00:00Samantala is sinagawa ang isang turnover ceremony ng mga medical equipment para sa mga pampublikong hospital sa Cebu.
00:07Na dinaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:11Yan ang ulat ni Anjali Valiente ng Radyo Pilipinas.
00:17Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang turnover ceremony ng mga medical equipment
00:22na donasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO
00:26sa apat na mga public hospital dito sa lalawigan ng Cebu.
00:30Isinagawa ang turnover ceremony sa Cebu Provincial Hospital, Balamban
00:33kasama si PCSO General Manager Milquiades Robles.
00:38Ang aktividad ay katuparan ng pangako ng pamahalaan na mapahusay pa
00:42ang akses sa dekalidad na servisyong pangkalusugan lalo na sa mga probinsya.
00:46Ang apat na mga beneficiary hospital ay ang Cebu Provincial Hospital, Bogos City,
00:51CPH Danau City, Daanbantayan District Hospital at 1B Dosado Memorial Hospital.
00:56Bawat beneficiary ng hospital ay nakatanggap ng isang x-ray machine at isang ultrasound machine
01:02na magagamit upang makapagbigay ng mabilis at tamang pagsusuri sa mga pasyente.
01:07Ang mga donasyon ay bahagi ng Medical Equipment Donation Program ng PCSO
01:12sa layuning mapalakas pa ang mga diagnostic services sa mga provincial hospital.
01:17Bukod sa mga diagnostic equipment, nagbigay rin ang PCSO ng 20 wheelchairs at mga gamot para sa CPH Balamban.
01:25Nagpapasalamat naman si Mayor Amos Cabahog kay Pangulong Ferdinand Marquez Jr.
01:30sa pagbisita niya dito sa Balamban at pagbibigay ng mga karagdagang medical equipment
01:34na magagamit ng mga tao rito sa Cebu.
01:37Mula rito sa Cebu para sa Integrated State Media.
01:41Angeli Valiente ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments