00:00Kak Day, sa iba't ibang problema sa edukasyon sa bansa at iba pang issue sa Senado.
00:05Baka parahin po natin ang bagong Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Sen. Bam Aquino.
00:09Sen. Aquino, magandang umaga po.
00:11Yes, good morning Igan, magandang umaga.
00:13Okay, una pa, paliwanag lang po at yung pagsalin nyo sa Senate Majority,
00:17e para maituloy nyo lang yung mga pinangako nyo ng kampanya.
00:22Opo, mahalagang mahalaga po yung na-actionan yung mga problema natin sa edukasyon.
00:27Nasa crisis level po ang educational system po natin.
00:31Kaya mahalaga po na matugunan ang mga problema nito.
00:34At magagawa mo lang yan kung hawak mo talaga yung Committee on Education.
00:38At yung Committee po ng edukasyon sa ating tradisyon, sa ating kasaysayan,
00:43ay nabibigay po talaga sa mayorya.
00:45Kaya naisip po natin na sumama sa mayorya para makuha ang komite
00:49at may pasapot mga reformang mahalaga.
00:51Pero hindi ang inyong paninindigan?
00:54Well, pareho pa rin kasi yung national alignment.
00:56Hindi po tayo sumama sa administrasyon o sa oposisyon.
01:00We remain independent.
01:01Pero sa Senate, yung dynamics po dyan, iba talaga.
01:06Kaya parehas pa rin ang ating national political alignment.
01:09Pero sa Senate, nagmayorya po tayo para sa Education Committee.
01:12Sabi ng Pangulo sa kanyang zona, edukasyon pa rin ang main priority sa kanyang administrasyon.
01:17Ramdam nyo po ba yung mga kasalukuyang pong mga hakbangin ang gobyerno rito?
01:21Well, makikita natin yan sa budget, Igan.
01:24At nung isang araw, nanawagan na nga tayo na itaas ang budget ng edukasyon.
01:30Gawin natin itong highest ever sa ating kasaysayan para matugunan yung iba't ibang mga problema.
01:35At babantayan ng Committee of Education yung mga pangakong yan.
01:39Of course, natutuwa naman tayo na gagawin priority ang edukasyon sa susunod ng mga taon.
01:45Pero kailangan bantayan. Kailangan masigurado na yung mga binabangkit sa zona, nangyayari talaga, may pondo, naiimplement ng maayos,
01:53at nakukuha natin yung iba't ibang grupo na magsama-sama at magtulungan para sa issue na ito.
01:57Ano po uunahin nyo para tugunan itong nakikita mga problema sa edukasyon?
02:02Well, Igan, meron tayong seven-point agenda. Nilathala na natin ito nung karang araw sa Senado.
02:07Yung problema natin sa mga classrooms.
02:09Over 165,000 classrooms yung kakulungan natin.
02:13Yung mga kabataan po natin, nag-aaral po sila sa mga covered courts.
02:18Two shifts, three shifts.
02:20Sa waiting shed pa nga yung iba, nag-aaral, nagkaklase.
02:25Mahalagang matugunan natin ito.
02:26Yung problema natin sa internet connectivity.
02:29Marami pa rin sa mga skwelahan natin, hindi sila connected to the internet.
02:33Habang napasako na, nung 27 din pa yung batas para sa libreng internet sa mga public school.
02:39Nandyan yung problema sa kurikulo.
02:41At alam natin na two years behind ang ating mga studyante.
02:44Yung grade 3 ay parang grade 1.
02:46Yung grade 6 ay parang grade 4.
02:48At marami sa mga kabataan natin, may paghihirap pa rin sa pagbabasa at pag-iintindi.
02:54Nandyan yung problema natin sa nutrisyon.
02:57Marami sa mga kabataan natin, pumapasok gutom.
02:59Paggutom ka, hindi ka makapag-aaral.
03:02Nakapagbasa na rin tayo, Igan.
03:03Noong nakaraang termino ko, yung feeding program law na kailangan ma-implement, kailangan mapondohan.
03:09At siguro kailangan i-amend ng konti para talagang lahat ng school learners natin ay makakuha ng pagkain.
03:16Nandyan yung problema natin sa textbook na hindi umaabot.
03:19May mga textbook pong binibili ang national government, pero kalahati lang nito ang nadideliver sa mga kabataan natin.
03:26In fact, baka nga, less than half pa ito.
03:28Yung problema sa atin sa pagtulong sa mga teachers, marami sa mga guru natin, overwork, underpaid.
03:35Kailangan natin silang tulungan.
03:36And panghuli nilang, Igan, ito, mainit rin ito, yung problema natin sa employability o trabaho.
03:42Of course, dito nandito yung issue ng K-12.
03:45Mahalaga na matugunan yung issues natin ng K-12, yung ating grade 12 graduate, dapat employable sila.
03:50At matupad yung pangako ng programang ito na kung gagraduate ka ng grade 12, di ka nakapagkuleyo,
03:56dapat kaya mo na magtrabaho.
03:57Yan yung pitong main agenda points natin.
04:00Nung nakaraang araw sa Senado, marami rin minungkahi yung iba nating kasama,
04:04tungkol rin sa bullying, tungkol sa iba't ibang mga bagay.
04:08At nangako naman tayo na tatalakayin natin ito, hahanapan natin ng solusyon,
04:12at mayigit sa lahat, hahanapan natin ng pondo para mapondoan ito
04:16at masigurado natin yung pera ng bayan na pupunta talaga sa tama.
04:19Salamat po. Dumako tayo sa impeachment, Senador.
04:22Opo.
04:23So, pag-uusapan sa August 6 ng Senado,
04:28kayo ba'y nanumpana bilang member ng impeachment court?
04:31Well, yan nga, Igan, yan yung isa sa mga debate namin noong caucus.
04:35At pag-uusapan namin ito sa Wednesday, no?
04:37Ang pakiwari ko po kasi, dapat mag-convene yung impeachment court, manumpa kami bilang senator, judge,
04:44at doon mag-decide, no?
04:45Kung ano mangyayari, kung ito, kung conviction, akwital, or dismissal ba yung mangyayari.
04:51Eh, mukhang ang pakiramdam po ng iba ay hindi na mag-convene ng impeachment court,
04:56kahit man lang mag-decide kung ano yung gagawin, no?
04:58Opo.
04:58So, ito mismo yung mga debate natin sa Wednesday, at naghahandaan na rin po kami para ibigay yung ating posisyon dito po sa issue nito.
05:08Initially, posisyon nyo, dapat ituloy ang impeachment trial?
05:10Yes.
05:11Dapat pong ituloy ang Senado po ang siyang may kapangarihan pagating sa impeachment court at pagating sa impeachment, no?
05:19Kaya ang isang posisyon po natin, i-convene ng impeachment court at doon mag-decide bilang impeachment court kung ano po yung gagawin, no?
05:26Hindi po ito tungkol sa guilt or innocence ni Vice President Sara Duterte, ito po'y tungkol sa independence ng Senado, no?
05:34Igan, sa ating kasaysayan, yung Senado, ang tawag dyan, last bastion of democracy,
05:38ang pinakahuling hantungan pagating sa ating demokrasya, mahalaga na independent ang Senado,
05:44isa itong co-equal branch of government na siyang may kapangarihan kapag dating sa impeachment.
05:50Kaya mahalaga na matuloy ang trial at doon mag-design, no?
05:53Pero ang pakiramdam ato ng mga kasama ko, Igan, ay sundan ang naging desisyon ng Supreme Court.
06:00Baka huwag na nga hintayin ang motion for reconsideration ng House of Representatives.
06:05At yun na, no? Yun na yung desisyon sa Wednesday.
06:08Kaya tingnan na lang po natin kung ano po yung magiging debate at botohan pagating po ng Wednesday.
06:12Maraming salamat, Senador Bam Aquino. Ingat po kayo.
06:16Salamat po.
Comments