Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Panayam kay DOST-PCIEER Executive Director, Dr. Enrico Paringit ukol sa project digital imaging for monitoring evaluation ng DOST

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Project Digital Imaging for Monitoring and Evaluation ng DOSD
00:04at ipag-uusapan kasama si Dr. Enrico C. Paringit,
00:09Executive Director ng Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology,
00:14Research and Development ng Department of Science and Technology.
00:18Dr. Paringit, magandang tanghali po.
00:22Magandang tanghali naman po.
00:23Sir, una po siguro, ano po yung pangunahing layunin ng Project DIME
00:30o yung Digital Imaging for Monitoring and Evaluation
00:34at paano nito natutulungan ng pamahalaan sa mas tapat o transparent na monitoring ng mga proyekto?
00:43Oo. Salamat pala sa pagponghay ng Project DIME.
00:49Ang Project DIME or ang Digital Imaging for Monitoring and Evaluation
00:53ay isang collaborative project ng Department of Budget and Management at ng DOSD.
00:59So, ito ay na-formalize sa isang MOA noong 2017.
01:05So, ang layunin nito hindi lamang inovasyon, no?
01:07Kundi magkaroon ng tinatawag na governance reform
01:10kung saan ang mga proyekto ng pamahalaan
01:12ay kayang magkaroon ng tinatawag na scientific evidence
01:17para magkaroon tayo ng tinatawag na accountability.
01:21So, sa pamamagitan ng Digital Imaging Technologies,
01:25kabilang dito yung paggamit ng satellite ID,
01:28HD, LiDAR, drone, maaaring nating mamonitor ang isang high-value government project
01:34or yung mga tinatawag natin ng big ticket items.
01:37So, layunin din ng proyekto na magkaroon ng isang efektibong paggamit ng public funds
01:41kung saan maaaring magbigay ng photographic at geospatial proof
01:46para sa mga natapos at na-accomplish na proyekto.
01:50Kung baga, mayroon tayong talagang may papakitang prueba
01:53na natapos nga yung mga anong natapos ng mga ongoing projects.
02:00Sir, balikan ko lang po yung binanggit nyo kanina
02:02yung paggamit ng satellite images, drones at LiDAR data.
02:05Paano nyo po ito magagamit para i-compara po yung mga naiulat na accomplishments
02:10at paano rin po naiiba ang Project DIME sa traditional na paraan ng on-site inspection?
02:18Oo.
02:18Diba, sa traditional kasi na inspection,
02:21ang ginagawa ng mga tao ng ating mga kawaninang pamala.
02:25Kung punta sa labo sa site,
02:26tapos nila ginagalugat, sinusukat, sinisipat, ano.
02:31Tapos kuminsan, diba, subjective yun.
02:33Kasi paningin lang yun eh, diba?
02:34Tapos sa kanin sila magsusulat ng kanilang report.
02:38So, pamamagitan ng paggamit ng mga imaging technologies,
02:41nagkakaroon tayo ng tinatawag na visual verification at saka digital evidence.
02:45Kumbaga, no?
02:46So, pwede natin ngayon naikumpara ito doon sa mga plano
02:49na sinagawa o naging basihan noong pagsasagawa ng proyekto.
02:56Kaya alam natin kung halimbawa eh, tama ba sa sukat,
02:59tama ba sa lapat, tama ba sa taas,
03:01tama ba sa dami ng inilalagay na halimbawa kung mga reforestation,
03:08ilang sibling ba yung naitanin, no?
03:11Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng teknoloyang kombinasyon noong imaging
03:17at saka syempre ng tinatawag na image processing.
03:20So, kasi hindi na kailangan pumunta ng ating mga kawanit sa mga medyo mahirap puntahan ng lugar.
03:26Halimbawa, mga bundok, mga buwis buhay, di ba?
03:29Yung mga medyo malalapit sa kapihan.
03:32Para din mas marami tayong mamonitor sa maiksing banhon lamang.
03:39Sir, isa naman sa mga proyektong sinimulan sa ilalim ng Project Dime
03:44ay yung monitoring and assessment of planting activities.
03:48So, pagtatanim ba ito?
03:50So, ano naman pong klaseng actionable data
03:53ang naibibigay nitong pagmamonitor na ito
03:56dun sa mga stakeholders ng proyekto?
03:58Kasi nung sinimulan namin ito noong 2018
04:02ang isa sa mga malaking proyekto ng pamahala nun
04:05yung tinatawag na National Greening Program
04:07kaya tayo natasan ng TBM na magkaroon ng partnership
04:11para ngayon matukoy kung naitanim ba ang mga sigling sa mga kaukulang lugar
04:18tama ba yung dummy, tama ba yung lugar na tinaglagyan
04:21tama ba yung lawak na pagtataniman
04:24at makikita rin natin sa pamamagitan ng tuloy-tuloy
04:29na pagpuha ng ating satellite ng pictures
04:32makikita natin ngayon kung lumalago yung ating mga halaman
04:37o yung ating mga puno sa isang lugar
04:40kasi evidence-based yan eh
04:42yung tinatawag natin na time series
04:45So, sa makatwid, pwede natin ngayon talagang magkaroon ng prueba
04:50kung naging efektibo nga talaga yung pagtatanim na proyekto
04:55na sinagawa ng mga kontraktor
04:57o ng mga kawaniin ng pamahalaan
05:00o ng komunidad
05:01Sir, dito naman po sa remote assessment for irrigation networks
05:06pakipaliwanag naman po sa amin
05:09kung paano po ito nakakatulong sa verification ng irrigation projects
05:13Oo, yung ginamit din natin
05:17itong mga geospatial technologies natin
05:19nung nabanggit ko na kanina
05:20satellite imagery, mga drone, mga lidar
05:23para matukoy yung aktual na lokasyon
05:26ng ating mga irrigation system
05:27tama ba yung haba niya
05:29tama ba yung lapat ng mga irrigation kanan
05:32tama ba yung lalim niya
05:34at nagkakaroon tayo ngayon ng visual at scientific evidence
05:39na maaaring ehambing doon sa halimbawa
05:43meron ng accomplishment report
05:45tapos ibabangga natin doon sa tinatawag na plan at saka disenyo
05:49So, makikita na natin yun ng derechahan
05:53kung nagkakaroon ng tinatawag na discrepancy
05:56mas mababaw ba, mas manitis ba
06:00o mas makikit pa yung mga ginagawa nating mga irrigation kanan
06:06Actually, ang isang advantage ito
06:08mas mura at saka mas transparent yung verification
06:11kumpara sa tinatawag na manual inspection
06:14kaya napapalakas din ito
06:16yung evidence-based decision making
06:18So, pwede na tayo ngayong magbayad
06:21kasi alam naman natin na talaga nagkaroon ng accomplishment
06:24tapos kung susuriin ulit ito sa iba pang panahon
06:28eh meron tayong tinatawag na digital forensic evidence
06:32na maaaring na natin gamitin
06:34para patunayan na nagawa talaga yung proyekto
06:36Ayan, sir, napag-usapan natin yung reforestation
06:41pati yung pagmamonitor po ng mga irrigation system
06:43Meron po bang ahensya ng gobyerno
06:46o susunod na programa ng gobyerno
06:49na gagamit nitong monitoring system
06:52o ng teknolohiyang napag-uusapan natin?
06:56Well, nagamit na itong sistema na ito
06:58Noong natatanda nyo, nagkaroon ng rehabilitation ng burakay
07:02ah, rehabilitation ng marawi, di ba?
07:05pagkatapos ng siege
07:06at saka yung mga, yun nga, yung mga proyekto
07:08sa mga disaster prone areas
07:10halimbawa kung paano sila mag-recover, no?
07:12So, nakikita kasi natin ito
07:14kaya naman na pinapanawagan natin na
07:16ah, suportahan at maging aware tayo dun sa
07:20ah, sa magiging beneficyo ng dime, no?
07:23Kasi pwedeng magkaroon ng tinatawag na citizen participation
07:27Pwede kayong magpadala ng sariling yung drone shots
07:30Pwede kayong magpadala ng sariling yung mga
07:32actual pictures on the ground
07:33Pwede kayong magpadala ng sarili ninyong mga LiDAR scans
07:37kung yung cellphone nyo, kaya to, no?
07:39Kasi ang mahalaga dito
07:41nagkakaroon ng isang open, transparent
07:43at ah, ah, digital na pamamaraan ng ah, ng inspeksyon, no?
07:49At nagkakaroon ng partisipasyon ng mga tao
07:52Pangalawa, ah, magkakaroon na rin ng ah,
07:55ang panawagan din namin sa DBM
07:56magkaroon na ngayon ng klasifikasyon
07:58ang bawat line item budget natin
08:00ah, kung saan, malalaman natin kung ano dapat yung may accomplish
08:04ng bawat proyekto
08:05ma, ah, mapa-infrastruktura man ito
08:07tulay, daan,
08:10irigasyon, ah, sabihin na natin
08:12kahit na flood control, no?
08:13Malalaman na natin ito kasi
08:15meron naman tayong mga teknolohiyang pwede na magamit
08:18para matukoy talaga
08:19kung ginawa na, ginawa ang mga proyekto
08:22ng tama, ah, naayon sa
08:25spesifikasyon o standards
08:27at, siyempre, kung ito ay may sapat na kalidad
08:30Sir, sa ngayon, gaano na po kalawak
08:34yung nasasakop ng project dime
08:36simula ng ilunsad po ito noong 2018
08:38ilang projects na po ba yung na-monitor ninyo
08:41gamit po ang teknolohiyang ito?
08:43Well, base sa aming pagtataya, no?
08:48Lahat naman ng mga, ah, ano to?
08:51Mga National Training Program sites
08:53ay, ah, na, na-assess na
08:57So, nagkaroon tayo ngayon ng pagtataya
08:59kung aling mga proyekto yung tingin natin
09:02eh, ah, naayon dun sa
09:04in-expect natin na dami o yabong ng mga puno
09:09ah, kaya ito ay halos kumpleto
09:12ah, very interesting kasi makikita mo rin
09:14kung sino yung talagang masipat
09:16kahit na, ah, kumbaga, nag-over perform, no?
09:19Ibig sabihin, eh, mas maraming silang na
09:21naitatanim, mas malawak yung panilang natatamdan
09:23ah, base dun sa budget
09:26meron pa naman makikita rin na
09:28ah, parang nag-a-underperform
09:30so, ah, ibig sabihin naman, parang kung konti yung naitanim nila, no?
09:34ah, pero naintindihan natin ito
09:35kasi kuminsan malayo
09:37ah, mahirap mag-transport ng mga planting matilas
09:40malaki ang transportation cost
09:42so, naging, ah, instrumento ito
09:45upang makita rin natin kung gano'ng ka
09:49efektibo ang mga, ah, planting programs natin
09:52so, ah, may, ah, ginagamit din ito, no?
09:58sa pag-ponitor ng damage
10:00sa nangyaring marawisage ng 2017
10:02Dr. Paringit, ah, nagagamit na po ba itong
10:06teknolohiyang ito sa mga LGU project
10:09o, ah, may plano bang gamitin ito
10:11para sa, ah, LGU projects?
10:14Well, pwede rin itong gamitin ng ating mga lokal na pamahalaan
10:18para i-report naman yung kanilang mga napapansin
10:22o kanilang mga nakikita mga proyekto sa kanilang lugar
10:26ah, kasi pwede naman itong, sabi ko nga kanina
10:29pwedeng paraan ito para magkaroon ng tinatawag
10:32ng citizen participation
10:33o sa, ah, ang tawag namin yan, citizen science
10:36kasi pwede nalang ipadala yung kanilang mga digital images
10:40para ma-proseso at, ah, makita kung talagang akma nga
10:45dun sa nararapat
10:46sigurang kailangan lang natin maintindihan dito ay
10:48ah, dapat naibigay din ng ahensya na
10:51ah, nagpapatupad ng mga proyektong ito
10:55kung ano yung ang kanilang mga targets, no?
10:57ibig sabihin, halimbawa, doon kanina nabangkit ko yung
11:00yung irigasyon
11:01dapat alam yung ah, plano
11:04ah, gano'ng layo, gano'ng kataas
11:07gano'ng kalalim, gano'ng kalapad
11:09para maibabang ka
11:11o maikukumpara ngayon ng mga tao
11:13yung plano doon sa ah, sinagawang proyekto
11:17Sir, ano naman po yung mga pangunahing hamon na nakaharap ng DOST
11:22sa paggamit ng remote technologies
11:24para po sa project monitoring?
11:26mm-hmm, nakita namin na may mga limitasyon, no?
11:30halimbawa, wala tayong sapat na satellite dito sa mga lugar
11:33lalo na yung sinasabi ko kaninang pangmatagalan
11:37o yung time series
11:38kailangan kasi para makita mo talaga kung umusubong ang mga halaman
11:42kailangan mo nang, ah, for example, yung ah, taon-taon
11:46meron kang ah, shot ng ah, lugar kung saan merong ah, proyektong sinagawa
11:52ah, hindi rin pare-pareho, syempre, yung nabanggit ko na kanina
11:56yung reporting format ng mga implementing agencies
11:58kaya malinaw dapat kung ano yung target
12:01ano dapat yung kanilang ah, isang sagawa
12:03at saka kung paano nilang gagawin
12:05para matimingan din natin yung pagkuhan ngayon ng ah, ah, datos, no?
12:10at pag-integrate ng geospatial data
12:12at magkaroon tayo ng opisyal na ulat
12:15so, siguro, ang parang panukalan namin
12:17gumamit ng hybrid monitoring system
12:19na pinagsasama yung ah, drone shot
12:22at saka yung satellite imagery
12:24at saka may konting ground validation
12:27pero yun nga, yun ang contribution ng ating mga mamamayan
12:30Alright, maraming salamat po sa inyong oras
12:33Dr. Enrico Paringit
12:35Executive Director ng Philippine Council for Industry, Energy
12:39and Emerging Technology Research and Development ng DOST
12:43Thank you

Recommended