bukod sa autopsy, gusto rin ni DILG Secretary John Vicremulia na isailalim ang labi sa DNA test.
08:50Baka budol play eh, diba? Baka ibang katawang ginamit, sabi ng pamilya, sila na yun.
08:55Pero baka tumaka sa ibang lugar. Marami kasi nag-detake ng death certificate eh.
09:00So naninigurado lang kami ang masya talaga yan.
09:02Pag-aaralan daw ng PNP ang mga susunod na hakbang.
09:06Sa ngayon, itinuturing na ng PNP na person of interest ang driver ni Cabral na huli niyang nakasama.
09:11Ayon po sa investigation ng regional director ng Prof. Villera,
09:17dahil labag daw po sa human nature na yung principal o yung VIP mo,
09:22iiwanan mo siya sa isang maglip na lugar,
09:24alam mo naman na yung bag at yung cellphone ay nasa sa sakinin nyo,
09:28at bakit bakit barbarikan mo siya after one or two hours.
09:32Naniniwala naman ang pamilya ni Cabral na aksidente ang nangyari at walang foul play.
09:37Nagpunta siya dito para mag-unwind kasi masyado madami ang pressure na.
09:41Magkausap pa kami eh nung ano eh, before that day eh.
09:45Sabi ko pa sa niya, ba't hindi ka umate nung ICI meeting.
09:50Iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang tunay na nangyari.
09:53Pero suspecha ni Kaloocan Representative Egay Erise,
09:56merong foul play.
09:58Kaya maghahain siya ng resolusyon para mag-imbestiga ang kongreso.
10:02Marami kasing tatamaan nung magsasalitas ni Jose Cabral
10:06dahil siya'y nakakaalam nung mga insertions kung sino yung mga proponents.
10:14Siya'y nakakaalam.
10:15Isa sa mga nasa sentro ng imbestigasyon
10:18sa multi-billion corruption sa flood control projects ng DPWH
10:22si dating Undersecretary Cabral.
10:24Sa testimonya ng kasamahan niyang si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
10:29si Cabral daw ang namamahala sa pamamahagi ng allocable funds
10:33o pondo na inilalaan sa budget para sa mga proyekto ng mga mambabatas.
10:38May kapangyarihan daw si Cabral na magpasok ng mga proyekto ng mga mambabatas
10:42sa budget ng Departamento bago pa ito isubmit sa kongreso.
10:46Kapag nirelease na ang budget,
10:48makakakuha daw ng komisyon ang isang mambabatas
10:51pati na rin ang ilang DPWH officials at engineers.
10:54Yusek Cabral would tell me that she would communicate and meet legislators
10:58to inform them of the amount of their allocations
11:00and ask them for titles of projects that they want to include in the DPWH's budget.
11:05Humarap din si Cabral sa imbestigasyon ng Senate Rule Revenue Committee
11:08pero wala siyang itinurong pangalang sangkot sa anomalya.
11:12So you believe, you support the statement of the former secretary
11:16that indeed there are ghost projects?
11:19Yes, you're on.
11:20And can you identify those contractors who are involved in these ghost projects?
11:24Hindi ko pa po alam dahil may nag-audit po.
11:28Baka po yung director namin ng internal audit na nasa likod
11:32makakapagsabi po kung ano po yung resulta ng audit.
11:35Humarap din siya sa ICI
11:37pero hindi na siya sumipot nang muli siyang ipatawag nito.
11:40We were hoping to talk to her
11:42and tell us what she has done or what she knows.
11:46Sana, parang confession sana
11:50but hindi siya sumipot sa amin eh
11:52kasi we felt na she can still change.
11:57It makes the work a bit more difficult now than it was before
12:01kasi you don't have the person who may be a source of information
12:07implicating other individuals.
12:10So yun, sa bandang yun.
12:12Pero mayroon din namang ibang tinitingna na anggulo
12:15ang ating mga investigador para alamin
12:18kung mayroon pang ibang pagkuhunan ng impormasyon
12:21na maaaring gamitin at maging kapalit
12:23nung salaysay ni Yusek Cabral.
12:27Bago masawi,
12:28humarap pa sa Office of the Ombudsman Prosecutor si Cabral
12:31noong December 3.
12:32She was willing to cooperate
12:34but of course during the preliminary talks
12:38gusto lang muna niyang malaman
12:39kung ano yung mga information din laban sa kanya.
12:43Assuming that she was being guided also by her lawyers
12:47not to give too much information at this point
12:50when she was invited for questioning or inquiry.
12:53Kabilang sa mga gustusanang masilip ng Ombudsman
12:56ang mga gadget ni Cabral.
12:58Kaya mag-a-apply ang Ombudsman sa Sandigan Bayan
13:00ng Cyber Warrant para sa mga ito.
13:02Kailangan po talaga natin makuha agad-agad
13:05ang mga gadgets na ito
13:07at the risk of them being altered,
13:11erased by family members or friends.
13:15And we afford all the respect
13:18and condolences to the family,
13:21the bereaved family
13:21but there is this state interest
13:24that has to keep moving
13:25and that is the investigation on the flood control.
13:28Ang sabi ng DILG
13:29na ibigay na raw sa pamilya ni Cabral
13:31ang kanyang cellphone
13:32It was a crime scene
13:35so there were lapses
13:37on the part of the investigators
13:39but we are doing everything we can now
13:42para na-retrieve lahat ng mga materials yan.
13:45Pero itinanggi ng asawa ni Cabral
13:47na naisa-uling sa kanila
13:48ang cellphone at iba pang gamit
13:50ng kanyang misis.
13:52Para sa GMA Integrated News,
13:54ako si Bea Pinlock
13:55ang inyong saksi.
13:56Dinala na po sa Lapu-Lapu City sa Cebu
14:00si Sarah Diskaya
14:01para harapin ang mga kasong graft
14:03at malversation
14:04kagunay sa Ghost Flood Control Project
14:06sa Davao Occidental.
14:08Kasama ni Diskaya
14:09sa Lapu-Lapu City Hall of Justice
14:10ang pito sa mga kapwa-akusado niya.
14:13Saksi, si John Consulta.
14:15Alas 9.30 kagabi
14:28nang isilbi ng mga tauan
14:30ng NBI Organized National Crime Division
14:32ang Warat of Arrest
14:34laban kay Sarah Diskaya.
14:38Mayigit isang linggo
14:39nang nasa NBI sa Diskaya
14:41matapos ang kusang sumuko.
14:43Kabilang na po rito si Sarah Diskaya
14:45nung inanunsyo ni Pangulong Bongo Marcos
14:47na may lalabas na RS Warat
14:48laban sa kanya.
14:50At kahapon nga,
14:51lumabas na ang Warat
14:52para sa mga kasong
14:53malversation at paglabag
14:55sa Anti-Graph and Corrupt Practices Act
14:57o RA-3019
14:59kaugnay sa P96M
15:00Ghost Flood Control Project
15:02sa Davao Occidental.
15:04The Warat which does not carry any bail
15:06is yung kaso po na malversation.
15:09Meanwhile, the violation of RA-3019
15:12kasi 90,000 peso ka bail.
15:15Sa gitna ng pagkuhan sa kanyang fingerprints
15:16ay hiniritan na Diskaya
15:18ang mga nagko-cover sa pag-arresto sa kanya.
15:28Blurred ang mukha na Diskaya
15:29sa mugshot na ito
15:30na ibinigay ng NBI.
15:32Pagkatapos kundan ang mugshot,
15:34din nila sa Diskaya
15:36sa NBI Retention Facility
15:37sa Muntinlupa.
15:39Exklusibong nakasama
15:40sa pagkakatid
15:41ang JMA Individual News.
15:43Dito nga sa loob ng asakyan
15:44ng NBI
15:45kung saan ngayon
15:47si Kinang Diskaya
15:48makikita natin
15:49na pantay sarado siya ngayon
15:50ng mga tauan ng NBI
15:51at mayro'ng suot na sombrero
15:55at siya din ay niligyan ng posas
15:59bilang bahagi ng protokol
16:01ng NBI
16:02sa mga binabyake
16:05na mga merong ariswarat
16:09na in-issue ng korte.
16:11Sa gitna ng aming biyahe,
16:12biglang nagsalita si Liz Kaya.
16:14Sorry, what's your name again?
16:17What's your name again?
16:18John Ponsworth.
16:18Okay, do you want to know
16:19what color bra I'm wearing
16:21so you can report it as well?
16:25I just want to ask ma'am
16:27your thoughts about this.
16:30What do you think?
16:32I would love to hear from you ma'am.
16:37Nagpalipas sa Diskaya ng gabi
16:38sa detention facility sa Muntinlupa.
16:41May isang electric fan,
16:42banyo, double-deck na kama
16:43at may kasama rin
16:45isa pang detainee.
16:47Kinaumagahan,
16:48dinala sa Diskaya
16:49sa tanggapan ng
16:50Department of Justice sa Manila.
16:52Nakatalokbong,
16:53nakaposas
16:54at may bulletproof vest
16:55habang napapaligiran
16:57ng mga tauan ng NBI.
16:59Sunod na dumating
17:00ang mister niyang
17:01si Curly
17:01na nakakulong naman
17:02sa Senado.
17:03Kumarap sila
17:04sa preliminanang investigation
17:05ng DOJ
17:06kung gaya sa reklamang
17:07tax evasion
17:08na isinimpa ng BIR
17:09dahil sa hindi umano
17:11pagbabayad
17:11ng aabot sa
17:127 bilyong pisong buwis.
17:14Hindi sila
17:15nagpaunlak ng panayam.
17:16Pero ayon sa abogado
17:17ng mga diskaya,
17:18nagain sila
17:19ng rejoinder
17:20at tinakasahang
17:21for resolution na
17:22ang reklamo.
17:23Kinakailangan po
17:24na siya'y dumating dito
17:25kasi panunumpaan niya po
17:27yung kanyang rejoinder
17:28do sa tax evasion case
17:29before the prosecutor.
17:31Now, the case
17:32is submitted for resolution.
17:33You can expect
17:34that by next week
17:35we will have
17:36the resolution out of it.
17:37Ano po ang mensahe niyo?
17:40Naipukulong na po
17:40yung asawa ni sir.
17:41Ano po nalara
17:42naman ni sir?
17:44Paano po siya
17:45yung mga anak ninyo?
17:46Kamas na po?
17:47Sir.
17:48Pagkatapos ito
17:49ay ibinalik si Diskaya
17:50sa NBA headquarters
17:51sa Pasay.
17:52Mag-aala 5 ng hapon,
17:53ibinyay si Diskaya
17:54patungong Cebu
17:55para harapin
17:57ang kanyang kaso.
17:58Pasado lang sa isang gabi,
18:00dumating si Diskaya
18:00sa Mactan Cebu
18:01International Airport
18:02and diniretso siya
18:03sa Lapu-Lapu RDC Branch 27
18:05na naglabas
18:06ng warat laban sa kanya.
18:08Sa Korte sa Davao,
18:09original na inaain
18:10ng Ombudsman
18:10ang kaso laban
18:11kay Diskaya
18:12pero inilipat ito
18:13sa Korte
18:14sa Lapu-Lapu City
18:15alinsunod sa utos
18:16ng Korte Suprema
18:17na magtalaga
18:18ng espesyal na Korte
18:19para sa mga anomalya
18:20sa flood control projects.
18:22It's actually
18:23the court's decision
18:24whether she will be detained
18:25permanently
18:27at the detention facility
18:29in Cebu City
18:30while awaiting trial.
18:32Or kung mayroon namang
18:33separate na desisyon
18:34ng Korte
18:35for her to be transferred
18:36to a different detention facility.
18:38Bukod kay Diskaya,
18:39naisilbin na rin
18:40ang arrest warrant
18:41laban sa opisyal
18:41ng St. Timothy Construction
18:43na si Roma Rimando.
18:45Kasama rin sa pinaka-aresto
18:46ang walong opisyal
18:47ng DPWH Davao Occidental.
18:50Sabi ng NBI kagabi,
18:51Yung walong po
18:52as we're speaking right now
18:53isinreserve na rin po
18:54ang warat.
18:55Kanina,
18:56dalawa sa walong
18:57DPWH official
18:58ang dinala na rin
18:59sa Lapu-Lapu City.
19:00Any comment, sir?
19:02Ayon sa DILG,
19:04asaang masusundan pa
19:05ang mga pag-aresto
19:06kaugnay sa flood control projects.
19:08Small fish ba nga
19:09si Diskaya eh.
19:10We want to see
19:10the bigger fish
19:11na makuha talaga.
19:13It's happening soon.
19:14Ayon sa Anti-Money Laundering Council,
19:16may bagong freeze order
19:17ang Court of Appeals
19:18laban sa bank accounts
19:19ng tatlong major contractor
19:20at isang incumbent
19:22na kongresista.
19:23Mayigit 20 bilyong piso na
19:25ang halaga
19:25ng ari-ariyang saklaho
19:27ng mga freeze order
19:28kaugnay sa flood control projects.
19:30Sa DOJ,
19:31nagsauli
19:32si dating DPWH
19:33District Engineer
19:34Henry Alcantara
19:35ng 71 million pesos
19:36na cash.
19:37Bahagi yan
19:38ang niingin ng gobyerno
19:39para makapasok siya
19:40sa witness protection program.
19:42Nauna lang
19:43nagsauli
19:43si Alcantara
19:44ng 110 million pesos.
19:47Para sa GMA
19:47Integrated News,
19:49ako,
19:49si John Consulta
19:51ang inyong
19:51saksi!
19:53Sa panayam naman
19:55ng GMA Regional TV,
19:56sinabi ng mga abogado
19:57ng ilan sa mga DPWH
19:58Engineer
19:59na kapwa-akusado
20:00ni Sara Descaya
20:01apektado
20:02ang kanilang mga kliyente
20:03sa paglipat ng kaso
20:05sa Cebu.
20:06Apat sa mga kliyente nila
20:07ay mga senior citizen.
20:09Tingin nila
20:09dapat ding ginang kaso
20:10sa Korte
20:11sa Malita,
20:12Davo Occidental
20:12dahil
20:13nasa Davo Occidental
20:14ang kinikwestyong proyekto.
20:17Pinuna na isang grupo
20:18ang mga nakalusot
20:19at lumobo pa umanong
20:20mga tinataw na pork
20:21sa panukalang budget
20:22para sa susunod na taon.
20:24Pagtitiak ng Malacan
20:25bubusisiin ang Pangulo
20:27ang budget
20:27at handa rin siyang
20:28mag-veto
20:29kung kailangan.
20:31Saksi,
20:31si Maki Polido.
20:36Halos tapos na
20:37ang budget cycle
20:38para sa taong 2026
20:40mula sa
20:41National Expenditure Program
20:42o NEP
20:43kung saan inilatag
20:44ng ehekutibo
20:45ang mga programang
20:46popondohan
20:46na tapos na kahapon
20:48ang pagtalakay
20:48ng Bicameral Conference
20:50Committee
20:50sa mga bersyon
20:51ng panukalang lumusot
20:52sa Kamara at Senado.
20:54At kung masusunod
20:55ang target na
20:56sa December 29
20:57itatransmit
20:58kay Pangulong Bongbong
20:59Marcos ang budget
21:00may dalawang araw siya
21:01para pirmahan ito
21:02para magamit
21:03sa simula
21:03ng 2026.
21:05Pero may ilang
21:06red flag
21:06ang budget
21:07ayon sa
21:07People's Budget Coalition.
21:09Anila,
21:10busog ang panukala
21:11sa paglobo ng pork
21:12o yung pondo
21:13para sa mga programang
21:14may say ang politiko
21:15kung sinong
21:16makakatanggap
21:17ng tulong.
21:18Kabilang dyan
21:19ang MAIFIP
21:19o Medical Assistance
21:21to Indigent
21:21and Financially
21:22Incapacitated Patients.
21:2424 billion pesos
21:25lang ang ibinadyat
21:26para rito sa NEP
21:27pero 51 billion pesos
21:29ang lumusot
21:30sa Bicam
21:31higit pa
21:32sa house version.
