00:00Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malalimang investigasyon hinggil sa mga nawawalang sabongero.
00:09Ayon sa Malacanang, ito'y para mapanagot na ang nasa likod ng krimen at makamit na ng mga biktima ang hustisya.
00:17Si Claesel Pardilla sa Sentro ng Balita, live.
00:20Angelique Inatasan, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang malalimang investigasyon hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:372021 ang pumutok ang report hinggil sa nawawalang sabongero na umabot na sa 34 na individual.
00:45Dinukot, pinatay at inilibing umano ang mga biktima sa Taal Lake.
00:51Sinasabing malaki at maimpluwensya ang mastermind sa naturang kaso.
00:56Kaya puspusan ang Justice Department sa pagkahanap ng mga saksi at ebidensya.
01:02Tiwala naman ang Malacanang na makakamit ng mga biktima ang hustisya.
01:06Ipagpatuloy po ang pag-iimbestaga ng malalimang pag-iimbestaga para malaman kung sino ba talaga ang sangkot dito at mapanagot ang dapat mapanagot.
01:15Tiniyak ng palasyo na walang puwang sa administrasyon ang mga kawaninang gobyerno na tatamad-tamad.
01:26Pinaigting ang presensya ng mga pulis sa mga lansangan para mabawasan ang krimena.
01:31Patunayan niya dito ang pagkakadakip sa isang snatcher ng cellphone sa loob lamang ng tatlong minuto.
01:38Sinibak naman sa pwesto ng pambansang pulisya ang isang chief of police sa Rizal dahil sa mabagal na aksyon sa isang kaso ng pagnanakaw.
01:47Pinauwi lamang umano ng pulis ang biktima matapos i-report ang insidente.
01:54Nagbunga ang quick response time ayon sa direktiba ni Pangulong Marcos Walang Puwang ang tamad at pabagal-bagal na kilos sa hanay ng kapulisan.
02:03Pina si siguro ng Malacanang na gawing prioridad ang pagkatid ng servisyo publiko.
02:10Kaugna ito ng pagkakatanggal sa ilang opisyal ng Makati Fire Station nang makitang nakaharang ang kanilang mga pribadong sasakyan sa fire truck bay ng istasyon.
02:21Buhayan nila ang nakasalalay sakaling maantala ang pagresponde sa sunog.
02:26Alinsunod ito sa utos ng Pangulo na pagandahin pa ang performance ng lahat ng opisina ng gobyerno sa buong bansa.
02:36Bawal ang patulog-tulog sa servisyo. Lahat dapat nagtatrabaho.
02:40Angelique, para masiguro ang pagtugon sa mga emergency at sakuna, ngayong araw din ay inanunsyo ng palasyon na itinalaga na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:54bilang officer in charge ng Office of Civil Defense si Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV.
03:02Kasunod ito ng appointment ni dating OCD Chief Ariel Nepomuceno na ngayon ay tumatayo ng pinuno ng Bureau of Customs.
03:12Iyan na muna ang pinakahuling balita. Balik sa'yo, Angelique.