00:00Inaprobahan ang Development Budget Coordination Committee o DBCC
00:05ang pagsusulong ng panukalang 6.793 trillion pesos na national budget sa susunod na taon.
00:13Ayon sa DBCC, katumbas ito ng 22% ng ating gross domestic product
00:18at sumasalamin sa pagsisikap ng pamahalaan para sa isang inclusive economic growth at fiscal discipline.
00:25Ayon kay Budget Secretary Amena Pangandaman, prioridad sa pambansang pondo ang dekalidad na edukasyon,
00:33healthcare at upskilling o pagpapataas at pagpapalawak ng kakayahan ng mga manggagawa.
00:39Nakapaloob din umano dito ang pinaigting na climate change at disaster resilience,
00:45pinatatag na social protection systems at pagpapalakas sa servisyo ng mga lokal na pamahalaan.
00:51Giyit ni Pangandaman, masusing evaluation process ang ginawa ng DBM
00:56kung saan mula sa natanggap nilang budget proposals na umaabot sa higit 10 trillion pesos
01:02na ibaba ito sa higit 6 na trilyong piso.
01:06Inaasahan masusumite sa Kongreso ang naturang 2026 national budget sa Agosto.