Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan ng reklamo, kaugnay ng extrajudicial killings,
00:05ang apat na polis na inimbisigahan din kaugnay ng missing Sabongeros.
00:10Ang sabi ng National Police Commission, posibleng itinapon din sila sa Taal Lake.
00:17Nakatutok si Chino Gaston.
00:21Ito ang CCTV video kung saan huling nakita si Dean Mark Carlos at Charles Dean Soto
00:28bago sila dukuti noong Marso at Pebrero noong taong 2021.
00:32Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakikita at naniniwala ang kanilang mga magulang
00:36na sila'y biktima ng extrajudicial killings kaugnay ng drug war ng Administrasyong Duterte.
00:42Ipinakita ang mga video kanina sa National Police Commission
00:45kasabay ng paghain ng reklamo ng mga magulang ng biktima
00:48laban sa mga polis na umano'y sangkot sa anti-drug operations na mga gabing yun.
00:53Kaya kami nagkaroon ng lakas ng loob na mag-file ngayon sa Napolcom
00:59para mabigyan ng hustisya ito para sa aking anak.
01:04Ayon sa Napolcom, apat na mga polis na sinampahan ng reklamong kaugnay
01:07ng extrajudicial killings ay kabilang din sa mga polis na iniimbestigahan
01:11kaugnay naman ang kaso ng mga nawawalang Sabongero.
01:14Base doon sa pagkakaintindi ko, may mga tao involved doon sa missing Sabongeros case
01:21ay involved din doon sa AJK. Importante ito kasi makita natin yung link ng dalawang events.
01:31Magkakasama po kaming naghahanap ng hustisya para sa anak namin sa NBI.
01:38So, nakita ko po sa TV, sa social media, ang mga pangyayari sa mga missing Sabongero.
01:47Nabigla po ako dahil yung mga pong nakalap namin mga kapulisan din po,
01:52yun din po yung nandun sa pinagtatrabahuhan namin sa NBI.
01:58Hindi rin inaalis ng Napolcom ang posibilidad na tinapon din sa Taal Lake ang ilang AJK victims.
02:04Hindi natin pwedeng i-discount yung posibilidad na yan. In fact, pag nag-usap kami ni SOJ,
02:09ibang numero ang sinisilip din po namin eh.
02:13So, totoo, kaya importante po talagang malaman po ang buong katotohanan dito.
02:19Kasi, kailangan na po ng sagot ng taong bayan.
02:24Bukod sa dami ng taong nawala, saka yung paraan na paano silang nawala.
02:28At paraan na para silang baboy na tinapon na lang sa lawa.
02:33Makikipag-ugnayan ng Napolcom sa NBI at iba pang ahensya para makuha ang mga investigation reports
02:39tungkol sa extrajudicial killings bilang bahagi ng kanilang investigasyon laban sa mga isinasangkot ng mga polis.
02:46Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston na Katutok, 24 Oras.
02:51Pinuna ng isang kongresista ng Marikina
02:59ang hinihinging pondo para sa isang proyektong tapos na.
03:04Isang kalsadang walang sira at mga proyektong hindi nakadetalye kung saang lugar.
03:09Nakatutok si Maki Pulido.
03:11Pinuna ni Marikina 1st District Representative Marcy Chudoro ang alokasyon
03:20para sa isang proyekto sa kanyang lungsod na ayon sa kanya ay tapos na.
03:24Construction is low protection sa Valenti Creek in Barangay Santo Niño.
03:29Meron na may budget na 100 million para sa NEP ngayong taon ng 2026 nakapropose.
03:40Pero ito ay natapos na noong 2023 pa.
03:42Pinuna rin niya ang panukalang 25 million peso road project sa Barangay Malanday
03:46na wala naman anyang sira.
03:48Pati ang Phase 1 and 2 ng Drainage Outfall Rehabilitation
03:52na may tig 50 million pesos pero hindi nakadetalye ang eksaktong lugar.
03:57Paano may patutupad na magkasabay yung Phase 1 at Phase 2?
04:01Dudatuloy ni Chudoro, nakaabang na mga kontraktor sa paghahanda pa lang
04:05ng National Expenditure Program o yung budget na hinihingi ng ehekutibo sa kongreso.
04:11Hindi na lang yung insertion eh, hindi na lang yung nasabay kami.
04:14Baka sa NEP pa lamang ay nag-i-insert na.
04:17Baka sa NEP pa lamang mayroon ng kontraktor na nag-aalaga ng mga proyekto.
04:23Sabi ng Budget Department na naghahanda ng National Expenditure Program,
04:27mga implementing agency.
04:28Tulad ng DPWH, ang naglilista ng mga proyektong gusto nilang hinga ng pondo.
04:33Sabi ng DPWH, hindi double allocation ang 100 million para sa Balanti Creek
04:38dahil sa ibang barangay naman daw isasagawa ang slow protection.
04:42Wala pang sagot ang DPWH sa iba pang puna ni Chudoro.
04:45Habang ang mga binabahang residente, naghihintay ng solusyon.
04:49Gaya sa Lower Pipino, Barangay Tumana, kung saan hanggang tuhod ang baha tuwing umuulan na hindi naman daw dati nangyayari.
04:56Itong drainage po doon, pag umulan ho, kahit na hindi siya ganong malakas, baha ho agad.
05:08Drainage box culvert ang tinutukoy na drainage ni Honey.
05:12Nang gawin ng drainage, walang outfall o daluyan para makalabas ng Marikina River.
05:16Naiipon lang ang tubig hanggang sa umapaw sa kalsada dahil nahaharangan ito ng sementadong slow protection sa ilog.
05:23Nalagyan nila ng sheet piling, so makapal na bakal yun eh, na talagang reinforcement para doon sa gilid ng creek.
05:31Problema, wala talaga siyang ginawang provision for the outfall.
05:36Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido nakatutok 24 oras.
05:40Pusibling maharap sa reklamong plunder ang DPWH engineer na nagpatupad ng ilang flood control project kabilang ang isang sinita ng Pangulo dahil ghost project umano.
05:53Balikan natin ang pag-angat sa kagawaraan ni engineer Henry Alcantara hanggang maging pinuno ng implementing office nito na may pinakamalaking project cost.
06:03Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
06:04Bago pa pumutok ang isyo ng flood control projects, nakapanayam ng GMA Integrated News si dating district engineer Henry Alcantara
06:16ukol sa problema ng mga lubak-lubak na kalsada noong 2022.
06:21District engineer pa siya noon ang first engineering district office ng Bulacan.
06:25Actually, most of the national roads po namin, ang Manil-Lot Road, ay talaga naman pong medyo heavily damaged na po yan because of the overloaded trucks na dumadaan sa amin.
06:38Tatlong taon makalipas, si Alcantara ginigisa ngayon sa kaugnayan niya sa ilang ghost flood control projects sa Bulacan,
06:46na bunyag pati ang pagkakasino niya at paggamit ang alyas para makapagsugal.
06:51Sa pagtatanong ng House Infrastructure Committee kahapon, inusisa si Alcantara sa kanyang naging karera sa DPWH.
06:59Kwento ni Alcantara na tubong Bukawe, Bulacan, engineering graduate siya mula sa University of Santo Tomas.
07:07Nagsimula raw siya sa DPWH noong 1994.
07:10Ano pong unang posisyon na hinawakan po ninyo?
07:14I was a, nagsimula po ko, job order. Ang item ko po ay laborer 1, naging laborer 2, naging engineer 1, every 6 months po because I was a casual employee at that time.
07:27Taong 2019, naging district engineer siya ng first engineering district ng Bulacan.
07:33Sino ang nag-assign sa iyo to be a district engineer?
07:37The former Secretary Mark Villar.
07:40Secretary Mark Villar.
07:41Yes, sir.
07:42Ano pong ibig sabihin nun? Malakas ka ba kay Secretary Mark Villar o ikaw lamang ay tamang tao na ilagay diyan?
07:53Nag-apply lang po kayo, ron.
07:55Bago siya na-relief, na-promote pa si Alcantara bilang officer in charge ng Office of the Assistant Regional Director ng DPWH Region 4A nitong Hunyo.
08:06Bilang pinuno ng Bulacan 1st District Engineering Office, hawak ni Alcantara noon ang labintatlong LGU sa Bulacan, kabilang ang mga bahaing bayan ng Hagonoy, Baliwag, Kalumpit at Malolos.
08:19Ang kanyang District Engineering Office ang may pinakamalaking project cost sa lahat ng implementing office ng DPWH.
08:27Merong 450 flood control projects.
08:30Ang total cost ay $28.9 billion, basa sa dato, sa sumbong sa Pangulo website mula 2022 hanggang 2025 noong panahon ni Alcantara.
08:41Sa ilalim ni Alcantara, pinatupad ang reinforced concrete river wall project sa barangay Piel, Baliwag, Bulacan na in-award sa SIMS Construction Trading.
08:52Ito yung proyektong na booking ni Pangulong Marcos na isa palang ghost project.
08:57I'm getting very angry.
08:59Sa pagtatanong ng House Infrastructure Committee kahapon, lumabas na inaprubahan ni Alcantara ang pagbabayad ng P55M sa proyekto kahit hindi ito nagawa.
09:09Si Alcantara rin ang pumirma sa dalawa pang kontrata para sa dalawa pang konekwestyong flood control project sa Bulacan.
09:17Isa kasama ang St. Timothy Construction Corporation ni Sara Diskaya at isa kasama ang Wawaw Builders.
09:25Kayo po ba ang nag-propose ng mga projects na ito para may saling doon sa NEP ng district office niyo?
09:35Yes, Sir Ronald.
09:35Yes.
09:37So, kayo ang nag-propose.
09:38Walang iba kundi kayo.
09:40Yes, Sir Ronald.
09:41Okay.
09:42So, walang politiko na involved dito.
09:45Kayo po ang nag-propose na ito.
09:48Yes, Sir Ronald.
09:49Babalaan ng House Infrastructure Committee.
09:52Reklamong plunder ang posibleng harapin ni Alcantara.
09:56As soon as I've seen the documents and as soon as I've heard the admissions of District Engineer Alcantara,
10:03ang malinaw po sa akin ang maximum criminal charge na pwede po ikaso kay District Engineer Alcantara sa SIMS Construction Trading,
10:12yung kanila po nga managing officer po doon, ay kaso na hindi po bababa dapat sa plunder.
10:19Again, ang project amount po ay 55 million.
10:23Ang threshold for plunder ay 50 million.
10:27Sa pagharap ni Engineer Alcantara sa House Infrastructure Committee kahapon,
10:32inamin niyang may pagkukulang siya.
10:33Pero hindi ito ubra sa Infracom dahil malaki raw ang papel ni Alcantara sa mga umanoy ghost at substandard flood control projects.
10:43Negligence is going to be his defense in court.
10:47And this is something that we reject.
10:49Ikaw yung boss ng opisina, hindi ba?
10:52So you cannot pin the staff down, you cannot pin the ordinary employee down.
10:57It was you who was the boss in the District Engineering Office.
11:02Wala hong iba.
11:03Sinisika pa namin makuha ang panig ni Alcantara.
11:07Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok, 24 oras.
11:17Tunay na inspirasyon ang ilang persons with disability na aming nakilala sa Northern Mindanao.
11:24Kahit na naputulan o ipinanganak na walang kamay,
11:27patuloy silang nagsusumikap at hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay.
11:34Handog ng GMA Kapuso Foundation at LN4 Foundation,
11:38ang libring arm at hand prosthesis para sa kanila.
11:47Madalas daw tanggihan sa mga ina-apply ang trabaho si Gerson.
11:51Dahil sa kanyang kundisyon, ipinanganak kasi siyang walang kanang kamay.
11:57Kayang-kaya ko naman ang trabaho pero pagdating sa interview,
12:02sinabihan ka na nga, hindi ka pwede kasi PWD ka.
12:06Parang masasaktan ka lang mo.
12:08Pero hindi siya pinanghinaan ng loob.
12:12At ngayon, isa na siyang safety officer sa isang construction company.
12:19At pati pagde-delivery rider, ay pinasok na rin niya.
