00:00Nagpapaulan sa Luzon at Visayas, ang bagyong Mirasol at Easterlies.
00:04Nagdadala rin ng kaulapan at ulan ang hanging habagat sa Silangang Mindanao.
00:09Asa ng kalat-kalat na pagulan, lalo na dito sa parte ng Palawan at ilang bahagi ng Bico Region,
00:15lalo na sa Calabarzon at Mimoropa Provinces,
00:18maging dito rin sa Metro Manila, ilang bahagi rin ng Cagayan Valley at Cordillera Region.
00:23Huling namataan ang Tropical Depression o Mahinang Bagyo sa layong 210 km East-Northeast.
00:30ng Infanta Quezon at Tropical Depression lamang yan o Mahinang Bagyo.
00:35Base naman sa forecast track, tatawid ang bagyong Mirasol sa Central at Northern Luzon.
00:41Unang tatama yan sa bahagi ng Cagayan Valley Region sa Merkoles
00:45at tatawid naman sa Northern Section ng Cordillera Region.
00:49Lalabas ito sa Batanes Group of Islands pagsapit ng Webes.
00:53Itinaas naman ang wind signal number one sa mga sumusunod na mga lugar.
00:57Kabilang po dyan ang Cagayan Valley Region, Cordillera Region at Northern Section ng Luzon,
01:04kasama na rin ang ilang bahagi ng Southern Luzon, kabilang ang Camarinas Sur at ang Catanduanes.
01:11Karagdagang kaalaman naman, simula Oktubre, mas dadalas pa ang maulang panahon.
01:15Itinaas na ng pag-asa ang Laniña Alert dahil naobserbahan ang paglamig ng sea surface temperature,
01:23particular sa gitna at silangang Pasipiko, kung saan sakop din ang Pilipinas.
01:28Ibig sabihin, ang paglamig ng karagatan ay mas makabubuo ng mga bagyo, LPA at ilang weather system
01:34tulad ng monsoon, severe thunderstorms, easterlies at mga wind convergence.
01:39Ang Laniña ay posibleng magtagal hanggang Pebrero sa susunod na taon.