00:00Inununsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makasaysayang Social Security System Pension Reform Program.
00:07Inaasahan namang makikinabag ang maraming Pilipino rito. Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:14Retiradong glassmaker, ang 62-year-old na si Tatay Filimon Oligario.
00:21Tumatanggap siya ngayon ng 7,500 pesos na monthly retirement pension mula sa Social Security System o SSS.
00:29Masaya si Tatay Filimon dahil tataas na ang kanyang pensyon sa 8,250 pesos dahil sa SSS Pension Reform Program.
00:40Malaking bagay po yung dagdag na yun dahil yung pambili ng mga gamot, pandagdag sa pambili ng mga pagkain ng mga bata.
00:50Eh kahit ganito, tumutulong pa rin ako sa mga anak ko.
00:54Ngayong Merkules, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa ceremonial launching ng SSS Pension Reform Program sa SSS Main Office sa Quezon City.
01:07Sa ilalim nito, tataas ng 10% ang retirement at disability pension simula ngayong buwan at muli itong tataas ng 10% sa September 2026 at panibagong 10% sa September 2027.
01:255% naman ang dagdag sa death or survivor pension at panibagong 5% sa September 2026 at September 2027.
01:35Kung ang isang retirement pensioner ay tumatanggap ng 2,200 pesos na buwan ng pensyon, magiging 2,420 pesos na ito simula ngayong buwan hanggang sa maging halos 3,000 piso pagdating ng September 2027.
01:52Kung halimbawa naman ay 2,000 pesos ang buwan ng survivorship pension, tataas na ito sa 2,100 pesos ngayong September.
02:02Ayon sa Pangulo, halos 93 billion pesos ang ilalabas na pondo para tustusan ang dagdag pensyon sa loob ng tatlong taon.
02:11Bilang pasasalamat sa ating mga kababayan na buong buhay na naglilingkod, nagtatrabaho para sa ating bansa, simulahan ng unang araw ng September ng taong ito, itinaas na natin ang inyong buwan ng pensyon.
02:28At taon-taon, ito ay tataas hanggang 2027 na walang dagdag na kontribusyon mula sa mga miyembro ng SSS.
02:38As of September 5, 2025, mahigit 3.8 milyon na SSS pensioners na ang nakinabang sa taas pensyon.
02:49Maraming salamat, SSS at President Bongbong Marcos sa dagdag na 10% sa aming mga pensyonado.
02:58At least, nakakatulong sa araw-araw na pangangailangan. Thank you very much, mahal na Pangulo.
03:08Ang paglulunsad ng taas pensyon ay isinabay sa pagdiriwang ng 68 anibersaryo ng SSS.
03:16May direktiba naman ng Pangulo sa SSS at pati na rin sa Government Service Insurance System o GSIS.
03:23Invest wisely. Modernize your systems and make your processes efficient.
03:29Ensure that your services are easier to reach, be it through digital platforms or help desks and kiosks, even in the most remote areas.
03:39Make sure your services are available whenever the need arises, wherever the need arises.
03:47Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.