00:00Tinawag ng Volunteers Against Crime and Corruption na Biggest Robbery
00:05ang tila sistematikong katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan.
00:10Ayon naman sa isang retired justice, tungkulin din ang bawat opisyal at miyembro ng gobyerno
00:16na magsilbi sa mga Pilipino ng tapat at may integridad.
00:21Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:23Nagsalita na rin maging si retired justice Alfredo Ampuan tungkol sa isyo ng anomalya sa flood control projects.
00:33Para kay Ampuan, malinaw sa batas na ang public office ay isang public trust
00:38at ang mga opisyal ng gobyerno ay may pananagutan sa taong bayan.
00:42Public officials and employees must at all times be accountable to the people.
00:49Serve the people with utmost responsibility, serve the people with utmost integrity,
00:59serve the people with utmost loyalty, and serve the people with utmost efficiency.
01:05Anya pa, posible rin gamitin ang mga kontraktor bilang state witnesses laban sa mga utak sa anomalya.
01:11Pero paalala ni Ampuan, dapat ay suriing mabuti ito ng Department of Justice.
01:17Iginiit naman ni Volunteers Against Crime and Corruption o VACC President Arsenio Boy Evangelista
01:24na dapat ituring na pinakamalaking pagnanakaw sa kasaysayan ang flood control anomaly ang nangyaring pagbubunyag.
01:30Tawag nga namin dito, the biggest robbery in the history of the nation in broad daylight
01:42because it was done systematically with impunity.
01:53Nakita natin dito eh, kaya nga dapat it is about time, this is the right time to fight and break the chain of corruption.
02:02Panawagan ng VACC, nararapat lamang na matuloy na ang isang independent fact-finding commission
02:09para matukoy at mapanagot ang mga totoong may sala.
02:12Ang kailangan po kasi dito, sample eh, may makulong accountability, yung certainty of jail term.
02:22Ang nangyari nga ngayon dito, yung public office is a public trust at all times.
02:29Pero nangyayari, yung public service, self-service.
02:32Matatanda ang kahapon, iginiit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang sistematikong operasyon umano ng sindikato
02:40sa flood control projects mula bidding, disenyo at hanggang implementasyon ng proyekto.
02:47They can demand about 30-40%.
02:50Ganon din yung ibang project na track netting, ang laki-laki dyan, 40%, 35%.
02:56Sa flood control, siguro, mga nandun sa range na yan, 20-25%.
03:03Kasi nga, yung mark-up, hindi gaano.
03:06Naniniwala ang tatlong panig na sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas
03:11at suporta ng Administrasyong Marcos Jr.,
03:14posible pang malinis ang sistema ng katiwalian sa bayan.
03:19Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.