Skip to playerSkip to main content
  • 11 months ago
FL Liza Araneta-Marcos, ikinadismaya ang palpak na konstruksyon ng itinatayong Philippine Film Heritage Building sa Intramuros, Manila | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinadismaya ni First Lady Lisa Araneta Marcos ang hindi magandang estruktura ng itinayong Philippine Film Heritage sa Intramuros, Maynila.
00:10Tapos na ang proyekto pero nang inspeksyonin ay maraming nakitang problema sa konstruksyon nito.
00:16Si Kenneth Paciente sa Sandro ng Balita.
00:21Kung titignan mo lalabas ang Philippine Film Heritage Building sa Intramuros, tila tapos na ang kabuuan ng gusali.
00:28Pero kung iisa-isahin ang loob ng estruktura, ilan sa mga bahagi nito ang hindi pa tapos?
00:34Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang proyekto ay hawak ng Great Pacific Builders and General Contractor, Inc. na pagmamayari ng Pamilya Diskaya.
00:44Nagkakahalaga ito ng halos 108 milyon pesos.
00:47Itong building na ito, instead na ngayon dapat, ito turn over dahil ngayon yung supposed to be tapos na, September 4, 2025.
00:55Eh makikita natin kung paano ba ito nagawa at bakit nakakadismaya.
01:01Ang Cinematek kung saan sana magpapalabas ng mga pelikula, kinukumpuni pa.
01:05Ilang din sa nakitang aberya ang mga tagas o mano sa drainage system sa palikuran.
01:11Ilang flooring na dapat ay nakatiles, sinimento na lang din.
01:14At hindi rin natapos ang heat insulation sa ilang bahagi nito.
01:18Dagdag pa ni Castro, hindi alinsunod sa quality standards ang elevators.
01:22Gayun din ang emergency exits.
01:24Pati ang alulod sa unahang bahagi ng gusali, hindi maayos ang pagkakalagay.
01:29Dahilan kaya diretsyo ang tulo ng tubig sa main entrance nito.
01:32Sabi ni Castro, ipinapakita nito na maaaring hindi lang flood control projects ang may aberya.
01:37Lumalabas dito, hindi lang mukhang flood control projects ang naaapektuhan.
01:42Maraming infrastructure, mga buildings, mga programa ng gobyerno ang mukhang maaapektuhan dito.
01:49Kaya tuloy-tuloy ang pag-iimbestigan ng Pangulo dito.
01:52Proyekto ang gusali ng DPWH na handog ni First Lady Lisa Marcos para sa film industry.
01:58Kaya ikinadismaya raw ito ng unang ginang.
02:00Nung kinausap niya kami dito, talagang siya mismo ay talagang dismayado-dismayado.
02:05Kasi ang First Lady kasi, pag gusto niya ng trabaho, dapat maayos.
02:09Dahil hindi naman ito tinitipit, tama naman yun sa bidding.
02:12So dapat ayusin ang trabaho.
02:14Kapag nakipagkontrata ka, huwag ka nang kukuha na maraming kontrata kung di mo namin kayang tapusin.
02:19Hindi pa raw nakikipag-ugnayan sa kanila sa ngayon ang kontraktor.
02:22Pa-iimbestigahan naman daw kung may naganap na sabuatan sa DPWH at sa kontraktor nito.
02:28Sinusubukan pang kunan ng panig ng PTV ang kampo ng diskaya ukol dito.
02:33Kasi kung mapapakita talaga natin, ito makikita naman natin kung bakit nagkaganito,
02:37kung wala silang valid reason, kung bakit hindi nila ito na-turn over ng tama at naaayos sa kontrata,
02:44pwede silang makasuhan unang-una si reliability meron ito.
02:47Kung meron makikita ang panluloko, hindi maikakailan na pwede silang makasuhan ang staffa.
02:53Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended