00:00Very crucial ang pagpreserva sa organ ng tao
00:13para masigurong mapapakinabangan ito
00:16ng mga pasyenteng mangangailangan ng transplant.
00:19Kaya, isang makina na tila artificial body
00:22ang dinevelop sa United Kingdom para makatulong.
00:25Tara, let's change the game at alamin ang features ng Organox.
00:30Para sa mga pasyenteng may end-stage organ disease,
00:35isa sa mga life-saving medical procedures
00:37ang pagsagawa ng organ transplants.
00:40Ang National Kidney and Transplant Institute
00:43ang nangunguna pagdating sa kidney transplant sa bansa.
00:47Since the 1980s, we have done about 8,000 kidney transplants na here in the institution.
00:54We replaced the organs to make the quality of life of the patient
00:59more suitable and more productive.
01:02Sa kasalukuyan, nasa 478 ang transplant candidates na nasa waiting list.
01:09At kada linggo, tinatayang isa ang namamatay habang nagaantay para sa transplant.
01:15Dahil sa organ shortage, malaking bagay ang maypreserva ang donor organs
01:21para masigurong mapakikinabangan.
01:23We have to maintain the viability of those organs.
01:28Widely used ang tinatawag na hypothermic device,
01:31isang advanced type of cold storage para mapreserve ang organ tulad ng kidneys.
01:37Sa United Kingdom, isang game-changing innovation ang ginevelop
01:40para panatilihing buhay at functioning ang organ kahit nasa labas na ng katawan.
01:46Yan ang Organox, targeted for liver transplants.
01:52Isa itong fully automated at easy-to-use machine na kayang ipreserve ang liver
01:57from the usual 12 hours to a maximum 24 hours.
02:01Ang machine ang nagsisilbing artificial body para sa organ.
02:06Developed by a team of researchers from University of Oxford.
02:09Organox has enabled the creation of a machine that fools organs into thinking they are still inside the body.
02:17An organ is preserved much more appropriately within its native environment
02:24rather than doing what used to be done, which is place it on ice.
02:28Ilang key features ang nilagay sa machine to mimic the human body.
02:32Ilalagay ang liver sa liver bowl
02:34at ikokonekta ang mga vein at artery sa machine.
02:37Once that's it, dadaan ang dugo sa oxygenator para malagyan ng oxygen ang dugo pa puntang liver.
02:44Yung machine na rin yung bahala to keep the blood at human temperature at 36.5 degrees Celsius.
02:50Meron din itong nutrition pump para sa mga gamot.
02:53Habang ang status ng organ, makikita sa screen ng machine.
02:58Ang mas pinatagal na preservation, nakakatulong din para makaiwa sa overnight surgery.
03:03Nagwagi ang innovation ng 2025 Macrobert Award na maituturing na Oscars sa mundo ng engineering.
03:12There you have it mga kapuso, an award-winning innovation para makatulong sa success ng organ transplants and help save more lives.
03:20Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avere.
03:23Changing the game!
03:24Thank you so much for watching.
Comments