00:00Naging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong nakalipas na linggo.
00:04Unang dinala ng Pangulo ang starting internet sa Marawi City.
00:08Binisita rin ng Pangulo ang 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Campranao.
00:12Sinilit din ng Pangulo ang Port of Marawi at pinangunahan ng pagsira sa floating shabu.
00:17Si Kenneth Paciente sa detalye.
00:22Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa temporary learning spaces sa Sagonsongan, Marawi City.
00:29Kung saan personal niyang dinala roon ang Starlink Internet Unit bilang pagsusulong ng digital learning.
00:35Bumisita rin ng Pangulo sa Marawi Dansalan Integrated School para inspeksyonin ang katatayong gusali.
00:40Ininspeksyon din ng Pangulo ang bagong tayong Marawi City General Hospital.
00:45Pinatitiyak niya ang mabilis at dekalidad ng servisyong medikal sa mga komunidad doon.
00:49Binisita rin niya ang 103rd Infantry Haribon Brigade, 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Campranao.
00:55Kung saan kinilala niya ang servisyon ng mga sundalo at tiniyak ang buong suporta ng gobyerno sa mga ito.
01:02Sinilit din ang Pangulo ang mga development sa isinasagawang Port of Marawi at tiniyak na magtatayo pa
01:07ng mga karagdagang pantalan sa Region 10 upang mapalakas ang connectivity sa rehyon.
01:12Martes, ininspeksyon ng Pangulo ang mga nasawat ang floating shabu ng PIDEA mula sa iba't ibang lugar sa Northern Luzon.
01:18At Merkules ay pinangunahan ang pagsira sa mga nasabing droga na aabot sa mahigit siyam na bilyong piso ang street value.
01:26Muli namang binigyang din ang Pangulo na magpapatuloy ang bloodless drug war ng administrasyon na anya ay nananatiling efektibo.
01:33Pinulong din ng Pangulo ang kanyang economic team para pag-usapan ang posibleng epekto sa bansa ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel
01:40kung saan nakitang walang malalang epekto sa ngayon ang kaguluhan sa Middle East.
01:45Kenneth, pasyente.
01:47Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.