12:23Nakakapaglaro pa siya ng badminton at lumalaban sa mga throwing events,
12:28tulad ng javelin at shot put,
12:31kung saan nanadalo siya sa mga national competition.
12:35Kahit PWD kami, kung anong kaya nila sa mga ibol, kaya rin namin.
12:40Naputulan rin ang kanang kamay si Gina.
12:42Matapos mabangga ang sinasakyan niyang jeep,
12:45kapapanganak lang daw niya noon.
12:48Yung sinasakyan namin na jeep na wala ng break.
12:52Iyak ako ng iyak.
12:53Matagal ako naka-recover.
12:55Kaya para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay,
12:59nagtungo ang Gianay Caposo Foundation sa Northern Mindanao,
13:04kasama ang LN4 Foundation para maghandog ng libring arm and hand prosthesis.
13:12Kabilang si Jerson at Gina sa 42 individual na nabigyan natin ng bagong pag-asa.
13:20Binibigyan natin sila ng hope para maibalik ulit yung self-esteem nila at saka independence nila.
13:27We provide manpower, vehicles, and of course, yung moral support po sa lahat.
13:31Dahil ang pinaka-importante dito is the objective.
13:33Nakatanggap din ang ating beneficiaries ng mga giveaway at pagkain.
13:38Nagkang salamat, Kaposo!
13:40At sa mga nais makiisa sa aming mga projects,
13:45maaari po kaya magdeposito sa aming mga bank account
13:48o magpadala sa Cebuana Loilier.
13:51Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada, at Globe Rewards.
14:01Magandang gabi, mga kapuso.
14:02Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
14:07Naharap sa isang sticky situation ang nakilala naming Mommy mula Bulacan.
14:11Ang buhok kasi ng kanyang anak na dikitan nang nilalaro niyang slime.
14:19Halos hindi na raw makasmile si Mommy Shira
14:21nang biglang pumiyak kamakailan ang anak niyang si Anya.
14:24Nagulat po ako. Akala ko nadulas po siya sa CR.
14:28At nang puntahan niya raw ito sa banyo, nagulat siya sa kanyang naabutan.
14:32Ang buhok nito nagkagulo-gulo.
14:33Dumikit na pala kasi rito ang napakalagkit pa namang laruan ni Anya na slime.
14:38May mga tumpok na po ng slime dito sa anit niya.
14:42Sobrang kabang-kabako.
14:43Natatakot ako na baka mamaya makalbo.
14:46Yung buhok sayang naman.
14:48Paano kaya tutulungan ni Mommy Shira ang anak na makaalis sa sticky situation na ito?
14:53Ang slime ay isang stretchy at madulas na substance na nahiligang paglaruan ng mga bata ngayon.
14:59Pero alam niyang matagal na pala itong tumikit sa puso ng maraming bagets?
15:03Ang isang marahil na pinakaunang laruan na katulad ng slime, ang Silly Putty.
15:08Inimbento ito ng chemical engineer na si Ruth B. Ginkins bilang rubber substitute noong World War II.
15:13Pero dahil ito'y malambot, stretchy at bouncy, ginawa itong laruan ng mga bata.
15:17Ang slime naman na kilala natin ngayon, dekada si Tenta noong unang sumikat.
15:21Inimbento naman ito ng isang kinalang toy company sa Amerika.
15:24At gawa mula sa pinaghalong gwar gum, borax at tubig.
15:28At dahil itong ay napakadikit, ito'y posibleng kumapit sa ating buho.
15:31At ang naging diskarte ni Mami Shira nung mangyari ito sa kanyang anak na si Anya,
15:36ang pataka nito ng suka.
15:38Pinatak ko po siya mismo sa anit niya.
15:41Tapos pusa naman po siyang nadudurog na nawawala.
15:46Tapos ang pinakabangbanlaw ko is maligamgam na tubig.
15:49Pusa na siyang sumasama sa tubig na maligamgam.
15:52Tama naman yung naglagay siya ng vinegar.
15:56Pero usually diluted sana.
15:58Mas maganda pa rin, di bagdry yung skin after.
16:00Mix it equally.
16:01And then let it set for about 5 to 10 minutes.
16:04At saka susuklayin para sumama yung slime.
16:07Ang slime masayang paglaruan dahil sa kakaiba nitong texture at consistency.
16:11Pero napatanong na rin ba kayo kung ang slime ay solid o liquid?
16:15Kuya Kim, ano na?
16:16Ang slime ay pwedeng damputin na parang solid.
16:24Pero tila nag-uus din ito sa ating kamay.
16:26At sumusunod sa hugis ng isang container na parang liquid.
16:30So ano nga ba ito?
16:32Ang slime kabilang sa isang special type ng liquid na kung tawagin non-Lutonian fluid.
16:36Hindi kasi ito maagos o gumagalaw gaya ng ordinaryong likido.
16:40Maliban sa slime, kabilang din sa mga non-Lutonian fluid ang toothpaste at ketchup.
16:45Sa patala, para malaman ng trivia sa likod ng viral na balita ay post o ay comment lang.
16:49Hashtag Kuya Kim, ano na?
16:52Laging tandaan, kimportante ang may alam.
16:54Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 horas.
16:59Nagkasundo si na Public Works Secretary Vince Dizon at Budget Secretary Amena Pangandaman
17:04na upuan para repasuhin ang hinihinging budget ng DPWH sa 2026 sa susunod na dalawang linggo.
17:13Kasunod ito ng utos ng Pangulo na pag-review dahil sa mga punang may mga naisingit na proyekto sa hinihinging budget
17:21sa ilalim ng National Expenditure Program o NEP.
17:25Ayon sa mga kalihim, iisa-isahin nila ang mga proyektong naruroon at itatama ang mga dapat itama.
17:32Dahil DPWH lang umano ang natukoy na may problema, hindi naan nila kailangang ibalik ang buong NEP sa Budget Department
17:40gaya ng mungkahin ng ilang kongresista.
17:44Sa pagsusuri, balak ng dalawang kalihim na gamitin ang teknolohiya para mas madaling matukoy
17:50ang mga nagdodoble o mga questionable mga item sa hinihinging budget.
17:55Maglalatag din ng mga internal o pansariling mga sistema ang DPWH para mas mabantayan ang pondo.
18:04Ipapadala natin sa kanila yung bagong listahan, yung mga changes na mangyayari doon.
18:12Sa tingin po namin, mas madali yun na proseso at procedure kesa magbalikan tayong ganyang.
18:20Kasi never pa po siya nangyari. Diba? Pag never pa nangyari, baka umakit pa kung saan saan yan.
18:27Kung completed na, aba, para sa akin, sa aking simpleng utak, o di tatanggalin natin.
18:33Kung doble ang entry, o di tatanggalin natin yung isa.
18:38Bistado ang kalakating bilyong pisong halaga ng shabu na ikinubli sa isang balikbayan box mula po sa Amerika.
18:44Nasa Bacoor, Cavite, ang tatanggap ng bagake.
18:47Nakatutok si Mariz Umali.
18:50Sa tatlong balikbayan boxes na ito na naglalaman lang daw dapat ng mga gamit pambahay o household items galing California, USA,
19:02ikinubli ang nga abot sa 70 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 476 million pesos.
19:09Pero di umobra sa Bureau of Customs ang modus ng mga suspect.
19:12Dahil bago pa man maipadala kahapon sa mga nakapangalang consignee na alias Jose at alias Izang,
19:19na kapwa nakatira sa isang high-end subdivision sa Bacoor, Cavite,
19:23na intercept na ito ng customs sa isang consolidator warehouse sa Tondo, Maynila kahapon.
19:28In this case, pag bukas ng container, ibinabay ang mga balikbayan boxes, iniisa-isa yan.
19:34Yung canine dogs na sa pag-aalaga ng pidea ay umupo yun.
19:40And upon inspection, yun nga po, we had already a report that it's a confirmed methamphetamine hypoflordine.
19:5024 na kilo ang itinago sa unang kahon, 27 kilo sa pangalawa, at 11 na kilo sa ikatlong kahon.
