- 7 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi nagtapos sa pakikipag-break sa dating nobyo ang panga-abusong sinapit ng isang babae sa San Pablo, Laguna.
00:09Ang kanyang ex, pinagbabantaan siyang ikakalat ang mga privado nilang video kung hindi siya makikipagkita.
00:16Nakatutok si June Veneracion.
00:22Pwersahang pinasok ng mga tauhan ng PNP Anti-Cyber Crime Group o ACG
00:27ang kwarto ng isang motel sa San Pablo, Laguna.
00:30Sa loob ng banyo nito, inabutan ang target.
00:34Nasa kwarto ang anyang dating kasintahan na napilitang makipagkita dahil sa pamba-blackmail ng sospek.
00:40Bago nito, ay nagreklamo siya sa mga polis kaya ikinasaang intrapet operation.
00:49Ayon sa investigasyon, alamit po natin na nagkaroon po sila ng relasyon almost 2 years na po
00:54and sa 2 years na yon ay naging abusive.
00:58Yung lalaki nang nag-abot na po sa punto na kahit ayaw ng babae ay pinipilit niya po.
01:04Nagdesisyon ang biktima na putulin ang kanilang relasyon, alang-alang sa kanyang pamilya.
01:09Pero pinagbantaan umano siya ng sospek na ipapakalat ang kanilang mga pribadong video
01:13kung di itutuloy ang pakikipagkita.
01:16Sasampahan ang sospek ng reklamong grave coercion, kauglay ng Cyber Crime Prevention Act.
01:21Pinag-aaralan din kung pwedeng isang pa ang paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
01:27Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng sospek.
01:30Sa mga kababayan po natin, lalong-lalo na sa mga kababaihan, we must know our worth.
01:35Huwag po nating hayaan na abusuhin po tayo ng ibang tao.
01:38Huwag po kayong magdalawang isip na lumapit sa PNP Anti-Cyber Crime Group o tumawag ng 911.
01:44Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon na Katutok, 24 Horas.
01:48Pinagbawalan na ng Northern Police District na mag-detain at mag-imbestiga sa lahat ng substation ng Kaluokan.
01:57Kasunod yan ang pag-imbento-umano ng isang substation ng kaso laban sa isang lalaki.
02:04Nakatutok si Mark Salazar.
02:09Binalikan ni Northern Police District Director Jerry Protasio ang Kaluokan Police Substation 2.
02:15Dito'y kinulong si Jason De La Rosa ng tatlong araw simula July 22, kahit walang kasong nakasampa.
02:23Pumutok lang ang kanyang kwento nang mamatay sa leptospirosis ang kanyang anak dahil lumusong sa baha sa kahahanap sa kanya.
02:30Nung na-aristo siya, dinala rito sino yung naka-duty dito?
02:33Si jepe.
02:36Ang?
02:37Nandito.
02:38Mag-isa lang siya?
02:39Hindi ko.
02:41Agad napansin ni Protasio ang kakulangan sa tao.
02:44Sampu lang ang puli sa isang shift, habang 62 barangay ang binabantayan.
02:50Dapat talaga mapagtunan ang pansin sa recruitment.
02:53Kung matatandaan, maraming nanawagan ang hustisya para sa ikinulong dito na si De La Rosa kabilang ang simbahan.
03:00Sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo ang jepe ng substation 2 at ang dalawang umaresto kay De La Rosa.
03:07Ako'y nahinginampasin siya sa pamilya ni Jason De La Rosa dahil ang nangyari ay kapabayan at may maling paglabag din sa batas ng ating mga kapulisan.
03:21Pero hindi pa man niya naririsolba.
03:23Dalawa pang pulis ng substation 2 ang mahaharap naman sa kasong administratibo.
03:27Dahil sa lumaba sa internal investigation ng NPD na nagsinungaling ng akusahan si De La Rosa ng pagkakasangkot sa sugal na Carae Cruz.
03:36Noong tinatanong ko siya, mayroon bang dinala na Jason De La Rosa sa substation 2 noong July 22?
03:44Wala daw. Wala rin record. Yan ang problema natin.
03:49Tapos ngayon, July 25 mayroong nahuli sa Cara Cruz na si Jason De La Rosa na in-inquest nga nila.
03:58Mukhang may malina tayo dyan. May CCTV. Noong July 22 na si Jason De La Rosa nahuli ng dalawang pulis ng substation 2.
04:08Record dyan. Nandun sa CCTV. Dinala na ang substation 2.
04:12Ang paniniwalaan ko dyan yung pulis na humulis. Dahil may record ng CCTV.
04:17Dinala sa substation 2, diba?
04:18O tinatanggi mo ngayon na walang dinalaron. May problema ka dyan.
04:23Para hindi na maulit, ipinagbawal na ng NPD ang mag-detain at mag-imbestiga sa lahat ng substation ng Kaloocan.
04:31Lahat ay sa Kaloocan City Police Station na ipoproseso.
04:34Ang problema, halos mapuno ang kustodial center ng Kaloocan City Police Station.
04:40400 lang ang capacity nito pero may 347 ang nakakulong.
04:46At may paparating pang 128 mula sa substation sa North Kaloocan.
04:52Bukas may ito turnover sa BJMP.
04:55Ibilisan natin yung commitment order na ilipat sila ng ilipat sa BJMP.
05:00Sa North, tinuhold ko muna. Huwag mo nang daling dito dahil makasigip na nga.
05:05Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
05:13Mga kapuso, lalong naging makabuluhan ng ikalawang pagbisita sa Pilipinas ng NBA star na si Kyla Kuzma.
05:20Nakipag-banding siya sa mga taga-tenement sa Santa Ana sa Maynila kung saan ginawan siya ng isang mural.
05:26Nakatutok si Martin Abier.
05:30Mga kapuso, nandito tayo ngayon sa tenement sa Santa Ana, Manila dahil balikbansa.
05:36Ang NBA player na si Kyle Kuzma.
05:40Sa kanyang ikalawang balik sa Pilipinas.
05:43Maganding kamaga!
05:44Wow, this is amazing.
05:51Thank you guys all for being here.
05:54Nakibonding at nakisaya ang player ng Milwaukee Bucks sa isang komunidad sa Maynila.
06:01Nakasama niya ang ilang grupo ng guro, mag-aaral at miyembro ng kapulisan.
06:05Ang local government, naghanda ng munting programa para i-welcome si Kyle.
06:11We are honored and grateful to the team who brought Kyle in our neighborhood.
06:19And it's an inspiration for the kids here in Manila and all over the country and all over the world.
06:25We're just grateful and happy.
06:27Pinakitaan rin ni Kuzma ang ilang batang manlalaro ng pangmalakasang basketball moves.
06:36Game rin siyang nagpa-picture sa kanyang fans at nagpa-onlock pa ng autograph signing.
06:42Napirmahan pa nga niya ang aking Kyle Kuzma jersey.
06:46Pero ang main event, ang reveal ng kanyang sariling mural sa tenement court.
06:50Ayon sa artist ng mural na si Maya, dream come true raw ang moment na ito.
06:56Matagal na pangarap ng tenement na mapagpapunta somehow ng NBA players dito.
07:00So we've started painting since 2018.
07:03Mas after 7 years, ngayon lang natupad yung pangarap na iyon.
07:07The inspiration of Kyle being in Manila and sharing the love for Kyle being here in Punta Santa na tenement.
07:14Si Kyle, matindi ang pasasalamat sa kanyang Pinoy fans.
07:18What do you think of the Filipino basketball fans here?
07:20Unbelievable. This is an amazing event. I'm just happy to be here.
07:23Kyle, thank you. What do you think of the mural?
07:25I love it. It's so cool. It's my first mural on the basketball court. So I'm just happy it's here.
07:30What do you think of your second time here in the Philippines?
07:32It's even better, even better. It's even better than last time.
07:35I love you guys. Keep working hard, dream big, and never give up.
07:39Mula sa tenement sa Santa Ana, Manila, ako si Martin Avere, Nakatutok 24 Horas.
07:49Magandang gabi mga kapuso. Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
07:54Kakibang alaga ng nakilala naming pamilya sa Misamis Occidental sa Mindanao.
07:59Isa kasi itong paniki. Ba't naman kaya ito ang napusuan na alagaan?
08:04Ang fur baby ng pamilya Doltolia mula klarin ni Misamis Occidental.
08:13Abay, malupin. Hindi kasi itong aso o pusa, kundi isang paniki na pinangalanan nilang Kereo.
08:25Si Kereo parang aso raw nagbingi kina Carmel.
08:28Gati Kereo!
08:29Kereo!
08:29Gati!
08:30Dumalapit agad kapag tinatawag nila ito.
08:35Sumasama pa rin ito sa kanila tuwing pumupunta sila sa bukid.
08:37Magdang harvest, o.
08:40Maging sa mga anak ni Carmel, close na close si Kereo.
08:43Ala, naigustong mo po yung gugstol, o.
08:479 o'clock sa evening until mga 2 a.m.
08:51Yun, yun. Yun yung mga active time niya.
08:54Ang mag-anak? Hindi raw natakot kay Kereo. Maraming paniki raw kasi talaga sa kanilang lugar. Kaya sana ito talaga sila sa mga ito?
09:01Maraming beses na kami nakakita ng ganyan.
09:04Mayo raw nitong taon nang di-rescue ni na Carmel si Kereo.
09:07Nahulog siya sa dingding namin. Namataan ang hasban ko. Kinuha niya, hindi pa siya marunong lumipad. Kaya nag-decide kami na alagaan na lang siya.
09:15Sa loob ng tatlong buwan, pinakain nila si Kereo.
09:18Three times namin siyang pinapainom ng gatas. Morning, lunchtime, at saka in the evening, kuminom siya ng gatas.
09:26Tapos, may ano, pinapakain na rin namin ng mga fruits. So, so far, nakakain na siya ng watermelon, ng manga, ng makupa, kapayas, o papaya.
09:38May sariling tulugan din daw ito.
09:40Sa loob ng bahay namin, inilalagay namin siya sa ano, sa damit. Nakabitin lang siya sa damit.
09:44Hanggang kamakailan lang, natuto na raw itong lumipad.
09:47Pero hindi pa masyadong malayo yung distance. Mga 3 meters lang.
09:52Marami ba nang naaliw kay Kereo? May ilan daw na naalarma na ginawang alaga ng mag-anak ang isang paniki.
09:58Ang mga paniki kasi, kinalang carrier ng ilang virus at sakit na maaaring maipasa sa tao.
10:02May mga bats ay known na reservoan ng iba't-ibang mga viruses na may potensyal na mag-jump from them to humans.
10:11At kahit daw na paamunan na mag-anak ang paniki.
10:14Kailangan pa rin natin tandaan na hindi ibig sabihin nyo nun, walang possible hazards yung pag-handle na dun sa paniki.
10:20Like, pwedeng accidentally masugatan sila nun.
10:23Labag din daw sa batas ang mag-alaga ng mga paniki.
10:26Kailangan mo yung proper permits from the government to possess wildlife.
10:31Pero paglilino naman ni na Carmel, hindi doon nila habang buhay na kutukupin si Kereo.
10:36At kaya raw, hindi pa nila ito pinapakawalan dahil...
10:38Hindi pa siya marunong, kailangan pa talaga siyang alagaan.
10:42Pero balag talaga namin na once marunong na siyang lumipad ng malayo, pakawalan talaga namin.
10:49Pero may ideya ba kayo kung anong klaseng paniki si Kereo?
10:53Malaking! Ano na?
10:55Si Kereo ay isang flying fox.
11:01Isa itong uri ng malaking paniki na kamilang sa pamilya ng mga fruit bats o megabats.
11:06Herbivore, abang ito.
11:07Maliban sa prutas, kumakain din sila ng bulaklak at nectar nito.
11:11Ang mga flying fox ay may mahalagang papel sa ating kalikasan.
11:15Sila kasi tinuturing ng mga pollinator.
11:17Ibig sabihin, tumutulong sila sa pagpapalaganap ng pollen habang kumakain ng bulaklak.
11:22Sila din ay mga seed dispersers.
11:24Kinakala nila mga buto ng pruta sa iba't ibang lugar na tumutulong sa pagdami ng mga punong kahoy.
11:30Samatala, para balaban ng trinil sa likod ng viral na balita ay post o ay comment lang.
11:34Hashtag Kuya Kim! Ano na?
11:37Laging tandaan, kimportante ang mayalam.
11:39Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 hours.
11:47Many Heart Evangelista meets the OG Kapuso fashion icon.
11:51Nag-viral kasi ang isang bata at ang kanyang mommy matapos nilang gawin ang DIY version ng gown ni Heart noong GMA Gila.
11:59Kamusta kaya ang kanilang meet and read?
12:01Makitsika kay Nelson Candace.
12:03Umabot ang tatlong araw ang paggawa ng dress na ito na ginaya mula sa suot ni Miss Heart ng GMA Gala.
12:12May mahigit 1 million views na sa TikTok ang DIY dress ng mag-inang Rochelle at Inday.
12:18Inspired by Scapparelli dress ni Kapuso fashion icon Heart Evangelista.
12:24Itong GMA Gala 2025.
12:27Nasubok nga raw ang pagiging creative na mag-ina na nagtulungang tapusin ang damit.
12:32Dinulungan na rin nga ako ni Inday na magkulay dahil isa nga ito sa gustong gusto niya.
12:35Kaya naman worth it daw para sa mag-ina nang mapanood ang huling interview ko kay Heart.
12:41Actually, nahanap ko siya. So kung mahanap ko siya, I really want to have time na makilala sila kasi hindi lang ito yung una.
12:50Ito yung pangalawa. Nakakatawa that they put so much heart and hard work into it. I really want to meet them.
12:56At ngayong araw, umila si Inday kasama ang kanyang mga magulang para ma-meet and greet ng bata si Heart sa isang event.
13:04And GMA Integrated News made it possible para sa kanilang dalawa.
13:10Oh my God! I have a surprise for you. This is for you.
13:17I love your dress. It's so...
13:20Mami, grapid ka.
13:22Natupad yung pangalap ko na nakilala ko.
13:24Ay, thank you so much.
13:26Ang galing-galing yun.
13:28To make their first meetup more meaningful, si Heart pa mismo ang nag-interview sa kanyang little fan.
13:34So how do you feel at this very moment?
13:38Um...
13:39I miss you.
13:42I miss you and I love you.
13:44I love you.
13:45Do you like your outfit?
13:47Yeah.
13:48Nakakatabaraw ng puso para kay Heart ang makita niya na nakakapagbigay siya ng inspirasyon, lalo na sa mga bata.
13:56Matagal ko na siya hinahanap, sinabi ko sa last interview natin.
13:59And it's such a nice moment to, you know, meet your niece.
14:02Because, you know, again, it's a reward of love and friendship.
14:06And again, it goes back to yung childhood mo.
14:08And sana, in a way, naging yun ako sa kanya.
14:11And I appreciate her efforts and the efforts of her mom.
14:14Oh, so detressive.
14:16Yes, hindi ko pinikirapan nila.
14:17Nelson Canlas, updated sa Shubis Happenings.
14:21Sa pagpupugay sa araw ng kabayanihan ni dating Sen. Ninoy Aquino,
14:27sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na handa ang Republika para sa isang lideratong nagsisikap para sa reconciliation.
14:35Pero para sa apo ni Ninoy, walang reconciliation kung walang hustisya at pagkilala sa kalupitang nagawa noon.
14:45Nakatutok si Darlene Kai.
14:50Sa mismong paliparan kung saan binaril at pinatay si Sen. Ninoy Aquino sa araw na ito noong 1983,
14:56nag-alay ng bulaklak ang mga taga-suporta sa kanyang marker ngayong 42 anibersaryo ng kanyang kabayanihan.
15:07Doon, inalala ng pamangkin niyang si Sen. Bam Aquino kung paanong pumalag si Ninoy sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Barcos Sr.
15:15at kung paanong ang pagkamatay niya ang naging mitya ng mga protesta na nauwi sa 1986 People Power Revolution
15:21na tumapo sa 20 taong pamumuno ng nakatatandang Marcos.
15:25Yung ibang mga pinagalaban niya, gaya ng good governance, mas patas na lipunan, alam po natin hindi pa natin nakakamit.
15:33Kailangan, sama-sama tayo dito.
15:35Ang pagpupugay kay Aquino isinasagawa ngayong nakaupo sa Malacanang ang anak ng dating Pangulo.
15:41Malaman ang mensahe ni Pangulong Bobo Marcos sa pakikisa sa paggunita sa araw na ito.
15:47Sabi niya, sa paglipas ng panahon, nagkakaroon daw ng mas malinaw at mas malalim na perspective ang bansa.
15:53At mula sa pagdinilay, lumalabas ang mas malinaw na pagunawa sa civic duty.
15:58So mailalim din daw ang Pilipinas sa isang transformation kung saan mayroong mas malawak na pagtalakay sa kapangyarihan, alaala at citizenship.
16:07Nangyayari raw ito kapag pinipiling harapin ang kasaysayan ng buo ang loob.
16:11Sa mga ito, mas naintindihan daw ng Pangulo kung paano maglingkod, makinig at pasanin ang kanyang tungkulin ng mas may malaking layunin.
16:19Kaya ang araw na ito daw ay isang imbitasyon na mamuno ng mahinahon, may konsensya at pagtingin sa hinaharap.
16:27Nagkakaroon daw ng kahulugan ng mga leksyon ng nakaraan kung sasalaminin ito ng ating mga aksyon.
16:32Sa pagpupugay anya sa Ninoy Aquino Day, inihudyat ng Republika ang kahandaang isulong ang liderato patungo sa reconciliation o pagkakasundo.
16:41Sa misa para kay Ninoy sa kanyang puntod sa Paranaque, nagbigay ng tugon para sa pamilya ang kanyang apo na si Kiko Aquino Day.
16:50I think we've been consistent that there's no reconciliation without justice.
16:53So for as long as there's no recognition of the atrocities that were committed under the Marcos dictatorship,
17:01I have a hard time, siguro ano, parang hope springs eternal po,
17:05pero for as long as there's no such recognition, I don't think there's much to say between our two families.
17:11Hinihinga namin ang reaksyon ng palasyo kaugnay nito.
17:14Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
17:19Natagpo ang patay sa kanilang bahay at bakuran ang isang babae at kanyang kinakasama sa Santa Cruz, Davao del Sur.
17:27May bakas ng pananaga sa ulo ang lalaking nakahandusay sa damuhan habang taddad ng saksak sa kamay at katawan ang babae sa loob ng kanilang bahay.
17:38Kwento ng anak ng babae, maghahatid sana siya ng pagkain pero nadatnan niyang duguan at wala nang buhay ang ina.
17:45Nang rumesponde ang mga tanod, doon nadiskubre ang bangkay ng lalaking kinakasama ng ina.
17:51Patuloy pa ang investigasyon at isa sa ilalim sa otopsy ang mga labing ng mga biktima.
17:58Hindi pa matukoy ang motibo sa krimen.
18:02Inaprubahan ng National Police Commission on NAPOLCOM ang updated, regular at collateral allowances para sa uniformadong polis.
18:10Sakop ng allowance para sa PNP personnel.
18:13Ang tirahan at damit, gayon din ng 3,000 piso kada buwang combat duty pay kung sumabak sa aktual na labanan.
18:20Meron din hazard pay na kalahati ng kanilang sahod kung nasa mapangalim na duty o 15% ng sahod kung exposed sa radiation.
18:29May hiwalay rin bayad kung maglalayag o lilipad bilang bahagi ng kanilang duty bukod pa sa hardship allowance.
18:36Patay matapos pagbabariling ang isang babae sa Santa Cruz sa Maynila.
18:41Nakatutok si Jomer Apresto.
18:43Dead on the spot ang babaeng yan matapos pagbabariling sa Lope de Vega Street sa Santa Cruz, Maynila,
18:53pasado alauno ng madaling araw kanina.
18:55Ayon sa opisyal ng barangay na tumangging humarap sa kamera,
18:59dalawang magkasunod na putok ng baril ang narinig ng mga tao.
19:02Hindi raw nila residente ang biktima na si Alias Enang.
19:05Pero madala siyang tumatambay sa kanilang lugar.
19:08Tauhan din umano siya ng mga pulis, sabi ng barangay.
19:11Ang pagkakalang po ng taga Bangbang.
19:13Yung sinasabi nila ay Alpa.
19:15Asit po ng kapulisan sa drugs.
19:17Ayon sa nanay ng biktima, hindi niya nakakasamang anak kaya wala siyang ideya kung sino ang gumawa nito sa kanya.
19:24Hindi rin daw niya alam kung asit nga ng pulis siya ang kanyang anak.
19:28Apunta-punta lang po siya din sa bahay ko.
19:30Asandali lang po maalis.
19:32Hindi naman po dapat ginanong.
19:34Muna may mga anak po yun.
19:36Tatlo po.
19:36Ayon sa Manila Police District, dalawang tama ng bala sa ulo.
19:41Ang agad na ikinamatay ng 27 anyos na biktima.
19:44Posible raw na nakatalikod si Alias Enang ng pagbabarilin.
19:47Hindi pa malinaw kung mag-isa lang ba o may kasabwatang gunman.
19:50Matagal na raw kasing sira ang CCTV ng barangay sa pinangyarihan ng krimen.
19:55Inaasahan na lang ng homicide section ng MPD ang kuha ng CCTV ng katabing hotel.
20:00Patuloy rin ang backtracking sa iba pang mga CCTV sa kalapit na lugar na posibling nakahagip sa gunman.
20:07Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
20:12Idinadaing ng ilang residente ang pagiging bahain pa rin ng kanilang barangay sa Valenzuela
20:19kahit nilagyan na ng pumping station at river wall.
20:24Nasa barangay pa naman ang dalawang pinakamahal na flood control project sa Metro Manila.
20:29Ang tugon ng City Hall at DPWH sa pagtutok ni Maris Umali.
20:37Sa tuwing hahagupit ang bagyo o habagat, isang lungsod na Valenzuela sa agad na binabaha.
20:43Kaya ang pamahalaan, may mga itinayo ng flood mitigation facility kabilang ang pumping station na ito
20:48at river wall sa barangay Vente Reales sa Valenzuela.
20:52Base sa sumbong sa Pangulo.ph, ang pumping station na ito ay natapos itayo noong 2024
20:58at nagkakahalaga ng mahigit 234 milyon pesos.
21:02Naunang matapos itayo ang river wall o road dike na ito noong 2023
21:06na nagkakahalaga naman ng halos 200 milyon pesos.
21:10Ang dalawang proyektong ito ang lumalabas na dalawang pinakamahal na flood control projects sa NCR.
21:16Pero sa kabila ng malaking pondong inilaan, reklamo ng mga residenteng nakatira sa may tabing ilog
21:21na katabilang din ng itinayong pumping station at river wall tuloy ang pagbaha sa kanilang lugar.
21:27Sa dalas nga raw ng baha, kita pa ang bakas na iniwan ang tubig sa kanilang mga pintuan gaya sa bahay ni Elda.
21:33Pag umuulan dito, hindi na po nawawala sa amin yung babahain talaga kami.
21:38Siyempre po may kaba tapos lagi namin nasasabi na anong naman ang silbi ng ano na yan, ng pumping eh.
21:47Parang mas mabilis po ngayon tumas yung tubig.
21:52Sa akin po panghinayang kasi yung ginastos na sobrang laki, wala rin silbi na itulong sa aming mga tao dito.
22:03Mas lumalapa.
22:04Ibig sabihin, gumastos ng wala, useless.
22:09Yung ginastos, hindi naman namin napakinabangan, lalo lang kaming nahirapan.
22:14Pag umuulan na, ayan na, babaha na, nakatakot na, papas ko na sa loob ng bahay.
22:19Matagal pong umupas sa loob ng bahay yung baha.
22:23Pero dinepensahan ni Valenzuela Mayor West Gatchalia ng mga proyektong ito.
22:26Ang nanotice ko nandito na mas mataas po ang high tide na ngayon sa nangyayari, no?
22:33Mas ang rainfall natin is double, triple the number, no?
22:37So, in Valenzuela naman po, masasabi ko, wala po tayong tulad ng mga lumalabas sa balita ngayon na ghost projects, no?
22:46Everything was funded, everything was ginagamit, ho.
22:51Hindi perfect, I admit, but this will mitigate.
22:54Yung floodwall na nakita niya, ho, talagang anlaking protection po yan sa amin.
22:59Maging ang DPWH NCR, kumpiyansang walang sabit ang kanilang mga flood control project.
23:04From 2022 to 2025 po, there's a total of 1,692 projects po na flood control dito sa NCR.
23:12Malaki yung improvement kasi although nagbaha sa ibang areas, mabilis yung pagbaba niya.
23:18May mga areas din naman po na dating binabaha, na ngayon hindi na.
23:22Paperman ng Memorandum of Agreement, ang Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela at UP Resilience Institute
23:28para makapagtayo rin ng Drainage at Flood Master Plan sa susunod na tatlong taon
23:32para makatulong daw sa malaking problema na pagbaha sa lungsod.
23:36Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali, Nakatutok, 24 Horas.
23:44Tila maagang dininig ang wish ng mga tagahanga ni na ex-PBB housemates Will Ashley, Bianca Rivera at Dustin Yu.
23:52Bibida sila sa isang pelikulang dream come true para sa kanila.
23:56Yan ang chika ni Aubrey Caramper.
23:58From Big Brother house to the Big Dome.
24:09And now, another big collab is happening.
24:12Magsasama na rin sa big screen ang ex-PBB housemates na sina Dustin Yu, Bianca Rivera at Will Ashley.
24:20Ang movie na Love You So Bad, collaboration of the country's three big movie outfits,
24:28ang GMA Pictures, Regal Entertainment at Star Cinema.
24:32Kami naman lahat sa bahay ni Kuya. Yun yung dream namin, paglabas, makapag-work kami together.
24:39But ngayon, tatlo kami, super talagang natuloy yung manifestation.
24:46I've dreamed of this since I was a little girl and I've waited for this moment for a very, very long time.
24:54So, grabe parang sabi ko siya, kasi Lord kung ano kong panaginip lang, ito gisingin mo na ako.
25:00Nung sinabi sa akin na magkakaroon kami ng film, sobrang na-excite ako.
25:05Kasi sobrang love ko talaga mag-shoot ng mga film and sobrang na-enjoy ko.
25:12And knowing na makasama ko sila Dustin, sila Bianca.
25:16I-didirect ni Rewind Director May Cruz Alviar ang pelikula sa panulat ni Crystal Hazel San Miguel
25:23na siya ring sumulat ng blockbuster film na Hello, Love Again.
25:29Merong parang two sides. So, who's gonna win? It's that tug-of-war na parang who's going to win?
25:36Beautiful love story, full of kilig, a lot of lessons, and of course, this will resonate to all.
25:42Magkaibang magkaiba din yung kind of love na it-tell din kasi namin.
25:48Excited na ang tatlo na i-duplicate ang kanilang chemistry sa big screen.
25:54Parang close to Will Ashley din yung character. So, yun siguro yung dapat nilang abangan.
26:00Pero syempre, meron naman itong mga pagkakaiba sa Will Ashley at dito sa aking character.
26:06Parang, teka, parang ano siya, parang medyo pa ko siya sa version ng Bianca bago pumasok ng PBB.
26:15So, oh, we're gonna reopen sa moon, sabi ko. Babalikan natin.
26:21For sure, madaming misunderstood, lalo na sa generation ngayon. So, yun ang aking gagampanan.
26:28Magkakaroon na rin daw sila ng look test at magsisimula na rin mag-shoot very soon.
26:37Aubrey Carampel, updated showbiz happenings.
26:39Sa finish line ng ating balitaan ngayong gabi, makikilala natin ang isang Pinay na nakaginto sa European Triathlon Junior Cup kahit galing sa isang hamon.
26:59Dati na siyang nanalo sa 2024 Asia Triathlon Junior Cup sa Malaysia at target makagold sa SEA Games 2025 sa Thailand.
27:08Ba ulit niya kaya ang panalo sa Europa na nakamit niya kahit dumaan siya sa lubak at mga setback?
27:15Kung ano, ikaikwento ng kapwa triathlete, Naks, na si Daffy Tima.
27:20Yan ako yan.
27:22Go! Go! Go! Go!
27:23Ito marahil ang sinasabing grace under pressure.
27:27Sakto ang liksi pero walang bakas ng panik sa 19-year-old na Pinay Triathlete na si Kira Ellis.
27:33Kahit maraming nauuna sa kanya sa puntong ito ng European Triathlon Junior Cup sa Riga Latvia.
27:38I was very calm. I didn't put too much pressure on myself. I just enjoy racing again and being back in the racing scene.
27:47Si Kira kasi kagagaling lang sa injury.
27:50Maya-maya pa, walang kamalay-malay si Kira na nangungunan na pala siya.
27:54Finish long! Let's go! Let's go!
27:56My mind kind of went blank. I didn't even fully realize I'm leading the race. All I was thinking was just don't get caught.
28:02And just like that, nakaginto si Kira sa women's division matapos ang isang oras, limang minuto at pitong segundo ng swimming, biking at running.
28:12It really was overwhelming emotions at the finish line.
28:16Isa na namang patunay na sa anumang karera, malubak manumaalon, kaya ng Pilipino na umahon.
28:22It makes this race a lot more special for me, especially coming from injury and all that.
28:28Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok 24 oras.
28:33Galing, galing, galing.
28:36At yan ang mga malita ngayong Webes. Ako po si Mel Tiang.
28:39Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking mission.
28:42Para sa mas malawak na paglingkod sa bayan.
28:44Ako po si Emil Sumangil.
28:45Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
28:49Nakatutok kami 24 oras.
28:51Nakatutok kami 24 oras.
29:04Nakatutok kami 24 oras.
Recommended
2:00
|
Up next
Be the first to comment