- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sandra Aguinaldo
00:30May nakulong ng dating Pangulo, ilang Senador at mga dating opisyal ng gobyerno matapos madawit sa katiwalian.
00:37Nariyan ng kontrobersya kaugnay sa pagtanggap umano ng weting payola at stock manipulation na nauwi sa impeachment at pagpapatalsik sa pwesto kay dating Pangulong Joseph Estrada.
00:50Si Estrada nakulong at nahatulang guilty sa kasong plunder pero kalaunan ay nabigyan ng executive clemency.
00:56Nariyan ang umano'y maanumaliang NBN ZTE deal noong 2007.
01:02Maling paggamit ng pondo ng Philippine Charities Whipsticks at Fertilizer Fund Scam o pondo ng fertilizer na nagamit umano sa kampanya sa 2004 elections.
01:13Naaresto pa nga si dating Pangulong Gloria Arroyo at nakulong.
01:18Pero nakalaya din noong 2016 matapos mapawalang sala sa kasong plunder.
01:23Nakulong sa kasong plunder si Janet Lim Napoles at mga senador na sinabong Revilla at Jingoy Estrada habang nahospital arrest si Juan Ponce Enrile.
01:34Pero napawalang sala sina Revilla Estrada at Enrile.
01:37Ngayon si Napoles na lang ang nakakulong matapos mahatulat.
01:40Panahon ni dating Pangulong Duterte sa panahon ng pandemya, sinasabing may katiwalaan din na nalasa.
01:48Ang umano'y overpriced medical supplies na binili ng gobyerno sa Farmally Pharmaceutical Corp.
01:54Nasa korte pa ang kaso at nakakulong si Lloyd Christopher Lau, dating opisyal ng procurement service ng Budget Department.
02:01At ngayon nga, nalantad naman ang sabwatan sa maanumalyang flood control projects.
02:08Sa pagsusuri raw ng grupong Right to Know Right Now, isang Freedom of Information Advocacy Group,
02:14nakita nilang naging mas malawak at garapal ang katiwalaan sa flood control.
02:19So, nagbaba ng project si Ganyan, ang ganyang politiko, ibababa sa field, let's say sa DPWH.
02:30And that project was the result of, kaya na, that's why it was identified with the politician,
02:41is because it's the politician that was responsible for the insertion of that project in the GAA.
02:49At may sinasabi na, nalagay pa lang sa GAA, ay tumatakbo na yung SOP.
02:58Hindi pa na, hindi pa nagbabayaran o hindi pa nga nabibid, tumatakbo na yung SOP.
03:07Ngayon kaya nakikita, but how, you know, how brazen the system has become.
03:16Panawagan ng grupo sa gobyerno, tiyaking mapapanagot ang dapat managot.
03:23Si Pangulong Marcos may binuod ang Independent Commission for Infrastructure
03:26na hahabol sa mga nangurakot sa pondo para sa flood control projects.
03:31We have subpoena powers.
03:32We have enough authority to investigate anything and anyone.
03:35Sa ngayon, hindi pa rin pinapangalanan kung sino ang bubuo sa komisyon.
03:39Ang DPWH, nagsimula ng maghain ng mga kaso laban sa ilang opisyal ng kagawaran.
03:43Ang pangako ni Secretary Vince Dizon, hindi raw ito matatapos sa pagpapakulong ng mga sangkot.
03:50Kailangan ibagi ang pera ng tao nito.
03:53I will meet with the Anti-Money Gondery Council sa lunes para ma-discuss na natin
04:01ang possible freezing and later on forfeiture of assets ng mga involved depot sa graphing pangalakaw ng pondo.
04:14Gagawa rin daw sila ng mga pulisiya para masarhan ang butas na naginging daan ng katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.
04:22Pero paano matitiyak na kapag hubo pa na ang ingay at nabaling na ang interes ng publiko sa iba,
04:28patuloy na sisingilin ang mga nagkasala.
04:31Sabi ng Right to Know Right Now, dito papasok ang kahalagahan ng paglulukluk
04:37ng matinong ombudsman na magpupursige sa kaso.
04:41Naglabas din ang Right to Know Right Now koalisyon ng isang statement
04:45that calls for a bold and correct choice for the next ombudsman.
04:51One that is fiercely independent and proactive.
04:55The greater mandate and responsibility falls on the institutions
05:02constitutionally designed to provide us precisely that function.
05:08And that's the office of the ombudsman.
05:09Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paghanap sa bagong ombudsman
05:13na hahalili sa nagretirong si Samuel Martires.
05:17Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.
05:23Maging sa Ilocos Norte na mismong provinsya ni Pangulong Bongbong Marcos,
05:27may mga flood control project ang mga kumpanyang konektado sa mag-asawang diskaya.
05:32Ang ilan, sira ng ating puntahan kahit wala pang isang taon.
05:37Nakatutok live si Raffy Tima.
05:39Raffy Tima.
05:40Raffy Tima.
05:41Emil, nandito nga ako sa isa sa mga nasirang flood control project na konektado sa mga diskaya dito sa Ilocos Norte.
05:53Ilang buwan pala daw ito ng rumagasa at dumaan na dito at nasira ito ng bagyong egay.
05:58Ang kapuna-puna ay magkakadikit at halos pare-pareho ang presyo ng mga proyekto rito.
06:03Sa tatlot kalahating kilometro lang na bahagi ng Bongo River, Sonalva Era, Ilocos Norte,
06:12labing limang flood control projects na agad ang pinonduhan mula 2022 hanggang 2023.
06:17Ang kabuoang presyo, 1.16 billion pesos.
06:21Tatlong kumpanya ang nakakorner sa mga proyekto batay sa datos na sinuri ng GMA Integrated News Research mula sa Sumbong sa Pangulo.ph website.
06:29Yan ang Alpha and Omega General Contractor, St. Gerard Construction,
06:33at St. Timothy Construction Corporation, mga kumpanyang pag-aari o konektado sa mag-asawang Sara at Curly Diskaya.
06:40Siyam sa mga proyekto nila sa Bongo River, pare-parehong mahigit 96 million pesos.
06:46Marami dito si Rana.
06:47Bahagi ito ng milyong-milyong pisong flood control project ng DPWH dito sa Bongo River sa Nueva Era na wala pang tatlong taon ay nasira na ng mga dumaang baha.
06:58Na-audit naman daw ng COA at napatunayang ito nga, nagawa ang proyekto.
07:03Pero kung pasok ba ito sa specification, hindi pa masagot ng mga otoridad.
07:08Maliit lang ang sirang bahagi ng river wall na ito.
07:10Pero sa kabilang pampang, washed out ang malaking bahagi ng halos bagong gawa at kongkretong river wall.
07:19Wala pa isang taon mula nang matapos ang proyekto, sinira na ito ng bagyong egay.
07:24Malakas kasi yung tubig hanggang dito eh.
07:28Nasira lahat yung mga kundyan.
07:31Yung mga tuping dyan.
07:34Nagulat ho ba kayo na nasira agad?
07:36Oo.
07:38Hindi namin na kalayon eh.
07:40Ganyan pala yung kundyan.
07:42Lakas ng tubig.
07:43Hininga namin ng pahayag ang mga opisyal ng munisipyo.
07:46Pero walaan nilang pwedeng sumagot sa aming mga tanong tungkol sa proyektong ayon sa kanila
07:49ay hindi dumaan sa lokal na pamahalaan.
07:52Gayunman sinamaan kami ng isang local department head sa kondisyong hindi namin ipapakita ang kanyang muka.
07:57Bagaman walaan niyang nagreklamang mga residente,
07:59kung sila niyang tatanungin, may ibang lugar sana rito na mas nangangailangan ito.
08:03Nilapitan namin ang bahagi ng river wall na sinira ng rumagas ng tubig.
08:08Parang ito yung dugtungan ng lumang river wall tsaka yung bago.
08:15Pero yung ilalim nito talaga puro bato na.
08:17Oo yan.
08:22Kapansin-pansin sa bahagyang ito ng nasirang dike,
08:24eh may isang peraso lang na bakal yung makikita.
08:27At yung kapal ng semento sa ibabaw nito,
08:29eh ilang pulgada lang.
08:30Ang ilalim nito, eh puro bato na.
08:34Pero hindi lang sa Bongo River may proyekto ang mga kumpanya ng mga diskaya.
08:38Katunayan, sa 36 na flood control projects sa Nueva Era,
08:4232 ang pinaghati-hatian ng limang kumpanyang konektado sa mga diskaya.
08:47Labing-anim sa proyektong ito noong 2022 hanggang 2023,
08:51pare-parehong nasa mahigit 48 milyon pesos ang halaga.
08:54Dalawa naman ang eksaktong 79,130,000 ang presyo.
08:58Sa kabuan, 1.96 billion pesos ang proyektong nakuha ng mga diskaya sa Nueva Era para sa taong 2022 at 2023.
09:08Sinubukan namin kunin ang paning ng kampo ng mga diskaya,
09:10pero wala pa silang tugon sa ngayon.
09:12Tanong ngayon ng mga taga rito, Emil, ay kung pasok pa sa warranty itong mga nasirang diki at kung kailan ito maaayos.
09:23Sa kabuan, mahigit 10 bilyong piso ang halaga ng mga flood control projects na itinayo dito sa Ilocos Norte.
09:30Emil?
09:31Maraming salamat, Rafi Tima.
09:33Agosto na itampok natin ang isang residenteng lubhang na apektuhan ng bagyong emong sa La Union.
09:44Bukod sa nawasak ang kanyang bahay, natigil din siya sa paghahanap buhay.
09:49May magandang loob na naantig sa kanyang kwento.
09:53Kaya naman, binalikan siya ng Jamaica Puso Foundation para sa handog nating sorpresa.
09:59Isang buwan, matapos humagupit ng bagyong emong sa bawang sa La Union,
10:10hindi pa rin napapaayos ni Paulo ang kanyang bahay na sinalanta ng bagyo.
10:15Kagawad sa kanilang barangay si Paulo ang kanyang honorarium.
10:196,000 piso lang kada buwan.
10:21Kulang pa para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
10:25Pati na ng kanyang maintenance medicine matapos siyang ma-stroke.
10:29Kaya para may pandagdag sa gastusin.
10:31Nagtitinda rin sila ng isda.
10:33Yung nga lang, natigil muna ito pansamantala.
10:36Dahil pa rin sa masamang panahon.
10:38Magbuha to ng tayponimong.
10:41Wala ko ang kita.
10:43Kami ay maumaasa lang sa mga kapitbahay namin.
10:49Ang bahay ko ay hindi may patayo dahil walang gamit.
10:56Wala akong magastusin.
10:58Kaya hiling niyang mapagawa sana ang kanilang bahay.
11:02Na siya namang nakarating kay Colonel Jesus Ostreya,
11:06Chief ng Nursing Division ng PNP Health Service.
11:10Itong donation po para dun sa nasalanta po ng bagyo.
11:14Maski pa paano makakatulong po ito sa kanila sa kanilang pagbangon.
11:17Binalikan natin si Paolo ng dala ang mga construction materials.
11:22Makalipas ang ilang oras, may maayos ng masisilungan ang mag-asawang si Paolo at Erlinda.
11:29Yung binigay na tulong ng isang donor, bumili tayo ng mga yero, corrugated sheets, then nagbigay din tayo ng mga good lumber at saka marine plywood para dun sa kanyang dingding.
11:43Maraming salamat ako sa inyo, Jamie.
11:47Sir Ostre, sa inyo lang ako nakakita ng tao na ganda lang ka, kagandang kapuso.
11:55Sa mga nais makiisa sa aming mga projects, maahari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Lowellier.
12:03Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
12:12Mga kapuso, sa mga may lakad ngayong weekend, maging handa sa pagulan at magdala po ng payong.
12:19Magpapaulan kasi sa malaking bahagi na bansa ang low pressure area na huling namataan 335 kilometers.
12:25Sa silangan ng Giwan Eastern Summer.
12:27Ayon sa pag-asa, kumikilos ito pa west-northwest ng inaasahang tatawid sa kalupaan ngayong weekend.
12:33Sa lunes, inaasahang nasa West Philippine Sina ang LPA at dahil nasa dagat, hindi inaalis ang posibilidad na maging bagyo ito sa susunod na linggo.
12:42Sakaling mangyari yan at nasa loob pa ng Philippine Area of Responsibility, tatawagin niyang bagyong Mirasol.
12:49Bukod sa LPA, patuloy rin makaka-apekto ang easterlies at localized thunderstorm sa datos ng Metro Weather.
12:55Umaga pa lamang bukas, sinaasakan na ang ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
12:59Halos buong bansa naman ang uulanin sa tanghali hanggang gabi.
13:02Asakan ang matitinding pag-ulan sa ilang bahagi ng Palawan, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
13:09Sa linggo, asakan ang pag-ulan sa umaga sa malaking bahagi ng Luzon.
