Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinapubliko ng ilang mababatas ang kanilang statements of assets, liabilities and net worth
00:05sa gitna ng panawagan ng Office of the Ombudsman na voluntaryo itong gawin.
00:10Hinamon din ang mga kongresista sina Pangulong Bongbong Marcos, Vice President Sara Duterte
00:14at iba pang matataas na opisyal na ilabas sa kanilang SAL-N.
00:18Nakatutok si Ian Cruz.
00:23Unang naglabas ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SAL-N,
00:28si Sen. Risa Ontiveros.
00:30Dito nakasaad na meron siyang mahigit labin siyam na milyong pisong ari-ariyan
00:34at halos siyam na raang libong pisong mga utang tulad ng car loan.
00:39Kaya ang deklarado niyang net worth para sa taong 2024 ay 18.986 milyon pesos.
00:46Ayon naman sa datos na inilabas si Sen. Ping Lakson,
00:49itong June 30, 2025, nang magbalik siya sa Senado,
00:53nagdeklara siya ng halos 245 milyon pesos na net worth.
00:58Mas mataas ito sa 57.8 milyon pesos ang huli niyang ininiklarang net worth noong June 30, 2022.
01:06Paliwanag ni Lakson, mula nang natapos ang kanyang termino noong 2022,
01:11pumasok siya at dalawang business partners sa lehitimong real estate at trading business
01:17kaya sumipa ang kanyang net worth.
01:19Magbibigay daw siya ng karagdagang detalye kugnay ng kanyang 2025 SAL-N.
01:24Sabi naman ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian,
01:28dati na siya naglalabas ang SAL-N sa mga nagre-request na media,
01:32kaya handa rin siyang gawin ito ngayon.
01:34Just to support yung mga kasamahan natin.
01:39Bukas rin ako na sa publiko yung SAL-N natin.
01:42Kailan niya sir balap?
01:44Pag-ready na siya.
01:45Wala rin problema kay Sen. J. V. Ejercito na maglabas ng SAL-N.
01:51Nagsabi na rin ako na I will allow may SAL-N na may public.
01:58Maraming na sa amin actually.
02:00Hinaano lang yung parameters kasi yung mga address, number, security.
02:07Siguro may mga ano lang yung mga for issues of security.
02:10Sa kamara, ipinost online ng makabayan Black members ang kanilang mga SAL-N.
02:18Merong P10.9M net worth si ACT Teachers Party List Representative Antonio Tino.
02:25Habang P280,000 ang net worth ni Kabataan Representative Rene Co.
02:31At mahigit P1M ang net worth ni Gabriela Women's Party Representative Sara Elago.
02:37Hamo nila sa Pangulo, pangalawang Pangulo at iba pang elected at appointed government officials.
02:44Isa publiko na rin ang kanilang mga SAL-N.
02:47Si Akbayan Party List Representative Shell Jokno naman,
02:50nasa mahigit P13M pesos ang net worth.
02:52Habang P1M piso kay Akbayan Party List Representative Percy Sandania.
02:58Si Dinagat Representative Kakabagaw naman,
03:01nasa mahigit P15M pesos ang net worth.
03:03Batay naman sa SAL-N na inilabas ni Kamanggagawa Party List Representative Elijah San Fernando.
03:10Meron siyang mahigit P2M pesos ang net worth as of July 2025.
03:15P5M pesos naman ang net worth ni Cavite 4th District Congressman Kiko Barzaga.
03:22Batay sa SAL-N na ipinost niya online.
03:24Hindi pa kasama rito ang hindi pa naisasali na minanang assets mula sa Yumaong Ama at si dating Congressman P.D. Barzaga,
03:33mga sasakyan, ari-arian sa dasmariñas at cash na tinatayang nasa P35M pesos.
03:39Para sa GMA, in the Graded News, Ian Cruz nakatutok.
03:43Pinaimbestigahan ng isang private citizen sa ICI ang posibleng koneksyon ni First Lady Lisa Araneta Marcos kay Maynard Ngu,
03:51isa sa mga nadadawit sa anomalya sa mga flood control project.
03:55At nakatutok si Jonathan Andal.
03:57Isang private citizen ang nagpunta sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
04:05para hilinging silipin ang posibilidad na nakinabang umano ang First Lady kay Maynard Ngu sa issue ng flood control.
04:13Isunimite ni John Santander ang isang liham sa ICI para rito.
04:17Walang directang pag-atake sa ating First Lady.
04:21Patas dapat lahat iimbestigahan.
04:23So ulitin ko hindi ito kaso pag-file ng case.
04:27It's a letter of sentiments lang.
04:29Ipinakita rin ni Santander ang mga litrato na nakuha daw niya online.
04:33Dito magkasama ang Unang Ginang at si Maynard Ngu,
04:36ang tech billionaire na idinadawit sa anomalya sa flood control projects.
04:40Sinusubukan namin kunan ng pahayag ang Unang Ginang at si Ngu.
04:43Sabi ng ICI, susuriin muna nila kung may basihan ang mga ibinigay na impormasyon ni Santander.
04:48Pero payo nila sa publiko, huwag basta-basta maniniwala sa mga aligasyon.
04:53Kasi kung mayroon basihan yan para magpatuloy ang imbestigasyon, then we will move forward.
05:00We will investigate.
05:02And we will make sure to call these people who will be responsible or who might be responsible to this flood control.
05:10Ayaw namin madiskaril ang aming mga imbestigasyon dahil lamang sa politika.
05:16Nanawagan din sa ICI ang grupong isang bayan.
05:19Napayagan ang mga civil society group na maging observer sa imbestigasyon.
05:23Kung hindi talaga nito isa sa publiko ang mga pagdinig.
05:26Kung meron man lang observer doon o meron mga representante,
05:31kahit hindi naman kami magpanong, makikinig lang.
05:34Kahit yung U.S. Embassy, tinakinggan na nila, hindi ka na nila doon.
05:39Bakit yung mga civil service organization, baka pwede naman mga isa, dalawa, tatlo sa amin, makapig-dialogo sa kanila.
05:46Sa ikalawa namang pagkakataon, hindi na naman makakaharap sa ICI si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
05:53dahil nagpasabi raw ito na may sakit.
05:56Hihingan siya ng medical certificate at inurong na lang sa November 11 o 12 ang susunod niyang pagharap sa ICI.
06:02Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
06:07Sa unang pagkakataon, pasok na sa top 5 national concerns ng mga Pilipino ang korupsyon batay sa pinakahuling tugon ng masa survey.
06:18Sa non-commissioned survey ng Okta Research, na natiling top national concern ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
06:26Pero, pangalawa na ngayon ang korupsyon sa itinuturing ng mga Pilipino na pinakamahalagang isyong dapat tugunan agad ng Administrasyong Marcos.
06:36Ang pagkabahala sa korupsyon ay tumaas ng 18 percentage points.
06:41Mula sa 13% noong Hulyo, umakyat ito sa 31% nitong Setiembre.
06:46Sumunod naman sa urgent national concern ang pagkakaroon ng murang pagkain, pagtaas ng sahod ng mga magagawa, at pagsubok sa kahirapan.
06:57Magandang gabi mga kapuso!
07:04Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
07:08Nalaki ang mga mata ng mga residente ng isang bayan sa Ilocos Norte dahil sa napakalaking tuna na lahuli sa kanilang dagat.
07:16Gaano kabigat ito at magkano kaya nila ito na ibenta?
07:19Nagkagulo kamakailan ang mga residente ng barangay Tabila sa Pasukin, Ilocos Norte dahil sa kahuli ng isang nilang kabarangay.
07:33Isang napakalaking tuna.
07:36Kaya po marami pong taong tumingin po sa may tabing dagat po kasi ngayon lang po sila nakakita ng ganun kalaking blue pin po or big tuna.
07:45Hindi po nila isinakay po sa bangka kasi sobrang lakay po, hindi po kakayanin.
07:51Para may ahon ang napakalaking tuna na nasa 360 kilos ang bigat, nagbayanihan na raw ang mga residente.
07:57Isa sa mga tululong, si Nersiso.
07:59Marami po kami nagusong-usong, inawas ho sa bangka.
08:03Yun, tulong-tulong na po kami para ho siya ay madala ho dito sa ibabaw.
08:09E magkano naman kaya na ibenta ang napakalaking tuna?
08:12Puyakim! Aroda!
08:14Ang tunang na huli sa pasukin, posibleng isa raw Pacific Bluefin tuna o Tunus orientalis.
08:21Ang mga tunang ito, highly migratory.
08:23Ibig sabihin, kaya nilang lumangoy ng napakalayong distansya sa Pacific Ocean.
08:27Predatory din naman ito, kabilang sa kanila mga kinakain ang pusit, krill, alimango at malilit na isda gaya ng sardinas.
08:35Ang isang adult na Pacific Bluefin tuna, maaling humaba ng hanggang 1.5 meters at tumimbang ng 60 kilos.
08:42Pero ang pinakamalaki raw sa mga ito, umabot ng 3 meters ang haba at 450 kilos ang bigat.
08:48Ang iba, umabot nga ng mga almost 500 kilos.
08:51Pero hindi siya yung pinakamalaking tuna talaga.
08:53Considered sila as bihira lang po.
08:55Napasama sila dun sa less common type of tuna na in-exploit natin sa fishery.
09:01Samantala, ang 360 kilo ng Pacific Bluefin tuna na lahuling sa pasukin, maibenta raw sa halagang 60,000 pesos.
09:09Pinatay po niyong mismong bayan na kumuha po. Benenta po nila sa Cubao.
09:13Pero may ideya ba kayo kung ano at kano kabigat ang pinakamalaking tuna sa buong mundo?
09:23Ang pinakamalaking tuna sa buong mundo ay ang Tunus-Tinus o Atlantic Bluefin Tuna.
09:29Umabot hanggang 3.7 meters ang haba nito at maaring tumimbang na hingit 900 kilos.
09:35Ang pinakamabigat na naitalang huling Atlantic Bluefin tuna sa kasaysayan na huli noong 1979 sa Nova Scotia sa Canada.
09:42Tumimbang ito ng 679 kilos.
09:46Samantala, para malaman ng trivia sa lingkod ng viral na balita ay post o ay comment lang,
09:50Hashtag Kuyakim, ano na?
09:52Laging tandaan, kimportante ang may alam.
09:54Ako po si Kuyakim at sagot ko kayo, 24 horas.
09:59Itinanggi ni Jillian Ward ang ilang isyo kabilang ang pagkakaroon umano ng pag-sustento kaya may sports car at mag-garbong debut.
10:09Iginit niya rin, di pa niya nakilala, na-meet, nakausap o nakita si dating Ilocos Sir Governor Chavet Singson.
10:17Makichika kay Athena Imperial.
10:18Lahat na mayroon ako pinagpaguran ko and my mom would never do that to me.
10:29And sobrang nasasaktan ako kasi hindi po talagagaganan yung mom ko.
10:35Sorry.
10:35Tapos nadadamay po siya sa lahat ng to, nananahip yung mother ko.
10:41Everything I have, everything I own, everything I post, everything I flex, I bought it with my own money.
10:47Emosyonal si sparkle actress Jillian Ward.
10:50Nang ipagtanggol ang sarili sa intrigang ilan taon nang pilit idinidikit sa kanya.
10:55Kabilang dyan ang pagkakaroon umano ng benefactor ni Jill na nagsusustento sa kanyang lifestyle.
11:00Nag-start po ito four years ago. I was 16.
11:04And at the time, ayoko po magsalita kasi lagi sinasabi sa akin, if it's not real, hindi mo kailangan magsalita.
11:12Last week, lumabas na naman po siya.
11:14O tinawanan ko pa siya nung una.
11:16Then nung nagbasa po ako ng comments,
11:19sobrang na-hurt na po talaga ako kasi sobra po yung pambabastos ng mga tao because of fake news.
11:28Nakakainsulto para kay Jillian ang mga komento.
11:30Dahil pinaghirapan aniya ang perang ipinambili ng mga meron siya, gaya ng isang sports car.
11:36Nabili ko po yung Porsche Boxster. It was a second-hand car.
11:40Nabili ko po siya for 1.2 million.
11:43May deed of sale din po ako, may kisibo ako.
11:46My dad has it.
11:47Tapos ang kinakalat po nila ay sobrang mahal daw niya.
11:51Tapos may nagbigay daw sa akin.
11:53E binili ko po yun with my own money, Tito Boy.
11:55Lahat ng meron ako, binili ko with my own money.