19:57Ayon kay Commissioner Nepo Museno, sinasamat nala ng mga kawatan ang balikbayan boxes
20:02dahil bukod sa magpapasko na, ay mas maluwag din sila sa mga ito.
20:05Christmas season na dadagsayang balikbayan boxes, sinisigurado natin ating mga kababayan
20:13na iniingatan natin yung pagbubukas ng kanilang mga balikbayan boxes,
20:17kaya lang, ito'y makikita natin na nakaabuso po.
20:22I-inventaryo at ipoproseso ng customs ang mga ebidensyang ito
20:26habang nagsasagawa naman ang backtracking investigation ng pidea
20:29para matukoy kung sino ang nasa likod ng mga kontrabandong ito
20:33at makasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 9165
20:37o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
20:40We are trying to arrest, determine who are the real masterminds.
20:47Kasi kung hulihin mo yung maliliit, useless eh.
20:50Meron na kaming identified na mga persons.
20:53Ayon kay Commissioner Nepo Museno,
20:55makikipag-ugnayan sila sa US Homeland Security
20:57at pati sa mga consolidator para maiwasan na
21:00ang ganitong insidente ng pagpupuslit
21:02ng mga iligal na droga sa bansa.
21:04Para sa GMA Integrated News,
21:06Marize Umali na Kto Talk, 24 Oras.
21:08Here, there, and everywhere
21:15ang mga ganap ngayong holiday season
21:17ni Capuzio Fashion Heart, evangelista.
21:20Pero kahit busy ang schedule,
21:22para kay Heart, there's always time for family.
21:26Makichika kay Obri Carampel.
21:28Kapapasok lang ng bare months,
21:33pero booked and busy na si Capuzio Global Fashion Icon
21:37Heart Evangelista here and abroad.
21:40This month, biyaking Europe muli si Heart
21:42para dumalo sa Fashion Weeks sa France and Italy.
21:46Bukod dyan, in the works na rin ang bagong season
21:48ng kanyang reality show na Heart World.
21:51Tampok ang mga ganap niya sa fashion world.
21:54Hopefully people get to travel with me,
21:56enjoy what I do, see the hard world.
21:58and just get ideas or inspiration
22:00how if they want to be content creators.
22:04Bago yan, nakiisa rin si Heart sa isang event
22:06kung saan pinagsama ang luxury, art, and love for nature.
22:11Doon nag-donate ng 2 milyong piso
22:14ang luxury brand na ine-endorso ni Heart
22:16sa Tubataha Reefs Natural Park
22:18para makatulong sa preservation
22:20ng itinuturing na national treasure ng Pilipinas.
22:24This is the reason why I do what I do is,
22:27you know, when we work with luxury,
22:29luxury doesn't necessarily mean just aura.
22:33You know, it has a good purpose.
22:35Sa kabila ng pagiging abala,
22:37priority raw ni Heart na maglaan pa rin ang oras
22:40para sa kanyang pamilya,
22:42lalo na pagdating ng Pasko.
22:44With my line of work,
22:46with our line of work,
22:47dyan talaga yung peak season,
22:49especially September,
22:50I go to Fashion Week,
22:51I have jobs in Milan, in Paris.
22:54Mayroon ako mga diniklain sa New York
22:55and London kasi may trabaho din ako dito.
22:58So medyo hectic siya.
23:00But usually may isang week akong solid,
23:02isang week pag Christmas
23:03na talaga makakapahinga
23:05and just be with family.
23:06At yan po ang aking mga chika
23:14this Wednesday night.
23:16Sa ngalan po ni Ia Arellano,
23:17ako po si Bianca Umari.
23:19Miss Mel, Miss Vicky, Emil.
23:21Thanks, Bianca.
23:22Hi, salamat, Bianca.
23:24Thanks, Bianca.
23:24At yan ang mga balita ngayong Merkoles.
23:27Ako po si Mel Tiangco.
23:28Ako naman po si Vicky Morales
23:29para sa mas malaking misyon.
23:30Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
23:33Ako po si Emil Sumangio.
23:34Mula sa GMA Integrated News,
23:36ang News Authority ng Pilipino.
23:38Nakatuto kami 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended