00:00Nasa dalawang daang estudyante ng Aurora National High School ang nabigyan ng libring check-up sa mata.
00:06Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. kasama si Education Secretary Sonny Angara
00:13ang Yakap, Caravan at Kalinga Medical Mission kahapon.
00:17Layon ng programa ang preventive healthcare, maagang pagtuklas ng sakit at pagpapalakas ng kalusugan ng estudyante at guro.
00:25Ang caravan ay bahagi ng Class Plus o ang Clinics for Learners' Access to School Health Services Plus
00:32kung saan inilalapit ang mga school clinics sa local health system.
00:37Ipinatuto pa dito sa pamamagitan ng PhilHealth Consulta na may libreng konsultasyon, laboratory tests at mga gamon.
00:45Bukod sa mga estudyante, nasa mahigit 350 na mga guro, non-teaching personnel at high school students din
00:52ang nabibenefit sa ibat-ibang medical services gaya ng x-ray, ECG, urinalysis at ultrasound.