Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Nakalagay na tapos na pero walang nakatayong istruktura sa ilang flood control projects sa Bulacan. Ang proyektong ininspeksyon mismo ng pangulo, wala ring nakatayong kahit ano, kahit fully paid na. May report si Joseph morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakasaad, natapos na, pero walang nakatayong istruktura sa ilang flood control projects sa Bulacan.
00:06Ang proyekto ang ininspeksyon mismo ng Pangulo, wala rin nakatayong kahit ano, kahit pa fully paid na.
00:14My report si Joseph Moro.
00:18Sa barangay Panginay, sa Balagtas, Bulacan, mga tricycle na ang nag-adjust sa hindi humuhupang baha.
00:24Dito po sa gawin na to, medyo mababa pa po, pero sa gawing dulo po mataas po.
00:28Kaya po, tignan nyo yung mga tricycle namin, mga mataas.
00:31Laging bahay, laging malalim ang tubig.
00:33Tinas ko na?
00:34Oo, tinas ko, para makabiyahe.
00:36Sa katabing barangay Wawa, nakababad sa tubig ang mga puntod sa sementeryo, pati na ang maraming bahay tulad ng kay Aling Flory.
00:43Chenta na ako eh!
00:44Baba pa rin.
00:45Aro-arro, baha!
00:47Makakamatay.
00:48Sa Balagtas, makikita ang pinakamahal na flood control program sa probinsya.
00:53Ang napas 200 metrong flood control structure sa barangay San Juan, Wawa at Panginay na nagkakahalaga ng 151.5 milyon pesos.
01:03Sa website ng Sumbong sa Pangulo na kalagay, natapos na ito Setiembre noong isang taon pa.
01:08Pero ng aming puntahan,
01:09Nandito tayo ngayon sa lokasyon na to.
01:12At ang sabi sa atin ng DPWH, ito yung project.
01:15So itong stretch na to, yung yelo, yan.
01:19Ito yung flood control project.
01:22May ilang bahagi na kinukumpuni at tinatambakan ng bato.
01:26Ang dike, pinapalamanan ang mga sako-sakong graba at may patong na simento.
01:30Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga materyales.
01:33Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagang kontotista na Wawa Builders
01:37pero hindi pa sila sumasagot sa cellphone number na nasa kanilang company record.
01:41E dinik na rin tapos na ang flood control project na ininspeksyon ni Pangulong Marcos sa Baliwag.
01:47Wala kaming makita na kahit isang hollow block, isang simento, walang equipment dito.
01:56Lahat itong project na ito, ghost project.
02:01Walang ginawa na trabaho dito.
02:04Maygit 55 million pesos ang proyekto na may sukat na 220 meters.
02:09Fully paid na ang proyekto at may resibo pang ipinakita sa bayad sa contractor na Sims Construction Trading.
02:14Pagkatapos sinabi sa barangay na magpapatulong para ilalagay nila yung project
02:20tapos umatras din. Sinabi after a while di na matutuloy.
02:25So siguro nabayaran na.
02:27Pina-blacklist na ng Pangulo ang Sims Construction Trading.
02:30Maarap din daw sila sa mga kaso kabilang economic sabotage.
02:34Pinahahanap at pinasisiyasat na rin ang iba pa nilang proyekto.
02:38Papanagutin din daw ang lahat ng opisyal na nag-authorize at kapagsabwatan dito.
02:42I'm getting very angry. This is what's happening.
02:46Nandatilag nakaka...
02:47Kung di naman, papano naman?
02:49Pero wala talaga. 220 meters, 55 million.
02:54Completed ang record ng public works.
02:59Walang ginawa. Kahit isang... wala.
03:01Kahit isang araw hindi nagtrabaho. Wala.
03:04Wala kang makita. Puntahan ninyo. Wala kayong makita kahit na ano.
03:07Tuloy-tuloy ang pagbaha dun sa kabila.
03:09So, yes.
03:12Sir.
03:14Nampuntahan ng GMA Integrated News, ang opisina ng Sims Construction Trading,
03:18bahay ito sa isang subdivisyon na walang kahit anong marker o commercial signage.
03:22Kinumpirman na nagpakilalang katiwala na yun nga ang opisina ng Sims.
03:26Pero tumanggi na siyang sumagot ng tanongin namin kung maaari makausap ang may-ari ng Sims.
03:31Ang Bulacan ang may pinakamalaking budget kontrabaha sa buong bansa.
03:35Sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research, sa P547 billion pesos na budget para sa flood control sa buong bansa,
03:43P43.75 billion pesos ang napunta sa Bulacan.
03:47Ang bayan ng Baliwag ang may pinakamaraming bilang at kabuong halaga ng flood control projects.
03:52Pero pangsyam lamang ito sa pinakabahaing probinsya.
03:55Isa sa pinakamahal na proyekto sa Baliwag ang P96.49 million pesos riverbank protection structure
04:02na natapos na rao noon pang September 2024.
04:06Pero nampuntahan namin may mga bahaging bungi pa.
04:09Nagtataka rin ang ilang residente kung bakit nilagyan sila ng flood control project.
04:13Basta po dito sa amin, hindi kami binabaha.
04:16Ever since ha? Dito ka nalaman mo kaya?
04:17Opo. Tatay ko po yung may-ari nito.
04:21Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagan DPWH.
04:24Nagsumite na kahapon ang Bulacan DPWH ng mga dokumento sa Commission on Audit
04:28na nagsasagawa ng fraud audit.
04:31Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:35Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
04:38Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
04:43Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Be the first to comment
Add your comment

Recommended