21:33Insulto yan
21:34sa pasyente
21:34kasi karapatan nila
21:36ang kalusugan
21:37hindi dapat sila
21:39lumuhod
21:39at magmakaawa
21:40para magamot sila.
21:43Lumobo rin ang pondo
21:44ng pangalalay
21:45sa mga naiipit
21:46sa krisis
21:47tulad ng mga
21:47biktima ng
21:48domestic violence.
21:49Naging 25 billion pesos
21:51yan
21:51mahigit doble
21:52ng hinihingi sa NEP.
21:54Apat na beses
21:55na mas malaki naman
21:56ang umano'y pork
21:57ng local government units
21:59mula 9 billion pesos
22:00naging mahigit
22:0237 billion pesos.
22:04Ang problem po dito
22:05ay kadalasan
22:06wala po masyadong
22:06oversight dito.
22:07So lump sum siya
22:08binibigay po siya
22:10sa mga LGUs
22:10the LGUs can use this
22:12to fund for example
22:14ayuda
22:14mga soft projects
22:16at pwede din nila
22:17gamitin ito
22:18for mga hard projects
22:19nila na mas maliliit.
22:20Halimbawa
22:21yung mga waiting shed.
22:23Ang iba nga
22:23wala umano sa NEP
22:25pero sumulpot
22:26sa bike camp
22:26tulad ng tulong dunong
22:28o scholarship program
22:29ng shed
22:30na pinondohan
22:31ng 2 billion pesos.
22:32Ang problema po
22:33sa tulong dunong program
22:34katulad ng
22:34ibang mga forms
22:36ng ayuda or pork
22:37ay ang mga congressman
22:38ang mga politiko po
22:39ang nakakapag-decide
22:41kung sino po ba
22:42yung mga recipients nito.
22:43Red flag din
22:44para sa People's Budget Coalition
22:46ang ipinasok
22:47ng mga infrastructure
22:48at un-programmed budgets.
22:50Sa kanyang
22:50State of the Nation address
22:52nitong Hulyo
22:52sinabi ng Pangulo
22:53na hindi niya lalagdaan
22:55ang panukalang 2026 budget
22:57kung hindi ito
22:57nakalinya sa NEP.
22:58Hindi ko a-aprobahan
23:00ang kahit anong budget
23:01na hindi alinsunod
23:02sa plano ng gobyerno
23:03para sa bayanang Pilipino.
23:06I am willing to do this
23:08even if we end up
23:09with a re-enacted budget.
23:12Tiniyak din ang Malacanya ngayon
23:13bubusisiin ang Pangulo
23:15ang budget bago pirmahan.
23:16Kung dapat aralin,
23:18kung hindi magkakaroon ng tulugan,
23:20walang tulugan,
23:21gagawin po yan.
23:22Pero ang gustong sabihin ng Pangulo
23:24ang tinitiyak niya.
23:26Bago siya pumirma,
23:27dapat na-aral po
23:29itong mabuti
23:29na bubusisi
23:30at kung may kailang
23:32i-vito, i-vito.
23:33Kung hindi man ma-vito
23:34ng Pangulo,
23:35ang mga kwestyonableng
23:36budget allocation,
23:38sabi ng People's Budget Coalition,
23:40sana mag-issue
23:41ang Pangulo
23:42ng isang executive order
23:43na nag-uutos sa DBM
23:45na pag-aralan muna
23:47ang mga programa
23:48bago i-release
23:49ang pondo.
23:50Sabi rin ni Senate President
23:51Tito Soto
23:52kung hindi mag-vito
23:53ang Pangulo,
23:54nasa kapangyarihan naman itong
23:55hindi i-release ang pondo
23:57para sa isang proyekto.
23:58Naniniwala si Soto
23:59na malalagdaan ng Pangulo
24:00ang 2026 General Appropriations Act
24:03at kung maantala man,
24:05dalawa o tatlong araw lang.
24:06Kaya't ilang araw lang
24:07magkakaroon
24:08ng re-enacted budget.
24:10Madelay man yan,
24:11magkaroon ng re-enacted budget.
24:12One, two days
24:13wala masyadong impact yan.
24:15So, okay lang yan.
24:16Para sa GMA Integrated News,
24:18ako si Maki Pulido
24:19ang inyong saksi.
24:23Samantala,
24:24isang araw
24:24bago matapos
24:25ang 2025 SEA Games
24:26na sa pang-anim na pwesto
24:28ang Pilipinas
24:29sa overall ranking
24:30na may mahigit
24:30270 medalya.
24:3350 por yan?
24:35Ginto.
24:36At ang pinakabago
24:37ang gold medal
24:38mula sa Gilas, Pilipinas
24:40na pinataob
24:40ang kopuna ng Thailand
24:42sa men's basketball.
24:44Saksi,
24:45si Jonathan Andal.
24:51Umalingaungaw
24:52ang hiyawan
24:53ng pakainin
24:54ng buhangin
24:54ng Team Pilipinas
24:55ang eight-time champion
24:56na Team Thailand
24:57sa sarili nilang beach.
24:59Historic win
25:00ang nakamit
25:00ng national team
25:01nang angkinin nila
25:02ang kaunaunahang
25:03gold medal ng bansa
25:05sa Women's Beach Volleyball.
25:06Kung makakapagawa
25:08ba kami ng history
25:09ngayon
25:10and sumagot lang ako.
25:11Thank you talaga
25:13Lord sa lahat
25:14and thank you
25:16team mate.
25:17Ilang beses
25:17na defending champion
25:18yung Thailand
25:19and isa din talaga
25:21ito sa reason namin
25:22kung bakit kami
25:22pumalik sa beach.
25:24Gusto namin talaga
25:24paiyakin sila
25:25sa sarili nila
25:26ang lupa.
25:27Baliwala rin
25:28ang home court advantage
25:29ng pataubi
25:30ng Gilas,
25:30Pilipinas women
25:31ang kuponan
25:32ng Thailand kanina.
25:33Abante babae
25:34dahil gold medal din
25:36ang iuuwi nila
25:37ng mangibabaw
25:38sa women's basketball.
25:40Nakamit naman
25:41ni Yumer Marshal
25:42ang unang gold medal
25:43ng Pilipinas
25:43sa boxing
25:44sa SEA Games
25:45ngayong taon.
25:46Huwag i siya
25:46via split decision
25:47laban sa katunggaling
25:48taga-Indonesia
25:49sa 80 kilogram
25:50division ng men's boxing.
25:53Silver medal naman
25:54si Aira Villegas
25:55sa women's 50 kilogram.
25:57Silver medal din
25:58ang inangkin
25:59ng kapwa boxer niya
26:00na si Flint Hara
26:01sa men's 54 kilogram.
26:03Gayun din si
26:04J. Brian Baricuatro
26:05na nakalaban
26:06ng Thailand
26:07sa 48 kilogram division.
26:09Dalawang medalya
26:10naman ang ambag
26:11mula sa speed skating
26:12ni Peter Grosclose.
26:14Kahit walang snow
26:15sa Pilipinas,
26:16naka-gold medal siya
26:18sa men's 500 meter
26:19short track
26:20at naka-silver
26:21sa 1,500 meter
26:22short track.
26:24This is my first
26:24SEA Games
26:25so I'm proud
26:25I can represent
26:26the Philippines
26:27like well.
26:29Nakastrike din
26:30ang gold medal
26:30ng team Pilipinas
26:31sa men's bowling
26:32team of four event.
26:35Di na rin
26:35pinakawala ng
26:36Philippine Blue Girls
26:37ang gintong medalya
26:38nang talunin nila
26:39ang defending champion
26:40na Singapore
26:41sa softball.
26:42Humakot din
26:43ng medalya
26:44ang mga Pinoy
26:45triathlete.
26:46Gold medal
26:46ang pasalubong
26:47ni Michael Veranton
26:48kumaling
26:49na lumaban
26:50sa modern pentathlon
26:51habang bronze medal
26:53ang kay Shira May
26:54Aranzado.
26:55Si Kira Elis
26:56silver
26:56ang nakamit
26:57sa women's
26:57individual
26:58ng triathlon
26:59kahit nauna
27:00siyang ma-food
27:00poison.
27:02Naka-silver
27:02naman si Andrew
27:03Kim Remolino
27:04at bronze
27:05si Fernando
27:05Jose Casares
27:06sa men's
27:07individual
27:07triathlon.
27:09Mula rito
27:09sa Bangkok,
27:10Thailand.
27:10Ako si Jonathan
27:11Andal
27:11ng GMA Integrated News
27:13at ng
27:13Philippine Olympic
27:14Committee Media
27:15Nagkagulo sa isang
27:20paaralan sa
27:21Lezo Aklan
27:22nang magwala
27:23at manakit
27:23roon ang isang
27:24lalaki.
27:25Aling sa polisya,
27:25may Christmas party
27:26sa paaralan
27:27nang pumunta
27:27roon ang lalaki
27:28para sunduin
27:29ang kanyang anak.
27:30Nagtanong siya
27:31kung nasan anak
27:32pero wala
27:33umanong nakasagot
27:34sa kanya.
27:35Uminit umanong
27:35ulan ng suspect
27:36at kumuha ng bote
27:37na inihampas niya
27:38sa mga nakapaligid
27:39sa kanya.
27:40Apat ang sugatan.
27:42Aranzado ang suspect
27:43na pinagtulong
27:43ang awati
27:44ng mga resident
27:45at otoridad.
27:46Pumagi siyang
27:47magbigay
27:47ng pahayad.
27:48Handa namang
27:49magsampan ng kaso
27:50laban sa kanya
27:50ang mga biktima.
27:53Mga kapuso,
27:55anim na tulog na lang.
27:57Pasko na.
27:58At nagliwanag po
27:59ngayong gabi
27:59ang Espanya
28:00sa Maynila
28:01para sa taon
28:01ng Paskuhan
28:03sa University
28:04of Santa Tomas.
28:05At ngayong taon,
28:06puno ng puso
28:07ang Pasko
28:07dahil ang ilan nilang
28:08palamuti
28:09hango sa
28:10incantadya.
28:11Tema ng Paskuhan
28:12ngayong taon
28:12ay
28:13Light Among Us,
28:14Hope Through Us
28:15na sumisimbolo
28:17sa liwanag
28:17ni Kristo
28:18sa bawat kumasino.
28:20Ang konsepto
28:21ng mga dekorasyon
28:21sumasalamin
28:22sa mga realidad
28:23na naranasan nila.
28:25Malapit din ito
28:26sa mga kwentong
28:27sumasalamin
28:27sa tibay ng loob,
28:29pagbangon,
28:30at pag-asang inaasam
28:33ng mga kabataan
28:34sa gitna
28:35ng mga pagsubok.
28:42Ibinida po
28:43sa mga lalawigan
28:44ang mga kakanin
28:45na may kakaibang twist.
28:46Pati na ang paborita
28:47tuwing Pasko
28:48na puto-bumbong,
28:49next level
28:50ang toppings.
28:52Saksi,
28:52si John Sala
28:53ng GMA Regional TV.
28:54Tuwing Kapaskuhan
28:59lalo na
29:00pagsapit
29:00ng si Banggabi,
29:01you can never go wrong
29:02with puto-bumbong.
29:04At kung next level
29:05na tamis
29:06ang iyong craving
29:06sa malasiki panggasinan,
29:08available
29:09ang sari-saring toppings.
29:11Pero,
29:12ibahin ang panindang
29:12kakanin
29:13sa malasiki panggasinan,
29:15next level
29:15ang tamis
29:16ng naisip nilang twist.
29:18Mamimili ka lang
29:19ang kanilang
29:20special puto-bumbong,
29:21may muscovado pa
29:22at leche flan.
29:24Kung di pa yan sapat,
29:26may overload pang
29:27siksik sa cheese
29:28at natalikoko toppings.
29:30At ang ultimate choice,
29:31sama-sama lahat
29:32ng toppings,
29:33pati ubi syrup
29:34at itlog na maalat.
29:35Sarap po.
29:36Sarap pa rin.
29:36Opo.
29:37Hindi po masyado maalat.
29:38Sakto lang po.
29:39Patok din
29:40at binabalik-balikan
29:41ang iba pang flavors
29:42ng puto-bumbong.
29:43Try mo sa puto-bumbong
29:44kasi masyado
29:45ng common kasi
29:46kapag ano eh,
29:47yung puto-bumbong na ano,
29:49kahit saan,
29:49pwede kang bumili.
29:51Kaya naisip ko,
29:52ba't di ko kaya
29:52lagyan ng ibang flavor?
29:53Hanggang sa City of Smiles
29:56ang bakolod.
29:58Tsak mapapangiti ka
29:59sa dami ng mga
30:00pagpipili ang kakanin.
30:01Perfect sa iyong
30:02post-simbang gabi food trip.
30:04Bida rin dyan
30:05ang iba pang kakanin
30:06gaya ng bibingka
30:07na ibinibenta
30:08sa isang plaza.
30:09Sa isla naman
30:10ang Gimaras.
30:11Wagas ang iba't-ibang
30:12klase ng kakanin
30:13na may Christmas touch
30:14sa ginanap na
30:15panaboro sa isla.
30:17Dahil nandito na lang din tayo
30:19sa Mango Capital
30:20ng Pilipinas.
30:21Siyempre,
30:22ang lahat ng kakanin.
30:23May manga.
30:25Tila,
30:25napaaga naman
30:26ang Noche Buena
30:27sa Iloilo City.
30:28Tampok dito
30:29ang kanilang
30:29Calier Real Christmas Market.
30:31May mga tindang
30:32seafood,
30:33baboy at manok.
30:34Mabenta rin
30:35ang ilang mga tusok-tusok.
30:37Okay man,
30:38mas relaxing
30:39para sa amon
30:40ng mga may edad na.
30:41Di magpapahuli
30:43ang culinary capital
30:44ng Pilipinas
30:45ang Pampanga.
30:46Handog nila
30:46yung mga kakaning
30:47hindi lang panghimagas
30:49kundi bahagi na rin
30:50ang kanilang pagkakakilanlan.
30:52Tuwing Pasko,
30:53inaabangan ng mga kabalin
30:54ang patco
30:55hango sa salitang Pasko.
30:57At tuwing Pasko lang din
30:58ito ginagawa
30:59sa bayan ng guagwa.
31:01Di biro ang preparasyon,
31:03lalot inaabot ito
31:04ng anim na oras.
31:05Pero worth it,
31:07lalot kulay pa lang,
31:08nakakabusog na.
31:09May ipinagmamalaki rin
31:13ang mga tigabulakan.
31:14Ito ang pinaso,
31:16pinaghalong gatas,
31:17itlog,
31:18biskwit at asukal
31:19halaw sa proseso
31:20ng paggawa nito.
31:21Ang pagpaso
31:22na minanaparaw mula
31:24sa mga kababaihan
31:25ng malolos.
31:27Syam-syam din
31:27ang inaabot
31:28para makuha
31:29ang tamang lasa nito.
31:30Naway maging
31:31singtamis at kulay
31:32ng mga kakaning ito
31:33ang pagdiliwang
31:34natin ng Pasko.
31:36Para sa GMA Integrated News,
31:38ako si John Sala
31:39ng GMA Regional TV,
31:40ang inyong
31:41Saksi.
31:44Salamat po
31:45sa inyong pagsaksi.
31:46Ako po si Pia Arcangel
31:48para sa mas malaki
31:49misyon
31:49at sa mas malawak
31:50na pagdilingkod
31:51sa bayan.
31:53Mula po sa
31:53GMA Integrated News,
31:55ang News Authority
31:55ng Filipino.
31:56Hanggang sa lunes,
31:58sama-sama po tayong
31:59magiging
32:00Saksi!
32:01Mga kapuso,
32:07maging una sa Saksi!
32:09Mag-subscribe sa
32:09GMA Integrated News
32:10sa YouTube
32:11para sa
32:11ibat-ibang balita.
32:13Mama cao
32:18mok
32:18mok
32:19mi-a
32:19mok
32:19mok
32:19mok
32:20mok
32:20mok
32:21mok
32:22mok
32:23mok
32:23mok
Comments