DALAWANG BATA MULA TARLAC CITY, NAHULOG AT HALOS 24 ORAS NA NA-TRAP SA BUTAS NG IRIGASYON!

Dalawang bata, nahulog at tila ipo-ipong hinigop sa butas habang tumawid sa sementadong bahagi ng Tarlac River Irrigation System.

Ang mga biktima, na-trap sa tinatawag na irrigation cave. Ang problema, umuulan kaya patuloy ang pagtaas ng tubig kaya ang mga rescuer, de-numero ang bawat kilos.

Buhay pa bang maiaangat ang mga bata kahit mahigit 24 oras na silang nasa ilalim ng yungib?

Para sa mga nais tumulong kina Kevin at Jansen, maaaring magdeposito sa:


BANK: UNIONBANK OF THE PHILIPPINES

ACCOUNT NAME: ARAH MARIELLA PADILLA

ACCOUNT NUMBER: 109667043330


BANK: PHILIPPINE NATIONAL BANK

ACCOUNT NAME: RAINDA MAGNOLIA ESPINOSA

ACCOUNT NUMBER: 2088 1008 7480

#KMJS
"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:12.
00:14.
00:18.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:31.
00:34.
00:41.
00:49.
00:53.
00:54.
00:56.
00:57.
00:58Kaya ang mga rescuer denumero ang bawat kilos.
01:02Hindi po stable kasi yung tali, kaya ang naisip po namin yung ladder para mas stable po yung papatungan po namin.
01:12Buhay pa bang maiaangat ang mga binatilyo?
01:17Kahit mahigit 24 oras na silang nasa ilalim ng yungib.
01:22Ito ang nasa 300 to 400 meters na haba ng Tarlac River Irrigation System o TRRIS sa barangay Karangyan.
01:34Ginawa ito noon pang dekada si Senta para suplayan ng tubig ang silangang bahagi ng Tarlac City.
01:42Meron po tayong 10 or 11 na butas na papasok po sa mga irrigation canals
01:47para po makapagpadala po tayo ng mga tubig sa ating mga lupang sakahan dito po sa Tarlac province.
01:54Mag-aalas 2 ng hapon itong Merkoles,
01:56nung nakatanggap ng ulat ang CDRRMO na may dalawang binatilyong nahulog at natrap sa butas ng irigasyon,
02:05ang mga nawawala si na Jansen at Kevin, kapwa 13 anos.
02:10Walong bata raw ang tumawid noon sa simentadong bahagi ng irigasyon.
02:15Nung si Jansen, nahulog sa butas.
02:20Sinubukan daw siyang tulungan ni Kevin.
02:22Pero kalaunan, pati si Kevin natangay na rin ng tubig.
02:26Sinubukan sa gipin nung isa naman din niyang kaibigan, pero nahulog din.
02:30Kaya ang mga otoridad, sanib puwersa sa pag-rescue sa kanila.
02:36Pero patuloy ang pagtaas ng tubig dahil sa pag-ulat.
02:40Kaya posibleng tumaas din ang tubig sa yungib kung saan nahigo si na Jansen at Kevin.
02:47Nung una ma'am, natakot din po talaga kami kasi malakas po talaga yung agos dun sa butas.
02:52Yung butas, walang ganong magandang informasyon kung gaano kalalim, kung gaano kalapad.
02:58Kung mapupunong ng tubig yung butas nung pinagulugan nila, walang nilalabasan, mamamatay yung mga bata.
03:04Hindi sila makakahinga.
03:05Ang balita tungkol kina Jansen at Kevin, nakarating sa nanay ni Jansen na si Rinda.
03:13Maliligo daw po. Tapos habang naglalakad po siya, hindi po nila alam na may butas dun.
03:19Kasama ang nanay ni Kevin na si Cynthia, agad silang nagpunta sa tabing ilog para magbantay sa rescue operation.
03:26Sobrang bigat sa dibdib. Makita mo yung tubig, ganong kalakas. Tapos alam mo nandun yung anak mo.
03:36Ang rescue operation, inabutan na ng dilin. Pero ang mga binatilyo, hindi pa rin mailabas-labas.
03:43Mga tao doon, sabi nila, umiikot daw yung tubig doon sa may binagbagsakan nila.
03:47Sana buhay pa. Kaya halos mag-iyakan lahat nyo nandun eh. Dahil nga, ang slim nung chance talaga na mayroong pocket na nakahinga yung mga bata.
04:16Ang kinaumagahan, nagbayanihan na ang mga rescuer para gumawa ng sandbags.
04:22Ito raw ang gagamitin nila para palibutan ang butas. Nang sa ganon, hindi ito pasukin ng tubig.
04:34Nung mga sandaling yun, mahigit 12 oras nang nasa loob, sina Jansen at Kevin.
