00:00.
00:30.
01:00.
01:30.
01:32.
01:34.
01:36.
01:38.
01:42.
01:44.
01:46.
01:48.
01:50.
01:54.
01:55.
01:56.
01:58.
01:59Sa kuha ng doorbell camera, kita ang tatlong bata sa tapat na isang gate sa San Pedro, Laguna.
02:04Maya-maya, dumating ang kapitbahay nilang babae.
02:07Kinausap ang tiyuhin ng isa sa mga bata na ka-video call nila.
02:11Sunod na dumating ang kanyang asawa.
02:14Tinulak niya ang isang bata.
02:17Kinutosan at sinipa ang isa pa.
02:20Inareklamo na sa barangay ang pananakit ng lalaki.
02:23Depensa ng lalaki, ipinagtanggol niya ang asawa at anak na nakikipagtalo sa mga bata.
02:28Aminado siya sa mga pananakit at handang humingi ng tawad.
02:32Ang mga kaanak na mga bata, desidido siyang ihabla.
02:35Nakatakta magharap ang mga sangkot sa barangay ngayong araw.
02:44May tigil pasada ang ilang transport group ngayon pong linggo bilang protesta naman sa umano'y malawakang korupsyon sa gobyerno.
02:52Ayon sa grupong Manibela, sa September 17 hanggang September 19 sila magtigil pasada.
02:57September 18 naman ang transport strike ng grupong piston.
03:02Bukod sa malawakan umanong katiwalian sa gobyerno, ipoprotesta rin daw ng piston at manibela ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
03:10Ayon sa Metro Manila Development Authority, makikipag-ugnain sila sa DOTR, LTFRB at sa mga lokal na pamahalaan sa NCR
03:18para hindi maapektuhan ang mga commuters sa mga araw na may tigil pasada.
03:27Babantayan daw ng ilang mambabatas at ilang grupo ang gagawing investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
03:35sa maanumali ang manong flood control project sa bansa.
03:39Ang Senate minority may mga kondisyon din bago nila suportahan ang ICI.
03:44Balitang hatid ni Jonathan Andal.
03:46Nakitaan daw ng conflict of interest ng minorya sa Senado ang binoong miyembro ng ICI o Independent Commission for Infrastructure
03:56na mag-iimbestiga sa mga questionabling flood control project.
03:59Tanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Quetano,
04:02maipapangako ba ng mga nasa ICI na hindi sila tatakbo sa national position sa 2028?
04:08At kung tatakbo ay gagamitin bang alas ang pagiging miyembro ng komisyon?
04:13Aniya, susuportahan lang ng minority ang ICI kung ang mga miyembro nito ay walang bahid ng politika
04:19at walang koneksyon sa malalaking negosyo.
04:22Ilan daw kasi sa mga ini-interview na sinasabing credible na personalidad
04:27ay parte raw ng conglomerate at nagtatrabaho sa mga oligarch o mayayamang may sari-sariling interest.
04:33Hindi pa malinaw kung sino tinutukoy rito ni Quetano.
04:36Ang minority leader naman sa Kamara na si 4-piece partyless representative Marcelino Libanan
04:41babantayan daw ang trabaho ng ICI para matiyak na hindi lang sa mga report at rekomendasyon matatapos ang investigasyon
04:48kundi dapat may managot at makulong.
04:51Nagpahayag naman ang suporta kay Magalong ang Quezon City local government.
04:55Kasama ni Magalong si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa grupong Mayors for Good Governance.
05:01Buoraw ang tiwala niyang malaki ang may tutulong ni Magalong sa investigasyon
05:04at pagbibigay linaw sa papel ng LGU sa kalakaran sa flood control projects.
05:09Handa raw makipagtulungan ang Quezon City LGU sa ICI.
05:13Sabi naman ang grupong Right to Know Right Now na nagsusulong ng freedom of information,
05:17dapat maging transparent ang ICI at isa publiko ang mga makukuha nila sa investigasyon.
05:23Matapos ang ICI, inaabangan din daw nila ang pahayag naman ang itatalagang susunod na ombudsman
05:27dahil ang mahalaga raw na maging katuwang ito ng ICI.
05:31Parang ating last line of defense in graft and corruption is the ombudsman.
05:37They should remain independent but they should cooperate and coordinate.
05:42Ito ang GMA Regional TV News.
05:47Balita sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
05:51Tinangay nang rumaragas ang tubig ang isang tulay sa Manay Davao Oriental.
05:54Cecil, may naiulat bang nasaktan sa insidente?
05:59Rafi, mabuti na lang at hindi pa nakalapit sa tulay ang mga residenteng tatawid sa naroon.
06:05Sa kuha ng uploader, tila nilamon ng kulay putik na agos ng tubig ang footbridge sa barangay Tawcanga.
06:12Wala nang nagawa ang mga residente kundi pagmasdan ang pagtangay sa tulay.
06:16Kaya ang mga residente humahanap muna ng ibang madaraanan para makapunta sa kabilang bahagi ng bayan.
06:22Tumaas ang tubig sa ilog dahil sa pagbaha sa lugar.
06:27Nakaranas din ang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Davao City.
06:31Sa barangay Mintal, tumirik ang ilang sasakyan.
06:34Pinasok naman ng tubig ang ilang bahay at gusali,
06:37kabilang ang isang halfway house na para sa mga pasyente sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
06:43Sa Bakong Negros Oriental naman, sinira ng baha ang tubo ng tubig sa barangay Liptong sa bayan ng Bakong.
06:50Problemado tuloy ang mga residente dahil apiktado ng pagkasira ng tubo ang supply ng kanilang inuming tubig.
06:57Sa barangay Santa Cruz, Viejo sa Tanhai City,
07:01nastranded ang ilang motorista sa spillway matapos umapaw ang tubig mula sa Nagsala River dahil sa pagulan.
07:08Walang naiulat na pinsala dahil sa baha.
07:11Ayon sa pag-asa, low pressure area ang sanhinang paulan sa Negros Island.
07:19Pinaghahanap ang isang lalaking nagpakilala umanong NBI agent para mambiktima sa investment scam sa Iligan City.
07:27Base sa reklamo ng Amerikanong complainant,
07:29hinikayat siyang mag-invest sa isang agricultural product ng sospek.
07:34Pero scam daw pala ito.
07:35Nakipagkita pa raw siya ng isang beses sa sospek na may kasamang mga armadong lalaki.
07:41Kinumpirma naman ng ilang witness na nakikita nila ang lalaki na may suot na uniforme at badge ng NBI.
07:48Ayon sa NBI Iligan District Office,
07:50hindi nila lehitimong tauhan ang lalaki o ng anumang uniform service.
07:56Patuloy pa siyang tinutugis, pati ang kanyang mga kasama.
07:59Mahaharap ang lalaki sa reklamong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.
08:07Sinusubukan pa namin unan ng pahayag ang biktima.
08:10Victory sa kanyang professional wrestling debut ang star ng Encantada Chronicles Sangre na si Rocco Nacino.
08:23Sa introduction obvious na underdog si Rocco pagdating sa laki ng kalaban na si Jim Bro Tiago.
08:39Binuhat, tinulak at nabalibag niya si Rocco with ease.
08:44Kahit David vs. Goliath man ang eksena, hindi nagpatinag ang kapuso actor.
08:49At ang kanyang winning move, isang picture-perfect frog splash laban kay Tiago.
08:55Present at number one cheerleader ni Rocco ang wifey na si Melissa Going.
08:59Battled and bruised man si Rocco sa pro debut, worth it naman daw dahil dream come true para sa kanya ang panalo.
Comments