00:00Masayang ibinahagi ni First Lady Liza Araneta Marcos ang nalalapit na paglulunsad ng Phase 4 ng Pasig River Rehabilitation Project bago matapos ang buwan.
00:11Ito'y matapos makipagpulong ang unang ginang sa Inter-Agency Council ng proyekto sa pangungunan ni na Presidential Advisor Jose Rizalino Jerry Acuzar at Human Settlement Secretary Jose Ramon Aliling.
00:24Pinasalamatan ng unang ginang ang mga ahensya ng gobyernong nagtulong-tulong para maisakatuparan na ang muling pagbibigay buhay sa Pasig River.
00:37Sakop ng Phase 4 ang halos 400 metro ng walkway, bike lanes, commercial spaces at mga tulay mula sa Fort Santiago hanggang Aroceros Forest Park.