00:00Nakita ng bitakang isang flood control project sa Tarlac na pinakamahal paman din sa bansa.
00:07Ang isang dike naman sa Oriental Mindoro na 2023 lang natapos, sira na ang ilang bahagi.
00:14May report si Maki Pulido.
00:18Ito ang pinakamahal na flood control project sa Pilipinas,
00:22ang Kamiling Agno River Floodway Phase 3 sa Kamiling Tarlac na nagkakahalagang 289.5 million pesos.
00:30Nakatulong daw ito noong sunod-sunod ang bagyo at habagat noong nakaraang buwan,
00:34pero kapuna-puna na meron na itong mga bitak.
00:36Sabi ng DPWH, nagkakrack ang simento kapag mainit ang panahon.
00:40Madali lang daw itong ayusin.
00:42Ang isa pang flood control project sa Kamiling na dalawang taon pa lamang mula nang gawin,
00:46may mga butas na at litaw na bakal.
00:48Ang kongkreto, mabilis pang masira.
00:5194.5 million pesos ang halaga ng slope protection project.
00:55Nangangamba mga residente na tuluyan itong masira.
00:58Sinusubukan ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng kontraktor ng proyekto na floor desk construction.
01:05Kanina, kinumpunin ang 1st District Engineering Office ng Tarlac ang mga butas at bitak.
01:10Ipapacheck po natin, sir, para kita po natin yung mga concern po nila, para maayos po natin.
01:16Ang dike naman sa Subaan River sa Sanchadoro Oriental Mindoro,
01:19gumuhu na ang ilang bahagi kahit katatapos lang itong 2023.
01:24Pinondohan pa man din ito ng mahigit 380 million pesos, batay sa Sumbong sa Pangulo website.
01:30Sabi ng mga opisyal ng barangay, may gumuhong bahagi na rito noong 2024,
01:35nang manalasa ang habagat noong nakaraang buwan.
01:37Nabiyak na rin ang simento at tuluyang nasira ang iba pang bahagi ng dike project.
01:41Kanina, naabutan pa nga ng GMA Integrated News ang mga nahuhulog na simento sa ilog matapos umulan.
01:48Inireport na raw ito ng barangay sa DPWH.
01:52Nakakaroon na po ng bitak. Inais po nila, yung mga ritats-ritats po.
01:55Tapos nagkaroon po ng disaster po, nagkaroon ng baha.
02:00Doon po nagkaroon na ng lumaki na po yung gumuhu na po.
02:03Wala raw koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng proyektong ito.
02:07Nang mabiyak ang dike, nadiskubre raw ng LGU na manipis na nga ang simento.
02:12Halos wala pang ginamit na bakal.
02:14Walang mga bakal yung ano, itong dike. Kung meron man, medyo kakaunti.
02:20Siguro mas magiging matibay po ito o mas malaki yung mga bakal.
02:24Batay sa datos ng DPWH na nasa Sumbong website ng Pangulong Marcos,
02:29tatlong construction company ang naghati sa dike project.
02:33Napunta ang phase 1 ng proyekto sa New Big 4J Construction Inc.
02:37sa halagang halos 145 million pesos.
02:40Na-blacklist na ito noong 2016 hanggang 2017.
02:44Batay sa inilabas na listahan ng Construction Industry Authority of the Philippines.
02:49Poor din ang rating nito sa Constructors Performance Evaluation System Report ng 2015 to 2018
02:55para sa isang proyekto sa Laguna.
02:57Nakuha naman ang Prime Pacific Marine and Industrial Services Corporation
03:01ang phase 2 sa halagang 145 million pesos.
03:05Phase 3 naman ang sa Road Edge Trading and Development Services sa halagang higit 96 million pesos.
03:12Nakakuha ito ng dalawang unsatisfactory ratings mula sa Constructors Performance Evaluation System o CPES noong 2014.
03:21Inaalam namin kung sino sa tatlong kontraktor ang kumawak sa mga nasirang bahagi ng dike.
03:27Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng tatlong kumpanya,
03:31pati ng DPWH Mimaropa Regional Office.
03:35Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:38Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:42Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:45Outro
Comments