Skip to playerSkip to main content
Maging sa Ilocos Norte na mismong probinsya ni Pangulong Bongbong Marcos may mga flood control project ang mga kumpanyang kunektado sa mag-asawang Discaya. Ang ilan, sira nang ating puntahan kahit wala pang isang taon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maging sa Ilocos Norte, na mismong provinsya ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:05may mga flood control project ang mga kumpanyang konektado sa mag-asawang diskaya.
00:10Ang ilan, sira ng ating puntahan kahit wala pang isang taon.
00:15Nakatutok live si Rafi Tima.
00:17Rafi!
00:21Emil, nandito nga ako sa isa sa mga nasirang flood control project
00:25na konektado sa mga diskaya dito sa Ilocos Norte.
00:30Ilang buwan pala daw ito ng rumagasa at nasira ito ng bagyong egay.
00:35Ang kapuna-puna ay magkakadikit at halos pare-pareho ang presyo ng mga proyekto rito.
00:44Sa tatlo't kalahating kilometro lang na bahagi ng Bongo River, Sonalva Era Ilocos Norte,
00:49labing limang flood control projects na agad ang pinonduhan mula 2022 hanggang 2023.
00:54Ang kabuoang presyo, 1.16 billion pesos.
00:58Tatlong kumpanya ang naka-corner sa mga proyekto batay sa datos na sinuri ng GMA Integrated News Research
01:03mula sa Sumbong sa Pangulo.ph website.
01:06Yan ang Alpha and Omega General Contractor, St. Gerard Construction at St. Timothy Construction Corporation,
01:13mga kumpanyang pag-aari o konektado sa mag-asawang Sara at Curly Diskaya.
01:17Siyem sa mga proyekto nila sa Bongo River, pare-parehong mahigit 96 million pesos.
01:23Marami dito sira na.
01:24Bahagi ito ng milyong-milyong pisong flood control project ng DPWH dito sa Bongo River sa Nueva Era
01:30na wala pang tatlong taon ay nasira na ng mga dumaang baha.
01:35Na-audit naman daw ng COA at napatunayang ito nga.
01:38Nagawa ang proyekto.
01:40Pero kung pasok ba ito sa specification, hindi pa masagot ng mga otoridad.
01:45Maliit lang ang sirang bahagi ng river wall na ito.
01:48Pero sa kabilang pampang, washed out ang malaking bahagi ng halos bagong gawa at kongkretong river wall.
01:57Wala pang isang taon mula nang matapos ang proyekto, sinira na ito ng bagyong egay.
02:01Malakas kasi yung tubig hanggang dito eh.
02:05Nasira lahat yung mga kundan.
02:07Yung mga tuping dyan.
02:11Nagulat ho ba kayo na nasira agad?
02:13Oo.
02:15Hindi namin nakalain eh.
02:17Ganyan pala yung gawin.
02:19Lakas ng tubig.
02:20Hininga namin ng pahayag ang mga opisyal ng munisipyo.
02:23Pero walaan nilang pwedeng sumagod sa aming mga tanong tungkol sa proyektong ayon sa kanila
02:27ay hindi dumaan sa lokal na pamahalaan.
02:29Gayunman sinamaan kami ng isang local department head sa kondisyong hindi namin ipapakita ang kanyang muka.
02:34Bagaman walaan niyang nagreklamong mga residente, kung sila niyang tatanungin, may ibang lugar sana rito na mas nangangailangan ito.
02:41Nilapitan namin ang bahagi ng river wall na sinira ng rumagas ng tubig.
02:45Parang ito yung dugtungan ng lumang river wall tsaka yung bago.
02:52Pero yung ilalim nito talaga puro bato na.
02:59Kapansin-pansin sa bahagyang ito ng nasirang dike, may isang peraso lang na bakal yung makikita.
03:04At yung kapal ng semento sa ibabaw nito, ilang pulgada lang.
03:08Ang ilalim nito, puro bato na.
03:12Pero hindi lang sa Bongo River may proyekto ang mga kumpanya ng mga diskaya.
03:15Katunayan, sa 36 na flood control project sa Nueva Era, 32 ang pinaghati-hatian ng limang kumpanyang konektado sa mga diskaya.
03:24Labing-anim sa proyektong ito noong 2022 hanggang 2023, pare-parehong nasa mahigit 48 milyon pesos ang halaga.
03:31Dalawa naman ang eksaktong 79,130,000 ang presyo.
03:36Sa kabuuan, 1.96 billion pesos ang proyektong nakuhan ng mga diskaya sa Nueva Era para sa taong 2022 at 2023.
03:45Sinubukan namin kunin ang paning ng kampo ng mga diskaya, pero wala pa silang tugon sa ngayon.
03:54Tanong ngayon ng mga taga rito, Emil, ay kung pasok pa sa warranty itong mga nasirang diki at kung kailan ito maaayos.
04:00Sa kabuuan, mahigit 10 bilyong piso ang halaga ng mga flood control projects na itinayo dito sa Ilocos Norte.
04:07Emil?
04:08Maraming salamat, Rafi Tima.
04:14Maraming salamat, Rafi Tima doingtra.
04:25Maraming salamat, Rafi Turiya.
04:27Maraming salamat.
Comments

Recommended