00:00Sinigot naman ni Senate President Francis Chiz Escudero ang mga nananawagang mag-inhibit ang ilang senador sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:10Yan ang ulat ni Daniel Manalastas.
00:14Matapos manawagan ng ilang kongresista na mag-inhibit ang ilang senador na tila nakaangkla kay Vice President Sara Duterte,
00:22muling giniit ni Senate President Chiz Escudero na hindi nila pakikinggan ang sino mang pabor o kontra sa impeachment.
00:28Ang pag-inhibit daw ay voluntaryo dapat at hindi pwedeng ipilit sa kung sino mang senador judge.
00:35Pero pwedeng hilingin daw ito ng prosekusyon o ng depensa.
00:39Unti-unti niyo naman ang nakikita yung mga nagsasalita.
00:42Hindi ba? Kung kaninong panig sila nakabilang, klaro na anti-Sara for impeachment sila.
00:49Pero opisyal lang niya na didinggin ng impeachment court kapag hiniling yan ng defense o ng prosecution panel.
00:56Hindi nang kung sino man na nagsasalita ngayon sa labas ng impeachment court na klaro may posisyon at may pinaniwalaan na sila.
01:09Paglilinaw pa ni Escudero, hindi sila pwedeng magbotohan na inhibit kung sino mang senador judge.
01:15Kaya ang remedyo...
01:17Pero para talaga matanggal siya kung gusto mo, kung may ginawa siyang paglabag sa kanyang trabaho bilang senador,
01:23sa pamamagitan ng isang ethics complaint.
01:25Iyon ang sinabi ni dating Senate President Enrile.
01:28Ang remedy nila ay tanggalin yung senador bilang senador.
01:33Hindi tanggalin bilang impeachment court judge.
01:36Paano pagkitang-kita na yung kulay?
01:38Tatanin kita, kitang-kita lang ba ang kulay sa ngayon ng pumapabor kaya Sarah?
01:43O kitang-kita din ba yung kulay dun sa mga ayaw sa kanya?
01:47Be fair.
01:48If you want to be fair, it cuts both ways.
01:50Nitong nakalipas na linggo, nakasama ni VP Sarah, sina Sen. Robin Padilla at Sen. Amy Marcos sa Malaysia.
01:57Ang dalawang senador ay tumatayong Sen. Judge Rin sa impeachment ng Bise.
02:02Samantala muling dinepensa ni Escudero ang mga ginawang hakbang ng impeachment court
02:06tulad ng pag-remand o pagbalik ng articles of impeachment sa Kamara.
02:11Pero kung sa bananaw nila, ay ito'y hindi naayon sa batas.
02:14Ulitin ko, malaya silang pwedeng questionin yan sa Korte Suprema
02:18na siyang proseso natin sa ilalim ng batas.
02:23Ginagalang ko ang kanilang opinion, pero tulad ng sinabi ko kanina,
02:26hindi ako sang-ayon dahil pinagbotohan ng Senado yan,
02:3018 tayo ba naging boto at wala para sa akin o kanina man
02:33na sabihing hindi ang pwedeng gawin ng Senado bilang impeachment court.
02:37Sabi naman ang Malacanang,
02:39Makikita naman ng taong bayan kung sino ba talaga ang bias at hindi.
02:43At makikita rin ng taong bayan kung sino sa mga senador
02:46ang nagtatrabaho lamang ayon sa batas at ayon sa rule of law.
02:49About being biased, yung mga senator judges,
02:52you think na pipreserve pa rin ba yung integridad,
02:55especially ng impeachment process?
02:57Mahihirap magbigay ng konklusyon.
03:00Muli, nasa senador na po yan,
03:03na siyang umaakto bilang judges sa impeachment court
03:06at hayaan na lang po natin ang kanilang pagkilos,
03:11pag-evaluate ng pangyayari sa kanila mismo impeachment court
03:16at taon naman po ang makakakita kung sila po ay nagtatrabaho na maayos.
03:20Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.