00:00Maglalabas na ng murang bigas ang National Food Authority bukas, February 19.
00:05Ayon kay National Food Authority Administrator Larry Lacson,
00:09ito'y sa pamamagitan ng Food Terminal Incorporated na siyang magde-deploy ng bigas sa mga lokal na pabahalaan,
00:16kabilang ang mga lunsod ng San Juan, Valenzuela, Navotas at Camarines Sur.
00:21Pinayagan ng Department of Agriculture ang paglalabas ng non-regular stock ng NFA
00:26kasunod ng deklarasyon ng National Food Security Emergency sa bansa.
00:31Para bumaba ang presyo ng bigas sa mga palengke at maluwagin ang mga bodega ng NFA
00:36at bigyang daan ang mga papasok na lokal na ani ng mga magsasaka.
00:40Ibebenta sa halagang P33 kada kilo ang NFA rice sa mga LGU
00:46na ipapasa naman sa P35 per kilo sa mga mamilili.