00:00May ilang contractor at taga DPWH daw na handang tumistigo kaugnay sa flood control projects, ayon kay Sen. Rodante Marculeta.
00:09May nilinaw naman ang isa pang senador nang matanong kung nakatransaksyon ang isang dating district engineer na sangkot umano sa maanumalyang mga proyekto.
00:18May report si Ian Cruz.
00:19Sa gitna ng pagdinig sa mga flood control projects, may ilan daw na nagpaparamdam kay Sen. Blue Ribbon Committee Chairman, Sen. Rodante Marculeta, para tumistigo sa mga maanumalyang proyekto.
00:37Ang ilan daw, mga contractor pero may mga taga DPWH rin.
00:42Mayroong mga fillers, kaya lang, ang aking sinasabi, gusto ko munang makikita yung extent ang kanilang sasabihin.
00:52Kung wala namang bago, paano naman?
00:54Pero kung may mga nais tumistigo, may ilang personalidad na may kinalaman sa proyekto na nasa ibang bansa na raw.
01:02Hindi naman, ibig sabihin, lumabas dahil doon. Mayroong nandiyan sa ibang bansa.
01:08Maamalay mo, baka umuwi naman sila.
01:10Hindi ko naman sinabi na nagtago o usang tumakas.
01:16Kasunod naman ang naging sagot noong lunes ng may-ari ng Alpha and Omega na si Sara Diskaya na 2016 daw sila pumasok sa flood control projects.
01:26Sinabi ni Sen. Bato de la Rosa na dapat imbisigahan ang lahat ng flood control na dumaan sa iba't ibang administrasyon.
01:34So what kung 2016, pera ng bayan yan eh, pera ng bayan yan eh.
01:39Hindi, hindi porque during the time of PRRD, i-exempt natin sa abistigasyon.
01:44Hindi ko pwede yun. Kung gumawa sila ng kolokon, kahit na panahon pa ni Pino, kung mayroon sila mga ginawang kolokon,
01:49nung dapat imbisigahan lahat yan.
01:52Iginit naman ni Majority Floor Leader Sen. Joel Villanueva na wala siyang transaksyon sa dating District Engineer
02:01ng Bulacan 1st District Engineering Office na si Engineer Henry Alcantara.
02:07Ano ba yung transaksyon? District Engineer siya.
02:11Lahat ng senador, lahat ng sekretary na pumunta sa presidente ng Pilipinas na doon nakakasama siya.
02:16So, yun ba? It's an evidence na sangkot?
02:20Pinaplano rao ni Villanueva na magsampan ng reklamo laban sa mga nagpapakalat ng mga larawan at video na kasama niya si Alcantara.
02:29Isa si Alcantara sa mga ginisa ng House Infrastructure Committee kahapon.
02:351994 siya nagsimula sa DPWH.
02:382019, nang maging District Engineer siya ng 1st Engineering District ng Bulacan
02:44na nagkaroon noon ng pinakamalaking project cost sa lahat ng implementing office ng DPWH.
02:52Sino ang nag-assign sa iyo to be a District Engineer?
02:56The former Secretary Mark Villar.
02:58Secretary Mark Villar.
03:00Yes sir.
03:00Ano pong ibig sabihin noon? Malakas ka ba kay Secretary Mark Villar o ikaw lamang ay tamang tao na ilagay diyan?
03:12Nag-apply lang po kayo.
03:13Sa kanyang pamamalakad, isa sa mga nakwestiyong flood control projects,
03:18ang ghost project sa baliwag na nabuking mismo ng Pangulo.
03:23Babala ng House Infrastructure Committee reklamong plunder ang pusibling harapin ni Alcantara.
03:30Sinisika pa naming makuhang kanyang pahayag.
03:32Kahapon, inamin niya sa komite na may pagkukulang siya dahil hindi personal na natingnan ang proyekto.
03:40Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments