00:00Maaray na naman ang maraming PUV drivers sa pinibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.
00:06Yan ang unang balita live ni EJ Gomez.
00:09EJ?
00:13Igan, sa ika-apat na magkakasunod na linggo, may oil price hike muli sa gasolina ngayong Martes.
00:21May pagtaas din ng presyo sa diesel at kerosene sa ikatlog sunod na linggo.
00:26So, reklamo ng mga super, pabawas na ang pabawas ang kanilang kinikita.
00:36Alas tres ng madaling araw daw bumabiyahe mula binangonan Rizal si Hermo Henes para mamasada bilang tricycle driver sa Mandaluyong City maghapon.
00:45Sa isang dekada raw niyang pamamasada, sawang-sawa na siya sa lagi na lang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
00:52Yung taas presyo po kasi, nagpapahirap sa driver.
00:56Yung kalsada namin na puro one-way, saka yung mga bilhin pa.
01:02Isa pa po yun.
01:03Sana po, tigil na po yung pagtaas.
01:06Para hindi rin po pahirap sa aming mga driver, lalo na dami namin pinapaaral.
01:12Malaki rin daw ang nababawas sa kita ng taxi driver na si Rodolfo pag may taas presyo sa gasolina.
01:182,800 pesos hanggang 4,000 pesos daw ang kinikita niya buong maghapong pamamasada.
01:25Pero kapag ibinawas ang boundary, gasolina at pagkain, nasa 1,500 pesos na lang ang naiuuwi niya sa pamilya.
01:33At kung matumal pa ang biyahe, 300 pesos na lang.
01:37Pag tumaas yung gasolina, mahirapan po kami. Wala na, maliit na talaga kitain namin.
01:42Sayang naman kasi may git-sandaan po yung kaltas eh.
01:45Dapat ba po punta pa daw sa amin yun?
01:47Pangkain po, pwede sa pamilya namin, pambili ng gatas ang anak namin.
01:51Ngayong linggo, piso ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.
01:541 peso and 40 centavos sa diesel, habang 70 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
02:01Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
02:04ang oil price hike ngayong linggo ay bunsod ng sanctions na ipinatupad ng US na nakaka-apekto sa oil revenue stream ng Iran.
02:12Ang pagtigil sa pag-export ng oil refinery ng India at tumitinding airstrikes sa Russia at Ukraine.
02:19Igan, sabi ng mga nagkausap nating super,
02:27ang pisong taas presyo o higit pa eh talagang malaking kabawasan sa perang na iuwi nila sa kanilang mga pamilya,
02:34lalo na ngayon na hindi naman daw tumataas ang kinikita nila sa pamamasada.
02:40At yan, ang unang balita wala rito sa Mandaluyong City.
02:44IJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
Comments