00:00Pinarangalan sa Gawad Agrario 2025 ang mga beneficiaryo ng Agrarian Reform Program na huwaran sa pagpapaulad at paglinang ng lupa na kanilang sinasaka.
00:10Inangulat ni Kenneth Pasiente.
00:14Bilang pagbibigay po guys sa mga magsasaka, mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa pagkilala sa mga natatanging Agrarian Reform Beneficiaries o ARB sa ginanap na Gawad Agrario 2025.
00:26Sila ang mga ARB at Agrarian Reform Organizations at Agrarian Reform Communities na malaki ang papel sa pagunlad ng repormang pangsakahan ng pamahalaan.
00:36Ngayong taon, 17 ang awardees na maingat na pinili mula sa 45 finalists.
00:42Ang Most Outstanding ARBs, tumanggap ng plake at cash award na nagkakahalaga ng 25,000 piso bawat isa.
00:49Habang plake at mga proyekto na nagkakahalaga naman ng 70,000 pesos, ang natanggap ng Most Aggressive ARBOs at ARCs.
00:58Sa ating awardee, kayo po ang huwaran ng pag-asa.
01:03Kayo ang nagpapatunay na hindi natitinag ang Pilipino sa harap ng pagsubok.
01:10At kayo ang nagsisilbing gabay sa mga kababayan nating na ayos din magtagumpay kagaya ninyo.
01:17Maraming salamat sa inyong mga sakripisyo upang mapatatag ang pundasyon ng ating lipunan.
01:25Git ng Pangulo, hindi natatapos sa ganitong pagkilala ang pagkilos ng pamahalaan para sa mga magsasaka.
01:31Dahil ipinatutupad na anya ang mga hakbang para mapagaan ang buhay ng mga ARB.
01:35Kapilang na riyan ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award at Certificates of Condonation with Release of Mortgages na bumubura sa pagkakautang ng mga benepisyaryo.
01:45Ang halagang dapat sana'y ibabayad sa gobyerno, maaari nang ilaan sa bagong benhe, makinarya o higit pa sa mas maayos na buhay para sa inyong mga pamilya.
01:57Muli namang hinikayat ng Pangulo ang mga benepisyaryo na patuloy na pangalagaan ang lupaing kanilang sinasaka.
02:03Palalalimin nyo ang inyong kaalaman hinggil sa industriya at gamitin ninyo ang makabagong teknolohiya upang mapalawak pa ang inyong karanasan.
02:14Sama-sama nating itanim ang benhe ng pagbabago upang mas marami pang kwento ng pag-asa at tagumpay ang ating matunghayan sa Bagong Pilipinas.
02:25Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.