11:58With my own hard work.
12:00Sinagot din niya ang issue tungkol sa kanyang magarbong debut.
12:04Pag didiin ni Jill, wala siyang masyadong ginastos nang i-celebrate ang kanyang 18th birthday.
12:09Dahil regalong at may mga nag-ambagan para rito.
12:13May mga CCTV na magbibigay ng proweba, na nakita ka rao, na may kasama kang sponsor.
12:21Comment.
12:23Yung nga po gusto ko sabihin sa kanilang lahat kasi sinasabi nila, pati po sa mga comments,
12:27kinakalat nila na mayroon daw CCTV footage, pumupunta daw ako sa hotels, to be with old men, na binibigyan po ako ng cars, or sinosponsorin yung dibu ko.
12:39It's not real.
12:40And kung meron silang CCTV footage, I dare them na ilabas po yun.
12:45And saan akong maglalabas sila, hindi AI.
12:48Itinanggi din ni Jillian ang intriga sa mga online post na iniuugnay siya kay dating Ilocosur Governor Chavit Singson.
12:55Bagay na nauno nang itinanggi ni Singson.
12:58Never ko po siya nakilala, never ko po siya na-meet, never ko siya nakausap, never po kami nagkita.
13:04So hindi ko talaga alam paano po nila, paano po nila nagawa-gawa lahat ng to kasi never ko po talaga siyang na-meet, never ko po siya nakausap.
13:12Doon sa mga comments, may mga nagsasabing, ninong, di o mano, isa sa mga kapatid mo, si Manong Chavit Singson? Is this true?
13:20Oh no, never po namin siya.
13:22So hindi rin ito totoo?
13:23Never po namin siya na-meet.
13:25A-actionan din daw ni Jillian ang mga nagpapakalat ng fake news na meron siyang secret baby.
13:31Para every week na lang po may fake news about me.
13:35And honestly, gusto na rin po namin ng GMA na mag-take ng legal action kasi cyber libel na rin po talaga.
13:41It's not right.
13:43Athena Imperial updated sa showbiz happenings.
13:46Isinugod sa ospital ng ilang estudyante sa Bicol University matapos mahilo at himatayin sa gitna po ng isang aktibidad.
13:54Ang tinitignan dahilan ang may kulay na usok na ginamit sa pagtatanghal ng mga estudyante.
13:59Nakara na sumano ng paninikip ng dibdib at nahirapang huminga ang mga nakalanghap ng usok.
14:04Dakil sa insidente, suspindido hanggang bukas ang klase sa universidad.
14:08Sa isang pahayag, sinabi ng Bicol University na agad nilang binigyan ng tulong medikal, pinansyal at psychosocial ang mga naapekto ang estudyante at tauhan nito.
14:18Patuloy nilang niimbestiga ng insidente sa tulong ng mga ahensya ng lokal na pamakalaan.
14:24Balikulungan ang dalawang lalaking sospek sa panlaloob ng isang bahay si Teresa Rizal.
14:30Na-recover sa kanila ang laptop at bag na kanilang ninakaw.
14:35Ang nahulikam na insidente tinutuka ni EJ Gomez.
14:37Nilooban ang dalawang lalaking yan.
14:44Ang isang bahay sa Teresa Rizal, madaling araw nitong biyernes.
14:48Nakasuot sila ng sumbrero at balot ang mga mukha.
14:52Ilang segundo lang, lumabas ang isa sa kanila at may bit-bit ng dalawang bag.
14:57Sinundan siya ng kasama niya na tinangay naman ang isang laptop.
15:00Sa isa pang CCTV, kita ang pagtakbo at pagtakas ng mga sospek.
15:05Hindi kami matulog ng anak ko, tapos parang may kumakaluskos.
15:10Yung mga pusa namin, dapat yun natutulog na.
15:13And mga nakaabang, parang may inaabangan sila, nakatingin sila lahat sa may pintuan.
15:19Tapos biglang may naramdaman ako, yung kortina ng pintuan namin, parang may humawi.
15:25Tapos kinuit ko na yung anak ko, sabi ko, EJ may ano, may anino.
15:29Maya-maya, mayroong papasok na doon sa silong namin.
15:35Sabi ko, Hoy! Tapos humuy-hoy na rin yung anak ko.
15:39Ayun na, nagtakbuhan na kami.
15:40May nagtalakaw!
15:42Nagagyakit ni Jose!
15:43Tinatok kami! Tinatok kami!
15:46Ayon sa biktima, nagkakahalaga ng halos 30,000 pesos ang laptop.
15:51May 2,000 pisong cash ang wallet at dalawang bag ng kanyang mga anak.
15:55Base sa pahayag ng ilang saksi, gumamit ng motorsiklo ang mga sospek papunta sa nilooban nilang bahay.
16:01Pero naiwan nila ito matapos tumakas.
16:04Itinabiraw ng mga biktima ang nasabing motor sa tapat ng kanilang bahay para masapul sa kanilang CCTV kapag binalikan ang mga sospek.
16:13Kinaumagahan, isang lalaki ang kitang nagmamaniobra ng motor.
16:17Nagkoren na siya ng mga residente sa lugar.
16:20Inaresto siya ng polis na pagalamang tiyuhin siya ng isa sa mga sospek sa panluloob.
16:26Hindi raw niya alam na ginamit ang kanyang motorsiklo.
16:29Nalaman niya na nga lang kinabukasan ng umaga na yung motor niya is ginamit nga daw po ng sospek na dalawa at binala sa Teresa.
16:37So nangyari, nakipagtulungan po siya sa amin at sinabi niya sa amin kung sino yung dalawang sospek na yon.
16:43Sa follow-up operation, magkasunod na naaresto ang dalawang sospek.
16:48Narecover sa kanila ang laptop at mga bag pero wala na ang pera.
16:52Aminado sila sa krimen.
16:54Sa records ng polisya, dati nang nakulong ang mga sospek dahil sa pagnanakaw at droga.
17:11Maharap ang mga sospek sa reklamong theft.
17:14Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
17:20Nakakubra ng halos dalawang bilyong pisong kontrata sa LTO.
17:25Ang kumpanyang iniugnay sa nagbitiw na kongresistang si Zaldico.
17:29Ayon sa hepe ng LTO, may mga irregularidad sa mga proyekto tulad ng sobra-sobrang pagbabayad.
17:36Nakatutok si Mariz, umali.
17:37Ang nagbitiw na kongresista at kontrobersyal na dating chairman ng House Appropriations Committee na si Zaldico,
17:48lumalabas ngayong hindi lamang nakakuha ng kontrata sa Public Works, Agriculture at Education Departments.
17:54Nagkaroon din daw siya ng kontrata sa Land Transportation Office na nagkakahalaga ng halos dalawang bilyong piso.
18:00Ibinunyag ni LTO Chief Assistant Secretary Marcos Lacanilaw, meron umanong irregularidad sa tatlong proyekto ni Ko sa ahensya.
18:08Highlighted the deficiency and non-compliance with the contract requirements
18:12and specification on non-utilization, under-utilization of various components in the facility
18:20and improper computation of the contract results in overpayment amounting to 26,993,332.
18:30Nagagalit ang ating Pangulo.
18:32Hindi hubirong pera ng gobyerno.
18:34Hindi po siya maliit na halaga.
18:36At ang mga kontratista raw sa mga proyekto nito.
18:38Upon closer investigation, it was further determined that the joint venture contractors of this project
18:45were LDLA Marketing and Trading and Sunwest Corporation and Development Corporation.
18:54Notably, one of the entities, Sunwest Construction, has been linked to ako, Beacon Representative Elisaldi Saldico.
19:03Ito po yung Central Command Center na isa sa tatlong proyektong finlag ng Commission on Audit.
19:10Bakit ka niyo finlag?
19:11Kasi kung makikita ninyo, bagamat operational naman daw, iilan lamang yung mga equipment ito gaya ng mga desktop, LED screen,
19:20bukos sa server sa baba.
19:22Pero nakakahalagan na raw ito ng mahigit 900 million pesos.
19:28Pinayimbestigahan na ito ngayon ng LTO sa Independent Commission for Infrastructure o ICI at Office of the Ombudsman
19:34para masampahan ang kaso at mapanagot ang mga sangkot.
19:38Kabilang din sa pinayimbestigahan ngayon ng LTO ang IT Training Hub
19:42at ang Road Safety Interactive Center na may kontratang nagkakahalagan ng teg mahigit 499 million pesos.
19:50Ayon kay Assistant Secretary Lakanilaw,
19:51ang mga kontrata ay pinirmahan noong 2021 sa panahon ni dating LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante
19:58at binayaran daw ng buo sa panahon ni Assistant Secretary Vigor Mendoza noong 2023 at 2024.
20:05Yes, kasi siya ang pumirma kung ako ang tatanungin.
20:08Pangalawa, bakit ho i-re-receive itong building na ito kung alam po natin na kailangan maimbestigahan?
20:19Si Mendoza ay giniit na walang irregularidad sa pagbabayad ng LTO sa mga proyekto.
20:23So nung tinapos ng kontratista yung project, meron naman tayong mga technical working groups
20:29who check yung compliances, yun lang ko namin nabayaran.
20:33Pero mind you, ang binayari lang namin yung tail end ng kontrata kasi may previous payments made
20:39by the previous administration.
20:41Tungkol naman sa mga aligasyon ng overpricing at pagkakaugnay ng kontratist ng SunWest,
20:46sabi ni Mendoza,
20:47At the time ng SunWest, hindi naman issue at the time eh.
20:50Hindi pa siya na nabablock case o wala namang negative information at the time.
20:56So, okay lang yan.
20:57Sinubukan namin kunan ng pahayag si dating LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante
21:01at ang SunWest.
21:03Pero hindi nila sinasagot ang aming mga tawag at text.
21:06Habang sinusubukan namin kunin ang pahayag ng LDLA Marketing and Trading.
21:11Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Tutok, 24 Horas.
21:17Ito na nga, the secret is about to be revealed.
21:21Dahil makikilala na natin finally ang unang dalawang bagong housemates
21:26na papasok sa bahay ni Kuya para sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
21:31Oh, tama kaya ang mga hula ninyo.
21:34Live yung itchichika sa atin ni Nelson Canlas.
21:39Nelson?
21:39Iya, dahil nalalapit na ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya,
21:45eksklusibo na natin ipakikilala ang next batch of housemates
21:49ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
21:56Young and fierce.
21:59Yan ang mga katangya ng first two housemates na papasok sa bahay ni Kuya
22:03para sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
22:07Eksklusibong nakatsikahan ng GMA Integrated News
22:10ang Gen C Sparkle at Star Magic Artist.
22:14First on the list,
22:16isa siya sa mga next Gen C artist ng ABS-CBN.
22:20Anak siya ng negosyanteng si Neil Arce
22:22at stepson ng aktres na si Angel Oxine.
22:27Ready nang magpakatotoo,
22:28si Joaquin Arce.
22:30Sa dami ng shows,
22:32bakit PBB Celebrity Collab Edition yung gusto mo salihan?
22:37I'm a fan of the show.
22:39So, I've watched last season.
22:42I'm a huge fan of, you know, PBB as a show.
22:45So, I decided, why not give it a try?
22:49Next up,
22:50she's one of the rising stars of the Kapuso Network.
22:54Sweet but tough.
22:56Dahil pinatatag ng mga pagsubok.
23:00Sophia Pablo.
23:02This is something big for me kasi
23:04I was always a victim of
23:07misconceptions,
23:11of fake news,
23:12and I feel like the people know me for my work,
23:17sa mga memes ko.
23:18I want them to know me for who I really am.
23:21Tatagal ng mahigit kumulang 100 days
23:23ang new batch of housemates
23:25sa loob ng PBB house,
23:27kung saan dadaan sila sa maraming physical
23:30at psychological challenges.
23:32Pero para kina Sophia at Joaquin,
23:35inihahanda nila ang kanilang kalooban
23:37para sa mga bagay na mamimiss nila
23:40sa outside world.
23:41I hung out with as much friends as possible.
23:45Of course, keeping quiet.
23:48But for me, in my mind,
23:50this is like,
23:50oh, I'm not gonna see them for a while.
23:52Parang,
23:54kailangan ko na mag-hangout sa family ko,
23:58sa mom ko, sa dad ko.
24:00I'm sure tatamaan yung Pasko
24:02and New Year.
24:05Niready mo ba yung sarili mo dyan?
24:07I think I can never be ready for that
24:10kasi, again,
24:11sa buong buhay ko,
24:13I never spent Christmas or New Year
24:15away from my mom
24:16kasi dalawa lang kami.
24:18And even si mommy,
24:19like,
24:20she was crying.
24:20If I'm not there,
24:21she's gonna be alone.
24:23But then again,
24:24inisip namin na,
24:25one Christmas,
24:26one New Year,
24:27kabalit ng pwedeng,
24:28ma-appreciate ka na rin tao
24:31for who you really are.
24:32So,
24:33sugal talaga yun.
24:35Ano naman kaya
24:36ang babauni ni Joaquin?
24:38Ito ah,
24:39ang sinabi nung mga
24:40na-interview ko before,
24:42ah,
24:42ang hack daw ay magdala
24:44ng maraming toiletries.
24:45Toiletries.
24:46At saka damit.
24:47Yes.
24:48Ikaw ba?
24:49Yes, I'm big on
24:50ah,
24:51toiletries.
24:52So marami kang dala?
24:53Yes, yes, yes.
24:54Ano-ano?
24:54Sana papayaran ako.
24:56Ah,
24:56may dalawa kong toothpaste.
24:58Usually,
24:59pang, ano,
25:00pang four months
25:01yung isang tube ng toothpaste.
25:03Pero may
25:03dalawa akong tube
25:05just in case,
25:06you know,
25:06if I wanna share.
25:07Kung walang mangingi.
25:08Yeah.
25:10Bago naman pumasok,
25:12may mensahe si Sophia,
25:14lalo na sa mga
25:15nagsasabi na siya
25:16ay isa
25:16sa mga favorites.
25:18That's what people
25:19always say.
25:20Ito to,
25:21oh,
25:21sir,
25:21Nelsko.
25:22Sabi ko,
25:22I don't want to
25:24call it favorite.
25:25I want to call it love.
25:27Kung baga,
25:28hindi ako paborito.
25:29Mahal lang ako
25:30kasi nga,
25:31mabuti ako ang tao.
25:32Kaya ko talagang
25:33sabihin yun.
25:34If you're watching,
25:35I hope,
25:36manood kayo
25:37ng BBB 2.0.
25:39Promise,
25:40mapagitiin ko kayo.
25:41Bukod kayo na Sophia
25:48at Joaquin,
25:48abangan bukas
25:49at makikilala nyo
25:50ang dalawa pang
25:51housemates.
25:52Exclusive nyo lang
25:53mapapanood dito yan
25:54sa 24 oras.
25:56Balik sa'yo,
25:56Ia.
25:58Maraming salamat,
25:59Nelson Canlas.
26:01Umaanin ng iba't-ibang
26:02parangal
26:02ang mga programa
26:04at personalidad
26:05ng GMA Network
26:06sa 6th Alta Media
26:08Icon Awards
26:09ng University of
26:10Perpetual Health System
26:11Delta
26:11at kabilang dyan
26:12ang inyong 24 oras.
26:15Nakatutok si Mark Salazar.
26:20Umaanin ng parangal
26:22ang GMA Integrated News
26:23sa 6th Alta Media
26:25Icon Awards
26:26ng University of
26:26Perpetual Health System
26:28Delta.
26:29Sa larangan ng
26:30Excellence in Media,
26:31Vital Role in Nation Building
26:33and Youth Formation,
26:34Kapuso ang first choice
26:36ng Communication Students.
26:38Best News Program
26:39ang 24 oras.
26:43At Best Female News
26:44Personality
26:45si Vicky Morales.
26:47Si 24 oras
26:48anchor at
26:48action man
26:49Emil Sumangil
26:50ay itinanghal
26:51na Best Public Service
26:52Program host
26:53para naman sa
26:54resibo.
26:56Huwag nilang
26:57iwaglit
26:58sa kanilang sistema.
26:59Sa kanilang puso
27:00at isipan
27:00ang telebisyon
27:01at radyo.
27:03Ito ang wastong
27:04pinagkukunan talaga
27:05ng impormasyon
27:06para hindi sila
27:07maligaw
27:07at dalhin sila
27:09ng kanilang pasya
27:09sa wastong buhay.
27:12Best AM radio station
27:14ng Super Radio
27:14DCWB 594
27:17at Best AM radio
27:18female personality
27:19si Toni Aquino.
27:21This is a celebration
27:22of the staying power
27:24of AM radio.
27:26Kasi siyempre
27:27sa traditional media
27:28pa rin
27:28marami
27:29ang dinadaanan
27:31ng proseso
27:33bago natin
27:33kumpirmahin
27:34ang balita
27:35on air.
27:37Best Podcast
27:38of the Year
27:39ang Barangay
27:40Love Stories
27:40Papa Dudot
27:41ng LS 97.1
27:43Hall of Famer
27:45naman
27:45bilang Best Magazine
27:46Program
27:47ang Kapuso Mo
27:48Jessica Soho
27:49Nasa Hall of Fame
27:50na rin
27:50ang biyahe ni Drew
27:51bilang Best Travel Program
27:53At siyempre
27:54Hall of Fame din
27:55bilang Travel Show Host
27:56si Drew Arellano
27:58Best Documentary Program
27:59naman
28:00ang Eyewitness
28:01Best Documentary Program
28:03Host
28:03si Atom Araulio
28:04Best Public Service Program
28:06ang Wish Ko Lang
28:07Best Morning Show
28:09ang Unang Hirit
28:10At Best Morning Show
28:12Host
28:12si Shaira Diaz
28:14Best Educational Program
28:16Host naman
28:16si Cara David
28:17para sa Pinas Sarap
28:19At Best Educational Program
28:21ang Born to be Wild
28:22Huwag i rin
28:23ang maraming kapuso
28:24entertainment shows
28:25gaya ng Daig Kayo
28:27ng Lola Ko
28:27na Best Youth Oriented Program
28:30Pito Manoloto
28:30tuloy ang kwento
28:32bilang Best Comedy Program
28:33si Michael V
28:35ang Best Comedy Actor
28:36for TV
28:37habang si Manilin Reynes
28:39ang Best Comedy Actress
28:40for TV
28:41Best Daytime Drama Series
28:43ang Abot Kamay
28:44na Pangarap
28:45Magpakailanman
28:46bilang Best Drama Anthology
28:48Best Game Show
28:49ang Family Feud
28:50at Best Talent Search Program
28:53ang The Voice Kids Season 6
28:55Kinilala rin sa Alta Media Icon Awards
28:57si Naboy Abunda
28:58bilang Best Showbiz Oriented Talk Show Host
29:01si Dennis Trillo
29:02ang Best Actor for Television
29:04at Most Promising Male Star naman
29:07si Jay Ortega
29:08para sa kanyang pagganap
29:09bilang Akiyo Watanabe
29:11sa Pulang Araw
29:12Sa larangan ng pelikula
29:15Movie of the Year
29:16ang Hello Love Again
29:17at Best Actor
29:18si Alden Richards
29:19Best Actress naman
29:21si Catherine Bernardo
29:22Para sa GMA Integrated News
29:25Mark Salazar
29:27nakatutok 24 oras
29:29Nakakatawa naman ang puso
29:32at bago po kami magtapos
29:34nais muna naming magpasalamat
29:36sa 6th Alta Media Icon Awards
29:38ng University of Perpetual Health System Delta
29:41Maraming salamat po
29:42sa pagkilala sa 24 oras
29:45bilang Best News Program
29:47Taos puso rin po
29:48ang aking pasasalamat
29:50sa paggawad nyo sa atin
29:51ng Best Female News Personality
29:54at Best Public Service Program po
29:56sa wish ko lang
29:58Maraming salamat po
29:59Salamat rin po
30:00sa paghirang ninyo
30:01sa inyong lingkod
30:01bilang Best Public Service Program Host
30:04para naman sa
30:05Recibo
30:07Uy, congrats ha
30:09Sa atin lahat
30:12At yan po ang mga balita
30:14ngayong Martes
30:15Ayan, feel na feel natin ito
30:1765 araw na lang
30:18at Pasko na
30:19Ako po si Vicky Morales
30:21para sa mas malaking misyon
30:22Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan
30:25Ako po si Emil Sumangil
30:26Mula po sa GMA Integrated News
30:28ang News Authority ng Pilipino
30:30Nakatuto kami 24 oras
Be the first to comment
Add your comment

Recommended