13:13Halos buong bansa na rin ang uulanin, pagsapit ng tanghali.
13:16May katamtaman hanggang matinding pag-ulan lalo natang sa malaking bahagi ng Calabar Zone, ilang bahagi ng Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
13:24Sa Metro Manila, gaya na nangyari kaninang hapon, posibleng bigla ang buhos ng ulan kaya doble ingat, mga kapuso.
13:31Bumigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila, kasunod ng biglang buhos ng ulan kanina.
13:39Bukod sa mga pagbaha, may naputol pang poste at natumbang puno.
13:44Nakatutok live si Maris Buman.
13:47Maris.
13:50Vicky, panandali ang buhos ng ulan pero ang epekto nagtatagagaya ng perwisyong baha sa ilang mga kalsada
13:57at ang mabigat na daloy ng trapiko na nag-iwan sa maraming mga pasahero na mas-tranded hanggang sa mga sandaling ito.
14:08Malakas na ulan at hangin ang naranasan sa Quezon City bandang alas dos ng hapon kanina.
14:15Mabilis binaha ang ilang lugar tulad na lang sa Quezon City Circle.
14:19Yan mga kapuso, ingat din po ha.
14:21Nagkaroon din ang gutter deep na baha sa Mother Ignacia Avenue.
14:24Hirap ang maliliit na sasakyan sa pagdaan sa baha.
14:28Gutter deep din ang baha sa bandang kanto ng East Avenue at Edsa, maging sa Edsa Kamuning.
14:34Nakaranas din ang pagbaha sa Visayas Avenue dahil sa biglang buhos ng ulan, maging sa Central Avenue.
14:41Nang bahagyang tumila ang ulan, tumambad ang ilang pinsala, tulad ng naputol na poste at lumaylay ng mga kable sa Quezon Avenue.
14:48May punong natumba sa Scout Madriña.
14:51May mga sasakyang nabagsakan ng puno sa barangay Pinyahan.
14:56May mga pasahero rin stranded sa MRT Kamuning Station dahil sa malakas na hangin at ulan.
15:03Malakas din ang ulang naranasan sa ilang bahagi ng Maynila.
15:08Pati sa Marikina, tulad sa Marcos Highway.
15:10Kasunod ng mga pagbaha, mabigat na daloy ng trapiko, gaya rito sa may Quezon Avenue corner Banawi Street, ang problema.
15:18Halos magsala sa labat na nga yung mga motorista dahil pilit na sumisingit sa mabagal na usad ng trapiko.
15:24Ganyan din ang sitwasyon sa bahaging papuntang Santo Domingo, maging sa Quezon Avenue underpass, papuntang Maynila.
15:30Punuan din ang mga sasakyan, kaya ang maraming pasahero, stranded.
15:34Gaya ni William, na dalawang oras na raw nag-aabang na masasakyan papuntang Fairview.
15:38Maulan po kasi pagkaganito maulan, mayroon na po sumakasakay kasi siksikan na yung tatas.
15:44Pahirapan pa makapasok sa sasakyan.
15:48Mas mahirap pa din kasi umulan, traffic, mayroon pa yatang rally, kaya mas mahirapan kami.
15:55Pagk, sa mga sandaling ito, nandito ako ngayon sa may Quezon Avenue.
16:02Itong area na ito, sa kinaruroonan ko, ay papunta ng Quezon City.
16:07Sa mga sandaling ito, ay medyo umuusad.
16:10Mas mabilis na yung usad ng mga sasakyan papuntang Quezon City.
16:14Pero pagdating doon sa may bandang papuntang West Avenue, ay talagang bumibigat ulit yung daloy ng trapiko.
16:21So, maging doon sa kabilang side, papunta naman ng Maynila, medyo umuusad na rin po yung mga sasakyan.
16:26Pero hanggang sa mga sandaling ito, marami pa rin tayo nang hikita na mga stranded na pasahero na gaabang ng masasakyan.
16:33At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Quezon Avenue.
16:37Balik sa'yo, Vicky.
16:38Maraming salamat sa'yo, Maris Umali.
16:45Magandang gabi, mga kapuso.
16:46Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa'yo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
16:51Sa bawat scroll mo ngayon sa social media, bubungan sa'yo ang iba't ibang figurine na nakapatong sa tabi ng computer.
16:57Itong nauuso ngayong trend.
17:00Labas tayo sa ating mga screen and let's make it real.
17:07May entry na bang lahat sa trend na ito?
17:10Kanya-kanya nilapag na ng mga laruan o figurine na gayang-gaya ang mga litrato.
17:14Maging ako nakiuso na rin, pero tila pinaglalaroan lamang ang ating mga mata.
17:18Ang mga laruan kasing ito, mukha mang realistic, hindi pa na totoo.
17:24Produkto lang kasi ito ng AI o artificial intelligence.
17:27Ang AI ay tumutukoy sa kagayahan ng isang computer, gadget o software na gayahin ng talino ng mga tao.
17:33Kumagana sila sa pamamagitan ng tinatawag na machine learning.
17:38So yung machine learning, it's a training process na tuturuan mo yung computer na makapag-recognize ng mga patterns base sa mga nakikita niyang example sa totoong buhay.
17:50Para makapag-generate ng AI figurine image sa isang app, kailangan lang i-type ang prompt o instruction kung anong gusto mong makikita sa picture.
17:59At pagpindot ang generate button, parang magic mo rin itong makikita.
18:03Pero paalala lang mga eksperto, mag-ingat sa paggawa nito.
18:06Madaming concerns.
18:07So una, data privacy.
18:09Hindi natin alam kung paano nila ginagamit yung data natin.
18:12Another concern is pwedeng magamit yung mga images sa malicious purposes.
18:16So halimbawa, pwedeng palitan yung muka ng isang tao, muka ng ibang tao para magpalaganap ng misinformation.
18:25Dapat natin siyang gamitin in a responsible way at hindi natin siya dapat ginagamit para manlinlang o manloko ng ibang tao.
18:35Kung yung mga nag-viral na figurine produkto lamang ng AI, may nakikala kaming gumagawa raw talaga ng figurine na kaya kopyahin ang itsura ng tao.
18:43Nandito tayo ngayon sa isang lugar sa Quezon City, kaya daw gumawa ng figurine na kuhang-kuhang itsura ko.
18:48Ang gamit na teknolohiya sa paggawa ng figurine dito sa studio nila Michael,
18:52ang photogrammetry technique, una-muna akong kinuha na ng litrato.
18:56So halos 240 pictures ang nakuha sa akin at nakuha ang napakaraming mga anggulo 360.
19:02Para talagang yung mga detalye talagang kitang kita at maganda.
19:05After po ng pictorial, 3D editing po. Using 3D softwares, i-dikit-dikit natin ng 120 photos.
19:14At kapag okay na, pwede na raw i-print ang figurine kamit ang kanilang 3D printer.
19:19It is a full-colored 3D printer using photo resin.
19:24Excited ako ngayon na nakunan na tayo ng litrato.
19:263D printing, ang technology, alamin natin ang final results at ang final results dadali natin sa studio.
19:32Ano kayang kakalabasan ng aking realistic figurine na gawa ni Michael?
19:37Kuya Kim, ano na?
19:42Matapos ang maygit isang araw, eto na ngayon ang aking sariling figurine.
19:47Kopyang-kopyang ang aking outfit from head to toe.
19:50Pati ang detalye na suot ko, plakado.
19:53Alam nyo, galing po ako sa sakay ng motor, may hawak akong helmet at nakajaket pa ako.
19:57Kuhang-kuha talaga ang lahat ng detalye pagkanggaling.
20:01Nakakamangha ang kayang gawin ng technology.
20:04Kung dati mga TV, movie o comic characters lang ang may action figure,
20:07ngayon, pwede na rin tayong magkaroon ng sariling version nito.
20:11Ganda.
20:12Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita,
20:15ay post o ay comment lang,
20:16Hashtag Kuya Kim, ano na?
20:18Laging tandaan, kimportante ang may alam.
20:20Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24.
20:23Natuntun po ng GMA Integrated News sa Quezon,
20:29ang construction company na iniugnay ni dating DPWH engineer Bryce Hernandez
20:34kay Sen. Jingoy Estrada.
20:37Nadiscovery rin naming may ilang proyekto ang kumpanya roon
20:41na hindi pa tapos kahit na 2024 pa ang target na completion date.
20:47Nakatutok si Ian Cruz.
20:48Lumutang ang pangalang WJ Construction
20:54nang banggitin nito ni dating district engineer Bryce Hernandez
20:58kognay sa mga kickback na flood control projects.
21:01This was the time na meron pong project na binigay si Boss Henry Alcantara
21:05kay Ms. Beng Ramos
21:07through Ms. Mina of WJ Construction.
21:12So, yun po yung ginamit na license or contractor.
21:16At, dandyan po yung pag-uusap kung kailan po magde-deliver ng obligasyon
21:22dahil kailangan po ni Boss Henry.
21:25Nasangkot pa ang pangalan ni Sen. Jingoy Estrada
21:28dahil staff daw niya ang Beng Ramos na contact daw
21:31ng WJ Construction.
21:33Itinanggi ni Alcantara na may ganitong usapan at project.
21:37Itinanggi ni Sen. Jingoy na may kinalaman siya sa proyektong ito
21:41at wala rin daw siyang staff na Beng Ramos.
21:43Pero may CCTV daw na hawak si Senate Blue Ribbon Committee Chair Pan Filo Lacson
21:49nang magpunta raw ang taga WJ Construction sa Senado.
21:53Dumalaw dito talaga yung WJ.
21:55Ang pangalan niya, Tamina.
21:58Ipapatawag namin yun.
21:59Kasi tatanungin namin, although may idea kami kung siya nagpunta rito,
22:04kaninong opisina ang dinalaw niya.
22:05Sa sumbong mo sa Pangulo website, may isang proyekto na nakalista sa WJ Construction
22:11na Flood Mitigation Structure sa Estero de San Miguel sa Barangay 385 sa Manila City
22:17sa halagang 24.5 million pesos na may completion date na June 2024.
22:23Maayos ang proyekto at gumagana raw ito, sabi ng kagawad sa lugar.
22:28Sa DPWH website naman, may iba pang proyekto ang WJ sa Manila at Quezon Province.
22:33Sa Notice of Award document na ito mula sa DPWH website,
22:38may halos 10 milyong pisong kontrata na na-award sa WJ Construction
22:42para sa pagkapatayo ng Flood Control Mitigation Project sa Barangay 6, Lukban, Quezon.
22:48August 13 lang ito na-award.
22:50Dalawang araw lang matapos ang press briefing ng Pangulo tungkol sa mga flood control project.
22:57Nagpunta ang GMI Integrated News sa Lukban pero di naminahanap ang proyekto.
23:02Wala pa rin daw na babalitaan ang Municipal Engineering Office kung nasimula na ang proyekto nito.
23:09Ang meron daw na proyekto ng WJ, ang konstruksyon ng Bypass and Diversion Road
23:14malapit sa bagong Municipal Hon ng Lukban na patungo sa bayan ng Tayabas at Pagbilaw.
23:20Sa Karatula, makikita na mahigit 68 million pesos ang proyekto na mula sa 2024 national budget.
23:26Nagsimula ito April 2, 2024 at dapat tapos na noong October 2024.
23:32Pero tila, di patapos ang proyekto.
23:35Sabi ng mga trabahador na nakausap namin, walang trabaho kanina dahil hindi raw magandang panahon.
23:41Hindi kasama ang WJ sa labin limang contractors na sabi ng Pangulo ay nakakuha ng bulto ng flood control projects
23:48mula taong 2022 hanggang 2025.
23:51Nakuha namin ang isinumiting audited financial statement ng WJ Construction sa Securities and Exchange Commission.
23:58September 21, 2021 ito nabuo.
24:01Isa itong one-person corporation.
24:03Ibig sabihin, iisa lang ang stockholder na ito.
24:07At ito na rin ang director at president.
24:10Base sa mga dokumento na isinumite sa Securities and Exchange Commission,
24:14isang Warren Jose ang panging stockholder, direktor at presidente ng kumpanya.
24:1930 million pesos ang capital stock ng kumpanya.
24:23Nasa Lucena City, ang opisina ng WJ Construction Corporation.
24:28Isang babae lang ang humarap sa amin.
24:30Ang legal officer daw nila ang magbibigay ng pahayag,
24:34kaya iniwan namin ang contact number sa kanya.
24:36Ang babaeng nakausap din namin ang sumagot sa teleponong nakalagay
24:40sa DPWH document ng WJ Construction.
24:44Sa impormasyon ng City Hall ng Lucena,
24:46updated daw ang permit at pagbabayad sa City Treasurer's Office ng kumpanya.
24:51Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, sa Katutok, 24 Horas.
24:57Tiwala pa rin ang Japanese investors sa gobyerno ng Pilipinas
25:01sa kabila ng mga issue sa katiwalian,
25:04lalo na sa flood control projects ayon sa Finance Department.
25:08Tinayak yan ni Finance Secretary Ralph Recto
25:11sa pagdalo niya sa Philippine Economic Briefing sa Osaka sa Japan.
25:16Ibinitaroon ni Recto ang magandang takbo ng ekonomiya ng bansa
25:20at ipinanghikayat ito para patuloy na mamuhunan ang mga Japon sa Pilipinas.
25:27Mga mag-iinvest sa infrastruktura, renewable energy, digital economy
25:32at manufacturing ang ilan sa mga nililigawan ng Pilipinas sa Osaka.
25:38Bukod sa pamumuhunan,
25:40umaasang bansa na lalong mapapuunlad sa tulong ng Expo
25:45ang turismo sa Pilipinas,
25:47na ipinagmalaking isa sa economy driver ng bansa.
25:50Unti-unti nang inailalahad kung bakit si Dea
25:59ang napili ng brilyante ng hangin
26:00na maging bago nitong tagapangalaga sa Incantadio Chronicle Sangre.
26:04Pero bago ang kanyang pag-aaklas laban kay Quira Metera,
26:08bumiyahin muna sa Pajen San ang New Gen Sangres
26:11para magpasaya ng mga kapuso doon.
26:14May report si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
26:20Ngayong sumidhin na ang galit ni Sangre Dea
26:24played by Angel Garjan.
26:26Kahit kaano pakarami ang iyong nasasakupad,
26:32wala ni isa sa iyo ang magbibigay ng pagmamahal
26:34dahil sa iyong kasamaan!
26:36Dahil sa ginawa ni Quira Metena,
26:39Rian Ramos sa kanyang ina.
26:41Hamunin mo ko ulit
26:42at hindi lamang ang aking kamay
26:46ang hahagupit sa iyong katampalasanan.
26:49Mag-uumpisa na ang pag-aaklas ni Dea
26:52sa lahi ng Miniave.
26:54Ang kera na yung tinutupo eh
26:57ay aking itinatatwa!
27:00Ngayong gabi,
27:02aabangan ang kanyang gagawin laban kay Metena.
27:05Pero magtatagumpay kaya siya sa kanyang binabalak?
27:09O malalagay ang kanyang buhay sa malaking panganib?
27:12Kapatid mo ang kaparusahan sa matinding pagkakasalan!
27:15Bago ang kaabang-abang na episode na yan,
27:18time out muna sa intense scenes
27:20ang mga kapwa-sangre ni Dea
27:22na sina Sangre Tera Bianca Umali,
27:25Sangre Flamara Faith Da Silva
27:27at Sangre Adamus Kelvin Miranda
27:29na bumisita sa tuna capital of the Philippines,
27:33General Santos City.
27:34First stop,
27:36food trip na mga ipinagmamalaking dish doon
27:38tulad ng tuna.
27:39At ng balbakwa o sabaw na mula sa balat ng baka
27:48na may herbs and spices.
27:54Na-enjoy rin niya ni Daron John Lucas
27:56na kasama rin ng Sangre sa Gensan Trip.
27:59Siyempre, hindi pinalampas ng Encantadious Stars
28:08ang pagkakataon para magpasaya ng mga Encantadics
28:11sa isinagawa nilang Kapuso Mall Show
28:13sa case si Mall Jensen.
28:15Kanya-kanya silang way to show their love
28:17and appreciation sa fans.
28:19Amitala!
28:21Mula sa GMA Regional TV
28:23at GMA Integrated News,
28:25Efren Mamak
28:27Nakatutok 24 Ora
28:29And that ends our week-long chikahan.
28:33Ako po si Ia Arellano.
28:34Happy weekend, mga Kapuso!
28:36Miss Mel, Miss Vicky Emile!
28:39Happy weekend, Ia!
28:40Salamat, Ia!
28:41Happy weekend!
28:42At yan ang mga balita ngayong biyernes.
28:45Ako po si Mel Tianco.
28:46Ako naman po si Vicky Morales
28:47para sa mas malaking misyon.
28:49Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
28:51Ako po si Emil Sumangil.
28:52Mula sa GMA Integrated News,
28:54ang News Authority ng Pilipino.
28:56Nakatutok kami 24 oras.
28:59Salamat.
29:00Muzyka
29:00Mula sa GMA
Be the first to comment