00:00Tuloy-tuloy pa rin ang suporta ng ilang pribadong kumpanya sa UP Fighting Maroons.
00:05Hindi lang para sa darating na UAAP Season 88, kundi para sa pangmatagalang pag-unlad ng team.
00:10Ang detalye alamin natin sa ulat ni JB Junyo.
00:16Kamakailan, nagtipo ng ilang partners ng UP Men's Basketball Team para muling i-anunsyo ang kanilang suporta.
00:23Kasama dito ang Robinson's Retail Holdings Incorporation, Universal Rubina Corporation Agro-Industrial Group at ang Nowhere to Go But Up Foundation.
00:34Hindi lang ito tungkol sa pagpapalakas ng team para sa UAAP Season 88, kundi para tuluyan ng mapatibay ang buong programa sa mga susunod na taon.
00:44Ayon kay Vincent Go ng Universal Rubina Corporation, gusto nilang siguraduhin na may maayos na training, pagkain at suporta ang mga student athletes para makatulong sa kanilang growth on and off the court.
00:58Well, first of all, sa athletes, sana makatulong tayo sa whatever they need for their training, meals, nutrition, balance, skills training, lahat.
01:08So, minsan kailangan mo talaga ng sponsorship or money to do this, no?
01:13Dagdag naman ni Bo Perasol, program director ng UP Men's Basketball Team, malaki ang nagagawang tulong ng mga partners sa mga manlalaro,
01:22lalo na pagdating sa oportunidad na makaaral, makapaglaro at makapaghanda sa mas mahabang panahon.
01:28Well, napakalaki, no? Kasi katulad ng aming off-season training, no? Nanggagaling sa kanila yung aming mga suporta,
01:37ang aming mga training expenses, no? Nanggagaling talaga sa kanila yan.
01:44And this training means a lot to us kasi napakalaking bagay para sa aming campaign every season ito, no?
01:51But a simple gesture of giving us food, no? Yung katulad na, nananalo, kakain tayo sa buffet, malaking bagay na yan sa mga boys, no?
02:04So, these are the support that really means a lot to our team, no?
02:08Again, knowing that these guys, these alumni, these sponsors will support us all the way.
02:15Ang supportang ito ay nakatuon sa holistic development ng mga atleta,
02:20hindi lang bilang manlalaro, kundi bilang mga individual na may malinaw na direksyon sa buhay.
02:26Sa pagpapatuloy ng partnership na ito, naniniwala ang UP Fighting Maroons
02:31na higit pa nilang maipapakita ang tapang at puso sa darating na UWAP Season 88.
02:38J.B. Junio para sa Atletang Pilipino para sa Bagong Pilipinas.