Skip to playerSkip to main content
Mataas na nga ang presyo, halos wala rin daw dumarating na suplay ng diesel sa ilang gasolinahan ngayon.


At kapag nagtuloy-tuloy, posibleng magsara raw muna ang ilan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mataas na nga ang presyo, halos wala rin daw dumarating na supply ng diesel sa ilang gasolinahan ngayon.
00:07At kapag nagtuloy-tuloy, e posibleng magsara raw muna ang ilan.
00:12Nakatutok live si Maris Buman.
00:15Maris.
00:18Vicky, sa pagigot natin sa iba't ibang mga gasolinahan ngayong ikalawang araw na malawak ang oil price hike,
00:23bago sa nadagdagan pa ang taas singil sa mga produktong petrolyo, ay dagdagdagok din daw ang dulot ng limitadong supply,
00:31lalo na ng diesel, sa parehong maliliit at maging malalaking mga kumpanya ng langis.
00:40Dahil sa nagpapatuloy na krisis sa Middle East, dalawang araw na wala ng supply ng diesel ang gasolinahan ito.
00:47Buti na lang ay may nairasyon na raw sa kanila ngayong umaga.
00:50Pero ang efekto, ramdam na sa negosyo maging ng mga empleyado nito.
00:54Medyo nawalan kami ng customer po that day.
00:57Then yung sa mga tao po namin, bali binabawasan po yung pasok, ginagawang skeletal po.
01:05So walang pasok yung iba, walang swelga po.
01:09Maging sa gasolinahan ito, naubusan din daw ng diesel mula kahapon.
01:13Matapos nagsain ang mga nagpakarga nitong lunes bago ang malawakan taas singil.
01:18Ang problema, hanggang ngayon, wala pa rin daw silang natatanggap na bagong supply ng diesel.
01:23Gayong sa normal na pagkakataon, araw-araw daw dapat ang delivery nito.
01:27Ang pinaka-update ng amin was, pila pa siya sa terminal since yung sobra-sobra yung demand across Metro Manila.
01:35So one of a kind yung situation niya yun since yun nga, grabe din yung demand.
01:40Ang pangamba nila.
01:42Worst case scenario, pag wala pa rin kami replenishment until a couple of days,
01:46we might have to close down the station since wala rin naman kami masaserve ng product.
01:49Sana, kung pwede silang makapagsource ng alternative channels sa mga puha ng fuel products, much better.
01:58But as of now, mukhang yun nga, because of the prices in the Middle East, mukhang strained to supply lines
02:07ng fuel products in the Philippines.
02:10So yun, hopefully matulungan tayo.
02:13Ngayon ang day 2 ng pautay-utay na pagkapatupad ng mega-price hike.
02:16Ang naunang pagtaas kahapon, nadagdagan ngayon ng 7 pesos at 30 centavos kada litro sa diesel,
02:223 pesos at 50 centavos kada litro sa gasolina, at 8 pesos at 40 centavos kada litro sa kerosene.
02:28Kaya ang mga tsuper na siyang unang tinatamaan ng mga taas presyo, umaangal na.
02:33Sobrang taas eh. Wala na dating 15 hours lang kami nagdadrive ngayon, halos magdamag na,
02:38para kumita lang kami, may makuwi sa pamilya.
02:40Hindi naman po namin kayang ihinto dahil wala naman po kami isusuporta sa aming mga pamilya, sa anak.
02:45Mabigat to kasi wala, unang-unaw wala kaming mahanap na pasayero sa kalsada rin.
02:52Pinabayad ng pasayero, pinanggas mo lang din eh. Extend mo yung biyahe mo.
02:56Para ah, para lang.
02:57Para maka o kumita ka kahit na kaunti.
03:00Manda lang dati ang inukurudo ko, ngayon mayiging 900 na.
03:04Yung biyahe ganun pa rin, isa rin.
03:06Bali, kumikita kami dati ng 800, ngayon malamang nasa 500 na lang.
03:10No choice eh.
03:12Katuloy yung sinasabi ni Martin na mag, ano na lang daw, construction.
03:16Naku, mas mahirap naman yun.
03:22Vicky, ang magandang balita dito sa gasolinahan na kinaroroonan ko ay ngayon-ngayon lamang may dumating na nga truck na
03:29magre-replenish sa kanilang supply ng diesel.
03:32Pero abutin lamang daw yan ng ilang araw at kakailangan talaga nila ng tuloy-tuloy na supply.
03:37Kaya naman, pakiusap ng mga lahat ng apektadong mga sektor sa pamahalaan.
03:42Bagamat deregulated, ano, ay sana rao gumawa ang pamahalaan ng paraan ng makahanap ng iba pang mapagkukuna ng mga produktong
03:49petrolyo
03:49para maibsan kahit kapano ang pasakit na nagdadala-dala sa ating mga kababayan.
03:53Vicky?
03:54Maraming salamat sa iyo, Mariz Umali.
Comments

Recommended