00:00Sa batala, sinampanan ang reklamo naman ng Department of Transportation at Land Transportation Office
00:07ang dalawa sa tinuguriang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors.
00:13Ito'y dahil sa muna ipaggamit ng mga peking driver's license para makapasok sa mga kasino.
00:19Si J.M. Pineda sa Sento ng Balita. J.M.
00:22BGC Boys
00:52D.P.W.H. na sila Henry Alcantara, pati na rin si Bryce Hernandez dahil nga sa paggamit nila ng mga peking ID at lisensya.
01:04Hindi hahayaan na lapastanganin ang kahit na sino man ang pagkuwa ng lisensya.
01:09Ito ang naging mainit na babala ni Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez sa publiko at mga opisyal ng gobyerno.
01:16Kasabayan ang pagsampan nila ng kaso laban kinadating D.P.W.H. Bulacan District Engineer Henry Alcantara at D.P.W.H. Bulacan District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
01:26Ayon sa hensya, hindi nila itinanggi sa pagdinig sa Senado na gumamit sila ng peking pagkakailanlan at ID noong pumasok sa isang pasugala na krimen at labag sa batas.
01:39Ang ginawa ng dalawa, kaya agad na umaksyo ng D.O.T.R. at L.P.O.H.
01:43Pero unang hakbangin pa lang ito dahil kakasuhan rin nila ang tatlo pang kasama ni Alcantara at Hernandez.
01:50Maarap sa kasong use of falsified documents ang mga dating opisyal ng D.P.W.H.
01:58May kulong po ito na hindi higit sa anim na taon at fine the amount of 1 million po that's under the revised penal code.
02:05So kailangan nila makulong. Kung mapaputunayan na talagang ginawa nila itong krimen na ito.
02:13Maging paalala rin daw ito sa mga nagbabalak pang mameke ng lisensya at gumamit ng peking lisensya dahil iisa-isain ang ahensya ang mga ito at pananagutin.
02:25This will send a strong signal po sa mga mayan natin.
02:28Hindi ko po alam kapag madami na tayong nahihain na kasong ito pero ito po ay magpapaalala sa taong bayan na talaga hindi ka pwede gumamit.
02:38Una, bawal ang peking license. Yan po ay pampublikong dokumento. Mas lalong bawal gumamit ng peking license. At yan po ay isang krimen.
02:48This is the first time. Kadalasan ang nasasampahan ng kaso yung gumagawa. This is the first time that we are running after yung gumagamit ng lisensya.
02:59They're equally liable under the law upon instructions of Secretary Lopez.
03:04Patuloy naman ang pagbabantay ng LTO sa iba't ibang lugar. Lalo pa at nagkakalat na rin o kumakalat ang mga pagawaan ng peking lisensya.
03:14Iniiwasan din ang ahensya na lamaganap muli ang pamimeke at paggamit ito.
03:19Kahit ito mo na sa online, bantay sarado na rin dahil pinasok na rin ito na mga kawatan.
03:24Ina-adopt nila yung wala nang hassle, no driving, no medical, tapos may lisensya na kaagad.
03:35E talagang hard to believe. Kaya ating panawagan parati, huwag na po sila, yung ating publiko, huwag na po sila pumunta sa ganun.
03:43It is incredible, it is hard to believe.
03:45At yun, tiniyak din ang ahensya na tutugisim din nila itong nagsupply ng mga peking ID at lisensya sa tinaguriang BGC Voice
03:56dahil paniguradong sila yung source ng mga ganitong pamimeke ng ID.
04:02At ngayon nga, inakikipag-ugnay na rin daw ang ahensya o ang LTO sa mga kasino
04:07para naman malaman kung regular bang ginagawa ng mga tao ito para makapasok doon sa mga pasilidad na yon.
04:13At ngayong linggo nga, inaasahan na magkakaroon pa ng mga panibagong impormasyon
04:17dahil sa pagdinig sa Senado dito sa flood control project at paniguradong magagamit ito ng LTO.
04:25Yan muna ang latest. Balik sa Iwaljo.
04:28Maraming salamat, J.F. Pineda.