00:00At syempre, bago tayo magtungo sa ating talakayan,
00:03hingi muna tayo ng updates sa Department of Justice, of course,
00:06mula kay Yusek Marge.
00:08Yusek Marge, binigyan po gaya ng DOJ si Bucor Director General Gregorio Catapang.
00:13Ano ba ang detalyan nito, Yusek?
00:15Asik Ueng, pinapurihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Boyeng si Rimulya
00:19ang natanggap na Modern Hero of Integrity and Service Award
00:23kamakailan ni Bucor Director General Gregorio Catapang Jr.
00:27galing sa Asia's Modern Hero Awards para sa taong 2025.
00:32Ito ang bunga ng magaling at tapat na servisyo ni Catapang
00:36na nagdala ng mga tagumpay at makabuluhang reforma sa Bureau of Corrections.
00:40Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng Bucor ng mga makabagong pasilidad at digital systems,
00:46mas pinaikting na reformation at livelihood programs para sa mga persons deprived of liberty,
00:52at higit sa lahat, ang pagbuwag sa mga tiwaling kawani ng Bucor.
00:56Nagpapasalamat si Secretary Boyeng Rimulya kay DG Catapang sa ipinamalas niya itong galing
01:01at integridad bilang kaaktibat ng Department of Justice tungo sa isang bagong Pilipinas.
01:07Ito naman, Yusek, patuloy yung pagpapaiting ng DOJ sa kampanya contra human trafficking.
01:13Ano ba yung ibig sabihin ng inisiyatif na ito?
01:16Okay, so asik Ueng, hindi hahayaan ng Department of Justice
01:19na makaporma ang human trafficking at korupsyon sa ating bagong Pilipinas.
01:23Ito ang muling ipinako ng Interagency Council Against Trafficking o IACAT
01:28matapos ikasa ang isang malawakang training kamakailan sa Makati,
01:33katuwang ang Australian Counter-Trafficking at United Nations Office on Drugs and Crime.
01:39Lumahok rito ang mga prosecutor, police at iba pang kawani ng gobyerno.
01:43Ipinakita sa mga kalahok ang kahalagahan ng koordinasyon at kooperasyon
01:48para mapalakas ang laban contra human trafficking at korupsyon.
01:52Itinampok sa training ng IACAT ang anti-corruption guidelines,
01:57praktikal at aktual na paraan ng paghawak sa mga kaso ng trafficking at katiwalian.
02:02At binigyang diin ni Justice Secretary Boeeng Rimulya na hindi lamang pamahalaan
02:06ang may tungkulin na labanan ang kriminalidad.
02:09Sa halip, ito ay isang responsibilidad na dapat pagtulangan ng bawat Pilipino.
02:16Maraming salamat sa iyong update, Yusek March,
02:18at sa iyong mga binahagi pa na ibang impormasyon mula dyan sa DOJ.
02:22You're welcome, Asequeen.
02:23You're welcome.