00:00Humingi muna tayo ng update mula sa Department of Justice.
00:03USEC, magandang isang daa, magandang tanghali.
00:08Mahigit isang daang distressed OFWs ang ligtas na nakabalik sa Pilipinas sa tulong ng DOJ.
00:15Pwede bang magbigay ng detalye tungkol dito?
00:18Asik Deal, kaagapay ang Department of Justice Interagency Council Against Trafficking, OEACAT,
00:24ligtas na nakabalik sa bansa ang nasa 114 distressed overseas Filipino workers mula sa Laos, Myanmar at Cambodia.
00:34Karamihan sa kanila ay biktima ng mga peking online job offers na kalaunan ay nauwi sa pang-aabuso,
00:40karahasan at hindi makataong pagtrato.
00:43Binigyan ang mga repatriated OFWs ng medical care, psychosocial support at legal assistance.
00:49Naglatag din ang pamahalaan ng reintegration programs para mabigyan sila ng kabuhayan dito sa Pilipinas.
00:56Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano,
00:59ang operasyon ay patunay sa pinaiting na kampanya ng gobyerno laban sa human trafficking.
01:05Binigyan din din ng DOJ ang mahalagang papel ng taong bayan sa paglansag sa mga sindikato at porsonalidad sa likod ng human trafficking.
01:12Nag-iwan naman ng paalala para sa publiko si Justice Secretary Boing Remulia na laging mag-ingat,
01:19ugaling, magsuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga nakakaingganyong online job offers.
01:26Yusek, muli naman din pinagtibay ng liderato ng DOJ yung panata ng gobyerno tungo sa isang bagong Pilipinas.
01:33Pwede ka po bang makapagbahagi ng detalyan nito?
01:36As ik-dial, pinangunahan ng DOJ ang Executive and Management Committee meeting sa Makati City kamakailan
01:42bilang bahagi ng kampanyang Real Justice for All ni Secretary Boing Remulia.
01:47Kasama sa pulong ang mga attached agencies ng DOJ na nagpresenta sa mga naging tagumpay nito sa mga nagdaang taon
01:54kasabay ang paglatag sa mga planin nito para sa 2026.
01:59Tampok sa naging meeting na ito ang mga sumusunod,
02:02ang 91.46% prosecution success rate ng National Prosecution Service
02:08at naging tagumpay nito laban sa agricultural smuggling,
02:12modernasyon ng Bureau of Corrections at Land Registration Authority,
02:17pagpapalaya sa mahigit 25,000 PDLs ng Bureau of Corrections sa visa
02:22ng efektibong pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance o GCTA Law
02:27at ang mataas na performance rating ng Public Attorney's Office.
02:31Taon-taon ikinakasa ang ganitong pagpupulong ng mga matataas na opisyal ng DOJ at mga attached agencies nito
02:38para tiyaking nakahanay ang plataforma ng ahensya sa misyon ng isang bagong Pilipinas.
02:44Yusek March, may pahabo lang tayo sa update kasi nitong over the weekend,
02:50you were heard talking about the accomplishments of DOJAC.
02:56Pwede mo bang ibahagi yung naging accomplishment, yung napalaya isang 70-year-old PDL?
03:01Okay, so last week, nagkaroon kami ng Katarungang Caravan sa Bureau of Corrections, Montinlupa,
03:08sa Medium Security Compound, na kung saan yung pagkatapos namin mag-conduct ng legal aid,
03:13eh may nakita kami yung isang PDL na ripe for release na pala siya.
03:17At dahil doon, nakita namin na, oh, may mga kulang na lang ng dokumento.
03:21So, kaagad-agad, sinuri namin itong mabuti at tinulungan namin kung paano mapabilis yung paglaya niya.
03:28So, 20 years na siyang nasa kulungan, na-serve niya na yung kanyang sentence,
03:33pero medyo nag-overstay na siya kasi dapat na-release na siya years prior.
03:38Kaso, dahil nga wala ng abogado, kulang-kulang ang mga dokumento,
03:42at dahil nakita natin yung ganitong problema, agad-agad na asikaso naman at na-process na kagad.
03:47I think, pa-release na siya this week pa.
03:49So, ito yung mga naggagawa ng DOJ Action Center.
03:53Okay, maraming salamat sa mga ibinahagi ninyo sa aming updates mula sa DOJ Music Awards.