04:40Hindi ko po alam kung buhay pa po yung anak po doon. Kasi po doon po sa Agust na yun, talagang hindi na po siya mabubuhay doon.
04:47Hindi talaga ako makakain, hindi ako makatulog. Nakatingin lang kami doon sa tubig.
04:56Binilisan namin yung paglalagay ng sandbag hanggang sa mas kumonti pa at na-expose na kung buho yung butas.
05:02Hanggang sa ang rescue team na buhayan ng loob.
05:08Sa gitna kasi ng rumaragas ang tubig,
05:15may isang kamay na lumabas.
05:17Ang biktima, dahan-dahang iniaho ng mga rescuers.
05:42Si Kevin, na nung sandaling yun, nanghihina na.
05:47Hanggang si Kevin,
06:09tuluyan ang nailabas sa butas.
06:12Nung inangat na siya, alam namin si Kevin na yun.
06:21Puro ano na, yakapan na kami.
06:23Sisigaw na talaga kami na, thank you Lord.
06:26Inasaan na si Johnson.
06:28Ang pinagdadasal kagal namin, makita silang magkasama.
06:32Maya-maya pa,
06:34isamuling kamay ang nakita ng rescuers.
06:37rescuers.
06:50Tabahin niyo muna sila.
06:51Tabahin.
06:53Talon po kami ng talon ng mag-asawa.
06:55Nagyakapan gusto namin agad siya makita.
06:57Isinugod si na Johnson at Kevin sa uspital.
07:01Jansen!
07:03Jansen!
07:04Ay, baby!
07:06Sabi ako!
07:08Iliakap ko yung alak ko.
07:10Sabi niya, sorry ma'am.
07:11Sabi niya, okay lang.
07:12Sabi ko, ang importante.
07:14Nandito ka na.
07:15Sabi po sa akin ni Johnson,
07:17kala ko hindi na kita makikita.
07:19Sabi niya,
07:20ikaw lang yung dahilan kaya lumaban ako.
07:22Kasi alam po,
07:23ah, hanapin mo po.
07:24Sabi niya sa akin.
07:30Si na Johnson at Kevin,
07:32parehong ngayong nagpapalakas pa sa uspital.
07:35Wala pa pong findings yung doktor,
07:37pero okay naman po sila.
07:38Nakakakain na po.
07:39Meron lang po konting trauma
07:41kasi po kapag tulog siya,
07:43gigising po siya na parang
07:44naghahanap po siya ng pwede niyang hawakan.
07:46Sabi naman ng doktor,
07:48nakita na lang daw yung MRI
07:49tsaka yung mga XRA nila.
07:51Okay naman.
07:54Lumalamoy daw siya sa loob.
07:56Kaso hindi daw niya kaya
07:57kasi merong part na malalim talaga.
07:59Parang kuweba daw sa loob.
08:00Hindi daw kasi niya makita sobrang dilim.
08:02Meron daw parang breather na maliit lang.
08:05Sa'tong pag naupo daw sila,
08:06pero nakayuko.
08:07Doon sa pinagupuan daw nila,
08:09ang tubig is hanggang bewang.
08:11Sa tuwing nakakaramdam daw sila ng ginaw,
08:13magyayakap daw sila.
08:14Nakakuha sila ng tali.
08:16Kasi may hinila silang lubid eh.
08:20Yun na pala yung mga rescuer
08:22kasi nasanbag na nila yung area.
08:24Utang daw nila ang kanilang buhay
08:26sa mga nagtapit bisig
08:28para sila'y sagipin.
08:29Sa lahat po ng mga rescuer,
08:42maraming maraming salamat po.
08:44Gusto ko po magpasalamat sa mga tumulong
08:46nung mga panahon yun,
08:48PDRRMO, CDRRMO, BFP, PNP.
08:53Samantala, para maiwasang maulit ang aksidente,
08:56ang City Hall ng Tarla,
08:58patatabunan na raw ang butas sa irigasyon.
09:01Tuwing tag-ulan talaga,
09:03ang mga ilog namin tumakaas yan.
09:05So, pinalahanan po natin yung publiko
09:07na palaging maging maingat.
09:09Butas ng karayom ang pinagdaanan
09:12para mailabas sa butas ng irigasyon
09:14si na Kevin at Johnson.
09:16Pero sa tiyaga ng mga rescuer,
09:19sa dasal ng kanilang mga pamilya
09:22at sa bayanihang nagbuklod sa komunidad,
09:27naiangat sila mula sa dilim.
09:35Patunay na gaano man kalalim ang pagkakalubog,
09:39may pag-asa pa rin,
09:41makaahong.
09:46Thank you for watching, mga kapuso!
09:54Kung nagustuhan niyo po ang video ito,
09:56subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel
10:00and don't forget to hit the bell button
10:03for our latest updates.

Recommended