Skip to playerSkip to main content
Tiniyak ni Pangulong Marcos na makukulong bago mag-pasko ang mapapatunayang sangkot sa anomalya sa flood control projects. Buwelta naman ni Vice President Sara Duterte dapat kasamang makulong ang pangulo. May report si Joseph Morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inayak ni Pangulong Marcos na makukulong bago magpasko ang mapapatunayang sangkot sa anomalya sa flood control projects.
00:13Pwelta naman ni Vice President Sara Duterte, dapat kasamang makulong ang Pangulo.
00:18May report si Joseph Moro.
00:22Sa Ilocos Norte, na mismo maluwarte ng mga Marcos,
00:25nag-inspeksyon ng flood control projects ang Independent Commission for Infrastructure at DPWH.
00:31Sabi ng ICI, tungkol sa anim na proyektong binisita nila sa Bintar at Lawag River Basin.
00:37Walang ghost na nakita.
00:40And then, as to the standard, yun ngayon ang ibabalit natin.
00:45And yung may iwan ng mga engineers dito, titignan pa nila yung mga ibang mga projects.
00:51Ayon sa ICI, nasa 150 ang flood control projects sa Ilocos Norte,
00:579 billion pesos ang kabuang halaga.
00:59At karamihan, nakubra ng ilang kumpanyang pagmamayari ng mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya
01:04na'y dinadawid sa manumalyang flood control projects sa ibang lalawigan.
01:09Isang tiniyak ng Pangulo para sa mga mapapatunayang sangkot sa flood control scam.
01:13Bago magpasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko,
01:19nasa ano na, matatapos na yung kaso nila, buo na yung kaso.
01:24Makukulong na sila.
01:26Wala silang Merry Christmas.
01:28Sa data sa nangkalap ng GMA Integrated News Research,
01:31dalawampung DPWH officials at apat na kontraktor na ang inereklamo ng DPWH sa ombudsman
01:37kaugnay sa limang manumalyang flood control projects sa Bulacan.
01:40May gigit dalawampu naman ang inereklamo rin ng DPWH
01:43kaugnay sa mga flood control projects sa La Union at Davao Occidental.
01:48Iba pa yan sa mga inerekomenda pa lamang ng ICI sa ombudsman na sampahan ng reklamo
01:53kabilang si dating Congressman Sal Dico.
01:56Ibang usapan naman ng tungkol sa dating Speaker at pinsan ng Pangulo
01:59na si Congressman Martin Romuales na inuugnay din sa kontrobersiya.
02:03Wala pa raw kasing ebedensya laban sa kanya sa ngayon.
02:06Not as yet.
02:08Not as yet.
02:09If something else comes out, then he might have to be answerable for something.
02:13No, we don't file cases for optics.
02:17Provide us the evidence and we will file cases against them.
02:21Tatlong senador pa ang inerekomendang kasuhan ng ICI pero di pa pinangalanan.
02:26Ayon sa ICI, iba pa ito sa naonan nilang inerekomendang plunder at graft complaint
02:30laban sa mga senador na Senaging Goy Estrada at Joel Villanueva.
02:34Pinakakasuhan din ng ICI sa ombudsman, sinadating DPWA Secretary Manuel Bonoan
02:39at mga dating undersecretary at engineer ng DPWH
02:42para sa 74 million peso flood control project sa Hagonoy Bulacan na na-discovering ghost project pala.
02:50Pinakakasuhan din ang kontraktor ng proyekto.
02:53Para kay Vice President Sara Duterte, dapat damay si Pangulong Marcos sa mga makukulong.
02:57Kasi siya ang pumirma ng 2025 gaan.
03:02In fact, meron tayong kwestyon sa 2025 gaan natin na nasa Supreme Court
03:11na sinasabing unconstitutional ang ating budget.
03:16Sinusubukan pa namin makuha ang tugon ng Malacanang ukul dito.
03:20Inalmahan din ang biseng sinabi ng Pangulo na wala pang ebidensya para idawit si Romualdes.
03:24Ang pinaka-ebidensya natin dito ay ang 2025 budget.
03:30Dahil pagdaan sa house, lumoboy yung pera, lumaki yung budget galing sa NEP.
03:39O so sino ba ang mag-uutos nun?
03:42Yung mga congressman na kung saan-saan lang?
03:45Siyempre yung leader.
03:46Wala pang bagong pahayag si Romualdes pero dati na niyang itinanggi na may kinalaman siya
03:51sa budget insertion sa 2025 national budget.
03:54Joseph Morong nagwa balita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended