00:00Samantala, binusisi ng mga kongresista ang health department kung tunay nga bang napakikinabangan ng mga Pilipino ang universal health care law.
00:09Lalo pat humirit si Secretary Tedder Bosa na dagdagan ng isan daang bilyong piso ang kanilang pondo sa susunod na taon.
00:16Yan ang ulat ni Bien Manalo.
00:20Mahigit tatlong daang bilyong piso ang nakalaang pondo para sa Department of Health o DOH sa susunod na taon
00:26sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program.
00:30Sa budget deliberations ng DOH sa Kamara, hindi tuloy maiwasan ng mga kongresista na busisiin kung tunay nga bang napakikinabangan ng mga Pilipino ang universal health care law.
00:42Nauna ng iminungkahi ng national government na dagdagan ng 6 na bilyong piso ang pondo ng kagawaran sa susunod na taon.
00:49Mas mataas yan ng 2.4% sa budget ng DOH noong nakarang taon.
00:54Pero hirit ni Health Secretary Tedder Bosa, nasa isan daang bilyong piso parao ang dapat idagdag sa kanilang pondo
01:02para tuluyang maramdaman ang ating mga kababayan ang universal health care law at palakasin pa ang kanilang mga servisyo kabilang na ang zero balance billing.
01:12Nag-estimate yung mga health economies as to how much the Department of Health needs annually to fulfill itong universal health care.
01:21At ang figure na binigay nila ay P450 billion pesos annually.
01:27So ako, nakikita ko malapit na po tayo doon.
01:30Nasa P320 billion tayo.
01:32Siguro another P100 billion could actually help.
01:36But also, there's the absorptive capacity of DOH.
01:40So we won't ask for all of that.
01:42We will only ask for what we can utilize per year.
01:46Pinakamalaking bahagi ng kanilang pondo ay ilalaan sa pagpapahigting ng zero balance billing at sa universal health care.
01:54Maglalaan din sa mga attached agency nito.
01:57At may 53 billion pesos ang mapupunta sa PhilHealth na siyang pinakamalaki.
02:02Ang DOH ang pangatlo sa may pinakamalaking budget allocation sa mga ahensya ng gobyerno.
02:08Sumunod sa Department of Education at Department of Public Works and Highways o DPWH.
02:14Sana i-priority nila yung mga taong tulong nangangailangan.
02:18Pangangailangan niya po sa gamot.
02:20Mga nangangailangan po talaga ng tulong.
02:23Sana po mabigyan po nila ng pansin.
02:25So ko lang sana mapalakas pa nila yung mga programa nila tulad ng pagbibigay ng mga gamot sa lyptopirosis.
02:32Dahil dahil nagkakaliptopirosis ngayon.
02:35At saka yung dengue, mapalakas pa sana nila yun.
02:38Sa isang pag-aaral ng isang universidad at pharmaceutical company,
02:42bagamat malaking bahagi ng health budget ng mga lokal na pamahalaan ay napupunta sa mga serbisyong pangkalusugan,
02:49dapat pa rin anilang magkaroon ng malinaw na gabay, technical support at intergovernmental coordination
02:55mula sa mga ahensya ng gobyerno, kabilang na ang Department of Budget and Management
03:00para masigurong efektibong nagagamit ang pondo para sa mga mamamayan.
03:05Bagamat pinalawig pa ng PhilHealth ang kanilang mga benepisyo,
03:08kailangan pa rin nilang bumuo ng malinaw na balangkasa para sa mga opsyonal na karagdagang benepisyo
03:14sa pamamagitan ng mga karagdagang kontribusyon.
03:17Base na rin sa research ng University of the Philippines.
03:21Lalo pat 45% ng health spending ng mga Pinoy sa ngayon ay out-of-pocket payment.
03:26Malayo ito sa 30% ng target ng mga LGU at ng PhilHealth.
03:32We need to fine-tune the processes in terms of policy, in terms of the budget cycle, planning,
03:41to ensure that there's no waste stage.
03:43So one of the main recommendations is basically coordination between DOH, DBM, the Department of Finance.
03:49Samantala, kasunod ng kawalan ng budget ngayong taon,
03:52umaasa si PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin Mercado
03:56na mabibigyan sila ng pondo sa susunod na taon para mapalawig pa ang kanilang mga benepisyo at programa,
04:03kabilang na dyan ang kanilang yakapa o yaman sa kalusugan programa.
04:08BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.