00:00Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng pamahalaan na magbigay ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng digital access.
00:09Kaugnay niyan, pinangunahan ng Pangulo ang School Connectivity Drive sa Flora Ilagan High School sa Barangay Piñahan, Quezon City ngayong umaga.
00:18Sa pagtutulungan ng Department of Education at Department of Information and Communications Technology, layo nitong mabigyan daan ng digitalization sa mga eskwelahan, lalo na sa mga malalayong lugar.
00:30Kabilang sa mga hakbang, ang pagpapalakas ng internet connectivity, pagpababuti ng digital infrastructure, at pagpapalawig ng access sa teknolohiya.
00:41Kinausap ni Pangulong Marcos Jr. sa isang video call ang mga guro at estudyante mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA at mga paaralan sa malalayong lugar para maipakita ang inisyatiba ng pamahalaan sa internet connectivity.
00:59Lahat ng inisyatiba ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na pagtitiyak na walang estudyante ang maiiwan at patuloy na pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa.